Ikadalawampong Kabanata

3243 Words
"Gusto ko lang pasalamatan si Madame kanina na inalayan tayo ng kanta, kudos sayo napakaganda ng boses mo." Na flutter naman ako sa sinabi ng vocalist sa akin. Matapos kasi nang ilang malumanay na kanta ay inimbitahan niya ako na umakyat sa intablado para kumanta this time isang buong kanta na. Medyo nag alangan pa ako pero ginawa ko din naman dahil na rin sa pamimilit sa akin ng aking mga kasama. "Hindi ko alam na magaling ka palang kumanta." Pabebe ko namang itinago ang nakausli kong buhok sa likod ng aking tenga ng marinig ang papuri sa akin ni Themarie. "Hidden talent niya yan na ngayon ay hindi na hidden kasi marami ng nakaka-alam." Sabi naman ni Gia na nakakarinig na ng pagkanta ko kasi nasa iisang bubong lang naman kami. "Ang susunod na kanta ay para sa mga manliligaw na hindi pa rin sinasagot." Dumaundong naman amg malakas na hiyawan ng marami-raming kalalakihan. "Rakistang-rakista tayo kanina Avi ah." "Ay nako salamat Kenneth." Sagot ko kay Kenneth at nakipag fist bump. "Ang angas sa likod ng mahinhin mong imahe rakista ka pala." Sabi niya pa at umupo sa katabing upuan ni Gia. Si Kenneth ang boyfriend ni Gia, miyembro siya ng basketball team at Information Technology ang kurso niya. Marami-rami ma din ang nagsisilipatan ng upuan, pwedeng-pwede ng makihalo sa ibang kurso. "Ang cool at sweet pa kasi sila pa talaga ni Kristoff ang nag-initiate ng alam mo na slow dance." "At ang daming nakisabay huh." Pagsang-ayon ni Gia kay Darwin. "Oo at isa na kayo doon." sabi pa ni Themarie. "Ibang klase pa din ang pa hubad effect ni fafa Kristoff sa kaniyang suit, at akalin mo naging magkakulay kayo ng damit." Dagdag pa niya. Habang nagsasalita sila ay subo naman ako ng subo ng spaghetti. "Halata mong mamahalin ang coat." Sagot naman ni Kenneth na ngayon ay naka-akbay na kay Gia. Nagpatuloy sila sa pag-uusap habang nagpatuloy naman ako sa pagkain ng spaghetti at pag-inom ng juice. Hanggang sa naramdam ko na kailangan kong pumunta sa CR dahil tinatawag ako ng kalikasan. "Comfort room lang ako." Paalam ko sa kanila. Ay kagaya nga ng sabi ni Darwin kanina napakalayo nga. Mahabang lakaran pa ang magaganap. Habang naglalakad ako ay hindi ko mapigilan na mapatingin sa kalangitan. Maraming mga bituin at napakaliwanag ng buwan. "Buti na lang at hindi kami inulan." Ang laking distater pag nagkaton. Paniguradong matitigil ang kasiyahan kapag umulan. Habang nasa loob ako ng cubicle at umi-ihi, ay narinig ko ang pagbukas ng pinto sa katabing cubicle. Napakatahimik na ng CR kaya baka ako na lang mag-isa. "Ay jusko santisima." Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil sa gulat ng makita ang Joy na naka sandal sa lababo at naka-antay sa paglabas ko. "Huwag ka ngang nanggugulat." Sabi ko sa kaniya at naglakad papalapit sa lababo para maghugas ng kamay, kita naman sa malaking salamin ang pagsunod niya ng tingin sa akin. "Epal ka talaga sa buhay ko kahit kailan." Na tigil naman ako sa paghuhugas ng aking kamay at napa-angat ako ng tingin. Tinitigan ko ang repleksyon niya sa salamin. Naka cross arm siya habang masama akong tinitingnan. Ano na naman ba nag nagawa ko sa kaniya? Naiiling na lang ako. "Hindi ko alam kung ano ang ikinagagalit mo, pero pasensya kana if I offended you in any way." Sabi ko sa kaniya at nagpatuloy sa paghuhugas ng kamay. "You always wanted to get attention talaga ano? That is why you broke the theme for tonights event, that is why may pa kanta kanta ka pa sa entablado kahit ang pangit ng boses mo. And you wanted to look like sophisticated kaya ka nag pants, well let me tell you hindi bagay sayo." Napaayos ako ng tayo at tinitigan siya sa salamin. Grabeng insulto yun para sa akin. "You look great tonight. The design and color of your dress suit you well. The designer handbag that you have is not a waste. I must say that it blended well with your outfit. Your make-up was so nice. All in all, you are undeniably gorgeous. A head-turner." Sa kabila ng pang iinsulto niya sa akin ay pinaulanan ko siya ng magagandang pa puri. "Madali lang naman magsabi ng papuri sa kapwa Joy, hindi nakakabawas iyon sa pagiging tao. Tapos sasabihin mong I am wearing this because I wanted to look sophisticated? Let me tell you joy, I am not trying to look sophisticated. Again, I just want to be comfortable. Now I'm so sorry if me being comfortable makes you uncomfortable. But Joy, hindi ako nabuhay para lang sundin ang kahit anong gusto mo. I am not one of your puppets. I am not here to please you." Sabi ko sa kaniya at saka ako kumuha ng tissue para mapunasan ang kamay. Isa pa I am so damn tired trying to please my family hindi ko na kayang idagdag siya sa listahan. Peke siyang natawa sa sinabi ko. "Cut the act. Don't act like you are an angel because you're not. Kahit ilang layers pa ng make-up ang ilagay mo sa mukha mo, kita ko pa rin ang tunay mong kulay. Bakit ka ba kasi gustong gusto mong makakuha ng antensyon? Can you not live a normal life?" Matapos niyang sabihin iyon ay hinarap ko siya. Hawak ko ang tissue at nag dry na ang kamay. "I am living a normal life Joy. I do not seek attention, I ATTRACT attention. Now kung hindi mo matanggap iyon, problema mo na yun." Sabi ko at nilampasan siya. Huminto ako sa harap ng basurahan at may knapakan para bumukas ang lid nito. "Let me remind you Joy I am in no competition with you. Huwag mo laging iniisip na nakikipag kompetensya ako sayo, dahil napaka toxic mo na, napaka polluted ng utak mo kaya napakarumi ng inilalabas ng bibig mo." Sabi ko sa kaniya saka ko itinapon ang tissue sa basurahan. Sa kabila ng papuri na natanggap ko kanina, hindi pa din talaga maiiwasan na may mang-insulto sa akin. Ikakabigla ko pa ba iyon? Bago pa man ako makalabas ng tuluyan ay may pahabol pa ako na salita. "Hindi nakakamatay ang pag tanggap sa katotohanan na magaling ako." I don't want to sound boastful gusto ko lang siya na bwesitin. Narinig ko ang pagpapatigil niya sa akin pero hindi ko siya pinakinggan, patuloy lang ako sa paglalakad at iniwan siya sa CR. What's the point of staying, kung puro panlalait lang ang mahihita ko sa kaniya? Hindi na ako dumeretso sa field. Naupo muna ako sa bench. Napatingala ako sa langit. I am imagining a sky without a moon and stars, napakadilim siguro. Kagaya ng buhay ko. I am lost in a dark sky feeling ko isa akong bituin na walang kinang, basura kung baga. Kung meron man siguronng kinang napakafaint lang at paunti-unti pang pinapatay ng mga tao na ayaw sa akin. Inihilamos ko ang kamay ko sa aking mukha. Hindi na ba talaga ako pwedeng maging masaya na walang nasasagasaang iba? Kagaya ng ibang tao, I just wanted to live at the moment. Pero habang ginagawa ko iyon may nasasaktan at mas lalong lumalaki ang galit nila sa akin. Am I really seeking attention? Baka nga. Baka nga hinahanap ko sa iba ang atensyon na hindi ko kayang makuha mula sa sarili kong pamilya. "Aisht sa simpleng saalita ni Joy apektado agad ko masyado." Bumuntong hininga na lang ako. "Napakalalim non ah. May problema ka ba?" Napatingin naman ako sa likuran ko. Mula sa likuran ay umikot siya para maka-upo sa tabi ko. "May problema ka?" Pag-uulit ni Trsitan sa tanong niya. "Wala naman." Sagot ko saka tumingala sa langit. "Andirito ka para?" Tanong para mawala ang mahabang katahimkan sa pagitan naming dalawa. Ni hindi man lang siya kumibo kaya napatingin ako sa gawi niya. Medyo nahiya ako pero hindi ko naman ipinahalata. "Nakatitig ka sa akin kasi?" Tanong ko sa kaniya ng madatnan ko siyang nakatitig sa akin. "Sinusubukan kong basahin ka,,, pero hindi ko magawa. I want to know what you are thinking." "Ano ako libro?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya "Isang tula na hindi ko maintindihan, pero pa ulit-ulit ko pa ring gugustohing basahin." "Ano ba yan hindi kita ma intindihan napakamatalinghaga mo naman." Sabi ko sa kaniya. Napasunod ang paningin ko sa kaniya ng tumayo siya sa harap ko at inihayag sa akin ang kamay niya. Anong gusto nitong mangyari? "Maari ba kitang isayaw?" "Bigla bilga ka na lang mawawala tapos bigla ka na namang mag-aaya ng sayaw. Maupo ka nga." Sabi ko sa kaniya at tinapik ang kinauupuan niya kanina. Pero hindi siya nakinig at nanatili lang na nakatayo siya sa harapan ko habang nakatingala naman ako sa kaniya. Nag-aantay talaga siya sa akin kasi naka extend pa rin ang kamay niya. I have already seen him in a broad daylight at habang nasa ilalim siya ng pumapatak na ulan. Pero ngayon ko lang siya nakita sa gabi. Hindi ko mawari kung dahil ba iyon sa gabi ngayon, o may iba pang dahilan pero he really look ruthlessly handsome. Idagdag mo pa na nakatayo siya sa harap ko habang medyo magulo ang buhok pero gwapo pa din. Ang dalawang botones ng puting polo niya ay nakabukas, ang damit naman na suot niya ay hapit na hapit sa braso niya. "Let's dance." Napabalik naman ang mata ko sa mukha niya. Kahit madilim kita ko naman ang pagsilay ng ngiti sa mga labi niya. Nakakahiya, napansin niya kayang nakatingin ako sa katawan niya? I cleared my throat at pasimple ko na binabawi ang paningin ko sakanya, maarte kong inaayos ang aking pilikmata pati na buhok ko kahit hindi naman kailangang ayusin. Napabaling ako sa kaniya ng marinig ang mahinang tawa niya. Tinaasan ko naman agad siya ng kilay para hindi mapahiya. "Maupo ka nga hindi ka ba nangangalay? Kanina pa yang kamay mo." "Nangangalay na nga, kaya akin na ang kamay mo at magsayaw na tayo. I want to be your last dance for tonight." Natawa namana ako sa sinabi niya. Pero seryoso lang talaga ang mukha niya "Anong last dance dance maupo ka NGA!" Napasigaw naman ako ng biglaan niya akong hinila. Hinawakan ko kasi ang palapulsuhan niya para mapaupo siya pero nahawakan niya ang kamay ko at hinila ako patayo't muntikan nang masubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Kaya napahawak ako sa dibdib niya habang ang kaliwang kamay ko ay naman ay hawak niya pati na rin ang bewang ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko kaya siya na mismo ang naglagay ng kamay kong na nasa dibdib niya papunta sa likod na bahagi ng leeg niya. Ilang sandali pa ay nagsimula na siya sa pagsasayaw sa akin sa saliw ng tugtug na rinig na rinig dito na nagmumula sa gitna ng fileld. Nagsimula na siya sa pagsasayaw sa akin pero hindi ko siya matingnan sa mga mata. "You look great tonight." Sabi niya sa kalagitnaan ng pagsasayaw na agad na ikinapula ng aking pisnge.Sana ay hindi niya napansin. "Thank you, you look great too." Papuri ko sa kaniya pabalik. "How are you?" Tanong niya, striking to start a conversation. "So far so good. There are times na nahihirapan but it's manageable naman. How about you?" Tanong ko sa kaniya pabalik. Sa kaba ko ay mabilis ko siyang nasagot. "I'm fine... now." Napatingala naman ako sa kaniya. Nagtataka sa sahot niya. He's fine now? Ibig sabihinn ba non hindi siya okay nitong mga nakaraan? "How are you as a Fiancée? Ay wait Fiancée pa ba o kasal ka na?" Tanong ko na lang sa kaniya. I was kind oofcurious din kasi. "Was it too personal to ask ba? Pasensya ka na." Sabi ko sa kaniya ng mapansin ang paghinto niya sandali pero agad namang nagpatuloy. "Sorry." Pag-uulit ko. "For? " Sa tanong ko kanina. " " Ano ba yung tanong mo?" Is this guy even listening? "Akala ko kasi nagalit ka sa tanong ko kasi napahinto ka." "Pasensya na I was stunned for a moment kasi biglaan mong hinagod yung leeg ko." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Did I?" Napalayo ako ng konti para makita ang mga mata niya. "Yes, you just did. Don't tell me you did it unconsciously?" Taanong niya. What ginawa ko ba? Binigyan ko naman siya ng tingin na "hindi-ako-naniniwala-look". "Hindi ba iyon dahil sa tanong ko?" "Hindi nga, what was the question all about?" Nagtataka naman niyang tanong. Pinutol ko naman ang tinginan namin at ibinaba ang paningin.sa aming paa. "Ano lang naman yun...how are you as a Finaceé tapos baka hindi na fiancée kasi asawa na pala. Yun lang yun." Nahihiyang sagot ko. "How am I as a Finaceé? Hindi ko pa na ta try, kaya hindi ko alam. Gusto mo ba malaman?" Hindi na ta try? sa pagkaka alam ko umalis siya para ayusin ang kasal nila ng Finaceé niya. "Pwede naman, gusto mo ba maging fiancée ko?" Napabitaw ako sa kaniya sinimangutan siya at umupo sa bench kung nasaan ako naka-upo kanina. Seryoso yung tanong ko sa kaniya eh. Narinig ko naman ang pagtawa niya. "Tss." "Kung gusto mo lang namam malaman talaga, kasi pwede kitang gawing fiancée." Tinapunan ko siya ng mas masamang tingin. Hindi man lang siya natinag at umupo pa talaga sa tabi ko. "Hindi kasi, we are told na kaya ka umalis ng walang paalam ay para askikasuhin ang Fiancée mo. Madami nga ang nadismaya non." Pagpapaliwanag ko sa kaniya habang nakatingin sa langit. "Kasama ka na don?" Napairap naman ako sa kawalan dahil sa katanungan niya. "Hindi." Agaran kong sagot sa kaniya. "I guess ang sister in law ang nagsabi sa inyo. She was partly correct but I didn't prepare for the wedding. I had to leave to call the engagement off." Napabaling naman ako sa kaniya He was telling me that in a serious tone. "But why? Did the girl cheat?" Kaya ba sinabi niya kanina he is NOW fine. "Seriously? Anong mga idea ang nasa utak mo at napalawak naman imagination mo? " Natatawa niyang sabi. Anong nakakatawa sa tanong ko? "You really never failed to amaze me." Halos mamatay na siya sa kakatawa. Ipinukol ko sa kaniya ang galit kong tingin kaya ng makita niya ang itsura ko ay umayos naman siya ng upo. "Kasi I don't want to be jailed in a relationship or situation na hindi ko naman ginusto at pagsisisihan ko kalaunan." Sabi niya at tumingin sa akin ng deretso. "Isa pa hindi ko naman siya mahal, it's purely a business." Seryoso niyang pagkakasabi. Ngayon alam ko na yung rason niya. Napatango-tango naman ako sa kaniya. "Naks mayaman." Tanging naging reaksyon ko sa sinabi niya. Nang ibaling ko naman ang paningin ko sa harap ay agad akong napatayo sa gulat at kaba, kasi hindi ko namalayan na nasa harapan na pala namin si ma'am Jessa. "Good evening ma'am" Sabi ko at yumuko ng bahagya para magbigay galang sa aming propesor. "Good Evening miss Buenavistam ikaw pala." Pagbati niya sa akin pabalik. Kahit na gabi na ay nakita ko ang paglipat lipat ng tingin ni ma'am sa amin ni Tristan. Nagtama ang paningin namin ni Trsitan ng lingunin ko siya para sana senyasan siya na i-lift niya ang napaka awkward na atmosphere. "Susunod ako ate." Sabi lang ni Tristan ni hindi man lang tumayo sa kinauupuan niya. Gustong-guston ko siyang hilahin patayo. "Sige. Bye miss Buenavista." Isang ngiti ang ibinigay niya sa akin bago tuluyang umalis. "Bye ma'am." Sabi ko sa kaniya pabilik, ng maka-alis naman siya sa harap namin ay napabuntong hininga ako at bumalik sa pagkakaupo. "Umalis ka na may anak si ma'am na nag-aantay sa kaniya." Sabi ko kay Tristan. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. He was left with no choice but to stand-up. "It's nice seeing you again." Sabi niya, nakatayo na siya sa harap ko ngayon. "Sana sa susunod na pagkikita natin hindi na kita madatnan na umiiyak, may problema, o bumubuntong hininga." Hindi konaman nahimigan ang pagloloko sa boses niya, ibig sabihin ay seryoso siya sa mga sinasabi niya. "Nice to see you again. Susubukan ko." Sabi ko naman sabay ngiti sa kaniya. Tumango naman siya at may pahabol pa na kataga bago siya maka-alis. "Your world might be not as bright as you want it to be but you must continue on living okay? Kasi hindi mo alam baka may tao pala na kino-consider kang tanglaw sa madilim din nilang mundo. I'll see you again." --------------- "Ang tagal mo naman. Tumae ka ba?" Tanong sa akin ni Gia ng makabalik na ako sa table namin. "Hindi, na traffic lang. May kakilala akong nakita at medyo nagtagalan sa pag-uusap." Tumango-tango siya at bumalik sa pakikipag-usap sa boyfriend niya. Mabuti na lang at hindi na siya nag tanong kung sinong kaibigan, kasi hindi ko alam kung kaninong panggalan ang babangitin ko. Nakakahiya naman kung ang pangaln ni Tristan ang sabihinn ko eh naging guro namin iyon. Marami pa ang nagkakatuwaan. Sumali naman ako sa katuwaan ng mga kaibigan ko. May nag - aya pa sa akin na makipagsayaw pero tinangihan ko na. "I guess si Tristan talaga nang magiging huling sayaw ko sa gabing ito." Sabi ko sa sarili ko at sinisim ang dala kong inumin. Nasa bandang ala una na siguro ng nagkayayaan ng bumalik kami sa dorm. Pagkadating na pagkadating namin ay bagsak na agad ang dalawa ni hindi na nakapag-ayos pa. Samantala ako naman ay nakapag-ayos na at lahat lahat pero hindi pa rin makatulog. Tumayo ako sa kama at napagpasyahan na buksan na lang ang regalo na natanggap ko. Pinunit ko ang girft wrap, pagbukas ko ay isang box. Nang mabukasan ko ang box, tumambad sa akin ang isang maliit na bagay na hindi ko alam kung ano at may charger na kasama. Binasa ko naman ang manual at doon ko nalaman na speaker pala siya. Ang cute kasi may screen siya kaya pwede gawing orasan may mga pixel images kagaya ng finger heart at kung ano ano pa. Natuwa naman ako kasi ang ganda ng matanggap ko,, hindi kagaya noon na baso at picture frame. "Handa ka na bang umalis?" Pambunggad sa akin ni Shen pagkalabas na pagkalabas ko sa kwarto. Nagkakamot pa ako ng ulo at wala pang hilamos at suklay. "Ngayon na ba agad?" Gulat na tanong ko. Hindi pa ako handa. Natawa naman siya sa reaksyon ko. "Hindi naman, biro lang, bukas pa talaga. Ipapasa ko pa pala yung clearance ko, ikaw ba tapos ka na sa clearance mo?" Naglakad ako papalapit sa table kung nasaan ang dalawa. "Oo tapos na noong nakaraang araw pa." Sagot ko sa kanila. "Salamat Gia." Sabi ko ng lapagan niya ako ng tasa ng kape. "Napakalakas mag party hindi pa pala tapos sa clearance niya." Pagbibiro ni Gia sa kaniya. "Tapos na nga ako hindi ko pa lang naipapasa." Nagmake face lang si Gia sa kaniya. Tinanghali na ako ng gising. Sila din yata pero mas nauna sila ng kaunti, kasi naman napakatagal ko nakatulog kaninang madaling araw. "Bibisita ako sa inyo Shen ah." Sabi ni Gia. Paalis na kami ngayon papunta kami sa bahay nila Shen at doon ako sa kanila mag papasko at new year. Sasakyan ko ang dala namin, ako din ang nagmamaneho siyempre. Mabigat ang pakiramdam ko kasi tinawagan ko si mama pero ang sabi niya huwag ako uuwi ayaw niya masira ang pasko at new year niya. Kahit papaano ay may mpampalubag loob naman kasi panay naman ang update sa akin ng kapatid ko. "Magandang araw po."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD