Ikalabingdalawang Kabanata

2692 Words
Napatigil ako sa paglalakad dahil tumigil bigla si Kristoff. Nasa madilim na bahagi kami ng daan patungo sa dorm. “Pero mas gusto pa din kita.” Sabi niya na siyang nagpabaling sa akin. Ilang sigundo din na walang nagsalita sa amin. “Mas gusto kitang upakan kasi makailang ulit ko ng itinanong sayo kung ano ang pamagat ng estoryang sinusulat mo hindi mo pa din sinasabi sa akin ang sama ng ugali mo talaga kahit kalian.” Napailing naman ako sa sinabi niya. Baka mauna ko pa siyang upakan dito. “Av? Ikaw ba ‘yan?” Parehas kaming napabaling sa pinamulan ng boses na tumawag sa akin. “Ikaw nga.” Si Shen lang pala. “Oii tsinong kapitbahay ikaw pala.” Sabi niya pa nang mapansin si Kristoff. “Anong ginagawa mo dito?” “Hinahatid ko lang si Avi.” Napatakip siya ng kanyang bibig at nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Kristoff. Napailing nalang ako sa reaksyon niya. “Tutuloy na kami, umuwi ka na rin sa dorm mo.” Sabi ko sabay hila kay Shen nakita ko naman ang pagkaway niya. “Ano yun huh?” Sinondot ni Shena ang tagiliran ko. “Teka lang bakit ba ako hinila eh palabas nga ako kasi may bibilhin ako.” Sabi niya habang nagkakamot ng ulo. “Babalik ako adad, interrogate kita mamaya humanda ka.” Sabi niya at saka siya tumakbo paalis. “Hi Av.” Bati sa akin ni Gia pagpasok ko. “Hello, Gia. How’s your day?” “Mabuti naman medyo nalungkot lang kasi hindi ko na makikita si Sir Tristan.” Sabi niya habang nagluluto. Pumunta naman ako sa kwarto ko para ilagay ang bag ko. “Sabihin mo wala ka lang aabangan pa sa umaga.” Sagot ko naman sa kaniya kasi madalas ko siyang nahuhuli na inaabangan ang pagdaan ni sir dito. Halos tuwing umaga kasi kung mapdaan si sir dito kapag nag jojogging. “Hoi walang nangyaring ganon Av.” Depensa niya pa. “Aminin mo na.” Umupo naman ako sa dining chair. “Hindi nga.” Patuloy ko siyang tinutukso ang cute kasi namumula siya. “Oo sige na nga, ang gwapo niya naman kasi.” Pag-amin niya. “Pero paano mo naman nalaman na dumadaan dito si sir? Inaabangan mo din siya ano.” Minsan inaabangan ko pero hindi ko aamin no. “Hindi madalas kitang makita na nakadungaw kasi don sa bintana, nagkataong napansin ko din ang pagdaan ni sir non kaya nalaman ko.” Paliwang ko sa kanya. Hindi na din naman naka sagot pa si Gia ng dumating na si Shen. “Ito na yung seasoning na pinapabili mo Gia.” Kinuha naman ito ni Gia mula kay Shen. Si Shen naman ay nag ngising aso ng makita ako. Umupo siya sa katabing upuan ko. “Bakit mo kasama si chinitong Chen kanina?” tanong niya agad. “Huh sinong kasama ni Kristoff kanina?” Napatgil naman si Gia sa ginagawa niya. Inginuso lang ako ni Shen bilang sagot sa tanong ni Gia. “Nanliligaw sayo?” At tuluyan na siyang na upo sa upuan na katapat ko. “Hindi ano ba magkaibigan lang kami nung tao.” “Magka-ibigan.” Malisyosang sabi ni Shen. “Friends.” Paglilinaw ko naman sa kanya. “Naku pustahan tayo manliligaw yun sayo.” “Naku Gia kung ako sayo I check mo na lang yung niloloto mo.” “Hindi mag-uusap tayo, adobo naman yun hindi kailangan bantayan ng mabuti.” “Ano na nga? bakit kayo nakahinto doon kanina? ” Curios na tanong ni Shen. “May pinag-usapan kami.” “Naku malakas ang kutob ko manliligaw sayo yung intsik na ‘yon.” Sagot naman niya. “Pag nangyari yun sagot agad Avi huh wala ng ligaw-ligaw pang tita lang yun.” “Hoii umayos ka nga Gia, bawal pa ako sa ganyan. Isa pa hindi mangyayari iyon.” Paglilinaw ko. “Ilang taon ka na ba 20? Tingan mo nga si Shen 21 at Nash 22 yata 5 years na ibig sabihin nagka jowa to labing anim ba taong gulang lang si Shen.” “Ay nasali ako sa usapan dahil?” Alma naman ni Shen. “Ah basta Av, sinasabi ko sayo Mr. LVU yun. Hinahabol habol yun tapos sayo nagkagusto.” Sabi ni Gia. “Imposibleng walang motibo iyon sayo. Nababalitaan ko na madalas tumulong iyon sayo sa library ni hindi na din sumasali sa mga gala simula nong nagging close kayo.” Dagdag pa ni Shen. “Hindi kaibigan lang talaga.” “Para sayo eh para sa kaniya kaya?” Naka salong baba pa talaga siya habang tinititigan ako. “Kaibigan lang din, huwag na nating pag-usapan pa ito. masyado kayong malisyosa.” Pinakinggan naman nila ako. Kumain kami ng sabay ng maluto na ang ulam. Matapos ang mag gawaing pangkusina at maglinis ng katawan ay nanatili ako sa kuwarto para mag sulat ng panibagong kabanata. Natapos akong magsulat mga badang alas onse ng gabi. Matutulog na sana ako ng maisipan ko na buksan ang social media accounts ko. Bumugad sa akin ang post ng ate ko kakauplaod niya lang. Litrato nila, kompleto. Andoon si mama, papa, Troy , si ate at ang asawa’t anak niya nag aayos ng Christmas tree ang saya nila tingnan. Ang masakit lang ay masaya sila kahit wala ako. Sa mga ganitong moments noon kasali ako sa pag-aayos naaalala ko pa ako ang pinaka maingay at pinaka excited sa aming lahat. Sa sobrang excited ko mauuna na ko sa sala habang si mama at papa kinukuha pa ang Christmas tree at mga isasabit. Habang nag dedecorate kami tinatanong ko na kalian kami magbabalot ng regalo kahit November pa lang. Decorating the Christmas tree ay isa talaga sa mga inaabangan ko noon. Pero noon yun noong bago pa kami na aksidente ng lolo’t lola. Nakatulogan ko nalang ang laman ng utak ko. “Good morning.” Bati ko sa family picture na hawak ko. Litrato muna ang mababati ko ngayon, tiis na lang muna tayo ng mga higit isang taon, pagkatapos ko sa pag-aaral ay makakabalik na din ako sa bahay. Ibinalik ko ang litrato sa bedside table at nligpit ang higaan ko. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin at kagaya ng nakagawian ay ngumiti ako sa repleksyon ko. Lumabas ako ng may ngiti sa labi. Nadatnan ko na nagkakape si Gia sa mesa. “Good morning.” Bati niya ng makita ako, binate ko naman siya pabalik. Ako na ang nagluto ng agahan kasi si Gia naman nagluto kagabi. Paubos na pala ang groceries namin. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan gising na siguro si Shen. “Good morning girls.” At tama nga ako. Pinagtimpla ko naman siya ng kape. May tirang kanin kagabi saying naman kaya ginawa ko nalang itong sinangag. Nagluto din ako ng hotdog at omelette. “Paubos na yung groceries natin kailangan na nating mamili.” Sabi ko habang nilalapag ang luto ng pagkain sa mesa. “Kami na ang gagastos para sa pagakin natin Av, hindi mo na kailangang gumastos.” Naiintindhan ko naman na nagmamalasakit lang si Gia pero hindi ko gusto yun kaya ko pa naman bayaran ang kakainin ko kumikita pa naman kasi ako kahit papaano. “May pera naman akong nakalaan para sa pagkain ko.” Sagot ko sa kaniya. “Isa nagpapadala naman ang pamilya ko.” Alam kong mali ang magsinunagling pero ayaw ko na kaawaan nila ako. Naibaba ni Shen ang iniinom niyang kape. “Kung pinapadalhan ka nila hindi ka sana nag ta-tarbahao bilang isang assistant sa library, hindi ka sana magkakandaugaga sa paghahabol ng pag realease ng mga kabanata sa storya mo at hindi ka sana naming makikita na nag bobrowse ng mga site para maghanap ng part time job.”Direstahang sabi niya. “Mahigit tatlong taon mo na kaming kasama dito at nasaksihan namin kung paanong nagbago ang pakikitungo ng pamilya mo sayo Av. Hindi mo lang pinapakita kasi parati ka namang nakangiti pero ramdam naman namin na nahihirapan ka na din.” Sabi naman ni Gia. “Ano ba may piangiipunan lang ako, may gusto akong bilhin.” “Talaga Av?” Sarkastikong tanong ni Gia na tinanguan ko naman. Nalusutan ko naman ang sitwasyong iyon. Kalaunan ay hinayaan naman nila na magbigay ako ng ambag para sa bilihin namin pero hindi pa rin sila kumbinsido sa akin. Naka upo ako sa isang upuang gawa sa semento kaharap ko ang building ng education department. Inilabas ko ang laptop ko at pinatong ito sa lamesang gawa din sa semento. Maaga akong umalis sa dorm sumabay ako sa pag-alis ni Shen at Gia. Maaga ang schedule nila habang yung unang klase ko naman ay mamaya pa. Ayaw ko na maiwan mag-isa sa dorm kasi naaalala ko lang ang mga pusa ko. Napagpasayahan ko na tapusin ang lesson plan na ipapasa ko bukas. Nasa kalagitnaan na ako ng pag-iisip ng magandang activity para sa napili kong lesson ng napabaling ako ng may umupo sa tabi ko. “Hi.” Sabi niya habang nakatuko ang mga dalawang siko sa mesa habang ang baba niya ay nakapatong sa dalawang kamao niya at nakatingin sa akin. Binawi ko naman agad ang tingin ko sa kaniya. “Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko sa kaniya. “Napadaan lang.” Tinaasan ko naman siya ng kilay. Nasa kabilang banda yung building nila kaya kung dito siya dadaan ay mas matatagalan lang siya. “Talaga?” sarcastic kong tanong. “Oo ano ba yang ginagawa mo?” Sabi niya sabay silip sa laptop ko. “Ano yan?” “Medical chart.” Natawa naman ako sa reaksyon niya kasi napaayos siya ng upo at tininganan ng maigi ang screen ng laptop ko. “Hindi yan medical chart.” Conclude niya. “Malamang hindi talaga, mag guguro ako hindi mag dodoctor shunga ka?” Hindi ko akalaian na maniniwala talaga siya sa sasabihin ko. Napailing-iling na lang ako, ang tali-talino nito sumagot noong pageant night tapos nauuto ko lang? “Manloloko.” Sabi niya pero hindi ko siya pinansin at bumalik na sa paggawa ng lesson plan. Natapos ko na ang activity part magsisimula na dapat ako sa analysis ng napansin ko ang pagtahimik ng katabi ko.Paglingon ko sa kanya ay nakasalong baba siya habang nakatitig sa akin na conscious naman ako bigla. “Bakit ganyan ka makatingin? May dumi ba ako sa mukha?” Kinuha ko naman ang cellphone ko para tingnan ang sarili ko pero kinuha niya lang ito sa kamay ko at ibinaba. “Problema mo?” Kukunin ko sana ulit ang cellphone ko ng piglan niya ang kamay ko. Agad ko namang binawi ag kamay ko na hawak niya. “Anong problema mo?” Pag-uulit ko. Hindi man lang nagbago ang seryosong ekspresyon ng mukha niya. “Bahala ka nga sa buhay mo.” Itinuloy ko nalanag ang paggawa ng lesson plan. Pero hindi talaga ako maka concentrate dahil sa mga titig niya. Kaya kinuha ko ang panyo ko at tinakluban ang mukha niya. “TSK.” Sabi niya lang at inalis ang panyo sa mukha niya. Inirapan ko nga. “Pangit mo pala.” Biglaang sabi niya. “Nang-iinis ka ba?” Umiling naman siya and this time may munting ngiti ang sumilay sa mukha niya. “Anong trip mo? Umalis ka na nga.” Umiling naman siya at ikinunot ang noo. I was about to lash out him ng biglang may tumawag sa kanya. “CHEN!” Tawag ng isang babae at patakbong lumapit sa kanya ni hindi man lang niya ito binalingan. “Tawag ka.” Supaldo niyang nilingon ang babae. “Hindi ka pa ba pupunta sa classroom?” Tanong ng babae ng makalapit na ito, pansin ko ang paglandas ng tingin niya sa akin. Napabaling naman ako agad sa laptop ko. “Hindi.” Simpleng sagot niya lang. “Doon na lang tayo sa benches malapit sa building natin panigurado andoon na din sila Mike.” “Dito lang ako.” Matigas na sabi ni Kristoff. “Edi dito na lang ako.” Sabi naman ng babae. Napabaling ng tingin ko sa kaniya. Pa-upo na sana siya ng pigilan siya ni Kristoff. “Hindi doon ka na, may paguusapan kami ni Avi.” “Hindi, upo ka na wala kaming pinag-uusapan.” Singit ko naman sa usapan nila at saka ako ngumiti sa babae na hindi man lang sinuklian ang ngiti ko. Napalingon naman sa akin si Kristoff na tinaasan ko lang ng kilay. “Huwag na lang pala.” Sabi ng babae at bako umalis ay inirapan ako. NakaTingin lang ako sa likod niya habang naglalakad palayo. Galit ba siya sa akin? Ang weird pero ipinag kibit balikat ko nalang ulit ito. And speaking of weird may katabi pala akong weirdo. “You know what kung wala ka namang gagawin kundi asarin ako, umalis ka nalang.” “Nakatingin lang naman ako sayo hindi naman kita inaasar.” Sabi niya pa at bumalik sa dating pwesto niya. Hindi ba pang-aasar yung sasabihan ka ng pangit. Hindi na lang ako nakipag argue sa kanya it would waste my time. I would rather use that time doing my task nalang. “Bakit guro?” Tanong ni Kristoff sa akin out of nowhere. Napaisip naman ako sa bakit nga ba? People would say ang boring kasi parang sa school na lang umiikot yung buhay ko. Simula pagkabata hanggang sa nagdalaga paaralan ang lagi nating pinupuntahan. Tapos ang magiging workplace ko din ay paaralan pero for me hindi siya boring. “Hindi ko din alam, actually. Nakikita ko lang talaga ang sarili ko bilang isang guro.” Kung ang iba may specific reason sila ba ako hindi ko mahanap ang tamang rason kung bakit ito ang pinili ko. Ang alam ko lang talaga hindi ko nakikita ang sarili ko na tumatahak ang ibang karera sa buhay. Kristoff seemed puzzled, but he did not ask more questions. After that conversation napabaling nalang kami ng sabay ng bigalang may umupo sa katapat na upuan. “Hi.” Dave greeted. “Nakaka istorbo ba ako?” He asked. “No.” I casually answered. “Hindi rin naman ako magtatagal, I just wanted to give you something.” Sabi niya habang may may kinukuha sa bag niya. “This is for you.” Inilabas niya ang isang slice ng cake, nasa sosyal na lalagyan ito at may kasama pang isang drink. Napaayos naman ng upo si Kristoff. “Para saan to?” “Para sayo, for your snack.” Napatingin naman ako kay Kritoff na nag aantay din ng itatanong ko. "Or kapag nagutom ka lang. It is my way of saying thank you for being a good classmate." Sabi niya habang nagkakamot ng leeg. Is this still about the reviewer? “Well thank you.” Sabi ko nalang, nakakahiya naman kung tatanghihan ko siya. “Aalis na ako.” “Manliligaw mo?” Tanong ni Kristoff pagka-alis ni Dave. “No, kaibigan lang.” Sagot ko naman sa kanya. “Akin na lang to.” Kinuha niya naman ang pagkain na nasa mesa. “Nagugutom ako eh.” Ni hindi ko pa iyon nahahawakan. “Sige.” Hindi naman kasi ako gutom kaya okay lang naman na kainin niya. Tahimik lang na inuubos ni Kristoff ang bigay ni Dave habang tinatapos ko naman ang ginagawa ko. "Hindi mo ako bibigyan?" Inilingan naman niya ako. Gutom na gutom talaga siya. Sampung minuto bago mag simula nag klase ay inaayos ko nan ang gamit ko para makaalis na. “Aalis ka na?” “Oo, Magsisimula ana nag klase ko. Sige ma una na ako.” “Sandali.” Hawak niya ang palapulsuhan ko bilang pagpigil sa akin. Ilang sandali pa ay may kinuha siya sa bag niya. “Iyo na ito pamalit sa kinain ko kanina.” Ini-abot niya sa akin ang isang bar tsokolate. Kita mo to may pagkain naman pala inarbor pa yung bigay sa akin ni Dave. “Sige, salamat.” Sabi ko naman at saka uamlis na nag wave pa sa akin si Krsitoff.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD