“AHHHH.”
Ang matinis kong sigaw ay nalunod dahil sa kamay na tumakip sa bibig ko.
“Shh, Av ako ‘to.” Ng medyo kumalma ako ng nakilala na Kristoff pala iyon.
“Aray.” Namulupot siya sa sakit dahil sa pagsuntok ko sa tiyan niya.
“Hayop ka, akala ko multo na.”
Kahit iniinda ang masakit na suntok ay nagawa niya pa rin na tawanan ako. Ang ginawa ng hinayupak ay lumabas bigla sa poste na malapit lang doon sa bench at tinakot ako. Siya pala yung nakita ko kanina .
“Nakakatawa yung mukha mo, sayang hindi mo nakita.” Tinaas naman niya nag dalawang kamay niya dahil ipinukol ko sa kanaya ang masamang tingin ko. “Grabe Av, nawalan ng kulay yung mukha mo kanina. Akala ko mahihimatay ka na.” Sabi niya ng makalayo sa akin.Grabe talga yung tawa niya para na siyang mauubusan ng hininga.
“Animal ka, bigwasan kita diyan eh.” Nagsimula naman na ako sa paglalakad ulit.
Akala ko talaga makikita ko yung sinasabi nila na multo sa nursing department, aswang pala yung makakasalamuha ko.
“Eto tubig.” He handed me mineral water but I brushed it out of my sight.
“Hala galit ka talaga?”
“Hindi, ang saya ko sa ginawa mo.” Sagot ko naman.
“Sorry na. Nag-rereview kasi ako ng nakita kita at naisipan ko takutin ka.”
“Talaga nagsisisi ka sa ginawa mo? Sa paraan ng pagtawa mo kanina parang hindi ka naman nagsisisi eh.” Tanong ko sa kaniya.
“Sa bandang yun hindi, kasi nakakatawa naman talaga yung mukha mo kanina. Sayang hindi ko man lang na record.”
“Bahala ka sa buhay mo.” Sabi ko at naglakad ng mabilis patungong dorm, hindi naman siya makapasok kasi gabing-gabi na.
“Bye Avi.” Bye mo mukha mo.
Napahawak ako sa dibdib ko grabe ang kalabog niyo kanina. Kumuha naman ako ng isang basong tubig.
Naalala ko naman ang binigay na chocolate ni Kristoff hindi ko pa pala nakakakin iyon. Nagmadali ako na kuhanin ito sa bag at gaya nga ng ina-asahan ay tunaw na ito. pero makakain pa din naman iyon kailangan lang talagang palamigan sa refrigerator.
“Andiyan ka na pala Avi.” Napalingon ako sa nagsalita si Gia pala. Tumango ako at ngnitian siya.
“Oo, natagalan ako sa library.”
“May pagkain diyan.” Sabi niya at saka dumertso sa CR.
Pagkatapos kong kumain at mag-ayos, ay kinuha ko ang laptop ko para I check ang aking lesson plan na ipapasa kinabukasan. Nang masigurado ko na tama na iyon ay isinunod ko naman ang pag- proof read ng kabanata na natapos ko kanina. Natapos na siguro ako ng mga bandang ala-una, mabuti nalang at hindi maaga ang pasok ko kinabukasan.
“Class, you will going to do a teaching demo, and this lesson plan na naipasa niyo ay ang gagamitin niyo. The demonstartaion will happen next session so please be ready.” Pagkatapos ng announcement ni ma’am ay umalis na siya.
“Malapit na yung exam kaya bakit ngayon niya pa sinabi.” Rinig kong sabi ni Gema.
“Alam mo naman na kapag nalalapit na ang exam yun din ang mga panahon na magbibigay na sandamakmak na projects ang mga Professors.” Sagot naman ni Joy sa kaibigan.
Napabaling naman ako sa katabi ko na si Themarie hindi ko mawari kung anong ekspresyon ang meron siya.
“Okay ka lang ba?” Tanong ko sa kanya. Umiling siya.
“Bakit?”
“Natatae ako.” Bulong niya sa akin.
Tumayo naman ako agad bitbit ang mga gamit ko, kaya napatingala siya sa akin.
“Tara.” Sabi ko sa kaniya.
Nagmadali kami sa pagpunta sa malapit na girls restroom.
“Them.” Kumatok ako sa pintuan ng cubicle na inoocuppy niya. “Doon lang ako sa alabas maghihintay ah, doon sa bench.”
“Sige.” Sigaw niya mula sa loob.
Para hindi naman masayang ang oras ko ay nag-isip ako ng magandang scenario para sa susunod na kabanata. Mamaya pa ang susunod kong naming pasok.
Nabulabog naman ang malalim na pag-iisip ko ng nag-ring ang cellphone ko.
“Kuya, ikaw pala. Napatawag ka?”
“Malapit na ang Christmas break ninyo hindi ba?”
“Opo.”
“Kailan uwi mo? May pera ka pa ba? at padadalhin kita.”
“Maayroon pa kuya hindi mo na kailangang magpadala kahit papaano ay may source of income naman ako.” Sagot ko lang kay kuya Henry.
“Ganon ba? Pero kapag gipit na gipit ka na talaga huwag ka mahihiyang lumapit sa akin huh.”
“Opo.” Sagot ko nalang kahit alam ko sa sarili ko na kahit kalian hinding-hindi ako lalapit sa kanya kasi alam kong pagmumulan lang nila ng away iyon ni ate.
“Mabuti, alam mo naman na bago pa man naging kami ng ate mo ay kinilala na talaga kita bilang nakababatang kapatid ko. Kaya kapag nahihirapan ka huwag kang magatubiling lapitan ako. Pamilya mo din ako.” Ngumiti naman ako kahit hindi niya ako nakikita.
Naalala ko pa noon nasa grade 3 yata ako noon ng nakilala ko si kuya Henry. Pingatangol niya ako sa bullies, nasa mga 2nd year
high school siya ng mangyari iyon. Kaya laking tuwa ko nalang ng malaman ko na siya pala nag mapapangasawa ni ate. Alam kong nasa mabuting kamay yung kapatid ko.
“Opo kuya, salamat.”
“Uuwi ka naman sa pasko hindi ba?.” Akala ko pa naman ay nakalimutan na niya ang tanong na yun. “Doon din kasi magpapasko si mom and dad, sa inyo para kumpleto tayo.”
“Ganon ba kuya, edi masaya yun.”
“Oo saka sigurado naman ang uwi mo hindi ba?” Paguulit niya na naman.
“Hindi po ako makakauwi kuya. ” Akala ko naman ay naputOl ang tawag kasi tumahimik sa kabilang linya. “Ayaw kong masira ko yung pasko nila mama kuya, kaya mas mabuti na din sigurong hindi na muna ako uuwi.”
“Pero, saan ka sa pasko?”
“Sa kaibigan ko po ako magpapasko kuya.”
Sagot ko kahit na hindi ko pa alam kung saan ako.
“Umuwi ka nalang ako ang kakausap kay mama.”
“Naku… kuya huwag...” Agaran kong sagot sa kanya. “Kagustuhan ko naman to kaya huwag na.”
“Malabong kagustohan mo iyan Av.”
“Kagustohan ko talaga kuya...sige na po ibaba ko na at kailangan ko pang pumasok sa susunod kong klase.” Sabi ko nalang para matigil na yung pinag-uusapan namin at sure ako na pipilitin lang di naman ako nun na umuwi.
Pagkatapos niyang magpaalam ay ibinaba ko naman agad ang tawag.
“Av, tapos na ako.” Rinig kong sigaw ni Them.
Paglingon ko ay nakita ko ang nakahilig na Shen sa railing. Ngintian naman niya ako agad.
“Kanina ka pa ba diyan?” Tanong ko na tinanguan niya lang. Kung kanina pa siya edi narinig niya ako kanina habang kausap si kuya.
“Andiyan na yung kaibigan mo, kita na lang tayo sa dorm mamaya.” Sabi niya sabay alis.
Saktong pagalis ni Shen sa harap ko ay ang paglabas ni Them sa Cr. Nakita ko naman ang pagbati ni Them kay Shen ng mapadaan ito sa harap niya. Tumayo ako at naglakad din palapit kay Them.
“Napadpad dito si Shen.” Turo niya sa kaibigan ko na naglalakad palayo.
“Oo nagkausap kami.”
“Ahh… so saan na tayo?” Sabi niya sabay hawak sa braso ko, napabaling naman doon ang tingin ko.
“Naghugas ako ng kamay grabe ka.” Depensa niya agad sa sarili niya kahit wala pa naman akong sinasabi.
“Wala naman akong sinabi ah.”
“Sa paraan ng tingin mo alam ko na agad ang laman ng utak mo.”
Natawa naman ako sa sinabi niya. Tama nga naman siya
“Doon na lang tayo, isipin natin kung paano natin gagawin yung teaching demo natin.” Sabi ko at itinuro ang bench at table na gawa sa semento.
Doon nga kami ng punta pero hindi para pag isipan ang gagawing teaching demo kundi para tumambay at magchikahan.
“Oo nga, tapos yung scene na nagkausap si Eury at magulang niy---”
Naputol ang sasabihin sana ni Themarie ng biglaang sumulpot si Dave sa gilid namin.
“Hi.” Bati ni Dave.
“Hello.” Sagot ni Them, samantalang ako ay tinanguan lang siya.
“Hindi na ako magtatagal, gusto ko lang sana ibigay ito sayo.” Sabi niya sabay abot ng supot sa akin.
Hindi ko na sana tatanggapin pa kasi noong huling tanggap ko galing sa kaniya ay nagka engkwentro pa kami ni Gema.
“Kunin mo na Av.” Sabi naman ni Themarie.
Kinuha ko nalang kaysa maka-agaw pa ng atensyon. Itatanong ko pa sana kung para saan iyon pero agad naman siyang umalis.
“Hala!” Napabaling naman ako sa tumiling Themarie. “Kaya pala kilala mo kung sino yung gusto niya kasi ikaw pala yun ah…” Ngumiti pa siya ng nakakaluko, nagsalubong naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya. “Ano yun nililigawan ka na?”
“Hindi.” Agaran ko namang sagot pero base sa itsura niya ay halatang hindi siya naniniwala sa sianasabi ko.
After that encounter ay pumasok na kami for the last subject ko. Samantala si Themarie ay may isa pa siyang subject. Dumeretso ako sa library, like the usual andoon din si Kristoff para tulungan at asarin ako. Pagkatapos ko sa library ay pumunta na akong dorm, si Kristoff naman ay pumasok sa kanyang klase.
“Hi.” Pambungad ni Shen sa akin.
“Hello.” Sabi ko sa kaniya at dediretso na sana sa kwarto pero hinarangan niya ako. tinagilid niya ang ulo niya at nginitian ako.
“Bakit?” Tanong ko. Naglakad siya sa sofa kaya sinundan ko naman siya ng tingin. Nang makaupo na siya ay itinuro niya ang sofa sa gilid niya.
“Ano?” Natatawa kong tanong kasi ang seryoso ng mukha niya at idagdag mo pa na hindi siya nagsasalita.
“Upo ka?” Sinunod ko naman ang gusto niya. Inilagay ko ang bag sa maliit na mesang nasa gitna.
“Bakit?” Tanong ko sa kaniya.
“Yung narinig ko kanina… hindi ka uuwi sa inyo sa pasko?”
Walang silbi kung magsisinungaling pa ako kaya tumango ako bilang sagot.
“Saan ka sa pasko?”
“Hindi ko alam…” napaisip naman ako kung saan nga ba ako mananatili sa pasko. “Kung pwede ako dito sa school, edi dito na lang.”
“Paano kung hindi.” Nagkibit ako ng balita.
“Hindi ko pa siya ganon ka iniisip kasi may mahigit dalawang lingo pa naman bago yung bakasyon. Ngunit kung hindi talaga ako maaring mag-stay dito ay baka makituloy muna ako sa bahay ng kaibigan ko kung papayag sila.”
Na weirdohan naman ako kay Shen kasi bigla siyang ngumiti. Lumapit siya sa akin at inabot ang kamay ko.
“Sa amin ka nalang.” Napangiti naman ako sa sinabi niya. “So we can spend Christmas together.” Mas lumapad naman yung ngiti ko sa sinabi niya.
“Sa amin ka nalang huh?” Pagkaklaro niya, tinanguan ko naman siya.
“Sigurado akong maiingit si Gia.” Natawa pa talaga siya.
“Ipasok ko na muna tong bag ko huh saka ako magluluto.” Tumango naman siya.
I’m grateful Shen didn’t ask the reason why I cannot come home and celebrate Christmas with my family. Masaya lang siya na alam niya na sa kanila ako magpapasko. Nakauwi na si Gia yun pa rin yung bukambibig niya.
Masya lang isipin na even though ayaw akong makita ng mama ko, at least I have friends who are excited to spend time and bond with me.
“Ang unfair sama ako.” Sabi ni Gia habang kumain kami.
“Pwede din naman yun pero payag ba ang pamilya mo sa amin ka mag pasko?” Sagot naman ni Shen.
“Hindi, panigurado.” Sagot naman ni Gia.
“Pero pwede naman siguro ako na pumunta sa inyo before mag pasko hindi ba?”
“Oo naman.”
Kinabukasan ay sabado kaya ginawa muna namin ang mga ipapasang proyekto at nag-aral. Pag sapit ng linggo ay nagpunta kami sa mall para mamili ng groceries. Sasakyan ko yung ginamit kaya hindi na nila ako pina-ambag. Kahit na masyadong halata na ayaw lang talaga nila ako pagbayarin ay tinanagap ko nalang ang tulong nila para naman makatipid din ako lalo na at maraming bayarin. Kahit kolehiyo na ay nasipan pa rin nila na mag party.
“Huwag niyo na masyadong ramihan kasi ilang linggo na din naman ay magbabakasyon na.” Sabi ko sa kanila.
Pagkatapos namin sa grocery section ay pina-iwan muna nila ang pinamili sa baggage counter kasi pupunta pa sila sa itaas para mamili ng personal na mga bagay.
Naka sunod lang ako sa kanila. Nakita ko na pumasok sila sa watsons, obviously they are going to get make up. Medyo napalayo ako sa kanila and since wala naman akong planong bumili ng beauty products ay naisipan ko nalang na lumabas. Nag text naman ako sa kanila na lumabas ako para mag hanap ng store.
Sakto namang nakita ko ang National Book Store. Tingin tingin na muna ako ng mga libro.
Pagsisihan ko yata ang pagpunta ko dito, natutukso kasi akong bilhin ang isang libro ng paborito kong author. Pero may priorities ako eh hindi ko pwedeng gastosin ang kakarampot na pera na meron ako.
Pero gustong gusto ko talaga eh, kaya kinuha ko ang libro at naglakad papunta sa cashier pero hindi pa ako nakaka-abot sa cashier ay bumalik ako sa shelf at ibinalik ang libro. Matapos kong mabalik ang libro ay lumabas ako agad para maka iwas na sa temptasyon.
Saktong paglabas ko sa store ay tumunog ang telepono ko.
“Asan ka.” Tanong ni Gia na nasa kabilang linya.
“Kakalabas ko lang sa NBS.”
“Hindi pa kami tapos ni Shen eh, okay ka lang ba diyan?”
“Oo naman, dito na lang ako sa labas maghihintay sa inyo.”
“Sige.” Pagkasabi niya non ay ibinaba ko naman ang tawag.