"Av, pasensya ka na hindi pala kita masasamahan ngayon. Sorry kasi darating si Nash today eh. We'll go out." Natigil ako sa pagppupunas ng basang buhok dahil sa sinabi niya. Kagagaling ko lang maligo at nanghiram lang ako ng tuwalya na ibabalik ko din matapos kong labhan.
"Ganon ba sige, okay lang naman kaya ko naman na pumunta mag-isa sa mall." Nasa higaan pa rin siya, nakaupo habang ako ay nasa paanan niya at nagpupunas ng buhok. Sa CR na ako ni Shen nagbihis dahil nakakahiya naman na mag lakad ng nakatapis lang habang andito siya.
"Pagamit ako ng Dresser mo makikisalamin lang." sabi ko sa kaniya.
"Oo naman ano ka ba feel comfortable. Welcome na welcome ka sa bahay namin."
Feel na feel ko naman yung warm welcome nila sa akin. Pero I am still in the middle of adjusting kasi this is still a new environment for me Unlike kina Christine na I'm very at home talaga kasi I have known them for so long and I've been to their house a lot of times na.
"I cannot let you go by yourself Av, you are still new to this place."
"I am already 20 I can manage." Sagot ko naman sa kaniya habang hinahatid niya ako palabas.
"And I am 21."
"So?"
"So it means I am your ate and ako ang masusunod." Natawa ako sa sinabi ni Shen kasi she is really serious. Talagang huminto siya at hinawakan ang balikat po para sabihin iyon.
"May lakad ka paano mo ako masasamahan?" Gumuhit naman ang malaking ngiti nuya sa labi.
"Pasasamahan na lang kita."
"Naku huwag na mang-aabala ka pa ng tao para pasamahan ako huwag na lang."
"Mag co-commute ka? hindi ko kakilala ang maghahatid sayo pauwi baka ma pano ka"
"Hindi na lang ako mag co-commute gagamitin ko na lang yung sasakyan ko." Napalingon naman ako sa sasakyan ko na naparada sa garahe nila. "Isa pa, I'm a grown up."
"Hindi." Matigas na sabi niya. "Nasabihan ko na siya at pumayag na siya."
"Sino ba kasi iyan? Nakakahiya naman at makakaestorbo pa ako. Isa pa baka hindi ko yan kilala."
Kita sa nakabukas na gate ang pumaradang sasakyan sa harap ng gate nila Shen.
"Ayan na siya." Para siyang uod na binudburan ng asin ang katawan dahil sa inakto niya. Agad naman niya akong kinaladkad patungo sa sasakyan.
"Huwag kang mahiya at willing na willing naman siyang samahan ka. Isa pa mapagkakatiwalaan." Sabi niya habang pinipilit akong pumasok sa sasakyan at sa harap na upuan.
"Sandali" Ni hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil umalis na siya, hindi man lang ipinakilala sa aking king sino ang sasama sa akin.
"Ikaw pala 'yan." Gulat na sabi ko ng makita ko na si Kristoff pala ang maghahatid sa akin.
"Akala ko naman kung sino. Loka lokang Shen ni hindi man lang sinabi na ikaw pala." Sabi ko habang inaayos ang seatbelt.
"Magandang umaga." Napabaling ako dahil sa pagbati niya.
"Good morning." Bati ko naman sa kaniya pabalik.
Nakita ko naman ang pagkaway ni Shen mula sa labas, hindi ko na siya kinawayan pabalik kasi hindi din naman makikita dahil tinted ang sasakyan na ito.
"Nice car." Sabi ko ng makita ang loob ng buong kotse.
"Salamat." Sabi niya lang at sinimulan ng paandarin ang sasakayan.
"Pasensya ka na at idinawit ka ni Shen sa pagsama sa akin. Baka na may gagawin ka pa at naestorbo kita?" Panghingi ko ng paumanhin sa kaniya.
"Ayos lang naman para makapag gala ka din kahit minsan man lang."
"Salamat."
"Ano ba gagawin mo sa araw na 'to?" Tanong niya.
"Mamimili lang may mga bagay kasi ako na nakaligtaan na dalhin."
"Ganon ba? Manood na lang din tayo ng sine maraming mga bagong plabas ngayon."
"Wala akong pera." Actually meron naman, nagtitipid lang akong talaga.
"Kuripot mo. Sige na nga ililibre na kita." Napabaling naman ako sa kaniya at nginitian siya.
"Salamat."
Nasa kalagitnaan kami ng pagbaybay sa daan patungo sa mall ng nahikab ako.
"Bored ka ba? Maari kang magpatugtog." Offer niya.
"Hindi huwag na." Sabi ko nakakahiya mangalikot sa sasakyan niya napakabago. Baka may masira pa ako. Inaantok lang ako kasi matagal ako nakatulog kagabi, hindi pa din masyadong na a-adopt ng katawan ko ang bagong environment ko.
"Sige ako na lang ang mamimili." Sabi niya at kinalikot ang playlist niya.
Tumugtog ang isang alam kong kanta ni Clinton Kane na I guess I'm in love. Mas lalo pa akong inantok dahil sa kanta, kaya inaliw ko na lang ang sarili ko by humming the tune of the song habang si Kristoff naman ay sumabay talaga.
--------
Medyo malayo pala ang mall sa kanila. Nang makarating kami ay dumiretso kami sa grocery section para mag grocery na din ako para sa naman may ambag ako sa family ni Shen nakakahiya kasi.
"Anong gagawin mo diyan?" Nagtatakang tanong ni Kristoff na naka sunod sa akin. Habang tumitingin sa meat section. Babalik ako dito mamaya para bumili.
"Namimili din ako para sa family ni Shen, nakakahiya na makikitira lang ako at pati sa pagkain ko ay hindi ako magbibigay." Nilapitan niya ako at hinawakan ang ulo at inilayo sa meat section. Gusto ko sana siyang tingnan para simangutan pero hindi ko magawa kasi hawak niya ulo ko.
"Pagagalitan ka ni Auntie dahil diyan sa mga ginagawa mo. Ano ba bibilhin mo sanitary pad?" At dinungaw niya ako kasi hindi niya pa rin tinatanggal ang kamay niya sa ulo ko.
"Yung kamay mo ano ba." Sabi ko sabay tanggal sa kamay niya. Inaayos ko pa tuloy ang medyo na gulong buhok ko. Nauna naman siya dala ang tulak tulak kong cart kanina.
At ang loko nagpunta talaga sa mga pang personal hygiene section at tumigil sa kung saan nakalagay ang mga sanitary pad, pinagtitinginan tuloy siya ng mga kababaihan. Ni hindi man lang siya natinag sa mga tingin sa ipinupukol sa kaniya.
"Asan dito ang bet mong brand?" Tanong niya ng makalapit ako sa kaniya.
Agaran akong kumuha ng dalawang sanitary pad at inilagay sa cart at tinulak siya para maka-alis na kami.
Wala siyang ibang ginawa kundi ang manguna sa kung anong bibilbin ko, magtulak ng cart, at bwesitin ako.
"Ibabalik mo yang pera mo o manonood ka ng sine ng mag-isa mo." Mataray na tanong ko sa kaniya ng naglabas siya ng pera para bayaran ang mga pinamili ko. Nakita ko ang pagdadalwang isip niya sa pagbabayad.
"Tabi." Sabi ko sa kaniya.
"Napakasungit mo." Sabi pa niya bago umalis. Nakita ko naman na naghihintay ang cashier sa bayad kaya nagmadali naman ako sa pag abot ng pera. Mabuti na lang at kami lang ang nakapila.
"Thank you." Sabi ko sa cashier matapos niya akong bigyan ng sukli.
Ang bag naman na ipinaglagyan ng mga pinamili ay hawak ni Kristoff na ina-abangan akong matapos. Siya na mismo ang nag iwan ng pinamili ko sa baggage counter.
"Ano kayang magandang panoorin?"
"Comedy?" Sagot ko naman.
"Gusto mo yun?"
"Ay hindi paramg mas gusto ko yata ng horror." Sagot ko naman sa kaniya.
"Sige yun na lang."
"Wala kang gustong panoorin?"
"Kung ano yung gusto mo yun na rin yung akin."
"Gaya-gaya ka."
"Atleast ililibre kita." Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Salamat."
"Pero kanina halos lunurin mo na ako s tingin dagil lang sa babayaran ko yung pinamili mo."
"Eh kasi ako naman ang gagamit non. It's for personal use so dapat ako ang magbabayad."
"Kahit na sana hinayaan mo na lang ako, may pera naman ako." Pangngatwiran niya.
Natatawa na lang ako kasi ipinagpipilitan niya talaga na siya na sana ang pinagbayad. Get a man like Kristoff, na kayang bayaran ang expenses mo. Pero kasi kumukita naman ako, kahit papano kaya ko namang buhayin ang sarili ko. May sarili akong likod para magkayod hindi pwedeng aasa na lang ako sa iba ang mga kailangan ko.
"Pero kasi may pera din naman ako."
"Pero kasi-" Pinutol ko ang sasabihin niya sana kasi naririndi na ako sa kaniya.
"Parang bata naman eh, ililibre mo na nga ako ng ticket sa sine diba?" Natigil naman siya.
"Naku nagsisimula na pala." Sabi ko habang nakatingin sa poster.
"Mayroon pa namang mamayang 1pm." Napatingin naman ako sa relo ko.
"10:30 pa lang."
"Bili na lang ako ng ticket, tapos mag ikot ikot na lang muna tayo, tapos lunch mamaya." Suhestyon niya.
"Sige may bibilhin pa din naman ako."
Nakita ko naman ang paglapad ng ngiti niya.
"At ako ang magbabayad." inunahan ko na siya.
"Bumili ka na nga lang muna ng ticket." utos ko sa kaniya bago pa man siya maka alma. Sinunod naman niya ako.
"Saan tayo?" tanong ko sa kaniya ng makabalik siya.
"Kung saan tayo dalhin ng ating mga paa." Natawa naman ako sa sagot niya.
Dinala nga ako ng mga paa ko papasok sa National Book Store. NBS is heaven for a reader like me. Kadalasan kong ginagawa sa NBS kung wala akong pera ay patago akong nagbabasa, pero ibinabalik ko namna na good as new.
"Gusto mo yan?" Tanong ni Kristoff na nasa likuran ko. Hawak ko ang kopya ng librong tiningnan ko din nong araw na nag mall kami nila Shen at Gia.
"Hindi." sagot ko sa kaniya sabay balik sa libro sa lalagyan.
Nag ikot ikot pa ako para tumingin-tingin ng ilan pang libro. May nga supplies din na mga nakakuha ng pansin ko. Sa sususnod makakabili din ako ng mga bagay na ito na hindi ko pagsisisihang binili ko.
"Sigurado ka bang wala kang bibilhin?" Tanong niya habang nakaturo sa store ng napagpasyahan ko ng lumabas.
"Oo."
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kaniya ng dalhin niya ako sa harap ng isang mamahaling store.
"Sabi mo mamimili ka ng tsinelas hindi ba? Edi dito." Bago pa man siya makapasok sa store ay inilayo ko na siya doon. Dumungaw kami sa railing kung saan kita ang ground floor.
"Nakikita mo yun?" Tanong ko sa kaniya habang nakaturo sa isa stall sa ibaba na may palumpon ng tsinelas.
"Oo." Sagot niya halata naman sa tono ng pagsagot niya na naguguluhan siya.
"Noong sinabi ko na bibili ako ng tsinelas yan ang iniisip ko kasi mas mura. Hindi kagaya nang kanina kasi alam kong mahal." Sabi ko sa kaniya.
Nang nakabili na ako ng tuwalya ay dumertso na kami sa 1st floor para bumili ng nakita ng tsinelas kanina. Matapos namin mamili ay napagpasyahan na naming kumain ng tanghalian pero bago kumain ay idinaan muna namin ang napamili sa baggage counter.
"Saang Restaurant mo gustong kumain? Chinese? FIilipino? Korean o French?"
Halos himatayin ako sa mga suhestyon niya sa akin.
"Kumakain ka ng isaw sa labas ng paaralan kaya huwag mo akong paandaran niyang mga Chinese, Chinese restaurant na iyan. Mang Inasal na tayo huwag kang maarte." Sabi ko sa kaniya at nauna ng maglakad.
"Sigurado kang ayaw mo doon sa sikat na Filipino Restaurant." Naiinis na talaga ako sa lalaking nasa harap ko. Nakaorder na kami at inaantay na lang ang pagkain tapos ganiyan pa rin ang mga tanungan niya.
"Sasampalin talaga kita kung hindi ka titigil. Kung gusto mo don pwede din naman magkita na lang tayo mamaya." Kita ko naman ang pagalarma niya dahil sa naging sagot ko.
"Biro lang." Biro biro! Inirapan ko nga ang loko, and finally nanahimik din siya.
"Ako na sa popcorn and drinks since ikaw naman nag bayad ng ticket at lunch kanina." Good thing hindi na siya umalma pa.
Kanina kasi siya na ang nag order at nag bayad kaya hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon pa na bayaran yung pagkain ko.
Yung ticket na nabili niya ay medyo nasa gitnang banda pero walang masyadong tao. Kaya madali ko lang na nakita ang kinaroroonan niya.
"Bakit dalawa?" Tanong niya ng makita niya ang dala ko na pop corn at drink.
"Tig-iisa tayo." Kaswal na sagot ko saka umupo sa katabing upuan.
May sinabi siya pero hindi ko naman rinig. Ipinagkibit balikat ko nalang iyon at ibinigay sa kaniya ang pop corn at inumin.
"AHH" Halos matapon ang laman ng pop-corn ko dahil sa gulat. Bigla bigla na lang na may susulpot na multo idagdag mo pa ang nakakatakot na musika.
"Ayos ka lang?" Tanong sa akin ni Kristoff.
Napabaling naman ako sa kaniya ng hawakan niya ang kamay ko.
"Ikaw ayos ka lang?" Napatanong naman ako sa kaniya ng makita ang halos walang kulay na ang mukha niya.
Nararamdaman ko naman ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko tuwing may nakakatakot na eksena. Gustohin ko man na tanggalin ang kamay niya nakakaawa naman ang itsura niya. If holding and squezzing my hand would made him feel better then it's fine.
"Bitaw na tapos na yung palabas." Sabi ko sa kaniya ng makalabas kami ng sinehan. Para naman siyang natauhan at agad na binitawan ang kamay ko.
"Kita mo hindi ko na naubos ang pop-corn ko dahil sayo."
"Ikaw nga itong grabe kung makapiga ng kamay ko kapag natatakot ka kanina."Sagot pa niya.
"Wow ako daw! Ikaw kaya yung humawak sa kamay ko dahil sa takot mo, pasalamat ka at hinayan kita." Sagot ko sabay naglakad palayo.
Narinig ko naman ang paghabol niya.
"Pasensya na ito naman di na mabiro." Sabi niya pa.
Ilang sandali pa habang naglalakad kani ay napababa ang tingin ko sa kamay ko na hawak na niya. Tiningnan ko siya pero hindi siya makatingin sa akin at namumula.
Huminto ako sa paglalakad kaya nahinto din siya.
" Kristoff. " Malumanay na sabi ko at unti-unting itinaas ang kamay ko palapit sa mukha niya.