"Avi did what?" Gulat na tanong ni Shen sa katabi kong Kristoff.
"She slapped me in the face in the middle of the mall." Sumbong niya.
"I did it gently." Dipensa ko naman sa sarili ko.
"Yo-"
"Mahina nga lang iyon." Sabi ko ng may kalakasan kaya napahinto siya. Nash seemed stunned because of my angry voice.
"Chill." Sabi naman sa akin ni Shen.
"Eh" Kristoff was eager na ipagtangol ang sarili niya. I immediately stop him in a way na nagsalita ako habang magsasalita siya.
"Eh kung hindi mo hinawakan ang kamay ko edi sana hindi ko natampal ang pisnge mo."
"Anong natampal? Hindi yung tampal, SAMPAL YUN AV. SAMPAL." OA na sagot niya. Binigyan ko siya ng isang matalim na tingin pero hindi nagpatinag ang loko.
Kanina kasi ng biglaan niyang hawakan ang kamay ko ay tinampal ko ang pisnge niya, hinablot ang kamay ko sa pagkakahawak niya, at iniwan siya na gitna ng mall.
Napatigil lang kami sa pag-aaway ng dumating sila auntie ans uncle.
"Good afternoon po." Sabi ko sa kanila habang nakatayo at naka bow ng kaunti.
Na awkward naman sila sa ginawa ko at pinaupo ako agad.
"Good Afteenoon Av." Bati nila sa akin pabalik. Si Nash naman ay nagmano naman ganon din si Shen, habang ang Kristoff ay nakaupo lang talaga.
Nang maupo ako at ibinalik pansin sa kasamahan ko ay bumungad sa akin ang matalim na tingin ni Kristoff sa akin.
"You're glaring at me? Tusukin ko yang mata mo eh." At ibamba ang dalawang daliri ko na itusok sa mata niya, napa-atras naman siya dahil sa ginawa ko.
-----------------
"Napansin ko na nadagdagan yung supplies natin." Bungad sa amin ni Tita.
"Nagdala ka ba ng groceries Nash?" Napabaling naman kami sa nagsalita sa may hagdan. Si uncle pala.
"Hindi mhy, Dhy. Si Avi ang namili niyan, ambag daw niya. Sinabihan ko naman siya na huwag na pero matigas talaga ulo niya. Pag-uwi niya kanina may dala talaga."
"Nako sana hindi mo na lang ginawa bisita ka namin dito, nakakahiya." Sabi naman ni uncle na tinanguan naman ni auntie.
"Nakakahiya naman ho, kasi matagal tagal ho ako na mamamalagi dito tapos wala mn lang ho akong iaambag." Sa bahay nga kahit minsam lang ako nakakauwi ay napagsasabihan ako na dapat sa edad kong ito ay umaalalay na ako sa gastusin.
"Hindi ka naman basta bastang bisita, kaibigan ka ng anak ko, kaya huwag kang mahihiya. Kami nga dapat ang mahiya kasi bisita ka pero umaalalay ka sa gawaing bahay." Sabi naman ni auntie.
"Maliit na bagay lang naman po iyon kumpara sa pagpayag niyo na manatili ako dito ng ilang linggo."
"Tatanggapin ko ito ngayon pero sa susunod huwag ka ng magdala pa ng groceries sosobra ang pagkain natin dito." Patasang sabi ni auntie.
Nahiya kasi ako na nakikitira lang ako ng libre sa tahanan nila tapos pati pagkain ko ililibre pa nila.
"Nag-aaral ka din kagaya ng anak ko, kaya dapat tipitin mo iyang pera mo." Tumango naman ako bilang sagot kay tita.
"Nash tulungan mo nga ako ilalabas ko ang grill. Sa labas tayo kakain. Lulutoin natin ang binili ni Avi na pork." Nginitian naman ako ni uncle.
"Cge po." Sagot ni Nash kay uncle.
Kinagabihan ay nasa patio kami kumakain habang nag gi-grilll.
The following day went too fast. Gaya nga ng sabi ni Gia ay nakapunta nga siya. Kahapon napadalaw siya and we spent the whole day para mag bond. Dumating na din ang kapatid at sister in law ni Shen dala nila ang isa nilang anak na lalaki na nasa mga apat o limang taong gulang.
The kid have a lot of energy to play while I got too little. Hinding hindi ko kaya ang energy ng bata. Sa tuwing naglalaro kami. I'll always end up giving him back to his parents kasi drained na ang energy ko kalalaro sa kaniya.
Nagbibis ako ng medyo pormal na damit kasi sa bahay kami nila Kristoff mag didinner. Nasa kabilang bahay lang naman pero nakakahiya naman kung nakapajama lang ako na pupunta doon. Namili lang ako ng isang simpleng T-shirt at pantalon. Sa ilang araw na pamamalagi ko dito ay hindi pa ako nakapasok sa bahay nila Kristoff, palagi kasing siya ang magpupunta sa bahay nila Shen.
"Welcome, tuloy kayo-" Naputol naman ang pagbato ng isang ginang ng makaharap niya ako. Ako ang panghuling pumasok kaya naiwan tuloy ako. Nasa loob na sila habang ako ay nasa hamba ng pintuan pa.
"I'm Avi po, friend of-" Hindi ko na natuloy pa ang sasabibin ko ng biglaang sumulpot si Kristoff.
"Kaibigan namin ni Shen mhy." Sabi niya sabay hila sa akin papasok. Bago pa man ako makapasok ng tuluyan at habang hila hila ako ni Kristoff ay nagawa ko pa din na magbigay galang sa ginang. Yumuko ako at ngumiti. Nakita ko naman na nginitian niya ako pabalik.
"Ano ka ba kinakausap ko pa ang mama mo kanina." Sabi ko kay Kristoff ng binitawan niya na ako sa pagkakahila.
Yun pala ang ina ni Kristoff. Maganda siya kaya hindi nakapagtatakang magandang lalaki itong kumag na katabi ko.
"Na excite lang ako kasi unang beses mo dito sa bahay."
Malaki kung titingnan mula sa labas ang bahay nila. Hindi ko akalain na napakalaki pala ng espasyo sa loob nito. Napaka modern ng looban mahahalata mo na mayaman ang may-ari. Hindi na nakapagtataka na kilala ni Joy ang pamilya ni Kristoff parehas pala sila ng estado sa buhay.
"Kinalimutan mo si Avi sa labas." Sabi ni Kristoff ng makalapit na kami kay Shen na naktayo lang malapit sa kusina, ang iba ay nakaupo na.
"Naku! Si Avi." Rinig kong sabi ni auntie mula sa loob ng kusina.
Agaran naman siyang sumulpot sa harap naming tatlo.
"Akala ko ay hindi ka pumasok, pasensya ka na at hindi kita naipakilala sa nanay nitong si Kristoff."
"Ayos lang po." Sabi ko at nginitian siya.
Napalingon kami dahil sa papalapit na tunog ng takong.
"I am Lourell, Kristoff's mother." Pormal na pagpapakilala ng ina ni Kristoff sa akin.
"Avi Charlotta Buenavista ma'am. Shen and Kristoff's friend and schoolmate po."
"Tita will do iha." Sabi niya.
"Tita." Paguuulit ko. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya.
"Let's go so we can start the dinner."
I got to also meet the father of Kristoff. Alam ko na kung saan niya naman ang pagka chinito niya, sa papa niya pala.
Kristoff's mother and Shen's family introduced me to him. May nakakatandang babeng kapatid pala si Kristoff, si Krista. Siya ang magmamanage ng negosyo ng pamilya nila.
Ang mga natatanda ay naguusap-usap hindi naman ako nakakasali kasi hindi naman ako nakakarelate kaya tahimik lang ako na kinakain ang masasarap na handa nila.
Pagkatapos ng kainan ay busog na busog ako. Ang mga magulang nila Shen at Kristoff ay napagpasyahan na pumunta sa sala sumama naman sa kanila ang kuya ni shen at syempre pamilya nito. Samantalang kaming tatlo ay minabuti na manatili sa kusina.
"Tahimik ka sa buong dinner ah?" Tanong sa akin ni Kristoff samantala si Shen ay busy naman sa cellphone niya.
"Hindi ako makarelate, saka ang sasarap ng mga pagkain." Medyo niliitan ko naman ang boses ko sa bandang huli kasi nakakahiya.
Natawa lang naman siya sa sinabi ko.
Malalim na ang gabi ng napagpasyahan na naming umuwi. Bago pa man ako na matulog ay nakausap ko naman ang brother-in-law ko. Ganon ang kapatid ko palagi akong kinukumusta.
"Bakit hindi mo sinabi na hindi ka makakauwi?" Umagang umaga ay ganon agad ang bungad. Boses palang alam ko na agad na si Rayven iyon.
Napabangon naman ako sa higaan. Wala na sa tabi ko si Shen nauna na sigurong magising para makapagehersisyo. Seven thirty pa lang ng umaga.
Kinusot kusot ko naman ang mata ko.
"Huh?" Tanong ko.
"Bakit hindi ka umuwi?" May diin na tanong niya.
"Kanino mo nalaman?"
Medyo ngarag pa yung boses ko kasi kagigising ko lang.
"Plano ko na hiramin ka sa pamilya mo mamasyal sana tayo. Tapos. tita said na hindi ka daw umuwi." Pansin ko naman ang dismaya sa boses niya.
Anong hindi umuwi? Hindi niya ako pinapauwi. Hindi ko nalang isinatinig pa iyon.
"Kayo na lang nila Andrea. Bawi ako sa susunod."
"Nasaan ka ba? Puntahan na lang kita. Kung ayaw mo muna na umuwi sa inyo, sa amin ka nalang mag pasko." Gusto kong umuwi ayaw lang ni mama.
"I appreciate the offer pero kasi nakapagpaalam na ako kina auntie na dito ako mananatili hanggang new year. Nakakhiya naman kung babawiin ko diba?" Paliwanag ko sa kaniya.
"Ipagpapaalam kita sa kanila." Pagpupumilit niya.
"Huwag na Rayven." Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.
"Bakit kasi hindi mo kami ininform agad, willing din naman kami na sa amin ka magbakasyon."
Nasa isip ko na din noong hindi pa alam ni Shen na hindi ako uuwi sa amin na kapag hindi ako napayagan na manatili sa dorm ay makikisuyo ako sa kanila ni Christine pero nauna ang offer ni Shen eh.
Nakakagaan lang sa pakiramdam na alam kong may mga taong handang tumulong sa akin. Kahit na hindi ako pinapauwi ng sarili kong nanay ay may mag tao na willing na kupkupin ako at patirahin sa tahanan nila. Bonus pa at pati pamilya nila welcome na welcome ako.
"Saan ka natutulog?" Natawa naman ako sa tanong niya.
"Higaan syempre"
"Sa kwarto ba?" Malamang.
"Sa Cr. May higaan yung Cr nila." Pilosopong sagot sa kaniya.
"Sinong katabi mo." Napalingon lingon naman ako sa paligid kahit na alam ko na mag isa lang ako sa kwarto.
"Ngayon? Wala."
"Sino ang katabi mong matulog?" Paglilinaw niya sa tanong niya. Pansin ko na naiinis na talaga ang boses niya.
"Kaibigan ko."
"Babae o lalaki?" Ang dami namang tanong ng isang to. Napa praning na naman ba ito?
"Babae syempre."
"Safe ka ba diyan? Ano bang eksaktong address niyan ng masiguro ko lang?"
Hindi ko sasabihin kasi alam kong pupuntahan niya na naman. Naiintindihan ko naman na kaya lang siya maraming tanong ay dahil nag-aalala siya. Mabuti pa nga siya nag-aalala sa akin tapos yung nanay ko ni hindi man lang ako itext kahit isang beses.
"Sige na Rayven antok pa ako, aga mong tumawag."
Wala naman siyang nagawa ng babaan ko siya ng telepono.
Pagkatapos ng tawag n Rayven ay nakatulala lang ako sa harap ng telepono ko. December 23 na ngayon, hindi pa rin talaga ako nakakatanggap ng mensahe kay mama na pauwin ako. Kasi, kapag si mama ang nagsabi sa umuwi ako kahit na nakakahiya sa pamilya ni Shen ay uuwi talaga ako.
Umaasa na naman ako sa wala. Pero kahit na hindi nila ako makakasama ay nagpadala pa din ako ng regalo ko sa kanila. Isinakto ko naman na darating iyon sa kanila ng 24.
Inilagay ko ang telepono ko sa sidetable at naligo na. Pagkatapos ng kaunting pag-aayos ay bumaba na ako.
Medyo busy na ng araw na iyon kasi namimili na sila auntie ng pang handa sa pasko. Magbibigay nga san ako ng ambag ko pero hindi niya tinanggap.
"Naku napag usapan na natin ito Avi. Hindi ko tatangapin iyan itago mo nalang."
Kay no choice ako kundi itabi ang pera kasi ayaw talaga na tanggapin ni auntie. Sinubukan ko na din na ibigay kay uncle pero hindi niya tinanggap sa halip ay tinawag niya pa si Shen.
"Kapag nagbigay si Avi sayo ng pera na iaambag niya huwag na huwag kang magkakamali na kunin." Bago siya umalis ay ginawaran niya ako ng ngiti.
"Makulit ka din. Sabi ko naman sayo na hindi tumatanggap sila mama at papa niyan." Tinapik naman niya ang balikat ko at umakyat na. Bago pa siya makapasok sa silid ay sumigaw pa siya.
"Itago mo na iyan o ipangdate mo kapag naisipan mo na na maging normal na teen." Maarte namam niyang tinakpan ang bibig niya.
"Ay hindi ka na pala teen." Sabi niya at pumasok na. Yung isang yun talaga.
Rinig naman ang mag pamaskong tugtog na nagmumula sa malalakas na speaker ng kapit bahay.
Nang napagpasyahan namin na lumbas para makabili ng softdrinks ay kapansin pansin na din ang mga dekorasyong pampasko. Noong mga nakaraang gabi nga ng naapagpasyahan ko na maglakad lakad sa labas ay kapansin pansin ang ganda ng mga nag iilawang parol at Christmas lights.
"Anong meron?"
Tanong ko kay Shen ng makita na busy ang lahat sa bakuran nila. May nagbunuhat ng itim na box, mga bakal at standees. Nakita ko rin si Kristoff na tumutulong sa pagbubuhat ng kung ano ano.
Itong lalaking ito wala ba siyang ginagawa sa bahay nila? Araw-araw kasi ito kung tumamabay sa bahay nila Shen.
"Nag se-set-up ng stage para sa banda."
Laglag ang panga ko habang nakatingin kay Shen.
"Yung kuya ko may banda kaya may jam na magaganap. Saktong sakto naalala kong gustong gusto mo ng banda pwede kang kumanta."