"Sino ang members ng band?" Tanong ko kay Shen.
"Kuya ko ang drummer"
"Ako naman ang sa electric guitar and the rest of the member ay taga dito lang din naman." Naputol ang sagot ni Shen sa akin dahil sa biglaang pagsulpot ni Kristoff.
Tapos na ba ito sa pagtulong sa pag-aayos?
"Your neighborhood was so cool." Sabi ko kay Shen.
"Oo naman, so the house was open for the whole neighborhood if may banda. They are free to join us." Sabi ni Shen.
"Do, you mean these people who are helping to set-up are the whole thing are the people from the neighborhood? And they are doing it for free?"
Shen nooded. It surprised me I thought binayaran nila ito. Pero bakit dito sa bakuran nila? Sure thing their bakuran is big but the court is way bigger.
The set-up was almost done by the time the sun has set. Ang kapatid ni Shen ay nagpunta sa naka set-up na stage at sinumulan na magpatugtog ng drums. He was so good at it.
Minutes later Kristoff excused himself. "Akyat na muna ako, maiwan ko na muna kayo."
Habang nasa patio ako at nakatingin sa ginagawa nila ay na aamaze pa din ako, lalo na kay Kristoff. Never na pumasok sa utak ko na marunong siya ng electric guitar, not just that, but he is also a member.
Malapit na silang ma kompleto, isa na lang ang kulang, ang vocalist na lang. Minutes had past pero wala pa rin ang vocalist nila. But still I was patiently waiting. Hanggang sa hindi na talaga nila napigilan na mag-usap usap sa stage. We are too far from them to hear what they are talking about. Nakita ko nalang ang pagturo sa akin ni kristoff at sabay ma pagbaling nila sa banda namin.
Napaturo naman ako sa sarili ko at napabaling sa paligid ko. Ang nakita ko lang ay si Shen na naka harap sa telepono niya at ang fries na inihanda ng mama niya.
Nang ibinalik ko naman ang tingin ko sa kanila ay nakita ko ang pagtanggal ni Kristoff sa strap ng guitar niya at inilagay iyon sa stand, bumaba ng stage at naglakad papalapit sa amin.
"Hindi ba kayo matutuloy?" Sabi ko sa kaniya referring to the band. Kumuha ako ng fries at isinubo ito.
"Wala pala yung vocalist." Sabi niya while standing in front of me. Nakita ko naman ang pagtaas ng tingin ni Shen.
"So kung pwede ikaw na lang ang pumalit." Agad naman akong umiling sa sinabi ni Kristoff.
"We had heard you sing noong year-end party and you are so good kaya please. " Pagpupumilit pa niya.
"Oh my gosh, oo nga. You should sing Av. You sang during the year-end party in front of many people, and in front of this guy" Now it's time for Shen to convince me. But si Shen naman na hinindian ko rin.
Pagkatapos ng ilang minutong pangungumbinsi at pangkokonsensya ay pumayag na din ako.
Iginiya ako ni Kristoff pa punta sa stage.
"This is Avi, our visitor, and a friend of my sister." Pakilala sa akin ng kuya ni Shen sa mga kasamahan niya.
"It's nice to finally know your name. Nakikita lang kita lang kita na palabas labas minsan." Sabi ng isang lalaki na hawak ko ang kamay ko dahil nakipagkamay ako. Dumapo naman ang tingin ko sa kamay kong hindi pa niya binibitawan I awkwardly smile ganon din siya.
"By the way I am Miguel." Sabi niya saka binitawan ang kamay ko at nagkamot ng batok niya.
"Nice to meet you."
Matapos naman magpakilala ng iba ay nagsimula na kami sa session. Nang nagsimula kami ay wala pang mga tao but after 1 song may nakikita na akong pumapasok to jam with us.
We halt ng para kumain. I got praise by the band members and Shen's family while eating. My heart felt full. Matapos kumain ay pinagpatuloy namin ang kantahan session, good thing na matagal matulog ang neighborhood nila kasi they are busy preparing for the noche buena.
Later that night ay nagkausap naman kami ni Miguel na kaming dalawa lang. Just a friendly talk.
Disperas na ng pasko, nagising ako dahil sa ingay sa labas ng bahay, nang tingnan ko mula sa bintana ay nakita ko ang mga tao na nag se-set-up ng upuan. It is a foldable wooden chair and tables set-up in the yard.
Sa umaga habang tumutulong ako sa kusina ay ipinagpaalam ako ni Kristoff kasi tutugtog na daw ang banda at hindi pa rin nakakauwi ang vocalist kaya ako muna.
"O sige, walang problema." Sagot nila Auntie and uncle kay Kristoff.
"Anong kanta ba?" Tanong ko sa kaniya.
" Your choice."
"Kailangan ba christmas?"
"Hindi naman siguro kailangan."
Napansin ko na naging malimit ang pagsagot sa akin ni Kristoff simula pa kagabi ni hindi ko alam kung bakit. Is he having a bad day? He didn't even greet me a good morning na araw-araw niyang ginagawa. Ipinagkibit ko nalang iyon ng balkat at tahimik na sumunod sa kaniya sa entablado, nang makarating kami ay binati naman ako agad ng mga miyembro ng banda.
Hindi pa man nagsisimula ay may mga nanonood na hindi kagaya kahapon na nagsimula kami na walang audience.
"Huling kanta na natin to pagkatapos nito pahinga na."
Nagsimula na sana ang paghawat ng kuya ni shen sa kaniyang drums ng biglang may sumigaw.
"Pasko na sinta ko." Request ng isang manonood.
"Broken hearted pa rin to." Sabi ng Keyboardist namin, kilala siguro kung sino yung sumigaw.
Nang simulan kong kantahin ang unang verse nakita ko naman na talagang all eyes and ears talaga na nakikinig ang nag request ng kanta na to.
Nang matapos ako sa pag kanta ng verse two ay nakita ko ang pagpalis niya ng luha na lumandas sa pisnge niya.
Sinabayan naman ako ni Kristoff sa pagkanta sa chorus. Ang kaninang nagpipigil ng luha ay tuluyan na talagang umiyak. Naiiyak naman ako dahil naawa ako sa kaniya parang ang hirap hirap ng pinagdaraanan niya.
Sa huli ay nilapitan naman siya ng mga kasamahan niya para i comfort. Medyo nag c***k pa ang boses ko kanina gawa ng pagpipigil ko na huwag din maiyak.
"Bakit parang ang lungkot lungkot niya?" Tanong ko sa kasamahan ko.
"Namatay yung anak niya ilang taon na rin, tapos iniwanan pa siya ng asawa niya sumama sa iba. Kaya ngayon nag-iisa na siya." Malungkot na sagot sa akin ni Miguel.
"Yung magulang niya?" Tanong ko.
"Itinakwil siya kasi nag-anak ng maaga." Nalungkot naman ako para sa kaniya. Patuloy lang siya sa pagpunas ng kaniyang luha samantalang ako naman ay patuloy lang na nakatingin sa kaniya, naaawa.
Napansin ko naman ang titig sa akin ni Kristoff. Nang balingan ko siya ay umiwas naman siya ng tingin at nagmartsa pababa. May problema ba siya?
Kita naman sa mukha ng mga kasama ko na nagulat din sila sa inakto ni Kristoff.
Pagsapit ng hapon ay sakto namang dumating din ang vocalist nila, babae din pala. Natagalan lang siya sa pag-uwi kasi may inasikaso daw na importante.
Kinagabihan ay nagsimba kami bilang pagsalubong ng pasko. Nakauwi naman kami agad kasi malapit lang naman ang simabahan. Pagpasok namin ay maraming tao sa bakuran nila Shen. May mga pagkain din na nakahanda sa gilid dala yata ng mga kapit bahay. Maliwanag din naman ang paligid dahil sa may ilaw. Ilang minuto na lang at magpapasko na kaya panigurado na nakarating na sa pamilya ko ang padala kong regalo.
Pumasok ako sa loob para tahimik kong maka usap si mama. Unang ring pa lang ay binabaan na ako. Sinubukan ko naman ulit pero ganon pa rin. Minabuti ko nalang na i text siya.
"Ma, ilang minuto na lang at magpapasko na. Sayang at hindi ko kayo makasama, pero magpadala po ako ng regalo sana magustohan niyo. I love you."
Yan ang laman ng mensahe ko para sa kaniya.
Napabaling naman ako sa bintana ng marinig ang kanta.
Bakit naman ganiyan? Dapat masaya kasi ilang minuto nalang magpapasko na. Paano ba naman kasi ialng oras na lang pasko na tapos yung tugtugan Sana Nagyong Pasko.
Ibinalik ko nalang uli ang atensyon ko sa telepono ko. This time si papa naman ang tinawagan ko. Agad naman niya na sinagot ang tawag ko.
"Charlotta mapatawag ka?"
"Natanggap niyo ho ba ang regalo ko?" Excited na tanong ko.
"Oo"
Nakangiti naman ako dahil sa sagot ni papa kahit hindi naman niya ako nakikita.
"Oo natanggap namin salamat." Pag-uulit niya.
"Si mama po?"
"Hindi ko alam kung anong nangyari pero kanina kasi matapos niyang tingnan ang cellphone niya kahit hindi niya pa nabubuksan ang regalo ay itinapon na niya."
I was stunned nasaktan ako sa sinabi ni papa. Sana pala hindi ko nalang ipinaalam.
Hindi ko alam kung dahil ba sa tugtog ng banda kaya ako naiiyak o dahil sa may iba pang dahilan.
"SINO BA YANG KAUSAP MO?" Narinig ko ang galit na boses ni mama sa kabilang linya.
"Katrabaho ko lang bumati." Kelan pa ako naging katrabaho? Kahit ba si papa ay ikinakahiya na ako kay mama? Seryoso ba?
"Pa."
"Pasensya ka na anak, ayaw ko lang namasira ang pasko ng mama mo." Masakit isipin na pati pala si papa tingin niya ay panira ako ng pasko kay mama.
"PA HALIKANA! I LOVE YOU MERRY CHRISTMAS." Boses ni ate Cheska iyon. Rinig naman mula sa tawag na nagkakasiyahan sila kahit na wala ako.
"Mery Christmas din anak." Alam kong hindi para sa akin iyon. "Sige na Charlotta ibababa ko na."
"Merr-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng binabaan niya agad ako ng tawag. Tumayo naman ako agad para magpunta sa Cr.
"Putang-inang kanta naman yan eh nagpapaiyak." Sabi ko habang nakaharap sa salamin. Paunti - unting naglandas ang luha sa pisnge ko.
Hindi ko akalain na marerelate ko ang sarili ko sa kanta.
Nagahahangad lang naman ako na makasama sila this Christmas pero ayaw nila. Nakakalungkot lang na gustong gusto ko silang makasama pero sila itinataboy ako, kasi pag andiyan ako hindi sila masaya. Mahal na mahal ko sila pero galit na galit sila sa akin.
Christmas is the season of giving. Hndi ba nila kaya na bigyan ako ng pagmamahal o kahit patawarin man lang ako sa kasalanan na hindi ko naman ginawa?
I cried so much in a short period of time. Akala ko mawawalan na ako ng hininga sa kakaiyak at pagpipigil ng hikbi.
"Sana ngayong Pasko"
Natapos na ang kanta pero tuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko. Ang galing talaga ng pamilya ko sa pagpapafeel sa akin na hindi nila ako mahal.
I had to stay a little hit longer sa CR para hindi mahalata nag pag - iyak ko. Naghilamos ako ng mukha, pinunasan ito makalipas ang ilang sandali ay naglagay ng foundation at ngumiti sa repleksyon ko. I tried my very best para hindi mahalata na kagagaling ko lang sa iyak. Ayaw kong magpakalat ng masamang enerhiya gayong bisita lang naman ako dito. Nang masiguro ko na ayos na ako ay saka lang ako lumabas.
Pagbukas ko ng pintuan ay tumambad sa akin si Kristoff. Nginitian ko naman siya at nilagpasan.
Dalawang minuto nalang at pasko na. Ang mga tao ay lumabas na at humilera sa daan. Minabuti ko naman na manatili sa kanilang bakuran at maupo.
Ginawa ko namang sandalan ang mesa habang nakatingin sa labas. Kita naman mula sa kinaroroonan ko si Shen na nakatayo ay tumatawa habang kasama ang pamilya niya. Nakayapos siya sa braso ng kaniyang ama, habang si uncle naman ay may sinasabi sa kaniya.
"10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1" nag ingay ang kabahayan may mga motorsiklo na umiikot, may mga torotot, at may nakita din ako na fireworks. Imbes na iyon ang pagtuonan ko ng pansin ay sa pamilya ni Shen nanatili ang tingin ko.
Niyakap siya ng kaniyang ama, ganon din ng kaniyang kapatid at pamangkin, panghuli ang kaniyang ina. Niyakap niya ito ng mahigpit at hinalikan siya nito sa noo, yapos yapos siya ni Auntie habang nakatingin sa magandang tanawin sa kalangitan.
Na-iingit ako, hindi ko ipagkakaila. Isa kasi yun sa mga bagay na hindi ko alam kung kelan ko ulit mararanasan, ang mayakap si mama at yakapin niya ako pabalik kasabay ng pagbulong ng mga matatamis na salita. Pilit kong pinipigilan ang pag iyak ko kaya tumingala na lang ako. Pero may isang makulit na luha talaga ang kumawala. Bago ko pa man mapalis ang luha ko ay may humila na sa akin patayo at niyakap ako.