“AVI!”
Isang malakas na sigaw ang nakapagpatigil sa usapan namin ni Dave. Napabaling kami sa pinagmulan ng sigaw. Isang tumatakbo at hinihingal na lalaki na naka unipormeng puti ang aming nakita na papalapit sa aming kinaroroonan. Habang palapit ito ng palapit ay unti-unti kong naaaninag ang mukha. Si Kristoff pala.
“Why are you running? Kung makasigaw ka naman ng pangalan ko parang nasa panganib ako.”
Tanong ko sa kanya ng tumigil ito sa harapan namin ni Dave. Nakahawak sa tuhod at hinihingal.
“Aalis na ako, salamat sa oras mo't pasensya ka na.” Naawa naman ako sa kanya, halata kasi ang pagkadismaya sa mukha niya.
“Yang pagkain sayo talaga yan.” Sabi niya naman agad bago ko pa mapuna ang paper bag na nasa tabi ko. “Nasasayo kung kakainin mo o ibibigay mo sa iba.” Pagkasabi niya non ay bumaling naman siya sa hiningal pero nakatayo ng si Kristoff.
Nahiya naman ako kasi alam niya pala na yung cake na bigay niya ay ibinigay ko din kay Kristoff.
“Salamat, tapos don’t worry wala akong pagsasabihan.” Sabi ko sa kanya. “Kahit siya hindi ko sasabihan makaka-asa ka.” Iyon ang huling kataga ko bago niya kami talikuran na dalawa.
“Hindi man lang nagpaalam sa akin.” Hingal na sabi ni Kristoff at umupo sa tabi ko.
Paalam?
“May tubig ka ba diyan.” Napataas naman ang kilay ko sa kaniya.
“Bakit?”
“Kakainin ko.”
Inabahan ko siya ng sampal kaya agad niyang naitaas ang kamay bilang pagsuko.
“Iinumin malang, kita mo naman na hinihingal yung kaibigan mo.”
Malay ko baka naman kasi gusto nitong maghilamos o isaboy sa akin hindi ba?
“Wala akong tubig na dala.” Sagot ko naman sa kaniya.
“Halukayin mo nalang yan, baka may inumin diyan.”
Inirapan ko siya bago ko sundin ang suhestyon niya. Pagkain halos, tapos may ibat-ibang klaseng inumin may juice, bottled coffee, tubig, at may isa pang naka tumbler. Ang kolokoy ko naman na kasama ay dumudungaw at nakikiusisa sa laman ng paper bag. Ibinigay ko naman sa kanya ang tubig.
“Ano ba?” Nagpanic naman ako bigla dahil pagkainom niya ay may tumilapon pang tubig na pumadaosdos sa leeg niya nabasa tuloy ang uniporme niya.
“Hindi ka ba marunong uminom ng tubig?” Tanong ko sa kanya at saka inilahad ang panyo ko para punasan niya sarili niya.
“Hindi mo ako pupunasan?”
“Magpunas ka mag –isa mo.” Pagalit na sabi ko sa kaniya.
“Bakit pag sa ibang babae ko iyon ginagawa poging-pogi sila sa akin? " Nagtatakang tanong niya sa kawalan. Idenerekta naman ang tingin niya sa akin.
"Pero pag dating sayo diring-diri ka? Babae ka ba talaga?” At talagang tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa.
“Ang dungis mo uminom ng tubig, tao ka ba talaga?” Insulto ko sa kaniya pabalik.
At nginitian lang ako ng loko.
“So bakit ka nandirito?”
“Alam mo ba yung layo ng tinakbo mula sa ika apat na palapag ng building namin pa punta sa building ninyo tapos hindi kita nakita doon kaya pinuntahan ko yung library wala ka doon tapos ang lapit mo lang pala sa building namin.” Mabilis niyang sabi.
“So? Bakit mo nga ako hinanap?”
“Kasi binabaan mo ako akala ko ano ng nangyari sayo.”
“Okay naman ako.”
“Halata nga, pero yung lalaki kanina binasted mo ba? Malungkot yung expression kanina ah.”
“Ikaw kalalake mong tao chismoso ka. Hindi ko binasted yun may pinagusapan lang kami huwag kang ano diyan.”
“Weh?”
“Ayaw mo maniwala bahala ka alis na ako.” Sabi ko sa kanya.
Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako.
“Yung schedule mo muna kasi.”
“Bakit ba?”
“Sabay ako sa pag-aaral mo maingay kasi yung mga kaibigan ko, kapag sila kasama ko puro na lang kami tawanan, jam , at kwentuhan kaya mabuti ng sayo na lang sumabay.”
“Chat ko nalang sayo.”
“NAGYON NA! Tuso ka, kilala kita.”
Pinagsasabi neto? Kaya ayon kesa mapatagal pa pag-uusap namin ay kinalikot ko nalang ang telepono ko at ipinasa sa kanya ang schedule ng mga exams ko.
“Sige alis na ‘ko.”
“Bye.” Sabi niya sabay wave .
Tumayo naman na ako at naglakad papalayo. Papasok na talaga ako ng maalala ko yung panyo ko. Pag lingon ko ay naglalakad na siya paalis kahit na medyo madilim na ay kita ko pa rin dahil sa puti ng uniporme niya.
“Itetext ko nalang.” Sabi ko sa sarili ko sabay tuluyan ng pumasok sa premises ng girls cottages/dorm.
“Ano na naman yan, bigay ni Mr. LVU?” Tanong ni Gia ng makita ang dala ko.
“Hindi, bigay to ni Dave.”
Inilapag ko naman yung paper bag sa lamesa.
“Pahingi ako ah.” Sabi naman ni Shen.
“Sige.” Sabi ko sabay pasok sa kwarto para isauli ang bag ko.
Kahit na guilty ako sa sa sinabi kanina ni Dave na ipamigay ko kung gusto ko pero kasi hindi ko naman mauubos iyon sa dami non.
Mas mabuti ng ipamigay kesa naman mag spoil iyon.
“May Tapioca pearls with mango dito, isasalin ko ito sa baso huh.”
Pambunggad na sabi ni Gia habang dala dala yung malaking tumbler. Para silang bata na dinalhan ng pasalubong.
Pagkatapos kong magbihis, kumain, at kung anek anek ay nag-aral ako para sa exams at gumawa ng kalahating kabanata.
Kinabukasan gaya ng dati ay nagising ako ng maaga para mag-aral, nainom ko naman ang bigay ni Dave na bottled coffee ng umagang yun. Ako na din nagluto ng agahan para sa aming tatlo.
At gaya nga ng napagusapan namin ni Kristoff ay sumabay nga siya sa pag-aaral sa akin doon pa din kami nakapuwesto, minsan naman ay sa library. Minsan naiiwan akong mag-isa dahil may pagkakataon na may exams siya at ako wala. Minsan naman kasama namin si Them sa pag-aaral.
Madalas ko namang mapansin ang presensya ni Joy. Padaan-daan lang, minsan pinapansin niya si Kristoff kadalasan hindi, kasi busy sa pag-aaral yung tao.
“Pahingi.” Tinutukoy niya yung kinakain kung tsokolate na inbinigay niya. Dahil sa madami-dami naman yung ibinigay niyang tsokolate sa akin ay dinamihan ko yung dala ko.
Ganon lang yung naging ganap ko sa exam week.
“Natapos din yung exams ko.”
Pasalampak siyang umupo sa katapat na upuan ko. Isang beses ko lang siyang sinulyapan at ibinalik ko na ulit yung atensyon ko sa binabasa kong reviewer. Kinagatan ko naman ang tsokolate na hawak ko. This is the last day of the exam, and I am studying so hard because my last exam is a major subject.
Good thing that Kristoff is not bothering me naka upo lang siya sa upuan habang naka kalong baba at nakatitig sa akin. His stare is making me uncomfortable kaya tumagilid ako para hindi ko makita ang ginagawa niya.
Matapos kong mabasa ang buong reviewer ay ibinaba ko ito sa table. The moment I put down the reviewer doon lang nag tanong si Kristoff.
“Last exam mo na ba iyan.”
“Yes.”
May hinalukay siya sa bag niya nakita ko na nag labas siya ng bottled water at binuksan ito saka inilahad sa akin.
“Thank you.” Sabi ko ng kunin ko ang bottled water mula sa kaniya.
“I am done with mine, it is very difficult.” Sabi niya, I think he was referring to his exams.
“Your exams are very difficult, but at least tapos ka na.” Sabi ko and I yawn.
“You’re sleepy?”
“Kind of, matagal ako nakatulog kagabi at maaga akong nagising kanina.”
“You should take a nap, may isang oras ka pa naman bago ang exam mo. I will wake you up nalang for you to study again.” He suggested.
“That is a good idea.” Sabi ko sabay itinabi ang mga gamit na nasa mesa.
“Wake me up after 15 minutes please.” Tumango naman siya.
Natulog ako ng nakaupo pero yung ulo nasa table at ginawa ko namang unan ang braso ko. The wind help me drifted into sleep easily.
Akala ko matagal na ang labing limang minuto ang bilis lang pala.
“AV, wake up, it’s been fifteen minutes.”
I have a choice to sleep but I have to ace my course. I am aiming to graduate with flying colors for my family especially mama to be proud of me. So I have to double my effort on studying and learning.
“Feeling ko kakaidlip ko lang, fifteen minutes is too short.” Reklamo ko.
“Then you should sleep longer. I shouldn’t have waked you up.”
“No. Magagalit naman ako sayo pag nangyari yun . I have to study one more time para sa exam ko. Thank you sa pag-gising.” Sabi ko naman sa kanya. Kinuha ko ang itinabi kong reviewer kanina.
I waited for more minutes before going back to studying.
Bago pa man pumatak ang alas tres ng hapon ay nasa loob na ako ng examination room, ganon din naman ang mga kasama kong mag exam.
“Get one and pass.” Sabi ng proctor ng exam ng magsimula na siyang mag distribute ng test paper.
“Answer your exam on your exam booklet or sheet or what do you call that. You, students, have probably heard this many times, but I will say this over and over again, strictly no cheating. If you are caught cheating I will not call out your name that will be shameful on your part but, I will directly tell your professor that you cheated so you will automatically get a zero on your exam which is I think 40% of your mark if I am not mistaken. So, please do not cheat, you are all future teacher so you must show a good attitude even if you are not in the field of teaching yet. It would be shameful on your part if you happen to tell your students in the future not to cheat when in fact you have done it before. Mahiya naman kayo para sa mga estudyante niyo in the near future.”
Tahimik lang ang lahat. We should start the exam we only have 2 hours kinain niya na ang ilang minutes non.
“No more questions?” wala namang nangahas na magtanong pa. “Okay your 2 hours starts now.” Sabi niya sabay upo sa upuan. Oh at least that clears that we will have a whole 2 hours for the exam.
The exam is really hard, but I manage to answer all the questions naman. I stood up to pass my answer booklet and the test paper. Ilalapag ko na sana ang test paper and booklet ko ng may humawi sa akin na kamuntikan ng maging dahilan ng pagkatumba ko ng tingnan ko kung sino iyon si Joy pala.
Ang laki ng ngiti niya para bang ang saya niya sa ginawa niya. Buti na lang talaga at hindi na nakita ng proctor yung ginawa niya kanina. Nauna siyang magpasa kaya nauna rin siyang umalis at bago pa siya makatalikod ng tuluyan ay inirapan niya ako. Medyo nailing naman ako sa ginawa niya I do not want to think that she is childish but she is acting like one. Hindi fit para sa isang koleheyalang kagaya niya.
And that concludes our exam week. The next morning, I decided not wake up late pambawi sa ilang araw kong pag gising ng maaga. My Saturday was very unproductive actually I just woke up, eat, take a shower, check my phone, at tiningnan ang laman ng bank account ko. Malaki laki din ang pinadala ni kuya I think that would cover 2 months of my expenses. Hindi ko din nagawang makapagsulat ng panibagong kabanata , I literally took a break.
Sunday came, bumawi naman ako sa pagsalapak ko noong Sabado I wrote two kabanata, washed my clothes, and cleaned my room.
“Did you get a text message that we are obliged to be part of the preparation for the year end party?”
Sumulpot sa kwarto ko si Gia.
“Yeah kasi kasasabi mo lang plus I expected it already.” Sabi ko nalang at nagpatuloy sa gingawa kong paglilinis.
“Pero bakit?”
“Anong bakit? Ano magbabayad tayo ganon para walang gagawin?” Sabi ko naman sa kaniya.
“Mahal yun, may mga taga art department din naman kaya mas makakatipid kung mga estudyante na din naman ang gagawa.”
“Tapos tayo din ang maglilinis?”
“The higher-ups offered that they will pay people to clean the whole place after the celebration. It is for us to really just enjoy the day or probably night.”
“Hindi ko narinig yan ah.”
“A friend from the SSC told me.” Sagot ko sa kaniya.
“Perks of being famous.”
“Famous? Who?” Naguguluhan ko namang tanong sa kaniya.
“You! duh.”
“Pataka! I am not famous nagkataon lang na may kaibigan ako na officer sa SSC.”
The bisaya in me is showing up. Nakita ko naman ang pagkalito sa mukha ni Gia.
After the conversation nagpaalam naman siya na lalabas na para magkapagluto.
The next week Monday, we are informed that our grade can be viewed by tomorrow so we’ll have to check it. Basically, we are given one week for the organization meeting and fixing our grade if ever mababa ito.
Ang ganap lang naman ngayon ay nagpatawag ng meeting ang organization ng TLE. During the meeting we are subdivided into 4 and that is based on our year level and it was done para makabunot ng monito't monita. We are given pieces of paper kung saan doon ilalagay ang pangalan namin. Inilgay ang mga piraso ng papel sa isang bowl at pinaikot iyon sa amin para makabunot. Nakabunot na ako ang nabunot ko ay si Angel Guevara, naging ka klase ko na ito sa iba kong subject kaya kilala ko naman at mapililian ko naman siguro ng regalo.
Natalakay na din kung saan kami banda sa field para makpagsimula ng magdecorate by Wednesday. Ang gamit naman sa pagdecorate ay provided na ng SSC, syempre isa na iyon sa binayaran namin. Kahit na may ipoprovide na food for all ay napagdesisypnan din na magluluto ang different years ng mga pagkain.
Kinahapuanan ay napagpasyahan naming na bumili ng regalo.
“What should I buy ba para kay Gema?” Tanong ni Gia habang papaakyat kami sa ikatllong palapag ng mall.
“Perfume, make-up or damit she’s feminine so maybe she loved those things.”
“May point ka. How about you sino ba nabunot mo?”
“Si Angel Guevara.”
“Madali lang yun bigyan ng regalo, bigyan mo ng libro you know mga novels she’ll love that. Book worm kasi yun.” Suggest ni Gia.