“Ate ano ba, you’re really quitting school just because mama wants you to?”
“Wait what you’re making my sister-in-law quit school? But she is almost there.” Alma ni kuya Henry.
“Hon, stay out of it, this is family matter.” Sabi naman ni ate Cheska at pinipilit na pinapaupo si kuya Henry.
“And I am part of this family…I am your husband which means your sister Avi, is my sister too.”
“Henry, hindi mo kasi alam for two years, we are just wasting our money for her tuition fee she is not doing good in school.”
Napailing nalang ako sa sinabi ni mama. Kahit anong sabihin ko na I am doing good in school hindi din naman siya maniniwala.
“Did you check her grades? Did you ask her professors? Did you try to visit her school?”
I really appreciate how kuya defended me as if I am her own blood sister. At least alam ko na may concern sa akin and that made my hopes up. The person I expected to help me the least is actually the person who is standing up for me right now and defending me to the people whom I think will help me reach my dream.
“Hindi niyo ginawa diba? Atleast try to check diba? So, you do not have the right to rob her dreams from her.” Dugtong ni kuya sa sinabi niya kanina.
“We are her family.” Sagot naman ni ate.
Magaaway pa yata ang mag-asawa dahil sa akin. Now I’m guilty.
“Even if you are her family. You claim her to be part of your pack? Then help her hindi yung ninanakaw niyo sa kanya ang pangarap niya. You cannot even stand for her.” Sarcastic na sabi ni kuya.
"She sucks at her dreams, she doesn't even have good grades."
"You're a lawyer Cheska." Ate have gone quiet. "You should at least check the facts after concluding that."
That's a blow. Nakakapanliit yun.
"I know one of her professors she keeps on telling me that there is this one student in her class that really stands out because she is good, no not just good but very good, but she does not boast and when I ask who was this student was it turned out to be Avi.” I am shocked to hear that.
The room had gone quiet after that remark no one dared to say anything.
“Yan ba yung sinasabi niyo na not doing good?”
“My decision is final I cannot invest more on her. I will not pay for her tuition fee anymore.” Tiningnan niya ako ng nakataas ang kilay at may disgustong ekspresyon sa mukha. Ngayon alam ko na na hindi lang ito basta about sa grades ko o sa pera na binabayad nila sa tuition ko.
Her decision is final talaga wala ng makakabali pa. Kung ako lang, tatapusin ko talaga. Only if mama would just gave me her permission to study. Kahit pagtrabahuan ko nalang ang tuition fee ko I wouldn’t mind being a working student, makapagtapos lang.
“Ma, hayaan mo ako na makapagaral please.” Sumamo ko sa kaniya . I was trying not to cry pinipigilan ko na huwag tumulo yung mga luha ko.
“I’ll pay for my own tuition just gave me your permission to attend school.” Ayaw ko na suwayin ang gusto ni mama. Total kaya naman siguro ng grades ko na makasali sa Academic scholarship even though half tution lang ang babayaran ay malaking bagay na din iyon.
“Do what you want, pero ni piso hindi ka na makakatanggap pa sa akin.” I think that’s fine. I will take that remark as permission na pwede kong tapusin ang pag-aaral ko. Naging masaya naman ako kahit papaano sa sinabi ni mama.
“Salamat ma.” Ngumiti naman ako kahit alam kong salungat ang ipinapakita ng aking mga mata. Bumaling naman ako kay kuya para magpasalamat.
“Salamat kuya.” Nginitian niya naman ako may bahid ng awa iyon.
“I will support you.”
“No!” Galit na sabi ni ate but kuya Henry did not heed her.
“I will apply you for a scholarship.”
Papa was quiet lang observing everyone. While Troy is looking at me smiling, I know he’s happy na magagawa ko pa ang gusto ko.
“Thank you, akyat na ako.”
Tingin ko mahiyain ang mga luha ko kasi saka lang sila nagsilabasan ng mapag-isa na ako. I really hate crying sessions.
The next day, kuya Henry contacted me. naipasok niya ako sa isang scholarship. It is a full scholarship ibig sabihin wala akong babayaran na tuition. Since kuya already applied me in a full scholarship hindi ko na lang itutuloy ang pagaaply for academic scholarship kasi bawal double scholarship sa amin. Ang po problemahin ko nalang ay allowance ko at ang bayad para sa dorm. Kuya offered me a monthly allowance pero I declined, baka yun pa pagmulan ng away nila ni ate. May nakukuha naman ako na cash assistance from school kasi matataas naman yung grades ko but it is not enough for my daily needs may mga gastusin pa for projects.
My remaining days sa bahay seems so matagal. Si mama kinakausap lang ako kapag may-iniuutos like hugasan yung pingakainan, maglaba, maglinis ng bahay at kung ano-ano pa.
Sunday came. araw kung kelan ako babalik sa University. I wake up early, like the usual ako na nag luto ng agahan habang tulog pa ang lahat sa bahay. Naligo at nagbihis ako ng isang simpleng jeans and t-shirt. Nasa harap ako ngayon ng salamin, looking at my reflection again. Tapos na ako mag-ayos half ponytail I put a powder and used tint and I’m done. I put a smile, unti-unting sumilay ang dalawang dimples sa magkabila kong pisnge. My eyes looks like that they are smiling too.
“Everything will be fine Av. Yung mama mo naku matatangap ka din.” Kausap ko yung sarili ko sa salamin.
The smile faded. Kalian pa kaya yun? Tumayo na lang ako at kinuha ang naka charge na phone ko at inilagay sa bag. Isinuot ko ang backpack ko at napadaan uli sa salamin, isang ngiti pa nga.
Lumabas ako ng may ngiti sa labi. I was about to put my cats in the cage when mama stop me.
“Iwanan mo na yang mga pusa, hindi mo na din naman kayang buhayin yan.” I don’t want to but maybe mama is right. It was okay to left them here masisiguro pa na makakain sila ng tama at matututukan pa. Isang malaking ngiti ang pinakita ko kay mama.
“Okay po.”
Kinarga ko ang mga pusa ko.
“Bye muna for now dito na muna kayo huh mag-aaral na muna ako but I’ll see you all again naman.” I petted them for a while before finally leaving them.
“Alis na po ako.” Paalam ko sa kanila.
Nasa labas na ako ng gate ng dumungaw si mama at tinawag ako.
“Av..”
“Po?”
“Huwag na huwag kang uuwi dito hanggang wala kang dalang diploma.” And without ado pinagbagsakan niya ako ng pinto.
I was stunned, anong ibig sabihin non hindi ako pwedeng umuwi dito hanggang hindi pa ako nakakagraduate? Ihinilamos ko ang kamay ko sa mukha ko at bumuntong hininga.
“Pangako pag-uwi ko dito may dala-dala na akong diploma.” Sabi ko bago pina-andar ang sasakyan.
Mahigit isang taon kong hindi makakasama yung mga pusa ko, nakakalungkot. Pero mabuti na din yun kasi magigng busy na ako. Maghahanap ako ng pwedeng maging trabaho ko yung hindi magiging conflict sa schedule ko kaya mababawasan din yung oras ko sa kanila.
“HOII BUENAVISTA.”
Apellido ko yung isinigaw kaya napatingin naman ako sa paligid para hanapin kung saan nagmula ang boses. Hindi kalayuan sa kung nasaan ako ay nakita ko sila Christne, Andrea, Trish, Bon, John at Rayven. Kinawayan ko naman sila habang papalapit sila sa kinaroroonan ko.
“Aray!” Napatilli ako dahil sa ginawa ni Christine. Paglapit niya sa akin ay isang sapak sa braso ang natanggap ko mula sa kanya.
“Ano, aalis ka lang ng hindi kami kinikita? Shunga ka.”
“Huh?”
Takang tanong ko sa kanila.
“Anong huh? May usapan tayo na pagkatapos mong magsimba maglalaan ka ng oras para sa amin.” Maarteng sabi ni Bon.
“Oh my gosh nakalimutan ko.”
“Ayan tinatawagan ka namin ni hindi ka man lang sumasagot, kagabi nag message kami sa gc hindi ka man lang nag seen.”
Kinuha ko naman ang cellphone ko sa bag para tingnan yung sinasabi ni John. Tadtad nga ng maraming missed calls ang telepono ko.
“Pasensya na naka silent kasi yung phone ko.” I gave them an apologetic smile. Ibinalik ko naman sa bag ang cellphone ko.
“Tapos makikita pa namin na nagroadtrip na pala kayo nitong animal nating kaibigan.”
Nasa flowershop na kami ni Trish, hindi pa rin sila tapos sa kanilang pagtatampo.
“Hoii anong animal? Saka paano naman kayo makakasama kung may pasok kayo non?” Sagot naman ni Rayven.
“Rayven wala din akong pasok non same tayo ng schedule.” Sagot naman ni Trish na tinutulungan ko sa pagbi-bake.
“Ako din.” Segunda naman ni Andrea na naka upo sa stool at tinitingnan ang ginagawa namin ni Trish.
Ang shop ni Trish ay may mini kitchen and living room and dito nila napagpalanuhan na pumunta kami.
“Si Avi kasi.” Sabi pa ni Rayven.
“Bakit ako? Ikaw tung pumunta sa bahay at sinundo ako.” Sabi ko naman habang patuloy na pinaghihiwalay ang egg yolk at egg white. Ang gagawin ni Trish ay cookies habang yung akin naman ay cake.
“Kung hindi ka sumama eh hindi sana matutuloy.” At talagang lumapit pa talaga siya sa kinaroroonan ko.
Hinarap ko naman siya. Anong tingin niya uurongan ko siya? Tanging island counter lang yung pagitan naming dalawa.
“Hoi anong sunama? Kung hindi mo ako pinilit na ipinasok sa kotse mo ay hindi sana natuloy yung roadtrip.”
Nakapamewang pa ako habang sinasabi yun. At ang hinayupak umikot pa talaga para lang maharap ako ng maayos. Kaya ayon nagharap kami na walang counter sa pagitan namin.
“Kung hindi ka sana pumayag na magpakuha ng litrato ay hindi sana nila malalaman.” Sinigawan niya pa talaga ako.
“Kung hindi mo sana ipinost sa IG hindi sana namin malalaman.” Napatingin naman ako kay Andrea.
“Eh kasala-” Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil ang hinayupak na Rayven binugahan ang mukha ko ng harina. Sumabog naman ang tawanan sa loob ng maliit na kusina.
“Ang sama mo talaga!" Sigaw ko kay Rayven habang tinatangal ang harina sa mukha ko. Buti nalang at walang pumasok sa mata ko.
“Ang ingay mo kasi.” Nakaupo na siya sa stool ngayon katabi si Andrea ta kaharap kami ni Trish.
“Sinong nag simula?”
“Sila Bon.” Sabi niya pa sabay turo sa nagpipigil na tawang Bon.
“Bakit ako nadamay diyan.”
Sinamangutan ko nga bago tinalikuran para manghilamos ng mukha. Matapos ko naman manghilamos ay may nag-abot sa akin ng panyo, si Rayven pala. Nasa tabi ko siya nakahilig sa lababo. Kinuha ko naman ito mula sa kamay niya at inexamine yung panyo baka kasi madumi pala.
“Malinis yan grabe ka.” Mas okay na yung sigurado.
“Sorry na.” sabi niya.
Matapos kong masiguro na malinis ang panyo ay saka ko lang ginamit.
“Sorry na nga.” Pangungulit niya, sumunod pa talaga siya sa akin sa counter. Bumalik na ako sa pagbebake pero kinuklit niya pa rin ako.
“Bigwasan kita diyan eh.” Sabi ko naman sa kanya at sinimangutan siya. At ang gago nginisihan lang ako.
“Umalis ka nga dito.” Bugaw naman sa kanya ni Trish at sinunod naman niya. Bumalik siya sa tabi ni Andrea.
“Hala ka ginalit mo si Av.” Pananakot ni Andrea sa kaniya.
Ilang sandali pa ay dumating na ang inorder nila na pagkain. Ang umasekaso non ay sina John at Bon habang si Andrea ay tutok talaga sa ginagawa namin ni Trish habang si Rayven ay bored na nakatingin sa amin.
Isinalang ko na ang cake sa oven. Matapos kong isalang ay naglinis ako sa counter.
“Galit ka pa rin ba?”
“Anong mukha yan Rayven?” natatwa kong tanong.
Sa laki niyang tao hindi ko inaasahan na makikita ko siya na nakapout. Tinampal ko ang labi niya ng spatula.
“Tumigil ka nga Rayven ang pangit.” Sabi ko sa kanya.
I spent half of my dy with my friennds. I baked a red velvet cake and pinagsaluhan namin iyon. Bumyahe ako ng bandang alas dos na ng hapon dumating naman ako ng alas kwatro. Pagdating ko sa dorm naroon na si Gia.
“Nasaan ang mga pusa mo?” Tanong niya agad pag dating ko.
Nalungkot naman ako kasi that cats are my stress reliever, makita ko lang sila ayos na ako. Pero ngayon the dorm seems different. It felt empty without them.
“Iniwan ko sa bahay gusto makasama ni mama.” Sabi ko nalang trying to hide the feeling of longing I have in me.
Week passed, andito ako ngayon sa classroom inililigpit ang gamit ko kasi huling klase ko na ito ngayong araw. The grades are out, lucky for me at naipasa ko naman ang midterm. Kialangan kong ma maintain yung grades ko kasi kung bababa ay baka mawalan ako ng scholarship.
“Will you still invite her?” Narinig kong tanong ni Gema kay Joy.
“Yeah, my mom likes her. She wanted me to invite her.” Sagot naman ni Joy.
“Them, alis na ako.” Paalam ko sa katabi ko. Ngumiti naman siya at tumango.
Sa harap ako na pinto dadaan so natural lang na madadaanan ko si Joy. Akala ko makikipag-away siya ng hawakan niya ang palapulsuhan ko.
“Mom invited you.” Panimula niya, hindi pa siya makatingin sa akin ng deretso. “Punta ka daw sa party, that will happen on Saturday night.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay binitawan naman niya nag palapulsuhan ko.
“Sige.” Sagot ko sa kaniya at lalakad na sana palabas ng room ng nagsalita siyang muli.
“Don’t think that you are special. Everyone in this room is invited kaya huwag kang mag-iisip ng kung ano-ano.
“Okay.” After saying that, I left.
Then Saturday came.
“Pupunta ka talaga sa pa-party ni Joy?” Tanong ni Shen nasa hamba siya ng pintuan, naka hilig.
“Oo invited ako eh.” Sabi ko sa kanya. Joy personally invited me to attend nakakahiya naman kung hindi ako sisipot. That would be rude.
“May galit sayo iyon baka anong gawin ng babaeng iyon sayo.” Sabi niya ng may bahid na pag-aalala.
“Wala hindi yan.” Sabi ko naman, kahit na may galit si Joy sa akin alam ko naman na hindi ako sasaktan non ng pisikalan. I know her.
Umalis naman siya agad sa kwarto ko, nag mamadali. Isinawalang bahala ko lang iyon. Ibinalik ko naman ang tingin ko sa salamin.
Hinawakan ko ang buhok ko first time ko itong kinulot, nanghiram pa talaga ako ng curler kay Gia kanina para ma achieve ang beach waves na gusto ko. Kinuha ko ang foundation at naglagay din ng konti lang naman, tapos ay sinunod ko namang kinuha ang blush on, saka ako nag kilay, tapos ng lagay ng mascara, panghuli yung lipstick and I’m done.
Tumayo ako galing sa pagkakaupo sa dresser para tingnan ang sarili ko sa full view mirror. I am wearing a fitted peach portrait neck shirt with flutter sleeves, skinny jeans, and T strap sandals with square heels.
“Sasama ako sayo.” Biglaang sabi ni Shen na nakadungaw sa pinto bihis na siya pero hindi pa siya nakakapag-ayos.
“Okay.” Sabi ko nalang sa kanya. Bumalik naman agad siya sa kwarto niya para mag ayos. Ang ginawa ko naman ay kunin ang peach cross body bag ko. Laman non ang mga importanteng gamit ko. Nanatili na muna ako sa sala makikipaglaro sana sa mga pusa ng maalala ko na ipinaiwan pala sila sa bahay.
“Tara na Av.” Sabi ni Shen, tumayo naman agad ako para maka alis na kami.
“Sa sasakyan na tayo ni Nash sumakay.” Pumayag naman ako kasi tipid sa gasolina.
Naupo ako sa likod syempre. Mabilis naman kaming nakapunta sa mansion ni Joy. Yun ang tawag niya kasi sa bahay nila, mala mansion nga naman ang laki non.
Saktong 6 pm ang pagdating namin doon madami nang tao, malakas na ang pa musika, at nakita ko rin ang maraming helera ng mga pagkain. May mga bumati naman sa akin, binate ko rin sila pabalik.
“Av buti naka dating ka.” Pag welcome sa akin ng mama ni Joy. Hindi ko akalain na makikita ko siya sa rami ng mga inimbita ni Joy. May mga bisita siyang hindi ko makakilala, taga ibang blocks siguro.
“Magandang gabi po.” Pagbati ko naman kay Tita.
Nakilala ako ng mama ni Joy sa school. Kung gaano kalaki ang galit ni Joy sakin, kabaliktaran naman niya ang mama niya. Tita is so good to me, I even remember noong awarding walang dumating para sa akin so si Tita ang nagsuot sa akin ng medalya na nakuha ko. Ginagawa kasi ang ganoong event every after school year to acknowledge the students.
“Sige kain ka na doon.” Nginitian ko naman siya at saka pumunta sa table ng mga pagkain.
“Ang bait ng mama ni Joy.” Sabi ni Shen na nasa likod ko lang pala.
Sabay kaming kumuha ng pagkain at naghanap ng table. Luckily naka hanap naman kami, nasa iisang table lang kami ni Shen, Nash, Dave at Themarie. Habang kumakain kami ay nagkakakwentuhan naman.
“Sayang Av, wala ka noong nagpakain din ako.” Biglaang singit ni Dave sa usapan.
“Ah oo late ko na nabasa yung mensahe mo eh.”
“Ganon ba? Sayang masaya pa naman ng araw na yun. ” Sabi pa niya nginitian ko lang siya bilang sagot kasi wala na akong masabi sa kanya.
“Oo sobrang saya, nakita namin na ni reject mo si Gema non.” Sabi ni Nash, nagulat naman ako sa sinabi niya. Wala kasi akong alam na mayroon palang ganong pangyayari. Lahat naman ng nasa table namin ay tinutukso si Dave hindi naman ako nakikisali sa usapan nakikitawa lang.
“Sino ba kasi yang lihim na gusto mo Dave?” Tanong ni Them sa kanya.
“Yan ang hindi ko masasabi.”
“Bakit naman? Kilala ba namin?” Takang tanong ni Shen.
“Hindi, pero si Av kilala niya.” Nagulat naman ako doon napabaling silang lahat sa akin.
Nagtaas naman ako agad ng kamay. “Wala akong alam diyan” Sabay tawa.
“Walang kwenta hindi naman pala natin kilala. Tara Av sayaw na lang tayo.” Sabi sa akin ni Shen sabay hila sa akin papunta sa tumpok ng mga nagsasayawag estudyante.
“Ano ka ba tatayo ka lang ba diyan? Sayaw ka.” Pamimilit ni Shen sa akin.
Buti na lang at nakahanap siya ng kakilala kaya naka-alis ako doon.
Naghanap naman ako ng mapupuntahan, naka punta na ako dito noong nakaraan. Sa pagkaka-alam ko ay may swing sa bandang gilid ng bahay nila ah. At tama nga ako, malayo pa lang ay kita ko na ang swing na pinalilibutan ng bulaklak may isang post din doon na siyang nagsisilbing tanglaw. Kung umaga ay mas maganda itong tingnan,, may dalawang swing na ang hawakan ay nababalutan ng vines.
Umupo naman ako doon at tiningala ang langit. Cresent moon pala ngayon at ang dami ring bituin. Sinumulan ko naman na I swing ang duyan. Rinig ko ang tugtog at medyo kita ko rin ang mga nagsasayang tao mula dito sa duyan na kinauupuan ko.
Nag iba ang tugtog mas naging malumanay ito, kaya ang kaninang kumpol ng mga estudyante ay nabawasan ang bilang. Naaaliw naman ako sa kakatingin sa kanila na nag hihila-an, samantalang ang iba ay nakanap agad ng maisasayaw. Naaliw ako habang tinitingnan sila na sumasayaw hindi ko rin alam kung anong nakaka-awliw doon baka wla lang talaga akong magawa. Napatayo ako bigla ng makarinig ako ng kaloskos.
“Sino yan?” Tanong ko nang mamaninag ko ang anino na nasa ialalim ng poste. Lumabas naman galing doon ang isang lalaking naka polong puti at chinito.
“Pasensya ka na. Natakot ba kita? ” Sabi pa niya. Dahan dahan naman ang paglapit niya habang ngakakamot ng ulo.
“Okay lang, nagulat lang ako.” sagot ko naman sabay upo pabalik sa duyan. Pansin ko din kasi na harmless siya. Hindi rin naman siguto mag-iimbita si Joy ng masamang tao. Hindi ko lang talaga kilala siguro sa sa mga taga ibang department na inimbita ni Joy.
“Kanina pa ako dito pero mukhang nagyon mo lang napansin ang presesnya ko.” Sabi pa niya sabay upo sa katabing swing. Ayaw ko ng ginawa niya pero hindi ko naman siya pwedeng pa-alisin kasi hindi ko naman ito pagmamay-ari, isa pa hindi ko ito pamamahay at bisita siya.
“Kristoff Chen nga pala.” Sabay lahad ng kamay tinangap ko naman ito ayaw ko maging bastos.
The name rings a bell saan ko nga ba narinig ang pangalan na iyon? Medyo natagalan pa ako bago ko natangap yung kamay niya kasi inaalala ko pa talaga ang pnagalan niya.
“Ehem.”
“Ah…Avi.” Sagot ko sabay tanggap ng kamay niya.
“I know you.” Sabi niya, napalingon ako sa kanya.
“Huh?”
“Same school tayo .” Saad niya as if that is the answer.
“I often saw you kapag may events.” Tiningnan ko lang siya gamit ang nagtatanong kong expression.
“Ah…Madalas kayo yung nagpe-prepare sa stage or venue kapag may ganap sa University.” Dagdag niya.
Madalas kasi kami na maatasan na mag prepare for the events alam mo naman from the TLE may mga naituturo din na nagagamit namin for example mga flower arrangement and so on.
Tumango-tango lang naman ako sa kanya sabay balik ng tingin sa mga nagsasayang mga bisita.
“Nursing student ako by the way.” Sabi niya, naalala ko na kung bakit pamilyar yung mukha niya.
“Oh my, you are the Famous Kristoff Chen from the nursing Deparrtment?” Gulat kong tanong sa kanya. Nakakahiya at naituro ko pa sya habang nakatakip ang palad sa bibig. Agad ko namang naibaba ang kamay ko ng makita siyang nahiyang yumuko at nagkamot sa ulo.
“Pasensya na.” Nasabi ko, ang awkward ng reaction ko.
“Okay lang.” Sagot niya pa at ginalaw naman niya ang binti niya na nakatapak sa lupa dahilan kung bakit nag swing siya ng bahagya. “At isa pa hindi naman ako ganon ka famous.”
Ginaya ko naman ang ginawa niya. “Hindi ah, kilala ka sa school.” Sagot ko ng hindi nakatingin sa kanya.
“Kung kilala ako bakit hindi mo ako na recognize agad kanina.” Oo nga naman.
“Medyo madilim lang.” Sabi ko naman. Kilala siya sa school kasi siya ang nanalo bilang MR. La Veronica.
La Veronica University yung pangalan ng university na pinapasukan namin.
“Who nvited you here?” Tanong niya, tinawanan ko naman siya at inilingan.
“Yung host ng event na ito.”
“Oh so you knew Joy?”
“Uhum… ka klase ko siya,”
“So you are from the Education department.” Sabi niya pa. Akala ko ba kilala ako neto.
“Akala ko ba kilala mo ako?"
“I recognize your face as well as your name but yung ibang detalye ay hindi.” Tumango-tango naman ako, that makes sense. Hindi ko alam ang isasagot, kaya mahabang katahimikan din ang namutawi sa pagitan namin. May musika naman pero hindi ko alam kung bakit feeling ko ang tahimik pa rin. Siguro kaya ganito ang atmosphere ay knowing na may kasama ako tapos hindi kami gaanoong nag –uusap.
“Magaling akong mag-alaga.” Basag niya sa nakakabinging katahimika. .
“So?” sabi ko sa kanya sabay tinaasan siya ng kilay kahit hindi ko alam kung kita ba niya. That is so random.
“Baka lang gusto mo magpa-alaga.” Natawa naman ako doon, narinig ko naman ang mahinang tawa niya.
“Hindi, kaya ko naman sarili ko.” Sagot ko.
“Ouch. Total education student ka naman turuan mo nalang ako.” Sabi pa niya babanat na naman ba ito?
“Anong subject ba?” Sabi ko sa kanya natawa naman siya.
“Turuan mo akong magmahal.”
“Ang corny mo. Banat ba yun?” Sabi ko pa sa kanya.
Hindi ko alam kung paano nangyari pero nang gabing iyon ay nagkaroon ako ng bagong kaibigan.