Ika-labing siyam Kabanata

2487 Words
At exactly five forty five pm ay nakarating kami sa school kung saan gaganapin ang year end event. Naunang bumaba sa sasakyan si Shen. She looks bloody gorgeous in her bloody red v-neck, spaghetti strap bodycon dress. She partnered it with her red T-strap sandals. Hawak niya ang kayang black evening hand bag and her gift. Medyo kinulot yung buhok niya at nilagyan ng temporary highlights. Sunod na bumabas si Gia sa passengers seat. She is wearing a black halter top dress and a black stiletto. Her makeup highlights her features. She decided to cut her hair above the shoulder length. Hawak niya din ang kanyang black evening bag and her gift. I am the last to leave the car because I have to check the insides of the car first. "Let's go." yaya ko sa kanila. From parking lot ay tinahak namin ang daan patungo sa malapit at malaking field. Malayo pa lang ay rinig na namin ang malakas na tugtog. Marami-rami na ring mga tao ng makarating kami. All eyes are on be because I decided not to follow the theme. Students are supposed to wear casual or formal clothes of their choice with a color of either black, red, or gold. I wore white instead. Karamihan sa mga nakikita ko ay naka dress but, I am wearning a pants. I am wearing a ruffled off-shoulder crop top, a high waisted wide leg pants, and a white stiletto na natatakpan ng mahaba kong pants. Gaya nga ng request ko kanina ay ginawa lang na natural looking ang make-up. Although kita ko ang pag-aalangan ng make up artist kanina kasi alam niya na gabi gaganapin ang celebration. Samantala yung buhok ko naman ay ginupitan lang ng very light para lang ma tangal ang split ends and i think nag undergo din ito ng treatment kanina. Ginawang messy high ponytail yung buhok ko. "Dapat pala nag flats na lang ako." Sabi ko sa kanila habang tinitingnan ang mahabang lalakarin. Kailangan mong lumakad sa gitna ng nakahelerang mga round table sa magkabilang gilid. Nakakahiya pang maglakad kasi pagtitinginan ka talaga. "Don't mind them just walk, maganda tayo." Napataas naman ang kilay ko at bahagyang natawa sa sinabi ni Shen. "Let them stare, hindi din naman magtatagal ang imahe natin sa mga utak nila." Oo nga naman sang-ayon naman ako sa sinabi ni Gia madali lang talaga lumimot ng itsura. "Dito na ako girls, mag-iingat kayo." Sabi ni Shen sabay beso. Naks naman nakabihis nga kami pero hindi ko akalain na mag kikilos sosyal din pala. "Ikaw din." Sabi ko sabay tapik sa balikat niya. Sinundan niya ng tingin ang kamay ko bago siya tumingin sa mata ko. Nginitian ko naman siya. Naiiling na natatawa siyang naglakad patungo sa mga ka kurso niya. Sabay kami na nagpunta sa area ng mga TLE students at naghanap ng mauupan. Nakihalo kami sa grupo nila Themarie at Darwin. "Pwede pala mag white?" Tanong sa akin ni Darwin ng makita ang suot ko. "Actually hindi naman talaga, binali ko lang ang talaga yung rules nila." Joke lang iyon nagpaalam naman talaga ako at pinayagan naman ako. "Malayo ang CR dito paano pag nakaramdam ng tawag ng kalikasan?" Tanong ni Darwin. "Diyan ka na lang sa tabi-tabi pwede naman kayong umihi ng nakatayo." Suhestyon ni Gia, pero alam namin na biro niya lang iyon. "Ew that's Gross. I will not do that no, I am future teacher pa naman. Isa pa hindi gawain iyan ng sopistkadang lalaki." Hindi na lang namin pinuna ang sinabi niyang "sopistikada" kasi kahit indenial siya wala naman kaming karapatan na pangunahan ang identity niya. Unti-unti naman na nagsidatingan ang mga estudyante. Kasanayan sa mga lalake naka suit yung girls naman ay dress ako lang talaga ang naiiba na naka pants. Pagpatak ng saktong alas sais ng hapon ay mas lumakas pa ang tugtugan, na uhaw naman ako kaya minabuti kong kumuha ng inumin sa area namin. Yung malaking table na binihisan ng tela ang ginawang paglalagyan ng pagkain at inumin namin. "You really wanted to stand out so bad? That is why you wore white and pants." Sabi ni Joy. Nagkasabay kami sa pag kuha ng maiinom. Suot niya ay isang flowy gold dress. "To feed your curiosity I wore white tonight because I do not have the money to buy a new dress. I have to pick whatever is available in my closet. I wore pants because I wanted to be comfortable. May I excuse myself?" sabi ko sa kaniya at tinalikuran ko siya para makabalik sa table namin. "Nakita kong kina-usap ka ni Joy ah. Ano sabi niya?" Kyuryosong tanong ni Themarie sa akin. Hindi naman iyon napansin ni Gia kasi busy sa phone niya ka text o chat siguro yung boyfriend niyan. Si Darwin naman ay busy din sa Telepono niya. "Nagtanong lang." "Malabong tanong lang, ininsulto ka na naman siguro." Hindi ko na siya sinagot at uminom na lang sa inuming kinuha ko kanina. After a few more minutes of waiting finally at magsimula na din ang programa. The emcee for tonight are the officers coming form the Education department and the English program. May kung sino sinong panauhin ang tinawag para makapagbigay ng speech sa harap. May malaking sinet-up na stage. "Okay, so the officer will assist you from giving your gifts." Said the emcee. I do not know how it happend na sa dami ng population ng TLE students ay natapos namin ang gift giving. Natangap ko yung regalo ko from a junior student and I already gave my gift to Angel. She haven't opened it yet, so hindi ko alam kung nagustuhan niya ba. I haven't opened mine yet too. It was also decided kasi na hindi muna pwedeng i open ang mga natangap na regalo kasi kakalat sa venue. Kaya kahit excited akong malaman ay pinigilan ko na lang ang sarili ko. Next up, is ang inaabangan ng lahat ang pagkain. "Good thing hindi ako kumain ng lunch kasi pwedeng marami ang kainin ko tonight." "Just remember that you are wearing a crop top. If you eat a lot it will certainly show." Paalala sa akin ni Gia. "Okay lang yun ano ka ba, wala namang makakapansin." Natawa pa ako. Wapakels naman ang mga tao dito. Maraming pagkain, parang eat all you can. I got a beef steak, 2 peices of chicken, and pancit palabok plus rice. Too much carbs but who cares? Babalik na lang ako mamaya para sa round two. The school invited a local band named Windbreaker. An OPM song was played in the background by the band habang kumakain kami. Unang linya pa lang ng kanta alam ko na agad. Ginanahan tuloy ako. Bilang nabuhay ang katawang lupa ko. Kahit na kumakain ay marami pa rin ang nakikisabay sa tugtugan ng banda. Mas magandang sabayan ang indak ng tugtugan kapag tapos na sa kainan. Sa sususnod nilang tinugtog simula pa lang alam ko nang nagmula iyon sa bandang Kamikazee. "Narda." Sabi ko agad. Nakikisabay ako sa kanta ng banda. Saktong instrumental part ay natapos akong kumain. Nagmadali ako sa pag-inom ng tubig. "Mauna na ako, sunod kayo huh." Sabi ko sa kasamahan ko, hindi ko na hinintay pa ang sagot nila at nagmadali na ako sa pagtakbo papunta sa kumpol ng mga mag-aaral na nasa harap ng entablado. Malapit nang maging marahas ang paghampas ng drummer sa drums kaya mas naging excited ako. "Yeah" Sigaw ko ng makalapit na. Napatalon pa ako sa tuwa. Nakisabay ako sa kanta hanggang sa natapos ito. Hindi ganon karami ang kumpol ng mga nakikijam sa harap ng banda, kasi kumakain pa ang iba kaya madali lang akong nakasingit at nakapunta sa harap. Tumugtog ang bagong kanta kaya mas naging hype ang mga kasamahan ko. Nag-iisa lang yata akong babae dito pero wala akong paki-alam. Mas lalong nagwala ang mga manonood ng lumakas at rumahas pa ang hampas ng drummer sa kaniyang drums. Nasobrahan yata ako sa kasiyahan kaya nakalimutan ko na nakatakong pala ako. Kamuntikan na akong matumba mabuti na lang at naalalayan agad ako ni Kristoff na nakihalo na din pala. Hindi na ako nakapagpasalamat pa kay Kristoff dahil ibinalik ko agad ang atensyon ko sa banda. Chorus na naman kasi mas importante yun bahala siya. May pa snap pa akong nalalaman na isinasbay ko sa beat ng kanta. "Nakakarelate ka ba sa kanta at hype na hype ka?" Narinig kong tanong ni kristoff na inilingan ko lang at mas nakisabay pa sa kanta. Nag e-enjoy ako dito eh, huwag niya ako estorbohin. Kita ko naman na napapasulyap sa banda namin ang vocalist ng banda. "Gustong gusto mo yung kanta?" Sa kabila ng ingay ay rinig ko pa rin ang tanong ni Kristoff. Imbis na sagutin ay kumanta ako ng nakaharap sa kaniya at inilagay pa ang kamay sa dibdib dahil feel na feel ko ang kanta. Isang malakas na sigaw ang ginawa ko para sa panghuling verse ng kanta. Kulang na lang mapunit yung lalamunan ko sa kakasigaw. "Gusto niyo pa ba?" Pasigaw na tanong ng singer. Malakas na "Oo" naman ang isinagot ng lahat na siyempre hindi ako nagpahuli din. Rinig ko naman ang pagtawa ni Kristoff na nasa tabi ko. Sa sumunod na kanta ay natuwa ako memoryado ko ang kantang ito. Instrumental pa lang napapa-sway na ako. Napansin ko naman si Kristoff na sa kanan ko ay napapasabay din sa amin. Tumugtog ang kanta ng Parokya ni Edgar na pangarap lang kita. Narinig ko naman na nakisabay si Kristoff sa mga huling linya ng verse. "Feel na feel ah? Relate ka?" Pabiro kong sabi sa kaniya. Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy lang sa pagkanta. Ilang sandali pa naramdaman ko ang kamay ni Kristoff na dumampi sa balat ko. Ang kaliwang kamay niya ay nasa kanang bewang ko. Agad naman akong napatingin sa kanya at ng ambang aatras ay agad niyang hinawakan ang kaliwang bewang ko gamit ang kanang kamay. Mataas siya sa akin kaya nakatingala ako sa kaniya at siya ay nakadungaw. Ano bang trip ng isang 'to? At talagang nagpatuloy siya sa pagkanta kahit na sinasayaw na ako. Sinasaabayan ko na lang din ang galaw niya para hidni ganon ka awlward. Habang kumakanta siya inaayos naman niya ang off shoulder ko nagulo kanina dahil sa todo taas ako ng kamay at indak. "In fairness maganda boses." Pa puri ko naman sa kaniya. Ako naman ang sunod na kumanta sa sunod na verse habang nakatingin sa kaniya, binabawian ang pagkanta niya kanina sa harap ko. "Kun-" Napatigil naman ako ng may nagtutok ng mic sa bibig ko. "Continue." Sabi ng vocalist na nasa harapan ko na at may hawak ng mic. "di mo masabi" Patuloy ko sa kanta na naudlot kanina. Kinuha ko naman ang mic sa kamay ng vocalist at ako na ang naghawak kasi nakakahiya naman sa kaniya. Tumabi naman siya kaya no choice ako kundi kay Kristoff tumingin. Rinig ko din ang sigawan ng mga manonood kaya napansin ko na marami na pala ang mga andirito sa harapan. Matapos kong kumanta ay hindi ko alam kung kanina ko ibibigay ang mic. Mabuti na lang at sumenyas ang vocalist na ibigay ko kay Kristoff. Agad naman niya iyong kinuha mula sa akin. Kinuha niya namana at walang hiya-hiyang kumanta. Akala ko hindi niya tatangapin o mahihiya siya , pero hindi pala. Nagulat ako kasi hinawakan ni Kristoff ang kamay ko at hinila ako palapit sa kaniya. Agad naman na nag react ang mga manonood. "Share." Mabilis niyang sabi habang walang mic. Agad ko namang na gets ang gusto niyang iparating. Sa kalagitnaan ng kanta ay nakakahiya man dahil ang lapit naming dalawa pero nag sahre talaga kami ng micropono. Pagkabigkas niya ng salitang sinta sa kanta ay itinuro niya ako. Nginiwian ko lang siya, samantalang ang mnonood ay grabe na kung makasigaw. Ang lakas niyang mag landi sa harap ng maraming tao. Nag hintay naman ako na iabot niya ang mic pero hindi niya ginawa. Kaya inilahad ko ang kamay ko para sa mic pero hinawakan niya ang kamay kong nakalahad at siya na mismo ang naghawak ng micropono para sa akin. Ayaw ko na hinahawakan niya yung kamay ko kaya hinila ko ito mula sa kaniya pero nagmatigas talaga siya. Ayaw ko sana kantahin yung susunod na verse pero paborito ko tong part na to kasi kinabisado ko talaga ito noon. Makailang beses kong pinakingan ang kanta para lang masiguro na tama ang pagkakabigkas. Kaya walang makakapigil sa pagkanta ko kahit pa nakahawak sa kamay ko ang stupid na Kristoff. Patuloy pa din ako kahit na may gagong Kristoff sa harap ko. Dahil nakahawak na siya sa akin ay madali niya akong nahila papalapit sa kaniya. Kagaya ng stunt niya kanina ay second voice ako at share kami ng mic. "Pangarap lang" Sa huling salita ay nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko. "Avi, isa pa!" Sigaw ng hindi ko kilalang boses na sinabayan naman ng hiyawan ng iba pang manonood. Para kaming nag show. May insinenyas ang vocalist at nagsimulang tumugtog ang keyboardist. "First Verse at unang chorus lang pagbigyan mo na sila." Ang micropono na isinauli ni Kristoff sa vocalist kanina ay inilahad niya sa akin. Ang maliit na intro ay humaba dahil sa hinihintay ako na kumanta. "Hey" Unang salita pa lang ay nagsigawan na ang mga manonood. Napangiti naman ako habang ipinagpapatuloy ang kantang cloaser you and I at ang paningin ko ay napirmi kay Kristoff. Nakataas ang kilay niya sa akin at nakangiti habang kumakanta ako. Gustong mag steal ng sgow ng isang 'to. And I was right. Nagulat naman ako ng hinubad niya ang coat niya. Binaliktad niya ito at isinuot uli. Ang kaninang itim na suit ay naging puti na amaze naman ako dahil sa nangyari. Inilahad niya ang kamay niya sa akin at nag bow ng kaunti. "Maari ba kitang maisayaw?" Ini-abot ko ang micropono sa vocalist at tinanggap ang kamay ni kristoff na mas ikinalaki ng ngiti niya. Inilagay niya naman ang kamay ko sa pusisyon at nagsimula nang magsayaw. Ang vocalist na ang nagpatuloy sa kanta habang paakyat na siya pabalik sa stage. "Ang ganda ng pa effect ng coat mo kanina." Sabi ko sa kaniya "Mas maganda ka." "I know right." Sabi ko na ikinatawa niya. Mas humigpit naman ang hawak niya sa bewang ko. Na-aawkward lang ako kasi ramdam ko yung mga palad niya. "You look so happy." Sabi niya bigla sa kalagitnaan ng pagsabay ko sa kanta. He look serious. "Ikaw din naman ah." "Of course kasayaw kaya kita, sinong hindi magiging masaya." Nag make face lang ako sa kaniya kahit alam kong hindi niya nakikita ang histura ko.Akala ko pa naman seryoso na siya. "Good thing you didn't wear a coat kasi baka mapagkamalan ka na CEO." "Aray." Sabi niya ng suntukin ko yung dibdib niya. Napansin ko rin na marami na pala ang nakikisayaw kasabay sa amin. "Av, you look good talaga, walang halong biro."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD