Ikadalawampo't isang Kabanata

2550 Words
"Mhy, Dhy kaibigan ko po at ka dorm mate ko po si Avi. Siya po yung sinasabi ko na dito po sa atin magpapalipas ng bakasyon." Pakilala sa akin ni Shen sa mga magulang niya. Nakatayo ako sa harap ng gate nila hawak ang isang malaking bag gamit ang dalawang kamay at malimit lang ang galaw kasi nahihiya ako. Sa harap ko naman ay ang mga magulang ni Shen, medyo natatakot ako sa aura nila. Si Shen naman ay nasa gilid at ipinapakilala ako. "Bakit ka nagdala ng kasama?" Mahina pero galit na tanong ng ama ni Shen sa kaniya. "Ay naku huwag niyo pong pagalitan si Shen ako po yung nagmaka-awa sa kaniya na sumama dito pero kung hindi naman po kayo papayag ay hindi ko naman ipipilit." Ang dating dalawang kamay na nakahawak sa bag ay naging isa na lang, dahil sa agad kong pangangatuwiran at pagtatangol kay Shen sa ama niya. Ang hindi ko ma intidihan ay kung bakit imbes na ipagtanggol ni Shen ang sarili niya ay tumawa lang siya. "Uncle." Napaitlag naman ako kasi biglaan na lang may umakbay sa akin. Pagtingala ko ay nakita ko si Kritoff. Kababaling ko lang kay Krisstoff ng bahagya akong napatalon sa takot dahil sa sigaw ng papa ni Shen., ni hindi ko na natangal ang pagkakaakbay ni Kristoff sa balikat ko dahil sa takot. "Hoii! IHO!" "Ayos ka lang?" Napatingin naman sa akin si Kristoff. Napansin niya siguro ang bahagya kong pagtalon dahil sa pagkabigla. "Dhy, you are scaring my friend." Sabi ni Shen sa ama niya at bahagya pang tinampal ang kamay nito. "Mhy, huwag ka nga masyadong stoic tinatakot niyo kaibigan ko." "Iha!" Napaitlag ako sa tawag ng ama ni Shen sa akin. "Welcome sa aming tahanan." Ang kaninang galit na boses ay naging napaka welcoming. Nginiti-an ako ng papa ni Shen. Ang mama din niya ay ginawaran ako ng isang malaking ngiti. "Welcome, halika tuloy ka." Sabi ng mama ni Shen. Hindi ko alam kung ano ang i re-react ko. Kani-kanila lang ay nakakatakot sila tapos ngayon ang bait bait na. "Pasok ako uncle, auntie huh." "Sige!" Sigaw ng papa ni Shen at naglakad siya papasok sa bahay kasabay ang asawa niya. "Pasok ka na Av, binibiro ka lang ni Daddy kanina, ipinagpaalam na kita matagal na, kaya huwag kang matakot." Pumasok siya sa loob at nauna ng maglakad. Isang malakas na pagbuga ng hanggin ang ginawa ko. Ang hawak na bag ko kanina ay naibaba ko ng mawala sa paningin ko magulang ni Shen, ang tangging nakikita ko na lang ay ang likod ni Shen habang nagalalakad papasok. "Ayos ka lang?" Tanong ni Kristoff na nasa harapan ko na. "Oo, nagulat lang ako." "AV! Pasok ka na hayaan mo na si Kristoff diyan." Agaran ko namang kinuha ang bag na naihulog ko kanina at nagmadaling lagpasan si Kristoff para kakahabol kay Shen. Nang makarating ako sa labas ng tanggapan nila ay alangan pa akong pumasok sa pintuan. "Pumasok ka na." Sabi ni Kristoff habang itinutulak ako papasok, siya pa mismo ang nag pa upo sa akin sa sofa. Nang makita ko ang pagdating ng magulang ni Shen ay napatayo ako. Ang ina ni Shen ay may dalang tray habang ang ama naman si Shen ay nakasunod sa asawa nito na tila ba pinaglalaruan niya ang asawa niya. "Naku Nelson magtigil ka nga, nakakahiya ka sa bisita ng anak mo." Sabi ng ina ni Shen. Sumunod na nagpakita si Shen na may dalang pitsel. "Naku, iha maupo ka. Hindi ka na iba sa pamilyang ito't kaibigan ka ng anak ko." Sabi ng nanay niya sa akin ng makita na nakatayo ako. "Salamat ho." Sagot ko sa kaniya at naupo gamit ang malimit na kilos. Ibinaba niya naman ang tray na dala niya sa lamesa na nasa harap namin. "Nelson kumuha ka na nga lang ng baso doon." Utos ng ina ni Shen sa asawa niya. Nang madaanan naman niya si Shen ay kinulit kukit niya pa ito. "Pasensya ka na kung natakot ka kanina kay papa, ganon talaga siya." Sabi ni Shen at naupo sa tabi ko. "Naku, nakakatawa kasi ang mga reaksyon ng mga bisita." Singit ng ama ni Shen na kadarating lang at may dala na baso. Humalakhak pa siya. "Pasensya ka na hindi talaga ako galit, welcome ka sa bahay namin." "Naalala ko nga noon takot ako sa inyo." Singit naman ng damuhong lalaki na katabi ko. Talaga bang takot ito dati sa ama ni Shen? Kung makasigaw siya kanina close na close sila ah. "Iha anong pangalan mo?" Tanong naman ng ina ni Shen sa akin. "Avi Charlotta Buenavista po ma'am." Sagot ko naman. "Aba'y napaka pormal naman ng batang ito. Kaibigan mo ba talaga ang anak ko iha? Sa kulit ng anak ko'y paano kayo nagkakasundo?" Tanong naman ng ama ni Shen. "Dhy, huwag kang ganyan anak mo ako. Nagkakasundo kami ni Avi kasi parehas kaming matalino." Pagmamalaki ni Shen sa ama niya. "Matalino?" May pagdududa na tanong niya sa anak niya. "Pagbigyan na natin uncle." At sabay pang natawa si Kristoff at ama ni Shen. Pabiro namang nagalit si Shen pero kalaunan ay natawa na lang din. "Nakakatuwa naman itong batang ito masyado kang polite, auntie Heidi na lang." "Uncle pogi sa akin." "Nice one uncle." "Uncle Nelson iha huwag kang makinig diyan, self proclaimed pogi." Awkward naman ako na natawa sa sinabi ni auntie Heidi. Nagpakilala ako sa kanila at ganon din sila sa akin. Hindi nga ako makapaniwala, napakabata pa nilang tingnan kumpara sa sinabi nilang edad nila sa akin. Hindi mo makikita na may katandaan na sila kasi wala pa silang puting buhok, may mga marka na ng katandaan ang mukha pero hindi ganon karami. Siguro ay dahil iyon sa palagi silang nakangiti. Yung personality na ipinakita nila sa akin kanina sa gate at kabaliktaran ng pagkatao nila. Masayahin, palangiti at napaka welcoming nila. Alam ko na kung saan nagmana si Shen. Kasama namin sa pakikipag kwentuhan si Kristoff. Na appreciate ko naman ang effort nila na hindi ako tanungin kung bakit dito ako magpapalipas ng bakasyon, kasi hindi ko alam kung paano sagutin iyon kung saka sakali man. "Okay lang ba sayo na sa kwarto ka ni Shen matutulog?" Tanong ni auntie Heidi. "Kung okay po kay Shen na may maka share siya sa pagtulog." Binalingan ko naman ang katabi kong si Shen. "Parang tangga 'to, syempre naman. Inaasahan ko na din naman iyon, uuwi din kasi ang kuya ko dala ang pamilya niya kaya may mag uukupa na sa kwarto niya." Ngayon ko lang nalaman na may nakakatandang kapatid pala si Shen. "Pero baka sa susunod na araw pa ang dating nila." Dagdag pa ni Shen. "Sige na Shen ipakita mo na muna sa kaniya kwarto mo at ng mailagay niyo na din ang gamit niyo sa itaas. Maghahanda muna ako ng hapunan natin." Sabi ni Tita. "Dadalawin ko muna si pareng Chen." Sabi naman ni Tito at tinanguan si Kristoff. Gaya nga ng utos ni Tita kay Shen ay giniya niya ako papunta sa kwarto niya. Nasa ikalawang palapag iyon kaya tinahak pa namin ang hagdanan. "May mga spare room naman talaga para sa mga bisita, kaya lang hindi pa nalilinisan at paniguradong ginawa na din iyong bodega kaya mas mabuti ng sa kwarto na kita." Pagapaliwag sa akin ni Shen habang patungo kami sa kaniyang silid. "Ito na yung kwarto ko." Sabi niya sabay bukas ng pinto. "Teka lang bakit ka sumunod dito?" Akala ko ako ang kausap ni Shen pero ng makita na hindi naman siya sa akin nakatingin ay napagtanto ko na may tao pala sa likod. "Anong ginagawa mo pa dito?" Ang singkit na mata ni Kristoff ay mas lalo pang naging singkit ng bigyan niya kami ng mapaglarong mga tingin. "Titingnan ko lang ang kwarto ni Shen." Sabi niya. Habang nasa labas pa ay sinisilip silip na niya ang looban ng kwarto. "Bawal lalaki dito bumaba ka doon." Bugaw sa kaniya ni Shen. "Hindi naman ako papasok dito lang ako sa may pintuan. Kay tagal na nating magkaibigan at kapit bahay pero hindi ko pa nakikita ang looban. Sinisiguro ko lang." Imbis na sundin niya ang nais ni Shen ay nagmatigas talaga at ayaw niyang bumaba. "Sinisugurong ano? HOII! Sinasabi ko sayo safe sa kwarto ko." Sabi ni Shen at mas binuksan ang pintuan para mas maipakita ang looban. "Pumasok ka na Av." Sabi niya sa akin. "At ikaw hanggang pintuan ka lang." Baling niya kay Kristoff. Pagpasok na pagpasok ko ay winelcome ako ng magandang amoy sa kwarto. Kulay pink at black ang dingding. Pagkakita ko sa kama na malaki naman pala ay nabuhayan ako ng loob akala ko sa sofa ako ng kwarto niya matutulog. Ipinalibot ko ang mata ko wala naman palang sofa. Malaki yung kwarto ni Shen, siguro ay dodoblehen ang sukat ng kwarto ko. May nakita akong dressing table at isang shelf na naglalaman ng mga libro. May nakita naman akong isang pintuan siguro ay yun ang bathroom niya. May TV din siya na nakaharap sa bed niya. Ang bag na dala ko ay ipinatong ko sa upuan ng dressser niya. Ibinaling ko ang paningin sa dalawa. Kagaya nga ng nais ni Shen si Kristoff ay nanatili lang sa hamba ng pintuan. Si Shen ay naglakad at pumaok sa isang maliit na pasilyo na ngayon ko lang napansin na andon pala. "Halika Av." Sigaw niya. Iniwan ko ang bag ko at nagtungo sa kung nasaan man siya. Pagpasok ko ay nakita ko ang isang maliit na walk in closet. "May isang cabinet pa ako dito na walang laman." Inislide niya lang ang door at tumambad ang walang laman na cabinet. "Dito mo nalang ilagay ang gamit mo." Bago pa man ako makasagot ay kinuha ni Shen ang tsinelas niya at inihagis iyon sa likod ko mabuti na lang at naka-iwas ako. Naipansanga naman ni Kristoff ang ang kamay niya. "Aray naman, sadista ka." Sabi ni Kristoff "Sabi ko sayo hanggang pintuan lang kita." Galit na sabi ni Shen. "Titingnan ko lang naman kung anong ginagawa niyo diyan." Gumilid naman ako para makadaan si Shen. "Ipinapakita ko lang kay Avi ang paglalagyan niya ng mga damit niya. Doon ka nga, masyado kang protective ni hindi ka pa nga nanliligaw" Ang susunod na kataga ay nalunod na dahil sa tinakpan naman ni Kristoff ang bibig ni Shen. May ibinulong siya kay Shen na hindi ko narinig, ng nakita niya naman na nakatingin ako ay nginitian niya lang ako. Nagkibit lang ako ng balikat dahil sa mga pinanggagagawa nila. "Bitawan mo nga ako at lumabas ka na." Sabi ni Shen ng matanggal niya na ang kamay ni Kristoff na nakatakip sa bibig niya. Ipinagtulakan niya ito palabas ng kwarto niya. Nawala sila sa paningin ko kaya iginala ko na lang ang mata ko sa ibinigay ni Shen na espasyo na mapaglalagyan ko ng mga damit. Maliit lang naman ang dala kong gamit, panigirado na magkakasiya iyon dito. "Kung may magbabalak man ng masama sa kaniya hindi ako yun." Nadatnan kong sabi ni Shen kay kristoff na ngayon ay nasa labas na at napatinggin sa banda ko. Pinagsarhan naman ni Shen ng pintuan si Kristoff. "Mahigit dalawang taon na kaming magkakilala ano." Sigaw niya pa kahit na nakasara na ang pinto. "Makulit talaga ang isang yun." Napaharap naman si Shen sa banda ko ng marinig niyang magsalita ako. "Ah, oo noon pa man ay grabe na ang kakulitan non. Hindi ko nga alam kung paano ko natagalan ang kakulitan ng isang yun noong mga bata pa kami."Sabi niya at naupo sa higaan niya at tiningnan ako. "Bata pa lang kami ay napilitan akong kaibiganin siya dahil siya lang naman ang madalas na dumadalaw na bata dito. Matalik kasi na magkaibigan ang mga magulang namin." Pagkukwento pa niya. Akala ko ay magkapit bahay lang talaga sila. Matalik pala silang magkaibigan. Nagpatuloy siya sa pagkukwento habang nag u-unpack kami ng mga damit ay inaayos iyon sa walk in closet niya. "Anong tingin mo sa kaniya?" Napatigil naman ako sa ginagawa ko dahil sa katanungan niya. "Huh?" Tanong ko kahit na nariminig ko naman ang tanong niya. "Anong tinggin mo kay Kristoff?" Pag-uulit niya sa tanong kanina. Napaisip naman ako ng bahagya dahil sa tanong niya. "Si Kristoff? Mapang-asar, maloko, matakaw" Sagot ko habang bumabalik sa ginagawa ko kanina. "Ano pa ba?" Nag-Iisip pa ako ng maisasagot. "Minsan seryoso at tsaka mabait na kaibigan." dagdag ko pa. "Friendzone ang loko." Narinig kong sabi ni Shen at natawa pa. "Huh?" Nagtataka kong tanong. "Wala, wala bilisan na natin para makababa na." Habang inaayos ang kagamitan ko naalala ko na may mga gamit pala na nakalimutan king dalhin. Napaka bobo. Nakalimutan kong magdala ng tuwalya, tsinelas, at ilang pang hygiene na gamit. May nakita naman akong tindahan bibili nalang siguro ako doon. "Shen, lalabas muna ako saglit, bibili lang ako ng toothbrush sa tindahan, may nakita ako kanina sa kanto nakalimutan ko dalhin yung akin." Sabi ko sa kaniya ng pababa na. "Samahan na kita." Offer niya. "Naku, huwag na tulungan mo na lang si auntie. " "Sigurado ka ba? Alam mo ba kung nasaan ang tindahan?" Nag-aalalang tanong niya. "Ah oo nga, nasa kanto nga diba nadaanan natin kanina." pa ulit ulit tayo eh. "Sige ikaw bahala." "Pahiram ako ng tsinelas panlabas mo huh." "Sige." "Palaalam muna ako kay auntie." Nakita ko ang pagtanggo niya at sabay kami na pumasok sa kusina. "Andiyan na pala kayo." "Auntie lalabas ho muna ako saglit may bibilhin lang ako." "O sige ganun ba? Samahan mo na Shen." Sabi niya. Kasalukuyan siyang naghahanda sa mga ingredients na gagamitin niya sa pagluluto mamaya. " Naku huwag na ho, kaya ko naman ho mag - isa. Para na rin ho may makatulong kayo." "O sige, ingat ka sa labas." sabi niya. Agad naman akong nagtungo sa tindahan. Madali lang din akong nakabili ng toothbrush at toothpaste hindi rin naman kalayuan sa bahay nila Shen. Habang naglalakad ay kita ko naman na napapatingin sa akin ang iilan sa mga tao na aking nadadaanan. Nagtataka siguro kung sino ako, dahil ngayon lang naman nila ako nakita. Nang makabalik ako ay nagpaalam ako na aakyat muna para ilagay ang nabili ko at bababa rin agad para makatulong. "Wala bang nagtanong sayo kung sino ka habang nasa labas ka kanina?" Biglaang tanong ni auntie sa akin. "Wala naman ho." Sabi ko habang binabalatan ang patatas na hawak ko. "Sigurado naman akong pinagtinginan ka. Si Nash nga ng minsang napadalaw dito, may hindi talaga naka tiis at tinanong talaga kung sino siya." Pagkukwento ni Shen. Natawa naman ako ng bahagya sa kwento niya. "Wala naman nagtanong sa akin. buti na lang." Kinagabihan ay sabay kami na kumain ng hapunan. Na miss ko naman bigla ang pamilya ko. Noon kasing hindi pa nangyayari ang trahedya ay nakaksabay ko pa naman sa pagkain ang pamilya ko sa tuwing umuuwi ako. "Aalis siguro ako bukas." Pagpapaalam ko kay Shen habang nakahiga na kami at papatulog na. "Saan ka?" Tanong naman niya. "Sa malapit na mall siguro mamimili marami kasi akong nakalimutan." "Sige, samahan kita." Yun ang huli naming paguusap. Kaya lang kinabukasan imbes na si Shen ang kasama ko ang naging kasama ko ngayon ay si Kristoff. "Bored ka ba? Maari kang magpatugtoog." Sabi niya habang nagmamaneho patungo sa mall para samahan ako na mamili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD