Ikalabing tatlong Kabanata

2143 Words
Pagabas ko sa classroom dahil tapos naman na yung klase namin nakita ko na naka abang sa labas si Gema at Joy. Akala ko pa naman hindi ko sila makaksalamuha dahil hindi ko naman sila classmate nitong katatapos ko lang na klase. Lalagpasan ko na sana sila pero humarang si Gema sa dinadaanan ko. “Hindi ka talaga malandi sa lagay na ‘yan?”Napalingon naman ako sa paligid ko hiinahanap kung ano yung nakikita niya sa akin at the moment at bakit natawag niya akong malandi. “Hindi ko akalain na pati ang paglabas ko lang ng classroom ay nakikita mo na pala na paglalandi.” May nakikita ako na napapatingin din sa gawi namin. “Alam kong alam mo kung ano ang tinutukoy ko.” “Pinagsasabi mo?” Aalis na sana ako ng hinawakan niya ang braso ko at ibinalik ako sa kung nasaan ako nakatayo kanina. “Si Dave binigyan ka ng cake kanina, ano yun? Alam mo na gusto ko siya pero nakikipaglandian ka sa kanya. At huwag kang magkakaila dahil ako mismo ang nakakita.” Galit pero pabulong niyang sabi. Mabuti naman at may kahihiyan pa pala na natitira sa katawan niya at naisipan niyang hinaan ang boses niya. “Dapat ba ikaw ang bibinigyan ni Dave ng cake na yun? Edi sana ibinigay niya sayo o kung gustong gusto mo talaga yun sana hininigi mo sa kanya o sa akin kanina willing naman akong bigay yun eh. Gusto mo lang siya ang tanong gusto ka ba niya? ” Nakita kong dumaan ang sakit sa mga mata niya. “Kung gusto mong mapansin ka niya, edi manglimos ka ng atensyon doon sa kanya. Huwag ako ang komprontahin mo. Isa pa hindi ko naman kasalanan kung hindi ka niya magustuhan. Tingnan mo nga yang sarili mo maganda’t mayaman ka nga eskandalosa naman. Kahit ako kapag naging lalaki hindi ko gugustuhin ang kagaya mo, masama ang ugali.” Binawi ko aNg braso ko mula sa mahigpit na pagkakahwak niya. “And one more thing hindi lahat ng lalaki na ka close ko nilalandi ko, hindi ako katulad mo.” After that satatement ay naglakad na ako palayo. Ano bang pakialam ko sa buhay nila. I have nothing toward those person who go after their nagugustuhan ang akin lang huwag akong idadamay. Ang problema kasi masyado silang judgemental, alam mo namang wala talaga kahulugan yung mga ginagawa ng tao they're just the one putting malicious meaning on everything. In short sinasaktan lang nila yung sarili nila dahil sa mga pinag-iisip nila. As much as possible I do not want to be part of any mess, my life is already messy enough. “Anong mukha yan?” Tanong ni Them. Napag desisiyonan kasi namin na magsabay kumain today. “Wala.”Sabi ko nalang sa kanya. “Are you sure?” “Oo naman.” I smiled at her para naman mapanatag siya. Kami munang dalawa ang magkasama na kakain sa cafeteria. The rest of the pals are not around pa kasi mamayang hapon pa siguro yung klase nila. Pagdating namin sa cafeteria medyo madami dami ang tao, buti nalang at nakakita pa naman kami ng bakanteng mesa. “I’ll order for you nalang, you stay here at baka kasi kapag dalawa tayong pumila ay baka wala na tayong ma upuan.” “Sige, kanin, chicken, at gulay yung akin.” Sabi ko sa kanya sabay abot ng pera ko. “Hindi ka bibili ng panulak?” “I have water naman.” Sagot ko sa kanya. Madalas kasi kapag kami yung nagkakasama parati akong bumubili ng bottled juice pero simula noong hindi na nga ako pinapadalhan ni mama ay kinailangan kong magtipid. Kaya naisipan ko na magdala ng tubig para kapag nauhaw hindi na ako bibili pa, for health na rin. I am considering nga to pack my lunch nga eh feeling ko mas makakasave ako kapag ganon. Nakita ko na pabalik na si Themarie dala ang iniorder niyang pagkain para sa aming dalawa. Medyo nahirapan naman siya kaya tinulungan ko siya. “Pasesnya ka na huh.” Sabi ko ng makaupo na siya. “Ano ka ba ayos lang, tsaka wala tayong mesa kung dalawa tayong pipila.” Tumango-tango naman ako. We pray first before kami nagsimulang kumain. Sa kalagitaan ng masarap naming kainan at usapan ay napatingala kami para makita ang tumigil sa tapat ng mesa namin. It is Dave nakangiti from ear to ear holding his tray of food. “Hi pwede ba akong maki-upo? Wala na kasing bakante.” Napatingin naman ako sa paligid wala na ngang bakanteng mesa. “Sure.” Sagot ni Them, malaki naman kasi yung mesa, 8 seater, pwedeng upuan ng tag dadalawang tao each side. Umupo naman siya sa isang side ng mesa. Katapat ko ngayon si Them. Muntikan na akong mapairap ng makitang papalapit din sina Joy at Gema sa mesa namin. “Hi, Them and Dave.” Hello Gema, baka gusto mo din akong batiin? Andito din ako. “Pwede ba kaming maki sit here?” maarteng tanong ni Joy. Tiningnan naman ako ni Them as if nagtatanong siya kung hahayaan ba namin. “Sige.” Sabi ko naman sabay ngumiti ng pilit sa kanila. At talagang tumabi sa akin si Gema. Bakit kaya hindi nalang siya automatikong tumabi kay Dave nkakahiya naman sa kaniya. For all I know ginawa niya lang iyon para masiguro na hindi kami magtabi ni Dave. Si Them naman ay umusog ng kaunti para magkatapat pa rin kami. Napatingin naman ako sa gilid ko may bakanteng upuan pa doon lilipat na sana ako ng may naunang maupo doon. “Kristoff.” Halata naman ang excitement sa boses ni Joy. Napabaling naman sa kaniya si Them ng tumayo ito. “Palit tayo.” Sabi niya kay Them. Sabay naman na napataas ang kilay namin ni Them pero umusog na lang si Them para makapagpalit sila ni Joy. Yung pwesto namin ngayon ay ang katapat ko na ay si Joy, katabi ko si Gema at si Kristoff, katapat ni Gema si Them, katabi ni Them si Joy at Dave at magkatapat naman si Kristoff ta Dave. “Kristoff kakain ka rin ba?” Tanong ni Joy. “Hindi tapos na ako.” So anong ginagawa niya dito? “Nakakain na ako kanina. Oii pre ikaw pala ulit yan.” Bati niya kay Dave. “Ang sarap nung cake na bigay mo kanina ah.” Agad naman akong tiningnan ni Dave. Nahiya naman ako, kaya patago kong sinamaan ko ng tingin is Kristoff pero ang maloko niya lang akong nginitian. Pagsulyap ko kay Joy kulang nalang patayin niya ako gamit ang tingin niya. “Kumain na kayo.” Sabi naman ni Kristoff ng mapansing hindi pa kami bumabalik sa pagkain. Nawalan naman ako bigla ng ganang kumain. “Kumain ka na.” Sabi ni Kristoff at inilapit sa akin ang tray ng pagkain ko. Ang laki ng ngiti ng loko sa akin, samantala ang sama naman ng tingin ni Joy sa akin. Pero kapag napapabaling sa kaniya si Kristoff ay napapalitan naman ito ng ngiti. “Kristoff, kumusta nga pala si Tita?” Tanong ni Joy, napabaling sa kanya si Krsitoff para sumagot. Sumubo naman ako pagkain. “Si mama? Okay naman siya.” Sa pagakin lang talaga ang atensyon ko. “Arcade tayo.” Sabi ni Kristoff. “Hoii, Av hindi mo ba ako naririnig?” Napalayo naman ako ng hawiin ni Kristoff ang buhok ko. Nakita ko naman ang pagabling nila Joy sa aming dalawa. “Wala ka namang suot na earbuds, kaya bakit hindi mo ako naririnig?” Kaya niya pala hinawi ang buhok ko para matingnan kung may suot ba ako na earbuds. “Ako pala yung kinakausap mo akala ko kasi si Joy.” Sila naman kasi yung magkausap kanina hindi ba? “Ano arcade tayo?” “Pass na muna ako naghahanda ako para sa final exam eh.” Malapit na din kasi ang final exam para sa midterms kaya gagawa pa ako ng reviewers ko. Isa pa busy ako sa paggawa ng mga drafts para kahit na nag eexam ako ay maipublish pa din naman ako na chapters. “Hala oo nga pala nakaligtaan ko na mag-eexam pa.” Sagot ni Kristoff at nag kamot ng batok. Hindi ko alam kung nag-aaral ba itong lalakeng ito kasi tumatambay-tambay lang kasi ito sa campus. Kinakausap siya ni Joy habang ako ay binibilisaan ang pagkain ko para naman maka-alis na ako. “Tara na?” I mouted those words at Themarie para maka-alis na kami. Tumango naman siya agad naman kaming tumayo parehas. Napatngin sa amin ang apat namin na kasama sa mesa. “Aalis na kami, may gagawin pa kasi kami,” Sabi ko sa kanila. Tatayo din sana si Kristoff pero hindi natuloy dahil sa pinigilan sya ni Joy. Agad namang kaming naglakad ni Them paalis. Sabay naman kaming napabuntong hininga ni Themarie ng makalayo na. “Ang pangit ng lunch natin.” “Sinabi mo pa talaga Them.” Nailing kong sabi. “Saan tayo?” Tanong niya. “Hindi ko din alam eh.” “Punta nalang tayo sa library gawin natin yung lesson plan natin.” “Natapos ko na yung akin kanina. Pero sige sasamahan na lang kita at may iba din akong tatrabahuin.” Tahimik kami pareho na nakaharap sa laptop namin. Siya gumagawa ng Lesson plan habang ako gumagawa ng panibagong ililimbag. “Av, ano kayang magandang activity para sa lesson ko?” Bigla niyang tanong. “Ano ba yung lesson mo?” Tanong ko sa kanya habang patuloy na nagtatype sa laptop mahirap na at baka mawala na naman yung idea ko. “Store salad and dressing yung napili ko eh.” Itinigil ko na muna nag gagawin ko para mapagtuonan ko na muna siya ng pansin. “Patingin nga muna ng learning material.” Iniharap naman niya sa akin ang laptop niya. Nag brain storm kami kung ano ba ang pwede na maging activity niya. Matapos ng mahigit isang oras na pamamalagi namin sa library ay nagligpit na kami, kasi papasok na kami sa susunod na subject namin. Natapos ni Themarie ang Lesson Plan niya pero kahit tapos na kami sigurado ako na ichecheck pa din namin yun ulit. Nakatapos din ako ng isang kabanata, pero madami pa yung mali kailanagan ko pang I proofread mamaya. Kailagan ko pang bumalik sa library pagkatapos ng huli kong klase at mag-ooraganize pa ako ng ng mga libro. Sa huling klase ko ay hindi na kami magka klase ni Them. “That’s all for this session, and please study in advance kasi nalalapit na ang examination week.” Pagkalabas na pagkalabas ni sir ay agaran din naman akong lumabas ng classroom. Napatingin naman ako sa relo ko 6:40 na sumobra pa yung klase ni sir ng 10 minutes. “Hi po Ma’am.”Bati ko sa librarian. Bumati din naman siya pabalik. Halos mawalan ako ng lakas ng makita na napakadami ng isasauli ko ngayon. Naiintindihan ko din naman kasi papalapit na ang finals kaya madami-dami din ang nag-aaral. Kahit nga lampas alas-sais na ay madami pa din ang nandirito sa library. Alas nuebe na ng natapos ako sa pagbabalik ng mga libro. “Naku, ginabi ka na masyado Av pasensya ka na.” Sabi pa ni ma’am ng makita ako. Nginitian ko naman si ma’am “Ayos lang po ma’am trabaho ko naman ito.” Matapos ng maikling usapan namin ni ma’am ay lumabas na ako. Mayamaya lang magsasara na din ang library. Nasa may nursing department na ako, tinatahak na ang daan papunta sa dorm ng mapansin ko na may nakaupo sa pa isang bench. Probably a nursing student lang na nag-aaral din ng mabuti kaya late din makakauwi, gaya ko. Habang naglalakad ako ay umihip ang isang malamig na hangin. Naalala ko naman tuloy ang usap-usapan na mayroon daw nag mumultong nursing student dito. Napabaling naman ako sa kinaroroonan ng estudyante na nakita ko kanina, wala na siya doon. Nagsimula naman akong matakot. Sa kabila ng takot ay bumuntong hininga ako at nagsimula akong maglakad ng mabilis. “Happy thoughts Av, happy thoughts.” Sabi ko sa sarili ko pero mas lalo lang ako na natakot. “Oh my gosh walang multo, walang multo.” Habang papalapit ako sa bench kung nasaan ko nakita yung estudyante kanina ay mas naging alerto ako. Yung mabibilis na hakbang ay naging pa unti-unti. Natatakot na ako kasi naman puro puno ang paligid, idagdag mo pa na wala na akong nakikitang ka tao tao tapos napakalamig pa ng hagin. Sa lamig ay tumatayo ang balahibo ko sa batok. Nang nasa isang dipa na lang ang layo ko sa bench ay naisipan ko na tumakbo, pero hindi pa ako nakakatakbo ay para na akong nawalan ng dugo sa katawan at napasigaw na lang. “Ahhhhhhhh.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD