"How are you?" Tanong ni Rayven na nakipagvideocall habang pagkauwi na pagkauwi ko galing sa mall.
"SANDALI! Huwag nga kayong magulo."
Ang kalmadong boses kanina ni Rayven ay nagtonong galit. Sa likod niya ay makikita mo ang iba ko pang mga kaibigan na pinipilit na makita at makisiksik sa maliit na screen. Ang iba naman ay hindi na nakatiis at sinubukan na kuhanin ang cellphone ni Rayven mula sa pagkakahawak niya. Natawa naman ako sa inasal nila.
"Mabuti naman ako." Sagot ko sa tanong ni Rayven.
Pinihit ko ang doorknob at inilagay ang libro na nabili ko na pang-regalo kay Angel sa study table. Umupo naman ako sa gilid ng kama para maka-usap sila ng maayos.
"Kailan uwi mo?"
"Don't forget my gift!"
"We are planning to have a celebration before Christmas."
"You should come."
At ang plano ko na maka-usap sila ng maayos ay mukhang hindi agad-agad na mangyayari. Sa paraan ng sabay sabay nila na pagsasalita ay malabo ko silang ma-intindihan at masagot lahat.
"Mahina ang kalaban isa-isa lang." Naiiling at natatawa na sabi ko sa kanila.
"Doon nga muna kayo." Sabi ni Rayven at itinulak ang iba naming kaibigan gamit ang kaliwang kamay niya.
Kahit labag man sa loob nila ay tumalima naman sila sa nais ni Rayven.
"Finally." Sabi ni Rayven sabay buntong hininga. "Christmas Vacation is near. So when are you coming home?" Tanong niya. Nakita ko naman ang pagsandal niya sa pink na sandalan ng sofa na kina-uupuan niya.
Kung pagbabasehan ang lugar at furnitures na nakikita ko, masasabi ko agad na nasa shop sila ni Trish.
"Kaya nga eh papalapit na. Tapos na ba kayo sa final exams ninyo?" Tanong ko naman sa kaniya dodging his question earlier.
"Yes, our grades are up already."
"That's so fast. As for my grades, kahit hindi ka naman nagtatanong ay, I'm still waiting for it to be posted sa aming student account."
"So kailan ka nga uuwi?" Tanong ni Bon na biglaan na lang na sumulpot sa kaliwang bahagi ng screen, nasa likod siya ni Rayven.
Medyo matagal-tagal bago ako nakasagot.
"It's not certain pa eh."
Kita ko ang agaran pagtaas ng kilay ni Bon.
"I'll update you guys." Dugtong ko sa sinabi ko.
Medyo matagal-tagal din ang naging pag-uusap namin ng mga kaibigan ko, kaya hindi na ako nakasabay sa hapunan. Minsanan lang kami kung mag tawagan. May pag-uusap naman na nagaganap pero sa gc lang, bihira lang ang mga tawag na ganito kasi busy din kami noong mga nakaraang linggo.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Wala namang gagawin bukod sa mag dedecorate lang sa field at mag checheck kung nag reflect na yung grades namin.
"Dederetso ka ba sa field?" Tanong sa akin ni Shen.
"Oo medyo malaking trabaho iyon, sa laki ba naman ng field."
"Kung bakit ba kasi pagliligpit at paglilinis lang ang cater ng school, sana sinama na rin nila ang pagpapadecor diba?" Sabi ni Shen habang inaayos ang pinatuyong pinggan.
"Ipagpasalamat na lang natin na hindi na tayo ang maglilinis. Si Avi nga hindi na nag reklamo na sa dapat araw-araw siyang tutulong hanggang sa matapos ang pag decorate."
Iniisip ko pa lang na araw araw akong dapat naroon ay napapagod na ako. Pero sige dahil sa isa akong TLE organization officer ay gagawin ko.
Naputol ang pag-uusap namin ng tumunog ang telepono ko. Nabasa ko ang pangalan at numero ng TLE org president sa screen ng telepono ko.
"Hello, Av."
"Hello miss Pres, good morning napatawag ka?"
"Kasi Av, may pabor sana ako sayo."
"Ano yun?"
"Kung maari sana ay ma-una ka na doon sa field. I-secure mo yung spot natin, medyo malelate ako ngayon eh, ikaw lang yung naisip ko na malapit lang diyan."
Dito ako namamalagi, kaya malapit talaga.
"Sige Pres no problem."
"Salamat Av, kung may kalat man sa pwesto natin paki linisan lang tapos yung gamit for decor paki kuha na din sa mother org office, ready na daw eh. Para pag dating namin diyan ay ready na."
"Sige po."
"Salamat ulit."
Ibinaba naman niya agad ang tawag. Dahil sa bihis naman na ako at nakapag-ayos na ay agad na akong tumayo. Pumasok lang ako sa kwarto ko para kunin ang gamit at nagpaalam sa kasamahan ko.
Bukas pa ang schedule ni Gia.
Gaya nga ng iniutos sa akin ay sinecure ko ang area namin. Sinigurado na walang taga ibang department o program ang maliligaw sa aming pwesto. Matapos kong masigurado ang spot ay pumunta ako sa opisina ng mother org para kunin ang nakalaan na pang decor sa amin. Agad naman akong bumalik sa field.
Matapos an ilang minutong paghihintay ang isa isa nang nagsidatingan ang aking mga kasamahan para sa araw na ito.
"Ate bakit may mesa na sila, tayo wala pa?"
Tanong ng kasamahan ko na nasa ikalawang taon sa kolehiyo.
"Meron na din tayo kaya lang walang magbubuhat kasi puro pa babae. Hitayin na lang natin na magsidatingan sila."
"Hala ate ayos lang, kaya naman naming magbuhat."
Hindi naman ako kumbinsido sa sinabi ng isang maliit, payat, at mahinhin magsalita na babae. Nakakahiya naman na pagbuhatin ang mga kababaihan na kadarating pa lang kasi halata mo na angat sa buhay.
"Hin-" Nabitin naman ang sasabihin ko ng biglaang may nagsalita sa likurang banda ko.
"No need to do that, I already ask the driver and my bodygurads to get the tables." Maarteng sabi ni Joy at agad na pumunta sa tumpok ng mga kababaihan.
Gaya nga ng sabi niya ay dumating nga ang dalawang mahahabang mesa na gawa sa kahoy, buhat buhat ng sinabi niyang diver at body guards niya daw kuno.
Ibinigay ko ang tela, pins, at thumbtacks sa iba kong kasamahan para masimulan na nila ang pag table skirt.
"What is the design ba?" Tanong niya sa akin agad ko naman na ibinigay sa kanya ang design.
"Okay, I'll lead the table skirting."
"Okay, para maaga na din tayong matapos."
Namili agad siya ng dalawang babae para gawin ang skirting sa kabila, habang solo naman siya sa isang mahabang mesa.
Ipinatong ko ang box na naglalaman ng decors sa ibabaw ng mesa at nagsimula nang gumawa ng vines gamit ang napakanipis na alambre at kulay gold na papel.
"Magandang umaga, paseensya na na at natagalan ako sa pagpunta na traffic lang." Matapos ang ilang minutong paghihintay ay sa wakas at dumating din si President at ang iba pa naming mga kasamahan. Ang mga gamit na dala niya ay inilagay niya sa lamesa at inutusan na ang iba na tumulong.
"Edgar, pakikuha naman ng hagdanan nasa may bodega ng H.E."
Agad naman na tumalima si Edgar sa utos ni Pres.
Makalipas ang ilang oras sa paggawa ay malakilaki na din ang natapos namin, handa nang isabit ang mga vines at mga kung anek-anek.
"Bea, ito na yung snacks." Sabi ng kararating lang na senior namin dala dala nila ang isang box na naglalaman ng snacks.
"Sige, salamat. Pakilagay na lang diyan." Hindi niya masyadong napagtutuonan ng pansin ang sinabi ng dumating dahil busy siya.
"Pakisabit na iyong tela na may dekorasyong vines at snowflakes sa itaas. Sino sa inyo ang aakyat?"
"Si Avi na lang pres, gamay niya kasi ang mga bagay na ganiyan." Sabi ni Joy.
Napabaling sa akin ang mga kasamahan at nag hihintay ng isasagot ko.
"Sige." Nakita ko namang ang malaking ngisi ni Joy dahil sa sagot ko, ng napansin niya na nakatingin ako sa kaniya ay tinaasan niya ako ng kilay at magpatuloy sa ginagawa niya.
Natapos ko ng ikabit ang mahabang tela. Patapos na din ako sa pangalawa ng biglaang may bumanga ng hagdanan na siyang naging sanhi para mahulog ako.
"AHH"
Isang matinis na sigaw at pagpikit lang ang tanging nagawa ko. Sa pagkahulog ko para bang biglaang humiwalay yung kaluluwa ko sa aking katawan. Hinintay ko na lang ang pagtama ng likod sa lupa. Pero ilang sandali pa ay hindi ako nakaramdam ng ano mang sakit. Para akong lumulutang kaya unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang mukha ni Kristoff.
"Ayos kan lang ba?" Nag-aalalang tanong niya.
Agad akong bumaba galing sa pagkakasalo niya. Umayos ako ng tayo at inayos din ang medyo nakusot kong blouse. Nang mapatingin ako sa paligid ay marami ang nakiusisa sa nangyari.
"Hindi na kayo nag ingat. Anong year na ba kayo para maghabulan? Hindi niyo ba nakita na may tao dito? Nakadisgrasya pa kayo eh, mabuti na lang at nasalo." Umalingawngaw ang malakas at galit na boses ni President sa buong field, nasa harap niya ang dalawang mag-aaral na nakabanga sa hagdan, pinapagalitan niya ito kaya nasa kaniya ang atensyon ng karamihan.
Napaitlag naman ako ng bahagyang hawakan ni Kristoff ang braso ko.
"Ayos ka lang ba?"
"Ah oo, salamat nga pala."
Yung tingin niya na nakatuon sa akin kanina ay dumapo sa may bandang likuran ko. Kaya napalingon naman ako sa likurang banda ko. Tumambad sa akin ang dalawang nakayukong mag-aaral.
"Ate we are so sorry, hindi na po mauulit, mag iingat na po kami sa nga kilos namin sa susunod." Sabi niya at hindi makatingin sa mga mata ko ng deretso.
"Sorry po." Sabi naman ng isa pang mag-aaral. Hindi ako sure kung sino sa kanila ang nakabanga sa hagdanan kanina.
"Ayos lang. Sa sususnod mag ingat kayo sa mga kilos ninyo, dahil kung hindi baka maka disgrasya na naman kayo o worst kayo ang malagay sa panganib."
Nakita ko naman ang pag tango nila.
"Sige na." Agad naman silang umalis.
"Ayos ka lang ba?" Tanong naman ng mga kasamahan ko na tinanguan ko lang. Si President naman ay hindi mapakali at chineck pa talaga ako kung ayos lang.
"Ayos lang talaga ako." Sabi ko sa President at pinahinto siya sa ginagawa niyang pagpapaikot-ikot sa akin para masigurado na wala akong sugat.
"Magpahinga ka na lang muna. Grabe yung kaba ko nung nakita kitang nahulog." Kita naman sa mukha ni Pres ang pag-aalala. Bumaling naman siya sa likuran ko kung nasaan si Kristoff. "Buti na lang at dumating agad si Kristoff para saluhin ka." Pansin naman ang pagbabago ng boses at galaw niya. Napangiti ako sa inasta niya.
Gaya nga ng sabi niya ay nagpahinga muna ako. Umupo ako sa malapit na bench, nakita ko naman ang pagsunod ni Kristoff sa kinaroroonan ko.
Iniabot niya sa akin ang dala niyang pagkain at saka umupo sa tabi ko.
"Snacks namin ito ah." Sabi ko nang ma recognize ko na ito iyon inihatid na snacks sa amin kanina.
"Kaya nga." Inilahad niya pa ang kamay niya.
"Tsk."
Dumaan ang ilang minuto na walang nagsasalita sa aming dalawa, kaya namutawi ang katahimikan habang kinakain ko ang snacks na bigay niya na kinuha lang din naman niya sa snack box namin.
"Ayos ka lang ba talga?" Tanong niya ng matapos ako sa pagkain. .
"Oo, nasalo mo naman ako kaya ayos lang ako."
"Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin kanina kasi habang buhat-buhat kita ay napansin ko na mabigat ka, baka pa obese ka na." Kita ko naman ang pagpipigil niya ng tawa.
"Sapakin kaya kita! Malamang mabigat ako kasi may impact galing sa pagkakahulog, ang labo mo." Tumayo naman ako agad at binigyan siya ng isang masamang titig.
"Ang asungot na yun ang kapal niyang sabihan ako na malapit ng maging obese." sabi ko habang naglalakad ako palayo sa kaniya at pabalik sa field.
"Hoi biro lang!" Rinig kong sigaw niya.
"Biro mo mukha mo." sagot ko kahit hindi naman niya rinig.
"Av check no na yung student account mo may grades na." Sigaw ni Gia galing sa sala.mNasa loob na ako kwarto ko kakauwi ko lang galing sa pag-aayos para sa gaganaping year end celebration.
"Sige, salamat check ko."
Agaran kong bunuksan ang laptop ko at nag log in sa site.
"Kompelto na ba yung sayo?"
Tanong ni Gia na nakadungaw sa pintuan ko. Tumango naman ako.
"Ang lalaki ng grades mo, mapapasana all ka na lang talaga." Sabi niya ng tuloyan siyang makalapit at dumungaw sa screen ng laptop ko.
"Sigurado din naman akong matataas ang marka mo."
"Walang wala yung akin kumpara sayo. Paniguradong masasali ka pa rin sa listahan ng Dean's List Congrats."
Matapos ang ilang araw na paghahanda sa venue ay finally natapos din. Maaga kaming natapos ngayong araw na ito kaya maaga kaming makakauwi.
"Bye." Rinig kong sabi ng mga naka assign sa araw na ito na uuwi na.
Dumiretso naman ako sa dorm. Pumasok ako sa kwarto at kinuha ang libro na ireregalo para malagay ko ma sa isang rectangular box. May ribbon na iyon kaya hindi na sana ako mag-aabala pang ibalot ito o ilagay pa sa box, pero naisip ko na no sense of surprise kapag hinayaan ko na ganon. Matapos ko ilagay iyon sa isang eleganteng box ay tinalian ko iyon ng ribbon at dinikitan ng isang note.
Kinabukasan ay ginising ako ng aking ka dorm mate.
"Av, wake up let's go to the salon."
"Uhm". Tanging ungol lang nagawa ko kasi antok na antok pa ako.
Yumogyog naman ang higaan ko kaya tumalikod ako at nagtakulbong ng kumot.
"Wake-up we need to look great today." Boses naman ni Shen ang narinig ko. Ang nakatakulbong na kumot ay hinila nila.
"I need to look great, so let me sleep in peace." Sabi ko sa isang bedroom voice at hinila pabalik ang kumot.
"Sige na minsan lang to." Pangungumbinsi sa akin ni Shen.
"I do not have money for that so you can go by yourself and please let me sleep in peace."
"Libre nga Av, as in FREE! "
"Thank you, but please let me sleep for a few more minutes."
I think the heaven heed my prayer. Nawala ang mga nangugulo sa akin at tumahimik ang aking kwarto. Just when I am about to dozed off ng bigla na lang may humila sa akin paupo.
Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag pero napakapangit sa pakiramdam na iuupo ka habang yung katawan mo ay tulog.
Agad ko ginawaran ng masamang tingin ang dalawa at hindi man lang talaga makikita sa mukha nila ang pagiging guilty sa ginawa nila.
Inilipat ko ang paningin ko sa orasan na nasa study table ko
"Oh my gosh, it is still eight thirty in the morning, mamaya pang six pm ang year end celebration." Humiga ako ulit. "Mamaya na lang tayo pumunta it is still early."
"You can sleep sa salon habang inaayosan ka." Ini-angat na naman nila ako pa-upo. Ang nagawa ko na lang ay ihilamos ang kamay ko sa mukha ko at magkamot ng ulo.
"Okay! okay! go out, sasama na ako." Sabi ko sabay bumuntong hininga.
"Hindi nga?" Diskumpyadong tanong ni Gia.
"Oo nga Gia, sige na umalis na kayong dalawa."
Agad naman nilang sinunod ang gusto ko.
"Just for a few more minutes, konting oras pa." Sabi ko sa sarili ko ng maisarado na nila ang pinto. Pahiga na ako ng biglang bumukas ang pinto at dumungaw ang ulo ni Gia. Agad akong nagpanggap na nagliligpit na ng higaan.
"Don't forget to bring your clothes na susuotin later sa event."
Tinanguan ko naman siya. Nang isarado na niya ang pinto ng tuluyan ay ginulo ko ang buhok dahil sa frustration.
"Gusto ko lang naman matulog." Sabi ko sa sarili ko habang nagliligpit ng higaan.
Uminom na ako ng kape at naligo ng malamig na tubig para mahimasmasan ang antok ko kasi panigurado ako ang magmamaneho.
"Tara na." Paanyaya ni Shen.
Natapos na din siya sa wakas. Sa aming tatlo silang dalawa ang atat pero mas nauna pa akong natapos na mag-ayos.
Naka high waist jeans, crop top t-shirt, at sandals lang ako. Nakalugay lang din ang mahaba at medyo basa ko pang buhok.
"Yung damit mo?" Tanong ni Gia sa akin.
Agad ko naman na ipinakita nag dalawang paper na naglalaan ng damit at footwear ko mamaya. Dala ko din ang regalo ko para kay Angel.
"I'll sleep sa salon. Do not bother to wake me up for lunch kasi magagalit na talaga ako pag nagkataon, at wala akong balak na kumain."Sabi ko sa kanila habang nagmamaneho ako patungo sa salon.
Pagdating namin ay deritso na kaming inasikaso. Nakapagpareserve na pala si Shen noong nakaraang araw pa para sa aming tatlo.
Mabilis naman akong nakatulog dahil sa antok ko dahil medyo matagal ako nakatulog kagabi. Pagkagising ko ay na konsensya pa ako sa hairdresser kasi hinintay niya talaga na magising ako para maayusan ng maayos. Matapos ang make-up, hair and nail ay nagpasya na akong magbihis.
"Sabi ko na nga ba hindi dress." komento ni Gia ng makita ako.
"Woah ang ganda mo. sana pala may ganitong event araw-araw." Sabi naman ni Shen ng makita akong nakabihis na.