Ikadawampo't anim na Kabanata

1793 Words
Naramdaman ko ang biglaang pag-init ng aking mukha. Itinulak ko siya with all of my strength and slap him. "Baliw ka ba?" Singhal ko sa kanya. How dare he steal my first kiss? Good thing at hindi nagising si Shen. "Av, I'm sorry." Para siyang tinakasan ng dugo sa katawan. His lips turned pale but his cheek is so red because of the slap. "Bakit mo ginawa yun?" "I just can't help it. I like you so much." I was fuming mad. Hindi porque gusto niya ako ay may karapatan na siyang halikan ako! Inayos ko ang takas na buhok ko at pinunasan ang labi ko gamit ang kamay ko. I couldn't face him any longer wala din naman akong masabi sa pa. I am out of words but one thing is for sure he broke my trust. Sapilitan kong ginising si Shen para makauwi na. Good thing Kristoff did not follow kasi kung hindi baka kung anong masabi ko sa kaniya sa harap ni Shen. Nauna akong lumabas ng bakuran nila ni hindi na ako nakapagpaalam pa. Hinintay ko nalang si Shen sa salas nila. "You look angry." I was sitting on their sofa thinking deeply when I snapped back to reality dahil nagsalita si Shen. I forced myself to give her a smile. Madali lang naman yun I was used to it. "I'm probably just sleepy." Sagot ko sa kaniya. Buti na lang antok na antok siya kaya hindi na niya ako nagawang tanungin pa. Naligo ako. Habang kaharap ko ang repleksyon ko sa salamin, ay nagawi ang tingin ko sa repleksyon sa aking labi kaya nagbalik ang alaala ko sa nangyari kanina. Pinunasan ko ang labi ko gamit ang likod ng kamay ko as if maaalis noon ang katotohanan na nahalikan ako. I badly want to shout my frustration pero pinipigilan ko lang ang sarili ko kasi hindi ko pamamahay ito at ayaw kong makabulabog ng tao. Tiningnan ko ang natutulog at humihilik na Shen sa tabi ko. Naiingit ako, umuwi ako para matulog pero sa huli ay hindi ko man lang magawang maidlip kahit saglit. Kinabukasan lumabas lang ako para kumain. Good thing that I have an alibi. I told Shen na kailangan kong maghabol ng kabanata, good thing she buy it. "You really want to stay here?" Napatingin naman ako sa kakapasok lang na Shen. Hindi siguro ito magtatagal kasi nakatayo lang siya malapit sa pintuan. "Kristoff's downstairs. You don't want to hang out?" Mabilis naman ako na umiling. I have to give her another smile. "Busy lang talaga." She did not ask further, tumango lang siya at lumabas na. Nakaharap ako sa laptop ko pero I couldn't even write a paragraph. Tumunog naman ang cellphone ko. I am sure na kapag si Kristoff to hindi ko talaga sasagutin. To my relief it as Rayven. "It's the first day of the year, gala naman tayo with friends. I'll fetch you kahit nasaang lupalop ka pa." No "Hi" nor "hello" talagang sinabi na agad ni Rayven kung ano ang dahilan ng pagtawag niya. "Are you with the girls?" I asked. "Uhum." "Pabigay naman sa kanila, pakausap ako." "Okay, sino ba sa kanila ang gusto mong makausap?" "Sino ba yung andiyan?" "Ikaw lang ang wala." Sa paraan ng pagsasalita niya alam ko na agad na may bahid iyon ng pangkokonsensya. I could not choose kung kanino ako makikitira. "Loudspeaker mo na nga lang." Kung sino sa kanila ang gusto akong kupkupin doon na lang siguro ako. "You're on loudspeaker na." Sabi ni Kristoff sa kabilang linya. "Happy New year." I forced myself to sound as happy as I can. Kasi masaya lang naman ang newyear ko for a couple of hours. "Happy new year." Bati naman nila sa akin pabalik. Ang matinis na boses ni John ang talagang nangibabaw sa lahat. "Hang-out with us we'll fetch you." Sabi ni Christine. "Yeah I will." I heard them shout sa kabilang linya. "Pero I need a place to stay in. Alam niyo naman siguro na hindi ako makauwi sa amin. Or kung may alam kayo na murang bed space doon na lang ako for a week lang naman." Hindi naman sila magkamayaw sa pagsagot kaya wala akong na intindihan. "Wait, wait guys hindi ko kayo maintindihan, isa -isa lang." "You can stay in my place." Kung hindi ako nagkakamali ay boses iyon ni Andrea. "You can stay in my place." Sabi naman ng iba pa. "No. She will stay in my place." Narinig ko naman na sabi ni Rayven sa iba. "The only way to settle this is to let Avi decide kung saan niya gusto mag stay." "I suggest Av, sa place ko nalang, sa condo ko na kasi ako uuwi simula mamaya. Isa pa I am a girl kaya no issue will arise." "Pwede din namang sa amin. Wala namang issue yun." Sagot naman ni Rayven. "You know what, I agree with Andrea. It is the best option Av." Then I guess I have a place to stay in. "Then I'll live with Andrea. It will be just for a week." I did not hear any objections from the other line so I guess it's settled then. "With that mag hihintay kami sayo sa Condo ko." Alam ko kung nasaan ang Condo ni Andrea good thing na malapit lang. Hindi ganon kahaba ang byahe mahirap na hindi pa naman ako nakatulog. I packed my things, nag-ayos, at pagkatapos ko ay saka ako lumabas para makapagpaalam. Nagdalawang isip naman ako kung baba ako kasi nasa itaas pa man ako ay nakita ko na na nasa ibaba si Kristoff. "Bakit ka kakabahan? eh hindi naman ikaw ang may ginawang hindi maganda." Sabi ko sa sarili ko. I was convining myself not to be shy or feel awkward. After moment of arguing with myself ay napagpasyahan ko ng bumaba. Hindi pa man ako tuluyang nakakababa ay napatayo na si Kristoff dahilan ng pagbaling ni Shen at Nash sa gawi ko. Oh... so andirito pala si Nash. "Av." Sabi ni Kristoff habang inaayos ang damit niya. "Good morning." Sabi ko naman sa kanya. Halata naman ang pagkagulat niya. I cannot let other people know na nilalayuan ko siya. As much as possible I want to show to everyone that we are in good terms. "Good morning Nash." Bati ko naman at tinanguan niya naman ako. "Shen, sina uncle at auntie?" Tanong ko sa kaniya. "Nasa kusina." Pumunta naman ako agad sa kusina. "Uncle, auntie." Tawag ko sa kanila. Nang makita nila ako ay ginawaran naman nila ako ng ngiti. "Gusto ko ho sanang ipaalam na aalis na po ako." "Bakit?" "I know it is sudden po, but yung mga kaibigan ko ho gusto akong makasama. Parati kasi akong umaayaw sa tuwing nagaaya sila, kaya gusto ko ho sana na makabawi. I think this is the right time na bumawi sa kanila po." "Kung ano yung gusto, sige, basta ba mag-iingat ka." "Thank you po." "Bibisita ka ulit huh." Sabi naman ni auntie. "Opo." Sabi ko naman even though hindi ko alam kung kailan o kung gugustuhin ko pa bang bumalik. Masaya kasama ang family ni Shen, they are so very warm and welcoming. Pero what's stopping me from coming here is the fact that the house of Kristoff is napakalapit lang. "Biglaan naman yata." Sabi ni Shen habang nasa kwarto kami, kukunin ko na ng gamit ko. Hinarap ko naman siya. "Biglaang lakad lang din kasi." I said in a very apologetic tone. "Pero hindi ka naman aalis diba kasi galit ka sa akin?" Nagulat naman ako sa tanong niya. I shook my head at hinawakan ang balikat niya. "Hindi. Bakit mo naman naisip 'yan?" "I noticed lang na you seemed distant. Kagabi na una ka pa sa pag-uwi." I have to come up with a good alibi again. "Call of nature." Sabi ko naman agad. At mukhang naniwala naman siya sa akin. Nawala naman ang ngiti sa labi ko ng pagbukas ni Shen ay tumambad sa amin si Kristoff. "Can we talk." Tanong niya agad. "Sure." Sagot ko naman habang nakangiti. I have to fake my smile again kasi kaharap namin si Shen. "Ilalagay ko nalang sa kotse mo." Sabi ni Shen at saka kinuha niya ang bag na hawak ko. "Thank you." Iniabot ko din naman sa kaniya ang susi. Nang wala na si Shen sa harap namin ay nawala naman ang ngiti sa labi ko. Tinaasan ko ng kilay si Kristoff. "I'm sorry." Panimula niya. "Then leave me alone." Tinalikuran ko siya at aalis na sana ng hawakan niya ang palapulsuhan ko na agad ko namang binawi sa kaniya. "I know may kasalanan ako-" "Buti alam mo. Kung nagsisisi ka talaga sa ginawa mo layuan mo ako." "But I like you." Napairap naman ako sa sinabi niya. "Well thank you. I like you too, but as a friend. NOON!" Napayuko naman siya. "Masaya akong naging kaibigan kita, pero you crossed the line. Kapag kinulit mo pa ulit ako baka makalimutan ko na naging kaibigan kita." Nauna na aking bumaba. Nakita ko naman na naghihintay na ang pamilya ni Shen sa patio. They are going to see me out. "Mag-ingat ka. See you at school." Sabi ni Shen habang naglalakad kami papunta sa nakaparada kong kotse. Nag bow naman ako sa parents ni Shen to show respect pero niyakap ako ni auntie at uncle talaga. Nagpaalam din ako sa pamilya ng kuya ni Shen. Niyakap ko naman ang bata, ma mimiss ko ang kakulitan nito. Tinapik naman ni Nash ang balikat ko. "Thank you, thank you talaga." Niyakap ko si Shen ng mahigpit, dahil sa offer niya naging maganda ang bakasyon ko. I was very grateful sa kanya. "Bye." Bulong ko sa kanya at saka ako bumitiw sa yakap. Papasok na sana ako sa kotse ng magsalita si Kristoff. "Nasaan na yung yakap ko, kaibigan mo din ako." Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng kilay ko dahil sa sinabi niya. Kahit na labag man sa kalooban ko ay niyakap ko siya. It was supposed to be quick hug pero hindi niya ako agad pinakawalan. "Seryoso ako sayo, lalayuan mo ako panigurado pero hahabulin pa rin kita. I like you." Bulong niya pinipilit ko naman na makawala pero malakas talaga siya. "No, I love you." Bawi niya sa huling sinabi niya kanina. Saka niya lang ako pinakawalan. Nawala ang ngiti sa kaniyang mga mukha at seryoso lang siyang nakatingin. Ang mga kasama naman namin ay sa amin nakatuon ang atensyon. Kaya I awkwardly laugh. "Ano ka ba magkikita pa naman tayo sa school." Pabiro kong sabi sa kaniya. "Ang arte mo makayakap para namang mag a abroad si Avi." Sabi naman ni Shen at humalakhak pa kaya sinabayan ko siya. Buti na lang at nakatakas naman ako sa nakakailang na sitwasyon na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD