Una ko munang binuksan ang minsahe na ipinadala ni kuya.
Kuya Henry:
I will be sending you money. Huwag na huwag kang magkakamaling hindi tanggapin iyo. That will serve as my Christmas gift for you. Alam kong marami kang bayarin diyan gamtin mo na lang ang ipapadala ko para makatulong sa mga gastusin mo.
I guess may pambayad na ako sa mga bayarin ko sa school org. I wonder if ate knows about this.
I replied to kuya naman.
Me: Thank you so much in advance kuya, it will be a great help. God bless and good morning.
Matapos kong ma send ang mensahe ko ang mensahe naman ng kapatid ko ang tiningnan ko.
Troy:
Good morning ate how are you doing? Naisipan ko lang na I update ka sa kung kumusta na ang mga alaga mong pusa. Ate they are eating fine and healthy, inaalagaan sila ni mama. I hope you are fine. Saan ka nga pala sa pasko ? Alam kong hindi ka uuwi kasi ayaw ni mama.
It was nice to know that my cats are doing fine in the hands of my mama. At least yung galit niya sa akin hindi niya ibinibuntong sa mga pusa ko. One thing siguro na namana ko din kay mama ay ang pagkahilig ko sa pusa.
Me: Thank you for the updates Troy. I am doing fine. Today, simula na ng exam namin I am halfway of finishing my 3rd year in college. Sa kaklase ko ako mananatili sa pasko, don’t worry about me. I hope you are doing fine there, take care of papa and mama for me. Maaga kang nag mensahe, dalawa lang ang ibig sabihin non it’s either nagising ka ng maaga o hindi ka natulog. Sana yung pangalawa yung dahilan. Huwag kang pasaway. Good morning. I love you.
Matapos ko na ma replyan ang kapatid ko ay kinuha ko ang reviewer na gawa ko at nagsimula ng mag –aral para sa exam ko sa araw na ito. Naka highlight na yun kasi nag-aral naman ako ng Sabado at Linggo. Habang nagbabasa ako wala akong maintindihan kasi ina-antok pa rin ako.
Alam kong effective ang pag-aaral ng madaling araw pero wala din naman iyong patutunguhan kung ina-antok ako, wala din lang papasok sa utak ko. Minabuti kong iwan muna ang ginagawa ko para magtimpla ng kape para kahit papaano ay magising. Habang nagtitmpla ako ng kape ay nakatingin ako sa labas. Paniguradong malamig kasi makapal ang fogs. Papasok na sana ako sa kwarto para makapag-aral uli ng maalala ko na hindi pa pala ako nanghihilamos. Kaya inilapag ko muna ang kape ko at pumaosk sa CR para maghlamos.
Matapos kong maghilamos ay naisipan kong lumabas para tingnan ang paligid kahit alam ko naman na hindi ganon ka visible ang paligid, dahil sa fogs. Hawak ko sa dalawang palad ko ang tasa ng kape para mainitan ako.
Naalala ko pa madalas kong madatnan si mama at papa noon na nagkakape sa veranda.Kahit na ganito ang weather gustong gusto pa din nilang magkape doon. Magkatabi sila sa upuan, naka akbay si papa kay mama. Pero simula ng maging madalang na ang uwi ko hindi ko na natutunghayan ang ganong mga scenario sa bahay. Mas lalong hindi ko na matutunghayan iyon ngayon, kasi hindi pa ako makaka-uwi sa bahay.
Pumasok na ako sa loob para makapag-aral, medyo lumamig na yung kape ko dahil sa maliit na panahon na pananatili ko sa labas.
Naging epektibo naman ang pag-inom ko ng kape na gising naman ang sisitema ko. pumapasok na sa utak ko ang pinag-aaralan ko.
Nag medyo sumikat na yung araw ay ako na ang nagluto ng agahan. Kapag ganitong exam week ako ang nagluluto kasi ako ang nagigising ng maaga. Saktong pagkatapos kong magluto ay nagising naman ang mga kasamahan ko kaya kumain na kami ng sabay.
“Maaga ka na namang nagising?” Tanong ni Gia habang kumakain kami.
“Oo nag-aral lang.”
“Hindi kaya ng sistema ko na mag-aral ng madaling –araw. Sinubukan ko 'yan noon pero nakatulog lang ako uli.” Sabi naman ni Shen.
Masipag sila mag-aral peto magkaiba lang talaga kami ng pamamaraan. Si Gia nakakapag-aral ng maayos kapag may tugtog, samatala ako kapag nag-aaral gusto ko tahimik. Si Shen kahit saan mo ilagay kaya niyang mag-aral, hindi niya lang talaga kaya labanan ang antok sa madaling –araw.
Matapos naming kumain, si Gia ang naghugas ng pinggan at bumalik naman ako sa kwarto para makapag-aral. Mamaya pa ang unang exam ko kaya mamaya na ako maliligo.
Nag ayos na ako ng pumatak ang alas nuebe sa orasan, 10:00 am kasi ang exam ko. Mas maliit na bag ang dala ko ngayon, ballpens, exam sheets, cellphone, wallet, reviewer, at tsokolate na bigay ni Kristoff lang ang laman non.
Dalawampung minuto bago mag simula ang exam ko ay umalis na ako sa dorm para makapunta na sa exam room.
Pagpatak ng 10:00 am ay agad namang nagsimula ang exam. The exam went so smooth, lahat naman ng lumabas sa exam ay napag-aralan naman.
Hindi pa natatapos ang dalawang oras na inilaan para sa bawat exam ay natapos na ako kaya nauna ako na makapagpagsa. It is a rule na kapag tapos ka na ay kailangan mong lumbas. Paglabas ko ng classroom ay doon ko ininda ang sakit sa batok. The proctor was kind of strict bawal kang tumingin sa katabi mo. Kapag nakita kang nakatingin sa katabi mo that was considered as cheating. Kaya the whole time, nakayuko lang ako at nasa test paper ang atensyon ko.
Hinantay ko muna na matapos na mag exam si Themarie, sabay kasi kami na kakain ng pananghalian. Marami-rami na din ang nagsilabasan. Nakarinig rin ako ng mga bulong-bulungan tungkol sa nangyaring exam.
“Mahirap yung exam natin ngayon.”
“Ayan na naman yang mahirap mo tapos sa ating lahat ikaw pala ang may pinakamataas na scores.”
“Hindi ah, hindi nga ako nakapag-aral sa subject nato. May family dinner kasi kami kagabi sa isang sikat at mahal na restaurant.”
“Naku! Iba talaga ang buhay ng isang Joy, mayaman na matalino pa. Panigurado kahit hindi ka nakapag-aral ay ikaw pa rin naman ang mangunguna sa klase.”
“Oo nga hindi kagaya ng isa diyan nauna nga na magpasa pero for sure ako na mas mataas pa rin ang marka mo kumpara sa kanya”
Hindi ako tsismosa, may tenga lang talaga ako. Alam ko na ako ang pinaparinggan nila, hindi ko na lang pinatulan pa. Nagkunwari na lang ako na hindi sila naririnig.
“Panigurado yun.” Sabi naman ni Joy kung papatulan ko to edi dalawa na kami na isp bata.
“Av, tapos na ako.” Tawag sa akin ni Themarie ng makalabas, sa laki ng ngiti niya mahahalata mo na nagawa niya ng tama ang exams niya.
Binigyan ko muna ng isang tinggin ang grupo ni Joy bago kami tuluyang umalis ni Themarie para kumain.
“Na hirapan ka?” Tanong niya sa akin.
“Ayos lang naman napag-aralan ko naman pero may mga mali yun panigurado.”
“Sila Darwin?” Tanong ko sa kaniya.
“Kaninang umaga yung schedule nila. Hindi ko nga alam kung nasaan iyon ngayon.”
So dahil wala ang iba na madalas naming kasama tuwing kumain, ay kami lang dalawa ni Them ang kumain ng sabay.
Naiwan ako na mag-isa dahil sa may exam si Themarie pagkatapos ng lunch yung akin mamaya pa. Habang nag-aantay sa susunod kong exam ay nag-aral muna ako. Kagat kagat ko ang chocolate na bigay ni Kistoff at hawak hawak ko ang reviewer ko ng biglaang may gumiya ng kamay ko.
Nawala ang atensyon ko sa binabasa ko at napunta kay Kristoff na kinagatan ang tsokolate na hawak ko. Binitawan niya ang kamay ko at umupo sa harapn ko na nginunguya ang tsokolate. Kinagatan ko iyon kanina tapos kinagatan niya? Kadiri siya.
“Iyo na lang yan.” Sabi ko sabay bigay sa kanya ng tsokolate na kinainan niya.
Kita ko naman ang gulat na ekspresyon niya
“Ang arte mo, wala akong nakakahawang sakit.”
“Sinabi ko bang meron? ” Sabi ko sabay kuha ng sa pang tsokolate sa bag. Nakita ko naman ang pagkagat niya ng tsokolate habang ako ay ibinabalik ang atensyon ko sa binabasa ko.
“Ba-“
“Andirito ako para mag-aral wala akong oras makipag bwesitan sayo.” Sabi ko agad.
Pumwesto nga ako sa lugar kung saan malayo ang mga tao para tahimik at makapagconcentrate ako heto naman siya nagiingay. Nasa biluganag mesa at upuang gawa sa semento pa rin naman ako pero this time mas malayo sa mga tao. Gusto ko sana sa library kasi panigurado na tahimik pero gusto ko mag aral ngayon sa kung saan fresh ang hangin.
“Sorry.” Sabi niya at may hinalukay sa bag niya. Inilabas niya ang makapal na kung hindi ako nagkakamali ay reviewer.
“Bakit ka ba andito.” Tanong ko sa kanya.
“Andirito ako para mag-aral, wala akong oras makipag bwesitan sayo.” Pinaliit niya patalaga ng boses niya para magboses babae.
Umiling nalang ako at bumalik sa pagbabasa ganon din ang ginawa niya. Sabay naman kami sa pag-alis dahil parehas kami na may exam. Medyo madilim na ng matapos ako sa exam ko.
Madilim na pero marami pa rin ang mga mag-aaral. Habang naglalakad ako papunta sa dorm nakita ko naman ang iba na papasok pa lang ng library para mag-aral, ang iba naman ay naglalakad pero ang tinggin ay nasa reviewer na hawak nila.
Two out of eight exams na ang natapos ko hindi na din masama, six more to go. Sana hindi ako makaranas ng breakdown this exam kasi parang naging hobby ko ng mag breakdown kapag exam week talaga.
Hindi pa man ako nakakapasok sa dorm ay naisipan ko na munang umupo sa bench na madadaanan mo kapag pauwi ka na sa dorm.
Tiningala ko ang langit nakita ko na nag aagaw na nag dilim at liwanag, nakita ko rin ang pagsayaw ng mga puno dahil sa ihip ng hangin.
In the middle of appreciating nature ay tumunog ang cellphone ko.
“Tumawag ka because?” Tanong ko kay Kristoff na nasa kabilang linya.
“Sinagot mo because?” Aba ibang klase din. Palaban!
“K, bye” sabi ko .
“Sandali ito naman hindi mabiro.”
“Bakit ba?”
“Hihingin ko sana ang schedule mo sa exam.”
Napataas naman yung kilay ko sa sinabi niya.
“Bakit?”
“Av.” Nilayo ko naman nag telepono ko sa tenga ko ng biglaang sumulpot si Dave. Napalingon naman ako sa paligid ko.
“Dave bakit?” Tanong ko at saka pinutol muna ang tawag. Hindi ko alam kung tatayo ba ako sa kunauupuan ko o mananatili ako sa pag-upo. Sa huli napagdesisyonan ko nalang na manatiling nakaupo.
“Ibibigay ko sana sayo kanina pagkatapos ng exam pero nawala ka bigla.” Iniabot niya sa akin ang isang paper bag.
Tiningnan ko ito na hawak niya. Last time na binigyan niya ako ng pagkain ay minasama iyon ni Gema.
“Para saan?” Tanong ko sa kaniya.
“Wala lang, kaibigan naman tayo hindi ba?”
“Kaibigan kita pero yung totoo ano ba talaga ang intension mo?”
Napabuntong hininga naman siya at umupo sa tabi ko inilagay niya sa pagitan namin ang paper bag na iniabot niya kanina. Sinundan ko naman ang bawat galaw niya.
“Ang totoo kasi niyan, gusto ko yung kaibigan mo.”
“Alin dun?” Kasi marami akong kaibigan.
“Si Christine.”
“So? Binibgyan mo ako nito para ilakad kita sa kanya?” Deritsahang tanong ko sa kanya. Hindi naman siya sumagot so I’ll take that as a yes.
“Alam mo kasi Dave, hindi ako naglalakad ng manliligaw sa sino mang kaibigan ko, hindi ko nga alam na kilala mo pala yung kaibigan ko. Kung gusto mo siya, siya yung ligawan mo. HUwag ako ang bigyan mo ng ganito, siya dapat yun.”
“Paano ko naman gagawin yun eh malayo siya.”
“Yun yung dapat pagtuonan mo ng pansin, yun ang dapat mo ng gawan ng paraan. Hindi talaga kasi ako nagtutulay ng relasyon pasensya ka na.”
“Ayos lang yun wala ka namang kasalanan, saka nagbabakasakali lang naman ako na baka pwede mo akong introduce sa kanya. But still I will find a way to introduce myself to her and eventually court her.”
Nginitian ko naman siya. This isn’t the first time na may lumapit sa akin para ilakad sila sa kaibigan ko. Pero makailang ulit ko na din na nagawang mag turn down kasi hindi ko talaga gawain iyon.
May sariling desisyon kasi yung mga kaibigan ko, I do not want them to entertain someone just because I introduce that person to them. I know it is one of the way but, for me cowardness yun, Eh bakit kailangan mo pa ng backer when you can do it yourself naman? Kailangan mo lang talaga tatagan yung loob mo. Since panliligaw naman talaga yung motibo, dapat matatag ang loob mo para kapag hindian ka ay may lakas ka.
“AV!”