Ikalabing-isang Kabanata

3555 Words
“Hi, Av.” Bati sa akin ng librarian. “Hello po good afternoon.” Bati ko naman pabalik Pumunta agad ako sa cart kung saan nakalagay ang mga libro na isasauli ko sa shelf. Nakuha ako bilang isang library assistant, ako ang nagsasauli o nag-ooraganize ng libro dito sa library. Third week na ng November isang buwan mahigit na din simula ng pingabawaln ako ni mama na makauwi sa amin. Nag occupy muna ako nag isang mesa para i-arrange yung mga books, alphabetically at kung anong section sila para isang ikutan na lang at hindi time consuming. Matapos kong gawin iyon ay sinumulan ko na ang pagbabalik nito sa bookshelf, may mga nadadaanan din akong table na may libro pero wala namang gumagamit kaya kinuha ko na din ito para maibalik na ito sa dapat na lalagyan nila. “Avi.” Bigla nalang na sumulpot si Kristoff sa harapan ko. Gawain niya na talaga na gulohin ako sa tuwing nagtatarbaho ako dito. “Ano na naman?” Tanong ko sa kanya. “Kain tayo.” Pag-aaya niya. “May bibig ka naman, kumain ka mag-isa mo.” “Sungit mo. Meron ka ba ngayon?” Napabaling naman ako sa kaniya dahil sa lakas ng boses niya. Minsan talaga masarap lagyan ng tape yung bibig ng lalaking ito. Pagkatapos ng party ni Joy, we became close. Madalas na siyang magpakita sa akin sa school para guluhin ako, kagaya ng ginagawa niya ngayon. “Alam mo ang ingay mo baka nakakalimutan mo na library ito.” Sabi ko sa kanya at inambahan na sasagasaan ng cart na tulak tulak ko. Tumabi naman siya sa dadaanan ko. Ilang sandali pa ay kumuha siya ng libro at tinulungan ako sa pagbabalik ng mga ito sa shelf. Alam niya na kung saan nakalagay ang mga ito sa dalas niya ba naman niya dito, kulang na nga lang ay palitan niya ako. “Tutulungan na lang kita para makakain na tayo sa labas.” May shelf na nakapagtan sa amin tanging mata niya lang nag nakikita ko na nakasilip “Nasaan ba kasi ang mga kasama mo’t bakit ako lagi ang ginuglo mo.” Saktong palipat na ako ng shelf ng lumabas din siya para kumuha ng panibagong libro na isasauli. “Sabihin na lang natin na mas gusto kitang kasama.” Huwag niyang ipaparinig 'yan sa mga kaibigan niya at baka magtampo ang mga iyon. Pinabayaan ko naman siya sa ginagawa niyang pag tulong kasi napapadali din ang trabaho ko. Nagagwa ko pang magsulat at mag update sa gabi dagdag pera ko din iyon. Malaki laki din yung ipon ko pero alam ko na mauubos din yon kaya mabuti na din na may extra akong pagkakakitaan. “Huli na ba iyan?” Bigla na namang sumulpot si Kristoff kaya muntikan na akong mahulog sa hagdan mabuti na lang at nakahawak ako sa shelf. Kinailngan ko pa kasi na umakyat para maisauli sa itaas ng shelf ang isang libro. Pagtingin ko sa ibaba nadoon si Krstoff nakaabang sa pagkahulog ko. “Huwag ka ngang susulpot bigla ang laking disgrasya kapag nagkataon na nahulog ako kanina.” Pangaral ko sa kanya ng makababa ako. Iyon na ang huling libro na isasauli. “Nakahanda naman akong saluhin ka.” At talagang malaki pa ang ngiti niya. Hay, hindi talaga umuubra ang mga pangaral sa kaniya. Inirapan ko naman siya at bumalik na sa librarian para magpa-alam. “Tapos na po ma’am.” Tumango naman si ma’am Angeles, ang librarian. Sumunod naman si Kristoff sa akin palabas. Medyo na iintimidate naman ako sa kanya kasi sa tuwing kasama mo siya paniguradong pagtitinginan talaga. “Kain na tayo.” Pangungulit niya. Kinuha ko ang gamit ko sa baggage counter, ganon din ang ginawa niya. “Wala akong pera.” “Libre naman kita.” Napahinto ako sa sinabi niya at napangiti. Hindi ako tumatanggi sa libre. “Basta libre talaga napapangiti ka agad.” Sabi niya pa habang inaayos ang bag niya. “Syempre. Ano na, saan tayo?” Tanong ko agad sa kanya. “Syempre diyan lang sa labas, isaw-isaw lang.” Okay lang yun, basta libre. “Tara.” Sabay kami na lumabas. Agad namin na tinungo ang madalas naming kainan na isawan. Agad naman akong kumuha ng isaw. “Siya magbabayad kuya.” Itinuro ko si Kristoff na nagbubukas na ng wallet niya. Ngumiti naman si Kristoff sa ngatitinda. "Ako naman parati ang nagbabayad." Sabi niya pa, kaya sinamaan ko siya ng tingin. Wala naman sa akin ang atensyon niya kung hindi sa pitaka niya. Akalain mo nurse kumakain ng isaw? Unhealthy yun. Sa field ng trabaho nila kadalasan talaga conscious sa health pero ibahin mo tung kasama ko napaka unhealthy eating. Ang sarap na ng kain ko ng isaw ng biglang dumating si Joy kasama si Gema. Parang alam ko na ang susunod na eksena. “Ikaw na naman Avi?” Sabi ko na nga ba. “Yes.” Sagot ko naman sa kaniya. Napatingin naman si Kristoff kay Joy. Kitang kita nag pagkabigla sa mukha ni Joy “Hi Joy.” Bati ni Kristoff kay Joy habang kagat kagat ang isang stick ng isaw. “Ikaw pala kristoff.” Nabigla naman si Joy sa nakita niya. “You are eating that digusting food?” Napatingin naman ako kay kuya na siyang nagtitinda and again, we made a face. Isa pa tung bibig ng babaeng ito, masarap lagyan ng tape. Napaka inconsiderate, yung disgusting na tinutukoy niya kasi ay kabuhayan ng iba. “Uhuh, ang sarap nga eh.” Sagot naman niya. Mulha naman siyang napahiya, buti nga sa kaniya. “Tapos ka na?” Baling sa akin ni Kristoff. “Siomaii naman tayo.” Pag-aaaya niya. Hinila ako ni Kristoff patungo doon sa nag bebenta ng Siomaii leaving Joy and her friend, Gema behind. Hindi nakawala sa paningin ko ang masamang tingin na ipinukol sa akin ni Joy. “Av, here’s your food.” Napabalik aman ang atensyon ko kay Kristoff. “Are you okay?” Tanong niya. “Oo naman no.” Itinutok ko nalang ang atensyon ko sa pagkain na nasa harap ko. I should not mind Joy. That day went well, I guess. Pagkatapos naming kumain ay bumalik kami sa loob ng University, ako para pumunta sa dorm at si Kristoff para pumasok sa panghuling klase niya. Kinabukasan ay maganda ang gising ko kaya maaga ako na pumunta sa building na pagdadausan ng klaso ko ng harangin ako ni Joy. “Excuse me.” Sabi ko kay Joy na nakaharang sa pintuan, umagang-umaga mang-aasar ba ‘to? “What is your relationship with Kristoff?” Deretsahan niyang tanong. May kinalaman yata ito sa nasaksihan niya kahapon doon sa kainan sa labasan. I couln't help but to roll my eyes. “We are friends.” “Hindi ako bobo Av.” Itinulak niya pa ako. “Kaya Huwag mo akong gagawing bobo.” Buti na lang at hindi ako natumba. Nainis ako sa ginawa niya kaya hindi ako nakapagpigil at nasagot siya. “Hey watch your actions Joy. Hindi naman kita gingawang bobo, ngayon kung hindi mo matangap ang sagot ko na magkaibigan kami sa susunod huwag kang magtanong. Tabi!” Hindi ko maintidihan kung bakit kailangan niya pang magtanong gayong hindi niya din naman paniniwalaan ang sagot ko. What is the point of asking right? Mga ganitong tao naghahamon lang talaga ng away. Hinawi ko siya, nalagpasan ko na siya pero hinarangan naman ako ni Gema. ah... hindi pa ba sila tapos? Hindi ba pwedeng padaanin nila ng matiwasay? “Magkaibigan? Sabay kumain magkaibigan?” Tanong ni Joy kaya hinarap ko siya. “Yes Joy I ate with my friends.” Tinaasan niya ko ng kilay kaya tinaasan ko din siya ng kilay. “I ate with Themarie, I ate with Shen and many more. As I said Kristoff is my friend, so anong masama kung kumain kami ng sabay?” “Palibhasa malandi ka.” Sabi naman ni Gema. “Palibhasa makitid ang utak mo kaya ganyan ka mag-isip.” Sagot ko naman sa kanya. “Huwag na tayong maglokohan Av, alam naman namin na may tinatago kang landi. Kaya ka sumasabay sa pagkain kay Kristoff kasi may internal motive ka. Isa pa hindi lang iyon unang beses na nangyari, maraming beses mo na siyang niyayang kumain.” Ang laking insulto ng sinabi sa akin ni Joy, sabay lang kumain malandi na agad? Ang mga taong katulad nila ang kailangan iwasan kasi masama sa mental health. Pinagtitinginan na pala kami ng mga ka klase namin. “Correction lang huh SIYA ang nagyayaya kumain. Eating with a guy does not mean I am flirting with him, hindi ko gawain yun Joy, baka gawain mo yun?” Magsasalita pa sana si Joy pero inunahan ko na. “Pwede ba? Where is your class ina-away mo ako just because of a guy? Ang cheap mo naman.” I heard some “OHH” coming from my classmates. Hinarang naman ako ni Gema isa pa tong sunod sunuran. Nakita ko ang bahagya niyang paghinto dahil sa sumating si Dave. Napangisi naman ako. I have an idea kung paano to patitklupin. “Aalis ka sa dadaanan ko o ipapahiya kita sa harap ni Dave.” Bulong ko sa kanya, nanigas siya sa kanyang kinatatayuan and after a moment tumabi na siya. Tinapik ko pa ang balikat niya. “Very Good.” At dumeretso na ako sa upuan ko. “That’s cool.” Themarie mouted. Kinindatan ko naman siya. And then ma’am Jessa came in. Kung nakakamatay ang tingin patay na siguro ako, grabeng nakakamatay na tingin kasi ang iginawad ni Joy at Gema bago maupo. “Good morning class kumusta kayo? I missed you all.” Bati ni ma'am. Nagtataka naman ako kung bakit siya ang nasa harapan. Nasaan si sir Tristan? “Wala na pala si sir.” Bulong ni Themarie sa akin nagkibit lang ako ng balikat. “Ma’am nasaan na po si sir?” Tanong ni Edgar kay ma’am. “My brother-in-law has to go back to his normal life.” Brother-in-law?/ “Oh my God, brother-in-law niyo po si sir Tristan, how come? You are a Manansala while he is Avinilla?” Darwin and I share the same question gosh this is quite a revelation. “In the Philippines you have 3 options kasi, it’s either you use the surname of your husband, or you can put a dash on your name example surname ko noong hindi pa ako kasal which is Manansala dash Avinilla. The last is you can choose not to change your surname but maiiba naman yung status ng mga document mo. But eventually I will change it into Avinilla sinusulit ko lang na gamitin yung apellido ko.” Paliwanag ni ma’am. So that explains why. That is actually new learning. “So sir wouldn’t be back here po ba?” Diana ask “As of the moment he couldn’t kasi he is preparing for something big.” Explain ni ma'am Jessa. “Don’t tell me it is a wedding ma’am.” Tanong ng babaeng nagtanong din kay sir Tristan noong first day niya as substitute teacher. “Okay, I won’t tell you that it is a wedding Miss Villanueva.” So Villanueva is her surname pala but I still can’t remember her first name. Natawa naman si ma’am sa reaksyon ng mga ka kalse ko halos lahat ng kababaihan at binabae ay dismayado. Actually I do not know what to react. Aminado naman ako na gwapong gwapo ako sa kanya sa kasal palang nila Trish, idagdag mo pa yung pagigng mabuti niya. Okay lang naman siguro na humanga sa kanya. Pero panahon na siguro na ihinto yung paghangga ko kasi ikakasal na pala siya at sa gulo ng buhay ko baka wala na akong karapatan na humangga pa sa isang kagaya niya. “Pero there is also a big possibility that my brother-in-law would turn down the marriage kung may iba na siyang nagugustuhan.” Maybe it is just me or it might be a coincidence pero napansin ko ang pagtatagal ng tingin ni ma’am Jessa sa akin. I just shrugged it off though. “So ano yun ma’am niloloko lang kami ni sir nung sinabi niya na single siya.” Tanong ulit nong Villanueva. “Technically during those times Tristan is single pero, he is still bound to marry someone soon and my mother-in-law happens to find one already, that is why he needs to quit sooner than what we expected.” “Marriage for convenience.” Napatakip naman ako agad ng aking bibig. Ayan na naman tayo Av naisasatinig na naman natin ang mga bagay na dapat sa isip lang natin. “Exactly Avi, it is a marriage for convenience.” “Oh my God akala ko sa mga telesrye lang nangyayari iyon. It does really happens in real life pala." “Pero let us end there we shouldn’t talk about the personal life of others.” Pahayag pa ni ma’am. “I am supposed to be at home nursing my baby, but Tristan had to leave early so I have to go back here earlier as expected. I will be taking leave so I am just waiting for the substitute teacher. In the meantime ako muna ang mag lelecture but I am planning to just record the lecture and ask a colleague to play it in this class. Okay lang ba iyon?” “Ma’am you can actually just send the video recording to the class secretary then we can just play it here during your schedule, we can manage na din naman. I believe we are also competent and responsible enough na as a future teacher, kaya na naming mag to behave.” Suggestion ng class representative na si Edgar. Eventually, everyone agreed with ma’am Jessa naman since we understand that her baby needs her. We can’t be needy just because we are her students tapos for the meantime lang din naman may dadating din na another substitute teacher. Then ayon, it had been decided that ma’am would send the video to Hannah, our class secretary nalang. “Can you believe it ikakasal pala si sir, all this time I thought there is something going between ma’am Flor and him. Parati kasi silang magkasama.” “Maybe umalis din siya to tell the girl that he will not marry her kasi may ma’am Flor na hindi ba?” Even after that class at naka alis na si ma’am Jessa, si sir Tristan pa din ang usapan ng iilan. Hindi pa din sila makipaniwala na umalis si sir to prepare for his wedding. Even me, hindi din makapaniwala, nagngyayari din pala ang fixed marriage up to this period of time it sounds like an old tradition kasi. “Is that ma’am Flor?” Sabi ni Themarie. Nasa cafeteria kami sabay kami kakain ng lunch. While waiting for the others na nag-oorder pa ay nakaw atensyon naman ang pagpasok ni ma’am Flor na nakasuot ng malaking aviator sunglasses. “Umiyak ba siya kaya siya naka suot ng sunglasses?” pabulong na tanong ni Diana “Kawawa naman si ma’am.” Sabi pa ni Meagan Jay. “Huwag nga kayong judgemental maybe trip niya lang magsuot. You know to flaunt.” Sabi ng kauupo na Darwin. Oo nga naman may point si Darwin kasi ma’am Flor is into fashion din kasi. “Maiba tayo ang angas mo kanina huh.” Nabaling naman ang atensyon ng mga kasama ko sa akin dahil sa sinabi ni Darwin. “Buti nga sa kaniya. Pero unang beses to na inaway ka niya huh dahil sa lalaki.” Napaisip naman ako sa sinabi ni Them. Oo nga kung iisipin mo unang beses nga itong nagalit siya sa akin dahil sa isang lalaki. Dati kasi binabara niya lang ako dahil sa ayaw niyang malamangan ang kanyang scores at dahil sa mga kinakain ko, but yung kanina bagong sama ng loob iyon. “Hayaan na lang natin yun, sige na kumain na lang tayo.” Sabi ko nalang at nagsimulang kuamain. “AVI!” Nabitin naman ang pagsubo ko ng pagkain ng biglang may isang lalaki na nagmula sa nursing department na isinigaw ang pangalan ko. Kaya halos lahat ng kumakain sa canteen ay nagambala. Kahit kalian talaga ang ingay ng isang ito, gwapo nga pero maingay naman. “Av, tinatawag ka yata.” Kalabit sa akin ni Them. “Hindi baka namali lang ng dinig.” Sabi ko pa. “BUENAVISTA.” Hinayupak talaga kulang nalang magtago ako sa ilalim ng mesa. Paano ko ngayon sasabihin na hindi ako yung tinatawag ngayong pati apellido ko’y isinigaw niya. “Hoi ikaw nga.” Tumili naman si Darwin. Ginawaran ko naman si Kristoff ng isang tingin. Nasa may labasan siya nakatingin sa banda namin at kumakaway. May mga kasama siyang ka klase niya na nakaplaster din ang mga ngiti sa mga labi. Yung mga tao naman ay hinahanap kung sino ang tinatawag niya. Agad ko namang binalik ang atensyon ko sa pagkain. “Hoii hindi mo man lang ba papansinin?” Tanong ni Diana. Pinagkibitan ko lang siya ng balikat. Hindi ko ilalagay ang sarili ko sa kapahamakan ano. Kilala siyang tao dito sa school dahil sa titulong hawak niya, edi sa malamang maraming fans ‘yon baka magalit pa sa akin dahil sa malapit ako sa kaniya. Sabihin na natin na matatanda na at nasa kolehiyo na pero kasi may mga iba na makikitid pa din ang utak, kaya mas mabuti na yung umiwas ako sa gulo. Mahirap na at may pinapatunayan pa naman ako sa pamilya ko. Kinahapunan ay dating gawi pumunta ako sa library para mag-ayos ng libro. Medyo matatagalan yata ako dito kasi madami-dami din ang mga isasauli ko na libro sa shelf. Papaikot na ako patungo sa kabilang bahagi ng shelf ng sumungaw ang ulo ni Kristoff. “Hi.” Nilampasan ko naman siya para ipainagpatuloy ang gagawin. “Hindi mo man lang ako babatiin?” Bulong niya. Nasa likoran ko lang siya, sumusunod sa akin. Hindi ko pa rin siya pinapansin patuloy lang ako sa pagsasauli ng libro. Nakatingala ako para ibalik ang libro sa medyo mataas na bahagi ng shelf, pero abot ko naman. Itutulak ko na sana ang cart ng bilang kumuha ng libro mula sa cart si Kristoff. Pagbaling ko sa kaniya ay ang lapit ng mukha ko sa pisnge niya, ramdam ko din ang pagtama ng lower shoulder niya sa balikat ko nakayuko kasi siya ng bahagya habang nasa likuran ko kaya ganon ang naging ayos namin. Pagharap niya sa akin ay agad ko siyang itinulak palayo. “Lumayo ka nga.” Medyo napalakas naman ang boses ko kaya agad siyang sumenyas na tahimik. Alam mo yung nakanguso siya habang yung hintuturo nasa mga labi niya. Inirapan ko siya at saka naglakad palayo may mga isasauli pa sanang libro sa helerang ‘yon pero nilampasan ko nalang babalik na lang siguro ako mamaya. “Galit ka na naman? Hindi pa pala tapos red days mo.” Sinamangutan ko nga ang nakasunod na asungot. “Chill ka lang.” Kumuha naman siya ng panibagong libro sinisigurado niya na ang makukuha niya ay yung ibinabalik sa matataas na bahagi. “Hindi mo nga ako pinansin kanina sa cafeteria, hindi mo pa ako binati kanina nakakapagtampo ka na huh.” Mukha nga naman talaga siyang nagtatampo sa itsura niya. Nawala ang nakangiting ekspresyon at napalitan ng isang simangot. “Pero dapat talaga hati tayo sa kinikita mo dito eh.” Sabi na nga ba at hindi din siya magtatagal sa ganong disposisyon. “Sino ba nagsabi sayo na tulungan mo ako?” “Joke lang. Ang seryoso mo naman sa buhay.” Hindi ko nalang siya sinagot pa. “Malapit na ang bakasayon excited ka na ba na umuwi.” Tumigil siya sa pagtulong sa akin saglit. Napatgil naman ako sa ginagawa ko dahil sa tanong niya. Mas maganda yata na itanong yan pag may mauuwian na ako. “Oo naman, sino ba naman ang hindi ma e-excite na makasama ang pamilya hindi ba?” Sagot ko naman ng nakangiti. Tumango-tango nman siya at ginulo pa ang buhok ko. “Huwag ka ngang magulo.” Sabay hawi sa kamay niya at ayos ng buhok ko. Ang pag-aakala ko kanina aabutin ako ng dalawang oras sa pag-aayos hindi pala isang oras mahigit lang ay natapos na, sa tulong ni Kristoff. “Uwi ka na sa dorm?” Tanong niya ng makuha na namin ang gamit namin. “Oo.” “Samahan na kita.” Sabi niya medyo madilim na pero hindi naman nakakatakot maglakad mag-isa. “Huwag na, pumunta ka nalang doon sa dorm niyo.” “Gusto ko ihatid ka eh.” Pagpupumilit niya pa. Hindi na din naman ako nakipag-away pa at hinayaan na lang siya sa gusto niya. “Kumusta nga pala yung ginagawa mong libro?” Tanong niya, nagsusulat kasi ang ng libro na siyang isa sa pinagkakakitaan ko ngayon. “Okay naman may mga nag-aabang kahit papaano.” “Ipabasa mo nga sa akin.” “Huwag na baka hindi mo lang din magustohan.” “Naku basta ba gawa mo automatic na gusto ko na agad yan” Sinamangutan ko nga, mambobola ‘tong isang to. “Pero mas gusto pa din kita.” Dagdag niya pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD