Ikalabing limang Kabanata

3294 Words
Nasa may railing ako ng 3rd floor nag-aantay na matapos ang dalawa sa pinamili nila. While waiting ay nakinig ako ng musika, para hindi mainip sa pag-aantay. I don’t know ilang minuto bago sila natapos sa pamimili nalaman ko nalang na tapos na sila ng kinalabit na lang ako ni Shen. Tinanggal ko naman ang earphones ko and the moment na nakita ko sila ay ngumiti ako. “Pasesya na medyo natagalan kami.” Nahihiyang sabi ni Gia. “Nagtagal ba kayo?” Nasagot ko, kasi honestly hindi ko naman napansin ang takbo ng oras. Na aliw lang siguro ako sa pinapakinggan kong musika. Pagkatapos namin sa pamimili sa mall ay dumaan muna kami sa palengke para mamili ng fresh goods. Meron naman din nito sa mall pero mas makakamura kasi kung dito. Pagkatapos namin sa palengke ay bumili kami ng ulam para sa lunch at bumiyahe na pauwi sa dorm. “Oii Kristoff.” Tawag ni Shen kay Kristoff ng makita niya ito. Kumaway si Kristoff at patakbong lumapit sa amin. Napahinto sa paglalakad ang kasama ko kaya napahinto na din ako. “Namili kayo?” Tanong niya ng makita ang dala namin. “Hindi nangutang kami.” Sagot ko naman sa kanya. Natawa naman ang kasama ko habang si Kristoff ay maarte na itinaas ang kilay. “Joke yun?” Tanong niya sabay pamewang. “Depende kung paano mo itetake yung sagot ko.” “Paano kung ikaw yung gustong I take ng heart ko.” Napasimangot naman ako sa sagot niya. “Corny mo.” Sabi ni Shen. Si Gia naman ay tahimik lang. “Ito na lang itake mo.” Sabay abot ni Shen sa mga pinamili namin. “Hindi naman iyan ganon kabigat, ibigay mo na lang ‘yan kay Avi yan, malalaki naman braso niyan.” “Thank you for the compliment.” Sagot ko naman sa hirit ni Kristoff. “Sige na may pupuntahan ka pa yata.” Sabi ko dahil naka-ayos siya. Pagkasabi ko non ay inayos niya ang nakaayos naman na kwelyo at pinasada ang mga daliri sa buhok. “Gwapo ba?” Tanong niya sa amin. Nilapitan ko naman siya at tinapik ang balikat niya. “Pwede nang masama sa mall… Joke lang, sige good luck sa lakad mo.” At saka naglakad na paalis napansin ko naman nag pagsunod at pagpapaalam ng mga kasama ko sa kanya. “MAY DATE AKO.” Sigaw ni Kristoff. Binigyan ko naman siya ng isa pang sulyap. “GOOD LUCK SA DATE MO!” Tumalikod naman ako at kinawayan siya ng nakatalikod. Pagdating namin sa dorm ay kumain na kami. Ako na ang nag-ayos ng mga pinamili namin dahil sila naman ang nagbayad nito, nakakahiya naman masyado kung sila pa ang pagpapaayusin ko nito. Yung mga goods naman na kailangan pang hugasan bago ilagay sa lalagyan ay ako na din ang gumawa, kagaya ng isda. Pagbukas ko ng refrigerator para ilagay ang mga goods na kailangan si store sa ref ay nakita ko doon ang chocolate na ibinigay ni Kristoff. Natapos ko na maiarrange ang mga pinamili ay naisipan ko na aralin ang gagawin ko para sa teaching demo bukas. Nagawa ko na ang mga gagamitin ko para sa demo kaya ang pagbibigay buhay na lang sa lesson plan ang pinraktis ko. “Pasok.” Sabi ko ng makarinig ako ng katok sa pintuan. “Nakapamili ka na ba ng susuotin mo para sa year end party natin, o kahit na mga bagay na gagamitin o dadalhin?” tanong ni Gia ng makapasok siya. “May mga damit pa naman ako kaya hindi na din ako mamimili.” “You mean yung mga jeans mo?” Sabi ni Gia na para ba akong may nasabing mali. “Yeah, why?” “You serious?” “Yeah, Jeans never get out of fashion.” “I can’t believe you, wala ka man lang bang dress diyan sa cabinet mo?” Kung kanina ay nasa may pintuan lang siya ngayon ay nilapitan niya na talaga ang cabinet ko at hinalukay ang laman non. Inikot ko lang swivel chair ko para masundan siya ng tingin. “May dress ka naman pala.” Sabi niya ng makita ang laman ng cabinet ko. “Meron nga sino ba ang nagsabi na wala?” Sagot ko. “And you'll seriously wear jeans sa party gayong may dress ka naman pala.” “Then I guess I’ll wear a dress.” “Good.” Nakita ko naman ang paginhawa ng loob niya. Isinara niya ang cabinet at hinarap ako ng nakapamewang. “You should wear a dress sa year-end party okay?” Tumango naman ako bilang sagot. Aalis na sana siya at isasara na ang pintuan kaya lang sumilip siya ulit. “And may exchange gifts na magaganap kaya sabay pa din tayo sa pamimili.” Then she shut the door. Kaya madaming bayarin kasi may pa monito, monita pa. Isa pang dagdag sa bayarin ang gagamitin for decorations kailangan pang mag-ambagan. Kailangan ko pa namang magtipid may mga bayarin pa sa org. Kinabukasan maayos naman ang naging takbo ng klase ko sa umaga. Naipasa ko na din ang mga dapat maipasa. “Hindi ka ba sasabay sa amin sa pagkain?” Tanong ni Themarie sa akin pagkatapos kong iligpit ang mga gamit ko. “Hindi na muna, sa dorm na lang ako kakain, magbibihis din kasi ako para sa teaching Demo natin mamaya.” Kahit demo lang yon ay dapat magmukha talaga kaming guro. Nag send kasi si Prof ng Rubrics for grading kasama doon ang appearance. “Magbibihis ka pa eh, kahit anong isuot mo hindi naman babagay sayo, kagaya na lang ng pagiging guro kahit kailan hindi ka magiging bagay sa larangan ng pagtuturo.” Sabat naman ni Joy sa usapan namin. Nagulat naman ako sa mga binitawan niyang salita, pero imbis na makipagsagutan ay tumayo nalang ako at hindi nalang pinansin ang mga kataga na binitawan ni Joy. Nagpaalam na din ako kay Themarie. “Joy wala kang karapatan na sabihan si Avi ng ganon.” Narinig kong sabi ni Themarie bago pa ako makalabas. Hindi ko nagawang makasagot kasi naalala ko si mama. Naalala ko na ayaw na ayaw niya sa kinuha kong kurso na kahit pa ginagawa ko naman ang best ko sa pag-aaral para sa kanya ay kulang pa rin iyon. Pagkarating ko sa dorm ay nag luto na lang ako ng itlog, may kanin pa naman na natira kaninang umagahan kaya iyon na lang din ang kakainin ko. Pagkatapos kong kumain ay nag practice na muna ako sa aking gagawin mamaya sa demo. Pagkatapos ng halos isang oras na practice ay nagbihis na ako. Nakaharap ako ngayon sa salamin, suot ko ang isang short sleeve polo na kulay puti at puting pencil skirt na abot hanggang tuhod. Isinuot ko naman ang nagiisa kong puting stiletto. Naka ponytail ako, ngalagay din ako ng pulbo at kaunting lipstick. Umalis ako sa dorm dalawampung minuto bago magsimula ang scheduled class ngayong hapon. Habang naglalakad ako patungo sa classroom namin ay napapansin ko naman ang mga tingin ng mga tao sa akin. Naiisip ko tuloy na baka hindi bagay sa akin ang suot ko, kaya nakayuko ako habang naglalakad. “Oii Av” Tawag sa akin ni Themarie ng makarating ako sa classroom. Buti na lang at hindi ko ka klase sila Joy sa subject na 'to. “Ganda mo ah, akala ko tuloy Tourism student na napadpad sa department natin.” Sabi ng ka klase ko na si Andrew. Nginutian ko naman siya at dumeretso nalang sa upuan na katabi ni Them. “Ganda mo.” She mouthed habang naglalakad ako papalapit sakanya. Medyo awkward naman kasi nakaplaster yung napakalaking ngiti sa mukha niya. “Dapat pala may demo araw-araw para nakikita ka naming na nakasuot ng skirt.” Pambungad niya sa akin ng makaupo ako. “Huwag naman sana.” Araw-araw din kaming gagawa ng lesson plan kung ganon. Saktong two thirty ng hapon ay dumating si Prof. “Miss Secretary, can I have the flash drive?" Yung flash drive na tinutukoy ni Prof ay doon na nakalagay ang lahat ng powerpoint presentation na gagamitin namin for our demo. Ipinasa na namin iyon sa class secretary last Saturday. Inilabas ni Prof ang mga Index card namin. “Everybody ready?... Okay so we will start so that all of you can do the demonstration. I will be choose randomly depende sa kung sino ang una kong mabubunot. First we have…” Nagsimula na si Professor na pumili randomly gamit ang index card. Napabuntong hininga naman ako dahil sa kaba. “We have Future Teacher… Avi Charlotta Buenavista.” And that’s me. Hindi ko alam kung ma swerte ba ako na ako yung mauunang mag de-demo o hindi. I have done demo teaching noon, pero kahit na may experience ako ay kinakabahan pa din ako. Tumayo ako dala ang karagdagang teaching materials na gagamitin ko. Pumunta naman si Professor sa likod para obserbahan kami. Binigyan naman siya ng bakanteng upuan ng ka klase ko para ma upuan. Isang buntong hininga bago ako tumapak sa harapan. The moment na tumapak ako sa pinakaharap ng classroom alam kong nagsisimula na si Prof sa pagpupuna sa akin kaya agaran akong nagsmula. “Good morning class. Please stand up, Mr. Solares kindly lead the prayer.” Habang sinasabi ko ito ay inopen ko naman ang aking powerpoint presentatation. “Good morning class… okay sit down. Miss Secretary, please check the attendance for today I will ask for a copy of that later okay?... Thank you.” Kinuha ko naman ang remote para sa presentation para isang click na lang lilipat na sa next slide. “What was our lesson last meeting?” Madali naman na nawala ang kaba ko kaya smooth naman ang takbo ng demo iniiwasan ko lang talaga na mapatngin kay Prof kasi baka kabahan ako uli. “Any question about your assignment?...Okay none. If you have no questions then that would be all for today’s session. Goodbye class.” And that ends my demo. “Next… Kathrine Andrade.” Sabi ni Prof ng matapos ako. Yun na yun no comments? Baka isahin na lang ni Prof mamaya. “Ang galing mo, napakasisisw lang para sayo.” “Anong sisiw ilang gabi ko din pinagpraktisan iyon, kabado nga ako kanina kung alam mo lang.” “Nako hindi halata sayo Av.” “Dahil siguro nakapagpraktis ako ng maayos.” Sabi ko nalang. Natapos ang klase ng bandang 4:45 na extend ng 15 minutes ang klase ni Prof. Marami- rami din kaming mga naka pag demo. “Sayang yung effort ko na mag bihis hindi din naman pala ako ngayon makakapagdemo.” Sabi ni Themarie habang naglalakad kami palabas ng University para ma mili. “Maaga ko pa itong pinlansta kanina, nag effort pa ako para ma perfect yung buhok ko para lang sa araw na to.” Napatingin naman ako sa buhok niya, ngayon ko lang napansin na kinulot niy pala ito. “Tapos ang unfar kasi ikaw simpleng pony tail lang ang ganda na.” Natawa naman ako sa sinabi niya. “Ganyan talaga kapag sanay kayo na dugyot ako, naninibago lang kayo dahil minsanan lang ako mag tali ng buhok.” “Hindi maganda ka talaga.” Napailing nalang ako kung hindi ko ito ka kilala baka naisip ko na naiingit ito. “Tara libre mo ako.” Sabi niya pa. “Wala akong pera, ikaw itong nagyaya.” “Sige libre kita.” Gaya nga ng sabi niya inilibre niya nga ako. Pagkatapos naming kumain ay umuwi na si Themarie ako naman ay pumunta na sa libarary para mag-ayos ng mga libro. “Good afternoon po ma’am” Bati ko sa librarian. Nagtagal naman nag tingin niya sa akin “Iba ayos mo ngayon ah?” bulong niya “Nag demo lang kanina ma’am.” Tumango siya kaya umalis na ako sa harap niya para makapagsimula na. Kung maraming libro noong nakaraan mas marami yung ngayon. “Excuse me miss.” Napahinto naman ako sa pag-ooraganze ng libro. “Yes?” Sagot ko sa lalaking lumapit sa akin. “Saan ko kaya mahahanap ang libro na ito?” Sabay pakita sa akin ng isang papel kung saan nakasulat ang pamagat ng libro. Hindi ko naman saulo lahat ng libro dito. “Maari niyo pong I search doon sa machine po, kung sakaling wala pong results ay sa librarian niyo na lang po isangguni.” Sagot ko sa lalaki, at nginitian pa siya para approachable ang dating. “Sige salamat.” Babalik na sana ako sa dating ginagawa ng nag salita na naman nag lalaki. “Miss, maari ko na lang bang makuha ang panagalan mo?” For? “Naku pasensya na po pero hindi po.” Nakita ko naman ang pagsulyap niya sa studmet’s ID ko bago umalis. Napatingin naman ako sa ID ko buti nalang at nakatalikod iyon kaya sa malamang ay hindi niya nalaman ang pangalan ko. “So totoo nga yung sabi ng mga kaibigan ko.” Biglaang sulpot ni Kristoff sa harap ko agad ko naman tinakpan ang bibig nya at pinanlakihan siya ng mata. Napansin ko naman ang pagbaling sa amin ng iilang mga estudyante na nasa library. “Huwag ka ngang maingay.” Madali lang naman niya na natangal ang kamay ko sa pagkakatakip ng bibig niya. “Sorry.” Pagkasabi niya n’on ay itinulak ko na ang cart at pumunta na sa hilera ng mga bookshelves. “Totoo ngang nag bagong anyo ka.” Bulong niya ng makalpit sya sa akin. “Paanong nag bagong anyo? Nakita nila na nagkaroon ako ng pakpak, nahati ang katawan ko sa dalawa, at lumipad?” “Hindi, I mean ibang ayos.” Sabi niya at nakita ko pa ang pagtingin niya sa akin mula ulo hanggang paa. Inirapan ko nga. “Unang beses niyo bang nakita na naka skirt ako?” habang ibinabalik ang isang libro. “Ako oo.” Sabi niya sabay kuha ng libro sa cart. Oo nga naman hindi naman kami ganon ka tagal ng magkaibigan. Normal lang din siguro yung mga reactions nila kasi hindi naman talaga ako madalas magsuot ng ganito. Sa kalagitnaan ng pagbabalik ko ng libro ay napansin ko ang sakit ng aking paa galing siguro sa ilang oras na pagsusuot ng heels. Kaya minabuti ko na umupo muna. Hinubad ko ang sapatos ko at ginalaw galaw ang paa ko. Nagkaroon rin ako ng pagkakataon na I bun ang buhok ko para mas maging komportable ako. “Tumangkad ka nga, sumakit naman paa mo.” Sabi niya pa at nakatayo ng nakapamewang sa harap ko. “Anong ginagawa mo?” Napaatras ako kahit wala ng aatrasan dahil biglaan na lang siyang nag squat at hinawakan ang paa ko at tiningnan ito. “Tinitingnan ang paa mo, masakit kasi diba?” “Tumayo ka nga diyan.” Sabi ko sabay bawi ng paa ko na hawak niya. “Masakit kasi nakatakong ako, pero hindi naman ako na sprain hindi lang talaga ako sanay mag suot nito.” Tumayo naman siya at kumuha ng libro para gawin yung trabaho na dapat ako ang gumagawa. Ilang sandali pa ay bumalik naman ako sa trabaho. “Ayos na ba yung paa mo?” Tanong niya habang nasa kabilang bahagi ng shelf at nakatingin sa siwang na nasa pagitan naming dalawa. “Oo.” Madilim na ng matapos kami sa pag-aayos inihatid niya naman ako sa labas lng dorm. “Salamat sa tulong.” Sabi ko sa kaniya “Walang ano man.” Ngumti naman siya kaya halos hindi ko na makita nag mata niya. “Tutuloy na ako.” “Sandali.” May kinuha siya sa loob ng bag niya. “Tsokolate.” Sabay abot sa akin ng isang paperbag. “Makakatulong iyan sa pag-aaral mo para sa final exams.” Kinuha ko naman iyon. Yung bigay niyang tsokolate sa akin noong nakaraan nakain ko na kagabi. “Salamat.” Pagkatapos kong magpasalamat ay tumuloy na ako. Kinabukasan maaga akong nagising para mag-aral at magsulat ng kahit isang kabanata lang. Pumasok naman ako sa mga klase sa araw na iyon at kinagabihan ay nagpunta na ako sa library, naunahan pa ako ni Kristoff sa pagpunta ko doon. “Okay lang ba talaga na tinutulungan mo ako?” Tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami patungo sa dorm. “Oo naman, bakit ayaw mo ba?” “Hindi naman, nakakahiya lang kasi baka may gagawin ka kagaya ng pag-aaral mo, o di kayay gagala kayo ng kabigan mo.” “Kaya nga kita tinutulungan kasi wala akong ginagawa.” “Salamat huh ang laking tulong mo saakin.” “Libre mo na ako niyan?” “Pagnakaluwag luwag bakit hindi. Sige na tutuloy na ako.” “Sandali.” Sabi niya na naman. Iniabot niya na naman sa akin ang paper bag na may lamang tsokolate. “Hindi ko pa nauubos ang bigay mo.” “Bigyan mo sina Shen, sige pasok ka na goodnight.” Sabay ngiti. “Goodnight tsaka salamat dito.” Kinabukasan wala siya sa library may pasok sila buti na lang at maaga labasan namin. Madilim na ng matapos ako. Paglabas ko sa library naroon si Kristoff. As usual hinatid niya ako sa dorm at may pa tsokolate na naman. “Av, Friday na ngayon diba?” Tanong ng librarian sa akin. Uuwi na sana ako. “Opo ma’am.” “Simula lunes pwede na huwag ka na munang mag arrange ng libro dito, focus ka muna sa exams mo.” “Naku ma’am salamat po.” Nginitian ako ni ma’am. Nagpaalam naman ako sa kaniya. Si Kristoff nasa labas hinihintay ako. Ihahatid niya daw ako sa dorm “Hulaan ko tsokolate yan.” Sabi ko sa kanya. Natawa lang siya at iniabot sa akin ang paper bag. “Kulang nalang maging matamis yung dugo ko dahil sa mga ibinibigay mong tsokolate.” “Exam week kasi gusto lang kita tulungan…kayo nila Shen.” “Gusto mo lang yata magka diabetes ako eh.” “Hindi.” Sabi niya naman agad. “Joke lang, ito naman. Salamat dito.” Ganon ang laging eksena kapag hinahatid niya ako. May pa tsokolate si mayor. “Tsokolate na naman yan ano?” Pambungad sa akin ni Shen. “Oo, para daw sa atin.” Inilabas ko iyon sa paperbag at inilagay sa ref. “Naku ang sabihin niya kamo ay para sayo talaga iyan isinama niya lang kami para hindi halata.” “Na alin?” Tanong ko naman kay Shen “Na may gusto siya sayo,.” Si Gia naman ang sumagot kahit hindi siya ang tinatanong ko. “Na tumpak mo Gia. Nagkita kami ng singkit na iyan kanina, naku kung para sa atin talaga iyan edi sana ibinigay niya na lang sa akin hindi ba?” “Edi nagselos jowa mo pag nagkataon, isa pa may dinedate yung tao alam mo naman na lumakad iyon noong linggo para may idate.” Pumasok na lang ako sa loob ng kwarto para makapagbihis at makakain na. Plano ko sana na mag-aral at magsulat ng kabanata para hindi ako maubusan ng drafts pero hindi na kinaya dahil sa inantok na talaga ako. Magmama-aga na lang ako bukas. Kagaya nga ng napag planohan ko ay maaga nga akong nagising. Kinuha ko ang kalendaryo sa table ko. I flipped it to the next page because it is already December. Natapos na ang November, kakasimula pa lang ng Desyembre, sana maging mabuti ang buwang ito sa akin. Nagising naman ko sa malalim na pag-iisip dahil sa tunong ng telepono ko. Si kuya Henry, hindi ko pa nababasa ang mensahe niya tumunog naman ang telepono ko para sa isa pang mensahe galing sa kapatid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD