Lumapit naman siya sa akin pero hindi niya nagawa ng tuluyan kasi pinigilan ko siya.
"Kaya ko mag seatbelt mag-isa." Sabi ko sa kanya.
Ibinaba ko naman yung kamay ko na nasa dibdib niya kanina para masuot ko ang seatbelt.
"Napaka arte mo!" Singhal niya sa akin pero tinawanan ko lang siya.
Isinuot naman niya yung seatbelt niya at binuhay na ang makina ng sasakyan. Bago kami tuluyang umalis ay bumusina siya kay mama bilang pagpapa-alam.
"Ibabalik ko na gutay gutay at lanta ang anak niyo tita." Sabi niya pa pero hindi na rinig iyon ni mama syempre. Sinapak ko nga.
"Wala ka bang pasok?" Tanong ko sa kanya habang kinakalikot yung radio niya naghahanap ng magandang musika.
"Meron" napatingin naman ako sa kanya. "Papunta na nga sana ako eh, kaya lang nakita kita kaya ayon napagdesisyonan ko na huwag nalang."
Natigil ako sa ginagawa ko at hinarap siya.
"Loko ka ba? Ibalik mo na ako sa amin at pumasok ka sa klase mo." Sabi ko sa nanlalaking mata.
Pero tinawanan lang ako ng loko loko.
"Av, nakakatawa yung reaksyon mo." Grabe yung tawa niya. Napaiwas na lang ako sa kaniya ng tingin at nagpipigil ng galit.
"Syempre wala akong pasok ngayon vacant ko." Hirap pa siyang bigkasin ang bawat salita.
"Hindi ko ipagpapalit yung pag-aaral ko sayo ano. Swerte mo naman kapag nagkataon" Gusto ko na ma insulto sa sinabi niya pero alam ko naman na nagbibiro lang siya.
"Naks naman ulirang estudyante ka?" I teased him.
"Bagong buhay na ako ano ba." Sagot niya pa.
"Akin na lang yun phone mo." Nilahad ko naman yung kamay ko sa harap niya.
"Anong gagawin mo?" Yung klase ng pagtatanong niya para bang nanakawin ko sa kanya telepono niya.
"Papatugtog ako bilis na." Atat kong sabi sa kanya. May tinatago 'to panigurado.
May binuksan siya sa compartment ng kotse niya andoon lang pala. Wala namang password kaya madali ko na na unlock.
"May tinatago ka dito?" Pang-aasar ko sa kaniya.
"Sa spotify ka lang maaring mag punta, kung hindi ibabanga ko tong sasakyan."
"Napaka exaggerated naman."
"Saan tayo?" I asked after playing music from his playlist.
"Roadtrip lang tayo."
Pinanliitan ko siya ng mata.
"Ano nakain mo at naisipan mo mag roadtrip?" Tanong ko sa kaniya.
"Wala lang, diba gusto mo yun?" OH! Oo nga naman gusto ko nga rin naman iyon.
Nagkibit na lang ako ng balikat at hinayaan siya sa plano niya.
Patuloy lang siya sa pag da drive. Ni hindi ko alam kung saan kami papunta. Pero ang nakikita ko sa paligid ay puro mga puno. In order for us to fully see the view ay binuksan niya ang roof ng convertible car niya.
The moment na nag open yung roof ay sumabog yung buhok ko dahil sa hangin natawa naman kami pareho. Hindi pa ako magkandamayaw sa pagsiklop ng buhok ko. Mabuti nalang may dala akong pantali. Mas maganda din sana kung may sunglasses. Hindi naman masyadong masakit ang araw it is just to protect our eyes lang from the wind.
"Suotin mo to." Iniabot niya sa akin ang isang glasses.
"Ang ganda ng timing mo iniisip ko lang ito kanina ngayon inaabot mo na." Sabi ko pa.
"Siyempre alam ko ikot ng utak mo 'no." Proud ako na ngumiti sa kaniya habang isinusuot ang shades.
The roadtrip ft. soundtrip was great. We enjoy the music plus the scenery. Idagdag mo pa yung walang masyadong sasakyan.
"Oh my gosh ang ganda nung dagat Rayven." Niyuguog ko pa talaga siya dahil sa exitement ko.
"Av, tumigil ka mababanga tayo." Natatawa niyang sabi.
"Sorry." Sabi ko at tinigilan siya pero na-aamaze pa din talaga ako sa ganda ng dagat.
Kumikinang ang asul na tubig dagat dahil sa tama ng sinag ng araw.
Sinubukan ko naman na tumayo pero hinawakan ni Rayven ang palapulsuhan ko kaya napabaling ako sa kaniya.
"Don't do that baka mahulog ka. Ipinangako ko pa naman sa mama mo na ibabalik pa kita ng buo." Pagpapaalala niya.
"Naks, tumutupad ka pala sa mga pangako mo?"
"Oo naman syempre." Proud niyang sabi at cool na inayos ang shades niya din.
Sinasabayan namin ni Rayven ang musika na may pamagat na Let Me Love You by DJ Snake at Justin Bieber.
Nagbatuhan kami ng lyriko ng kanta at sumasayaw-sayaw pa habang nakataas ang kamay sa ere. Napakaingay namin habang tinatahak ang daan. Buti na lang at hindi maalikabok kasi kung hindi baka kanina pa napuno ang bibig namin ng alikabpk dahil sa kakakanta.
After ng kantahan session namin ay nag stop over muna kami sa isang kainan.
"That's all po ba sir, ma'am?" Tanong nong waiter.
"Yes." Sagot naman ni Rayven saka ibinaba ang menu na hawak niya.
"Wala akong pera." Bulong ko kay Rayven, hindi ako ready sa lakad na to denekwat niya lang ako sa bahay namin kaya naiwan ko ang wallet ko.
"Maghuhugas ka ng pinggan." Seryoso niyang sabi. Kaya napaayos ako ng upo at tiningnan niya ng masama.
"Biro lang libre ko to, birthday treat." Binigyan ko naman siya ng nakakalokong tingin.
"Galante natin ah."
"Minsan lang to hindi ka na makakaulit pa." Tinaasan pa ako ng kilay. Nginitian ko naman, mahirap na baka paglakadin ako nito pauwi anlayo pa naman ng inabot namin.
Ilang sandali pa ay dumating na yung order nimin. buti na lang at hindi ako allegric sa seafoods kasi yun ang mga pinili niya. Isa pa nasa tabinng dagat ang restaurant kaya natural lang na seafoods ang specialty nila.
"Nag order ka ba ng dessert?" Tanong ko kay Rayven ng makita na may dessert na kasamang isinerve. Umiling naman si Rayven.
"By the way ma'am and sir for a couple. We have a free dessert and this is our freebie to celebrate our upcoming founding anniversary." That explains it.
Aalma na sana si Rayven pero hinawakan ko agad ang kamay niya na nakapataong sa mesa. Napatingin naman siya sa akin at sa kamay ko na nakahawak sa kanya.
"Thank you." Sabi ko sa waiter ng nakangiti.
Ng maka-alis na ito ay binitawan ko naman si Rayven.
"Ano yun?" Nagtatakang tanong niya sa akin.
Nginitian ko naman siya. "Sayang kasi yung free dessert baka pag sinabi natin na hindi tayo, baka kunin sa atin."
"Bahala ka nga sa buhay mo." At nagsimula na siya sa pagkain kaya kumain na din ako.
Pagkatapos niyang mag bayad ay nag offer pa ang staff na picturan nila kami gamit ang kanilang instant digital camera. So ayun naka uwi kami na may dalang isang libreng litrato naming dalawa. Si Rayven naman ay inutusan pa ang staff na kuhanan kami ang litrato gamit ang cellphone niya.
"Alam mo na pag nag hiwalay tayong dalawa gugupitin nalang natin to huh." Pabiro kong sabi sa kanya habang nakasunod ako sa kanya sa paglalakad.
"Pinagsasabi mo?" Natawa naman ako sa reaksyon niya.
Pinagbukasan niya ako ng pinto pumasok naman ako sa kotse tawa pa rin ako ng tawa.
"Pag naging tayong dalawa sisiguraduhin ko na hindi na tayo maghihiwalay pa." Seryoaong sabi niya pagkatapos ay umikot na siya para makapasok sa driver’s seat.
"Corny mo!" Sabi ko pa sa kanya, pero hindi Ko man lang nakitaan talaga ng ngiti ang mukha niya.
Galit ba to?
"Galit ka ba?" Tanong ko.
"Hindi." Hindi daw pero napakaseryoso ng istura.
"Parang galit ka eh. Biro lang naman yun."
"Hindi ako nag bibiro." Seryoso talaga siyang nakatingin sa akin.
"Nu bayan biro nga lang oii." Sabi ko pa at kinalabit siya, pero wa epek.
"Hindi nga ako nagbibiro, seryoso ako."
"Sige bababa na lang ako." Tinangal ko na ang seatbelt. Bubukasan ko na din ang pintuan. Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso. Hindi man lang ako pipigilan?
"Bababa na ako." Pag-uulit ko. Nakatingin lang talaga siya sa akin ng seryoso. Nagpapa-awa na nga ako sa kanya pero wala pa rin talaga.
"Hindi mo ba ako pipigalan." Bulyaw ko sa kanya.
At ayun nga hindi na niya napigilan tumawa na din siya.
"Kita mo ba yung mukha mo sobrang nakaka-awa" sabi niya pa. Binuhay niya na din ang makina at sinimulan ng magmaneho.
"Sama ng ugali mo." Sabay sapok sa kanya. Tawa pa rin siya ng tawa.
Mga bandang hapon inuwi niya na din ako sa bahay.
"Salamat tita, sige Av." Paalam niya bago umalis.
"Bye." Sabi ko at kinawayan siya. Hinintay ko rin siya na maka-alis bago pumasok sa loob ng bahay.
"Magluto ka na ng hapunan." Sabi ni mama ng maka alis na si Rayven.
"Opo ma."
Agad ko namam ginawa ang utos ni mama nag luto ako ng tinolang manok para sa hapunan.
"Sumabay kanang kumain." Napangiti namam ako sa sinabi ni mama sa akin. Samantala si papa at Troy naman ay napatingin kay mama, halata din ang pagtataka sa sinabi ni mama.
"Opo ma." Ang laki ng ngisi ko pero kapag nakatingin naman siya ay tinatago ko naman ang ito.
"Yiie" Bulong na sabi ni Troy habang kinukorot kurot ang tagiliran ko. Sinisiko ko naman siya at para kaming mga bulate na binubudboran ng asin sa tuwa kapag nakatalikod si mama. Minsan lang kasi talaga mangyari 'to. Kadalasan ayaw niya na makasabay ako, o kaya ay nagmamadali siya na matapos sa pagkain dahil sa ayaw niya na makita ako.
"Av." Tawag ni mama habang kumakain kami.Napa-ayos naman ako ng upo.
"Tumigil ka na sa pag-aaral mo." Nabitawan ko naman ang kobyertos na hawak ko. Natigil din sa pagkain si Troy.
Napabaling ako sa kaniya.
"Ma bakit?" Tanong ko sa kaniya.
"Hindi mo din naman matatapos iyan nagsasayang lang kami ng pera ng papa mo pambayad sa tuition fee mo."
"Ma pero malapit na akong matapos, isang taon na lang at kalahati na lang mama." Ngayon pa ba ako susuko na sobrang lapit ko na.
"Sundin mo nalang ang mama mo Av." Napabaling naman ako kay papa. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
"Pa." Padabog na ibinaba ni Troy ang kubyertos niya. Hinawakan ko naman ang braso niya. Ayaw ko na idamay pa ang kapatid ko sa galit ni mama.
"Ma, pa matatapos ko 'to pangako." Nagmamaka-awa kong sabi.
"Hindi ka din naman makakagraduate para saan pa? Sa bobo mong yan? Alam ko na agad nagsasayang lang kami ng pera sayo." Sabi ni mama. Masakit yun na marinig mula sa bibig ni mama, nakakapanliit ng pagkatao.
"Ma naman consistent Dean's lister po ako. Pinagbunutihan ko yung pag-aaral ko. Pinapakita ko naman sa inyo ang grades ko every semester ah. Kayo lang talaga ang ayaw."
"Hindi, hindi na ako magbabayad pa ng tuition mo kaya wala kang magagawa kundi tumigil sa pag-aaral." Sasagot pa sana ako pero umalis na si mama.
Sunod naman na tumayo si papa.
"Maghugas ka ng pinggan." Sabi niya bago sumunod kay mama.
Kahit na anong sabihin ko, sarado na talaga ng utak ang tenga nila kaya hindi din nila ako pakikinggan.
Natulala na lang ako sa aking upuan. Ni hindi man lang ako pinatapos sa pagkain ko.
"Ayos ka lang ate?"
Nginitian ko naman ang kapatid ko at saka tumayo para ligpitin ang pinagkainan. Hindi ako okay, pero kailangan kong maging okay.
"Ate ako na lang diyan."
"Hindi, huwag na pagkatapos mo diyan ihatid mo na lang sa lababo para mahugasan ko yang pinagkainan mo. Tapos diretso ka na sa taas, mag aral ka." Sabi ko sa kaniya.
Habang nag huhugas ako ng pinggan ay pinipilit ko na huwag tumulo ang luha ko. Timungala pa ako para maibalik yung unshred tears ko.
"Ate ito na." Maingat na sabi ng kapatid ko.
Tumango lang ako.
Nararamdaman ko naman na gusto niya ako na i comfort, pero pinili niya na huwag na lang, iyon din naman ang nais ko. Ayaw ko na makita niya akong umiiyak.
Pagkaalis na pagkaalis ng kapatid ko parang gripo na tumulo ang mga luha ko. Napaupo nalang ako sa sakit na nararamdaman ko. Kailangan ko pang takpan ang bibig ko para walang makarinig ng bawat hikbi ko. Gusto kong magsisigaw ng malakas pero ang kaya ko lang gawin ay pigil na sigaw at tahimik na mga hikbi.
Kinalma ko ang sarili ko para matapos ko ang paghuhugas ng pinggan at nagawa ko namang matapos. Umakyat ako sa kwarto ko pag sara ko ng pinto nawalan ng lakas yung mga binti ko kaya bumagsak ako sa sahig. Naiyak ako hindi ko alam kung dahil iyon sa sakit ng pagbagsak ko sa sahig ko o dahil pagbagsak at pagkawasak ng pangarap ko.
Buong gabi akong hindi nakatulog. Buong araw din ako na hindi lumabas at kumain. Kinagabihan ay napagpasyahan ko na bumangon at tiningnan ko ang mukha ko sa salamin. Hindi na halata ang bakas ng pag-iyak. Paano ba naman kasi wala na akong iiiyak pa, tulala lang ako buong magdamag.
"Hay." Nakaka-awa yung itsura ko.
Lumabas ako para i check ang mga pusa ko guilty na guilty ako kasi hindi ko sila nalabas ngayong araw na ito. Nasa hagdan pa lang ako ay nalipat na agad sa akin ang tingin ng mga naghahapunan sa kusina. Andito pala si Ate Cheska at ang pamilya niya.
Dumeretso ako sa kung nasaan ang mga pusa. Nadatnan ko na kumakain sila. Sana pala hindi nalang ako bumaba. Papaakyat pa lang ako ng nag salita si kuya, kaya napahinto ako sa paglalakad.
"Kain tayo Avi."
"Sige kuya salamat pero busog pa ako." Sagot ko at aakyat na sana ng ilang sandali pa ay si mama naman ang nagsalita.
"Pumunta ka bukas sa University niyo. Kunin mo na ang gamit mo, total titigil ka na sa pag-aaral hindi ba?" Nag abala pa talaga siya na tumayo para lang maharap ako.
Tinagilid ko ang ulo ko at nginitin siya.
"Kung yun ang nais mo mama."