Ikadawampo't pitong Kabanata

1759 Words
Habang nagmamaneho ako patungo sa condo ni Andrea ay panay naman ang tawag ni Rayven sa akin. "Papunta na nga ako sige na nagmamaneho ako." Sabi ko at saka binabaan siya. "Arhhg." Galit na ungol ko. Ilang minuto pa lang simula ng maibaba ko ang tawag niya tumatawag na naman ulit. Hindi ko na tiningnan ang screen at sinagot na agad. "Papunta na nga ako.Pang ilang tawag mo na 'to? Hindi ako nakatulog kagabi kaya medyo inaantok ako kaya ingat ako sa pagmamaneho. Sige na ibaba ko na baka mabanga pa 'ko." "Itabi mo, pupuntahan kita. Nasaan ka ba? Nakalayo ka na ba?" Napatingin naman ako sa screen ng telepono ko. Hindi iyon boses ni Rayven. Madalas kami na magtawagan kaya kilala ko na ang boses ni Rayven "You did not sleep because of the kiss?" Napairap naman ako ng wala sa oras. Hindi ko na siya sinagot at binabaan ko agad ng tawag. Kung kanina ay panay ang tawag ni Rayven ngayon ay dalawa na sila. "Pag ako nabangga kasalanan niyo talaga." Sabi ko at inilagay na lang sa airplane mode ang cellphone ko para walang makapasok na tawag o kahit mensahe man lang. Agad naman akong bumaba ng makarating ako sa parking lot ng condo ni Andrea. "Talagang pinabaunan pa talaga nila ako ng pagkain." Sabi ko at isinara ang zipper ng bag. Nakita ko kasi ang hindi kilalang bag na nasa kotse ko ng buksan ko ito ay pagkain pala. Habang naglalakad sa patungong elevator ay nagmasid masid naman ako sa paligid sinusubukan kong mahanap ang sasakyan ng mga kaibigan ko, malabo namang mangyari iyon dahil sa lawak ng parking lot at sa dami ng sasakyan. "Anong floor miss?" Tanong ng lalaking nakasabay ko. "5th floor please. Salamat." Siya na ang nagpindot para sa akin. Hindi naman ganun karami ang dala kong gamit. Isang malaking backpack, duffel bag, at maliit na bag na naglalaman ng gamit, damit at pagkain. Nauna akong bumaba sa elevator magdodoorbell pa lang sana ako ng bumukas ang pinto. "Hi." Excited na sabi ni Bon sabay yakap sa akin. "Na miss kita girl." "Na miss din kita." Sagot ko naman sa kaniya. "Sino yan?" Napatingin naman kami sa sumungaw na Christine. "Oh my gosh Avi!" Sabi niya at tumakbo palapit sa akin. Hinawakan niya ang balikat ko at tiningnan ang itsura ko. Saka niyakap ako. "Ilang buwan din tayong hindi nagkita." "Napaka over naman ng reaction, akala mo naman nangibang bansa ako." "Avi!"Nalaman siguro nila na dumating na ako dahil sa lakas ng boses ni Christine. Isa isa ko naman sila na niyakap. "Gosh you look terrible." Sabi sa akin ni Andrea ng maupo kami sa couch. Ang gamit ko ay inilagay ko na sa kwarto na inilaan niya sa akin. Ang pagkain naman ay ibinigay ko kay John para mihanda niya at makain namin. Marami naman yun kaya panigurado ako na kakasya iyon sa amin. "Alam ko naman na nakagawian na ang pagsalubong sa bagong taon pero bakit parang hindi ka man lang talaga natulog?" I badly wanted to sleep but that stupid kiss did not allow me to sleep. "Uso matulog Av." Sabi naman ni Rayven at naupo sa malapit na couch. Itinuro ko naman siya. "Eto naman kung makatawag kanina grabe. Sabi ko naman sayo na papunta na ako pero tawag pa din ng tawag. Palibhasa madaming load." "Akala kasi naman nanggogoodtime ka lang." Sabi naman ni Bon at naglapag ng ilan sa ipinadala sa akin na pagkain. "Madalas ka kasi mag cancel ng plano." Sabi pa ni Christine. Nakatayo siya habang nakapamewang at hawak ang isang baso na may laman na juice. "Sa mga lakad kasi ikaw ang madalas wala." Sabi pa ng kararating lang na John. "Hindi ko na inilabas pa ang finger foods mababaon natin iyon mamaya." Dagdag ni John at naupo sa tabi ni Rayven. "Pasensya busy ang lola niyo." "Bakit nga pala na isipan mo na sumama sa amin ngayon? May masama bang nangyari doon sa bahay ng kaibigan mo?" Hindi naman talaga ganon ka sama. Hindi nga ba? "Wala naman." Sagot ko sa tanong ni Rayven. Never kong sasabihin na nahalikan ako without my consent. Matapos namin na kainin ang ilang mga ipinadala na pagkain ay napagpasyahan na nila na ipagpatuloy ang planong gala. Dalawang sasakyan lang ang dinala. Tig tatalo sa bawat sasakyan. "Saan ako?" Tanong ko sa kanila. "Sakin ka na." Agaran namang sabi ni Rayven. Tinanguan ko lang naman siya. "Double meaning yun?" Tanong naman ni Bon gamit ang isang mapaglarong tining at may mapaglarong ngiti sa labi. Hindi ko maintindihan ang topic nila kaya nauna na lang ako. Mayat maya naman ang pag hikab ko. Inilibot ko ang paningin ko sa parking lot. " May hinahanap ka?" Tanong ni Andrea. "Sasakyan niyo." Sagot ko naman sa kaniya. "Malapit na tayo." Sabi niya kaya sinundan ko naman kung saan siya patungo. Ang iba ay nahuhuli sa paglalakad. Buti na lang at hindi na ako kinausap pa ni Andrea kasi baka kung ano na lang ang maisagot ko dahil sa antok ko. Malayo pa lang ay kita ko na ang sasakyan ni Rayven, nabuhayan naman ako ng loob. Sumandal ako agad sa sasakyan at pumikit. Maselan si Rayven sa kotse niya kaya wala namang problema ang pag sandal ko dito agad, kasi siguradong malinis. "Sa inyo ako sasabay." Napamulat naman ako. "Okay." Sagot ni Rayven kay Andrea na kaharap niya pero nasaakin ang mga tingin. Nagtataka siguro kung bakit ganito ang ayos ko. "Sa harap ka na." Sabi ni Rayven sa akin. Umiling naman ako agad. "Sa likod na ako. Iidlip ako." "Sigurado ka? Mas makakatulog ka ng maayos pag nasa harap ka." "Oo nga." Pag sang-ayon naman ni Andrea kay Rayven. "Sa likod lang talaga ako." Nakaturo pa ako sa back seat. "Buksan mo na." Utos ko kay Rayven. Ayaw ko magmukhang atat pero gustong gusto na talaga ng katawan kong matulog. "Ahh." I felt relieved. Minutes after ko maupo ay mabilis akong nahila ng antok. Nagising na lang ako sa dahil nakaramdam ako ng tapik sa mukha at tawanan. "Wake up, we're here." Kinusot ko naman ang mata ko pagdilat ko ay tumambad sa akin ang mukha ni Andrea. "Andirito na tayo." "Okay." Sagot ko gamit ang kagigising kong boses. Para lang akong pumikit ng ilang minuto tapos pag gising ko andito na kami. Sinigurado ko naman na wala akong muta bago lumabas. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko, doon ko lang napansin na may neck pillow pala akong suot. "Siguradong wala akong neck pillow ng pumasok ako sa sasakyan." Inamoy ko pa ito baka sakali na malaman ko kung kanino iyon. Pero hindi ko ma determina kung kaninong amoy yun kasi humalo na din yung amoy ko. Paglabas ko sa sasakyan ay nasa paanan kami ng burol, hindi naman ganun ka taas ang burol. Nakita ko na nauna na ang iba may dala dala silang basket na may laman na pagkain pagkain at may bitbit din na tela. "Ano ang dadalhin ko?" Tanong ko kay Rayven na siyang naiwan para antayin ako. "Ito na lang ang dalhin mo." Sabi niya sabay bigay sa akin ng box ng pizza. "Ang ganda." Sabi ko ng makaabot ako sa tuktok. Nadatnan ko ang mga kaibigan ko na nag se-set up para sa picnic, kaya pala may tela. Ang iba naman ay kumukuha ng litrato. "Picturan kita." Sabi sa akin ni John ng makita ako. Agad naman akong tumingin sa lens ng camera ng phone at ngumiti. "Sama ako." Tumabi sa akin si Rayven at kinuhan kami ni John ng litrato. "Anong kayo lang? sama kami." Sabi naman ni Bon. Kaya ayun naka selfie mode nalang para magkasama kaming anim sa iisang litrato. Naupo ako sa malaking tela na inilatag nila sa ibabaw ng burol. Mag aalas dos pa lang pero hindi mainit kasi may shade ng mga punong kahoy. "You look so great in this picture Av." Sabi ni John. He's checking the pictures taken kanina, while the others are busy eating. Lumapit naman si Christine para tingnan ng cellphone ni John. "Yeah you look great in this picture, you should post this on your social media. Dinungaw ko naman ang cellphone ni John para tingnan ang sinasabi nila. I look so innocent sa picture holding boxes of pizzas. My smile is so genuine plus ang ganda ang mahaba kong buhok kasi bahagyang inililipad ng hangin, making the picture look great. "Send ko 'to sa 'yo." "Iniwan ko yung phone ko sa car. Send it nalang sa aking e-mail." "Okay, I'll send it to you na." "Sayang wala si Trish." Sabi ni Christine habang nakadungaw pa rin sa Cellphone ni John. Habang papunta ako ay sinundo siya ng asawa niya. They will spend a short family vacation kasama ang pamilya ng asawa niya. Habang nagkukwentuhan ay hindi ko parin mapigilan ang mapahikab. Almost an hour lang kasi ang naging tulog ko kanina. Isinandal ni Rayven ang likod niya sa likod ko. Nakatalikod kasi ako sa kaniya siya rin sa akin. Di hamak na mas mataas siya sa akin kaya ang likod ng ulo ko ay nasa likod na bahagi ng leeg niya lang. Matapos ang ilang minuto ay hindi na ako naging komportable kaya minabuti ko na humiga na lang, malaki naman ang tela. Lumagpas naman ang legs ko pero ayos lang kasi nakapantalon naman ako. I can see the clouds moving. I can hear my friends talking and laughing. Ilang sandali pa ay humiga din si John sa tabi ko. Medyo umangat naman ako para i check ang mga kaibigan ko then I found out na four of my other friends except Rayven ay nakahiga na paikot. They continue on talking while I drifted to sleep. Pagmulat ko ay timambad sa akin ang mukha ni Rayven na nakadungaw sa akin. Hindi na ako dumaan pa sa point na processing talagang diretso na sa pag gising at ayos ng upo. "Sarap ng tulog natin ah, masarap ba gawing unan ang lap ko?" Malokong tanong niya ng maayos na ako sa pag-upo. How did it happen? Nagising na lang ako na naka unan sa lap niya. "Sorry." Sabi ko. Lumubog na ang araw ng magising ako. Nasa harap ng burol, ang iba nakatingin sa city. I can't help to admire the beauty of the city lights. ANG GANDA! "Ikaw ba ang naglagay sa akin kanina ng neck pillow?" Tanong ko ng makalapit ako kay Andrea "Gising ka na pala." Sabi ni Andrea at ng iba ko pang kasama. "It's me." Sabi ni Rayven at naupo sa tabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD