Ikadawampo't limang Kabanata

2535 Words
"You can cry." Boses pa lang kilala ko na agad. Hinagod niya buhok ko kaya lalo lang akong naiyak. Para akong bata na na umiiyak sa dibdib niya. "Nagtatampo pa ako sayo. Hindi mo ako pinansin kahapon tapos todo entertain ka pa kay Miguel. Tapos ngayon madaratnan pa kita na umiiyak." Itinulak ko siya ng bahagya pero hindi niya ako pinakawalan. Somehow his hug comforted me. Nang medyo okay na ako ay pinunasan ko ang luha ko habang yakap yakap niya pa rin ako. "I'm fine." Sabi ko sa kaniya at tinapik ang baywang niya para pakawalan na niya ako mula sa pagkakayakap niya. Pinakawalan naman niya ako at sabay iniabot ang isang paperbag. Tiningnan ko lang siya. "Kunin mo na." Sabi niya sabay mas inilapit pa sa akin ang regalo. "Merry Christmas." Sabi pa niya bago ko tinanggap iyon mula sa kaniya. "Nagtatampo pa rin ako sayo." Pahabol na salita niya at inirapan pa ako. Nginitian ko naman siya. "Punasan mo nga yang mukha mo, dugyot." Sabi niya at iniabot ang isang pamilyar na panyo. Tinanggap ko naman ito at sinuri kung tama ba akong akin nga iyon. Akin nga, ito nga yung panyo na nakaligtaan kong kunin sa kaniya. Inioffer ko ito noong araw na kumaripas siya ng takbo para hanapin ako. "Panyo ko 'to." Sabi ko at tiningnan siya. Nakatingin din siya sa akin. Binigyan ko naman siya ng isang matamis na ngiti. "Huwag mo akong ngitian nakita kitang umiiyak kanina." Ang nakangiti kong ekspresyon ay napalitan ng simangot. "Oii ano 'yan huh?" Sumulpot naman sa harap namin ang nakangiting si Shen. Agad ko namang ipinakita ang malaki kong ngiti. "He gifted me." Sabi ko kay Shen sabay pakita ng paper bag. Proud na proud. "Thank you." Sabi ko kay Kristoff. "Merry Christmas." At ginawaran siya ng ngiti. "Tss." Taning sagot niya lang at saka nag-iwas ngntingin. Naiinis pa rin ba ito? Hindi ko naman na mapigilan ang matawa ng maalala ang sinabi sa akin kanina ni Kristoff na naiinis siya sa akin kasi medyo malapit kami ni Miguel. "Ano 'yan bakit may patawa tawa? May nangyari ba sa pagitan ninyong dalawa habang wala ako huh?" Paratang ni Shen. Iwinagayway ko naman ang kamay ko sa harap ng mukha ni Shen. "Hindi ah may naalala lang ako." Kita ko naman na hindi naniniwala sa akin si Shen kasi palihim niya na siniko si Kristoff. Pinagkibitan niya lang ng balikat si Shen. Isang malisyosang tingin naman ang ipinukol niya sa aming dalawa. "Tumigil ka nga." Sabi naman sa kaniya ni Kristoff. "Bakit? Wala naman akong sinasabi ah guilty ka masyado." Hindi naman nagsalita si Kristoff at naglakad lang paalis. Iniwan niya kaming dalawa ni Shen. Maloko pa din ang tingin at mga ngiti sa akin ni Shen pero nawala din kalaunan. "I'll just get us a food." Sabi ni Shen at naglakad papasok sa tahanan nila. Umupo naman ako sa upuan kanina inilagay ko ang regalo ni Kristoff sa ibabaw bg mesa. I was just staring at his gift for me. Nakakahiya dahil hindi pa naman ako nakapagbigay sa kaniya ng regalo. Habang nakatingin ako sa regalo niya ay naalala ko naman ang nangyari kanina. Itinago ko ang mukha ko sa mga palad ko. "Bakit ba kasi kailangan mo pang umiyak." Sabi ko sa sarili ko. Inayos ko naman agad ang sarili. That's fine. hindi naman siguro niya ipagsasabi sa iba. "Are you fine?" Sabi ng kababalik lang na Shen. Inilagay niya ang dalawang platito na naglalaman ng mango float sa mesa sa harap namin, tig-iisa kami. Umupo naman siya sa tabi ko. "Sa itsura mo kanina parang may naalala kang nakakahiyang pangyayari ah." "Huh?" Tanong ko sa kaniya kahit na rinig ko naman ang sinabi niya kanina. "Something did happen kanina no?" I just shooked my head at her, pero based on her facial expression halatang hindi siya naniniwala. "Did Kristoff said something ba?" Was he supposed to say something ba? "He said something." Na alerto naman siya sa sagot ko kaya naapayos siya ng upo. " What?" "Uhm, Merry Christmas." Sabi ko naman leaving other details behind. Her excited expression changed into dismayed. Naiiling na binaling niya na lang ang atensyon sa pagkain sa harap. Bago siya sumubo ay narinig ko na may binulong siya pero hindi ko na narinig. Napabaling nalang ang atensyon namin sa entablado ng magsimula ng magpatugtog si Kristoff ng kaniyang electric guitar. It's so unfair, I know na magandang lalaki siya but he looked more handsome while playing the electric guitar. I've known him as playful but he is so serious while playing on stage. Natapos na lang ang kanta pero wala talagang dumapo ni isang ngiti sa labi niya. "Av, maiwan na kita. As much as I want to stay awake and hang out with you pero feeling ko malalaglag na 'iyong mata ko dahil sa antok." Paalam sa akin ni Shen. Tinanguan ko lang naman siya. "Okay ka lang ba na mag-isa dito?" Tanong niya sa akin. "Oo naman, don't worry about me. Sige na, Merry Christmas and goodnight." Sabi ko sa kaniya tumayo naman siya para ibeso ako. "Merry Christmas." Sabi niya bago umalis dala ang pinagkainan niya. Marami-rami pa ding tao sa bakuran nila, pero hindi sing dami ng kanina. Nang naiwan akong mag-isa ay itinuon ko nalang ang pansin ko sa kumakanta. She is so good, ang ganda ng boses niya at ang ganda pa niya. Kaya niyang gawing malumanay ang boses niya, kaya niya din naman itong palalimin. Matapos niyang kumanta ay napapalakpak naman ako ng bahagya. Napansin ko naman ang isang lalaki na umakyat sa stage ngunit hindi ko na iyon napagtuonan pa ng pansin ng lapitan ako ni uncle and auntie para batiin. "Av, okay ka lang ba dito?" Tumayo ako para batiin sila. "Merry Christmas po. Opo okay lang naman ako dito naaliw naman ako sa mga ipinapatugtog ng banda." "Merry Christmas. " Bati nila pareho sa akin. Hinaplos namn ni auntie ang balikat ko habang si uncle naman ay nakatayo sa tabi mi tita at ginawaran lang ako ng ngiti. "You should eat, maramimg pagkain sa loob." Tumango lang naman ako. "Iho." Napabaling naman ako sa binati ni uncle. Nang makita kung sino iyon ay agad naman akong napabaling sa entablado para makita kung tapos na ba, ngunit hindi pa naman. Pero iba na ang may hawak ng electric guitar na tinutugtog ni Kristoff kanina yung lalaki na napansin kong na paakyat kanina. "Uncle, auntie Merry Christmas." Bati naman ni Kristoff sa magulang ni Shen ng tuluyan na siyang makalapit. "Hindi ko napansin na dumating pala si Gerald." "Kanina pa dumating uncle, pinilit ko na talaga siyang palitan ako kasi pagod na din ako, kagabi pa ako tumutugtog." Oh so yung Gerald pala ay yung pumalit sa kaniya. "Sige, kung hindi ka pa matutulog samahan mo na muna si Avi, si Shen natulog na hindi na kayang labanan ang antok niya." Napabaling naman ako kay auntie dahil sa sinabi niya. Ayos lang naman ako, kaya ko namang mag isa. "Kung sakaling magutom kayo may pagkain sa loob." Sabi ni auntie bago sila tuluyang umalis ni uncle. Naupo naman ako uli sa upuan. Naupo din si Kristoff sa tabi ko kung saan nakapwesto si Shen kanina. May banda naman na tumutogtog, pero bakit ganon parang napakatahimik? There is an awkward silence sa pagitan namin ni Kristoff. Nahihiya kasi akong makipagusap sa kaniya dahil sa nangyari kanina. "Hindi mo pa binubuksan." Pagbasag niya sa katahimikan na ilang minutong namamayani sa pagitan naming dalawa. Tinutukoy niya ang regalong nakapatong sa mesa. Kinuha ko naman iyon para buksan. "Salamat at pasensya ka na kung wala akong naihandang regalo para sayo." Sabi ko habang binubukasan ang regalo niya sa akin. "Ayos lang hindi naman na ako nag-eexcpect na bibigyan mo din ako." Nakonsensya naman ako sa sinabi niya. "Huwag mo akong tingnan ng ganyan napakapangit mo." Sabi niya kaya binigyan ko siya ng isang masamang tingin pero kalaunan ay napangiti na rin. "Woah." Napatakip ako ng bibig ko at tiningnan ko siya. Hindi ako makapaniwala na binili niya ako ng libro na matagal ko nang gusto. Sa tuwa ko hindi ko na mapigilan na yakapin siya. "Salamat, salamat talaga." Agad naman akong bumitiw at hinaplos ang libro na bagong bago pa. Nagmumukha na siguro akong tangga sa harap niya, kasi amaze na amaze ako at masayang masaya. "Merry Christmas." Sabi niya. "Merry Christmas." Bati ko naman sa kaniya pabalik habang yakap yakap ang libro na bigay niya pero ingat pa rin ako dahil baka ma damage ang libro dahil sa yakap ko. "Nagyon ngiting ngiti ka kanina ang pangit mo habang nagpipigil ka ng iyak." Pinapaalala pa talaga. "Ngayon ngingiti ngiti ka na hindi ka na ba nagtatampo dahil sa medyo naging malapit lang kami ni Miguel?" Nawala naman ang ngiti sa labi niya. Natawa naman ako, anong akala niya porque dinamayan niya ako kanina at niregaluhan niya ako ay hindi ko na siya papatulan? Pwes nagkakamali siya. Ang ginawa lang namin ay mag-asaran, mag-usap at kumain dahil pinadalhan na talaga kami ni auntie ng pagkain. Inalok pa nga kami ni uncle ng alcoholic drink pero hinindian lang namin pareho. Madaling-araw na ng naisipan na naming matulog. Nagtataka nga ako kung hindi ba ito hinahanap sa kanila, kasi buong araw, gabi at madaling araw yata ang inilagi niya sa bahay nila Shen. Uuwi lang siguro para matulog, kumain at maglinis ng katawan. "Sleepwell." Sabi niya na tinanguan ko lang. Sa mga sumunod na araw walang palya parati siyang nakatambay sa bahay nila Shen. Kahit na minsan ay sila sila lang ang nag-uusap kasi busy din ako sa pagsususlat. Madalas naman ang tawag ni Troy sa akin. Halos gabi gabi din ang pagiingay ng mga kaibigan ko sa group chat namin. Nakikibalita kung ano ang ganap ganap namin sa buhay buhay. "Ilang araw na lang at babalik na naman tayo sa pag-aaral, bakit parang ang bilis naman?" Sabi pa ni Shen. "Ganon daw talaga kapag masya, mabilis ang takbo mg oras." Singit naman ng kadarating lang na Kristoff. Tiningala ko naman siya ng tumigil siya sa harap ko. "Usog!" Utos niya sa akin. Napatingin naman ako sa paligid ko. "Kay daming bakanteng upuan bakit dito ka makikisiksik pang isahan lang to." "Pabasa ako." Sabi niya habang nakatingin sa librong ineregalo niya sa akin na kabubuklat ko lang. "Haist." Lumipat naman ako ng upuan doon sa mas malawak para magkasya kaming dalwa. "Nako Kristoff kapag nagbabasa, sa libro ang tingin hindi sa mukha ni Avi." Napabaling naman ako sa nagsalitang si Shen. "Huwag kang maniwala diyan." Nilingon ko naman ang nakadekwatro at prenteng nakaupo na Kristoff. "Next page na ang tagal mo namang magbasa." Sabi niya at siya na mismo ang naglipat ng pahina. Agad niya namang ibinalik ang kamay niya sa pagkakapatong sa sandalan ng couch. Kung pagmamasdan sa malayo mukha siyang naka akbay sa akin. "Aray." Sabi niya hindi ko mapigilang hindi siya sikuhin ng makitang may konting gusot ang libro ko dahil sa paglilipat niya ng pahina kanina. "Napaka-arte. Bigay ko naman 'yan sayo." Napahugot ako ng hininga sa sinabi niya. At binigyan ng mapukol na tingin. "Joke lang." Agad niya namang sabi. "Sige na magbasa ka na nga lang." Sabi niya at peke akong nginitian. Iniharap niya pa talaga ang ulo ko paharap sa librong binabasa ko. "Hala ka Kristoff." Pananakot naman ni Shen kay Kristoff. "Biro lang." Pag-uulit niya. Kagaya ng mga nagdaang araw ay araw-araw ang pagbisita ni Rayven sa bahay nila Shen. "HAPPY NEW YEAR." Sabay sabay na sigaw namin ng pumatak ang alas dose sa orasan. Umilaw naman ang kalangitan dahil sa fireworks. "Happy New Year." Bati sa akin ng katabi kong si Kristoff. Napapagitnaan niya ako at ni Shen sa magkabilang gilid naman nila ay ang kaniya kaniya nilang mga pamilya. "Happy new year." Bati ko din naman sa kaniya. Pero hindi ko magawang tingnan siya dahil sa naaaliw ako sa magandang fireworks. "Kahit na malabo man, hinihiling ko pa rin na sana tumangkad ka pa." Kasabay ng pagkakasabi niya non ay ang pag patong niya naman ng kamay niya sa ulo ko. Binalingan ko siya at bingyan ng isang masamang tingin. Tinagilid ko naman ang ulo ko para matanggal ang pagkakapatong ng kamay niya. Nahulog nga pero sinadya niya naman na mapunta sa balikat ko. Nakaakbay na tuloy siya sa akin ngayon. Pilit ko naman na ginagalaw ang balikat ko pero hindi pa rin talaga niya ibinababa nag kamay niya na naka akbay sa akin. "Tanggalin mo yan!" Galit na bulong ko sa kaniya. Lumapit naman siya sa akin para bulongan din ako. "Ang pangit mo na ngang umiyak ang pangit mo pang magalit. Ngumiti ka nga." Pagkatapos niyang sabihin ang huling kataga ay inilagay niya ang dalawang daliri niya sa gilid ng labi niya para mag form into smile pero ang pangit ng kinalabasan kaya natawa ako. Nakita ko rin naman ang pag buo ng ngiti sa labi niya. Two thirty na, ramdam ko na ang lamig ng paligid. Tiningnan ko naman ang nakatulog na Shen sa katabing upuan ko. Nasa bakuran kami ng bahay nila Kristoff, wala na ang banda kaya dito na napagpasyahan ng pamilya ni Shen at Kristoff na mag celebrate ng new year. Malaki ang bakuran nila pero tatlo lang kami na nasa labas. Ang mga nakakatanda ay pinili na mag celebrate sa loob. Napatingala naman ako sa langit na madilim pa rin pero marami namang bituin. Sa mga ganitong oras panigurado akong nasa labas din ang pamilya ko. Nakatingin din kaya sila sa bituin kagaya ko? "Anong iniisip mo?" Napabaling naman ako sa kararating lang na Kristoff na may dalang pagkain. Sayang naman yung effort niya. Tumayo naman ako mula sa pagkakaupo. "Wala naman" Nilingon ko naman si Shen. "Nakatulog na si Shen." Nilingon ko naman si Kristoff para sana magpaalam na uuwi na kami "Uu-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng paglingon ko kay Kristoff ay napakalapit ng mukha niya sa akin. Napa-atras naman ako at napahawak sa malapit na lamesa. Nakita ko ang pagnigiti niya at umayos agad siya ng tayo. Paglingon ko ay inilagay niya lang pala ang dala niyang pagkain kanina sa mesa na nasa likuran ko. "Lasing ka ba?" Hindi ko mapigilang tanongin siya. Sa lapit niya kanina ay napansin ko kasi ang pamumula ng pisnge niya. "Pina inom lang ako ni daddy pero hindi naman ako lasing." Tumango naman ako sa kaniya. "Pasesnya ka na uuwi-" Hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko mg magsalita siya ulit. "Yung buhok mo kasi nakaharang sa mukha mo. Nadidistract ako." Bago ko pa man mailagay ang takas na buhok ko sa likod ng tenga ko ay naunahan na niya ako. "Thank you." Sabi ko sa kaniya at humakbang paatras. Nabitin naman ang kamay niya sa ere. Bago pa man ako makahakbang pang ulit ay nagulat ako kasi hinapit niya ang bewang ko papalapit sa kaniya. Ang kamay na ginamit niya sa pag-aayos ng takas na buhok ko kanina ay pinaglandas niya mula sa pisnge ko hanggang sa likod ng tenga ko. Hindi na ako nakagalaw pa dahil sa pagkabigla. "I like you Av." Sabi niya at hindi ko inasahan ang sumunod niyang ginawa. He leaned and kiss me on the LIPS!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD