Ikawalong kabanata

2724 Words
“Sir Tristan.” Hindi ko alam kung paanong nangyaring ang substitute teacher namin ay nakatayo sa harapan ko at pinapayungan ako. Nahiya naman ako kasi nababasa siya ng ulan, hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya inilapit ko nalang nag payong sa kanya. Usless na man na kasi yung payong kasi basang –basa na ako. Sa paraan ng pagtingin niya naramdaman ko na napakaliit ko. He’s gaze is just towering over me. “Nababasa ka.” Sabi niya naman sabay inilapit ulit sa akin yung payong. Hindi ko mabasa yung emosyon na pinapakita niya sa akin ngayon. “Hindi ayos lang ako sir. Kanina pa naman ako nababasa ng ulan.” Sabay ibinalik sa banda niya 'yong payong na hawak naming dalawa at binitawan na ito. “Hindi ayos iyon.” Sabay lipat ng payong sa banda ko. “Naku kayo naman po ang mababasa.” Pagkasabi ko non ay lumapit siya sa akin para makasilong din. Maliit lang yung payong na dala niya kaya ang lapit namin sa isat-isa. Buti nalang at mataas siya, hanggang leeg niya lang ako mabuti yun kasi ang nakikita ko lang ay ang dibdib nya. Samatala ramdam ko naman ang mga titig niya sa akin. Ang tanging humaharang lang sa amin ay hawakan ng payong na hawak niya. Umatras naman siya ng bahagya kaya napatingala ako para matingnan siya and again hindi ko mabasa kung ano ang expression niya. Nabigla naman ako sa susunod niyang ginawa kasi yung kamay niyang bakante ay kinuha ang kamay ko at ako ang pinaghawak niya ng payong. Tapos hinawakan niya ang dalawnag balikat ko at inginiya ako patalikod sa kanya at paharap sa puntod. Matapos niyang gawin iyon ay hinawakan niya na ulit ang payong nahawakan pa niya ng bahagya ang kamay ko. “Magpaalam ka na sa kanila, masama ang magpaulan.” Tumayo naman ang balahibo ko sa batok dahil sa bulong niya. Tumango ako, sabay tingin sa lapida ng grandparents ko. “La, Lo again pasensya na po at ngayon lang ako nakadalaw.” Panimula ko. “Pero kinakailangan ko na po na umaalis lumalakas na kasi yung ulan.” Tumingala pa talaga ako as if that would serve as proof. “Babalik din ho ako sa susunod.” Sabi ko sabay ngiti. Pagkatapos kong sabihin iyon ay tiningnan ko si sir. Ang awkward lang kasi nakatingin na pala siya sa akin kaya nag tama ang paningin namin. “Tapos na po ako.” Sabi ko sabay ngiti sa kanya. Tumango naman siya at sabay kami na naglakad doon sa kung nasaan ang shed mabuti nalang at malapit lang doon ang sasakyan ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko so I am just awkwardly standing sa tabi niya tapos basang basa pa. “You okay?” Tanong niya sa akin. “Oo.” Tiningnan ko naman siya at nginitain. “Pasensya na if I approached you I just can’t stand seeing you na nababasa ng ulan.” “It is okay in fact I’m thankful.” As I said those words bumitaw naman ako sa tinginan naming dalawa. I can’t handle his stares anymore. The cold wind blew, hindi ko naman mapigilan na yakapin ang sarili ko sa lamig. “You wait here, may kukunin lang ako.” Sabi nyang bigla and without ado ay umalis siya. While he is away naaalala ko lang ang pangyayari kanina. Nakita niya ako in my worst state alam kong narinig niya yung mga hikbi ko kanina. Malakas ang loob kong umiyak kasi maaga pa naman walang ka tao tapos then all of the sudden ay andoon pala siya. Ilang sandali pa ay pabalik na siya. Habang papalapit siya hindi ko maiwasan na ma pansin yung itsura niya. He was just holding the umbrella pero pansin na pansin na muscles niya. Suot niya naman ay itim na polo na hapit na hapit sa braso niya at naka jeans match with his white shoes also. “You should wear this.” Iniabaot niya sa akin ang isang hoddie. “Basa na din naman ako.” Sabi ko pa sa kaniya “But at least wear it, that will somehow give you warmth.” Sinunod ko naman ang gusto niya. “Ang laki.” Komento ko kasi ang laki laki ng hoodie niya. Nagmukha itong mini skirt dress. “I’m sorry.” Sabi niya pa. “No… I’m the one who is supposed to feel sorry kasi kung hindi mo ako tinulungan hindi ka mababasa.” “I willingly helped you so no need to feel sorry.” Wala na akong masabi pa kaya binigayan ko nalang siya ng isang ngiti. Just when the atmosphere began to feel so silent nag salita siya. “Yung kanina grandparents mo?” tanong niya. “Yes.Bakit ka nga pala andito.” Tanong ko pabalik sa kanya. “I visited the grave of my friend.” “Ganon ba? Hindi ko napansin na may tao pala kanina.” The conversation that we shared is just really to lighten the atmosphere na meron kami. I’m glad he initiated the conversation kasi baka patuloy ko lang maisip ang kahihiyan na ginawa ko kanina. I’m hoping na wala siyang pagsabihan sa kung ano mang nasaksihan niya. Nang huminto na ang malakas na ulan we parted ways. 8 am na ng makauwi ako. “Saan ka galing?” pambungad ni mama. “May pinuntahan lang ma pasensya na.” Sabi ko sabay pasok sa bahay. “Kapag nasa pamamahay kita matuto kang magpaalam.” Na guilty naman ako doon kasi hindi naman talaga ako nagpaalan na lalabas kanina. “Pasensya na ma hindi na mauulit.” She is still pissed natuwa naman ako kasi concern pa rin talaga si mama sa akin. “Kahit kalian talaga puro sakit ng ulo na lang ang dala mo. Nakakainis bakit pa ba ako nag luwal ng anak na katulad mo.” Padabog na isinarado ni mama ang pintuan ng kwaro. Masakit yung salitang binitawan niya pero naiintindihan ko naman kasalanan ko din, umalis kasi ako ng hindi ngapapa-alam. Umakyat na ako sa kwarto at tinuyo ang sarili ko mula sa pagkakabasa sa ulan at nagbihis na din. Ilang sandali pa ay may kumatok sa pintuan ko . “Pasok bukas iyan.” Pagbukas na pagbukas bumugad si mama. “Wala kang ginagawa diba? Hala maglaba ka hindi yung hihilata ka lang diyan.” Sinunod ko naman ang ini-utos niya. Medyo marami pala ang labahin ang bibigat pa kasi karamihan doon bed sheet. Pero sanay naman ako sa paglalaba. I became independent at a very young age. Independent in the sense that I learn to cook, wash dishes, do household chores at a young age. Pulis si papa madalas na wala sa bahay, si mama naman ay isang OFW madalang lang kung umuwi. I remember I am forced to do the household chores kasi papa won't let ate do so. Lola offered to watch over us pero hindi pumayag si papa kasi he don't want to burden my grandparents. Ang sabi niya ay pumapasok naman kami sa umaga at sa gabi naman ay nasa bahay siya pero ang kadalasang nangyayari ay iuuwi niya lang kami at iiwanan ng pagkain. My younger brother was very small back then ako pa ang nagbabantay. Hindi ko alam kung paanong sa maliit na katawan ay nagawa ko iyon. Ang ikinakatuwa ko lang ay kapag bakasyon talagang doon nag sta-stay sila lola sa bahay kaya may magbabantay na. Ng tumungtong ako ng senior high school ay tuluyan na akong sumeparate sa parents ko. I decided to stay in a dormitory and do part time jobs may pagkakataon kasi na kinukulang talaga ang mga padala na pera. Nang nagtanghalian na ay huminto muna ako sa paglalaba para kumain na. pagbukas ko sa takip na nasa lamesa wala ng ulam at kanin. “Naku, Av hindi ka pa ba nakakakain magluto ka nalang. Yung pusa mo pinakain na ng mama mo,” Sabi ni papa na nasa likuran ko pala. Ngumiti naman ako para ipakita na okay lang. Mabuti pa yung pusa napakain na ako na anak hindi man lang tinirhan ng pagkain. Nagsaing na lang ako para may kanin na din para mamaya at nagpakulo ng tubig magi-instant noodles na lang ako. Susubo na sana ko ng nagpakita si mama sa kusina. “Ano Av hindi ka pa tapos mag laba ah tapos makikita ko dito kakain kain ka lang.” “Pasensya na po ma.” “Puro ka pasensya.” Galit na sigaw niya “Hindi p-” manganagtuwiran pa sana ako pero pinutol niya na ang sasabhin ko. “Ano manganagtwiran ka pa? Naku, sawa na ako sa mga katuwiran mo. Puro sarili mo lang naman ang iniisip mo.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na siyang kusina. Tiningnan ko naman ang mainit na noodles na nasa harap ko. “Hindi na kita makakain kaibigan.” Para kong tanga na kinakausap ang noodles. “Pasalamat ka at dumating si mama kasi kung hindi sa tiyan ko ikaw pupulutin.” Sabi ko pa habang nililigpit ito. Bumalik ako sa paglalaba. Alas tres na yata ako natapos sa dami ng labahin. Naupo ako sa couch sa sala para manood ng palabas at magpahinga. Ilang sandali pa ay bumukas ang pintuan ng kwarto nila mama at lumabas si mama. Isang matalim na tingin naman ang ipinukol niya sa akin na pinalitan ko naman ng isang matamis na ngiti. “Ma tapos na po akong maglaba.” Maligayang sabi ko. Naglakad lang siya papalapit sa TV na parang hindi narinig ang sinabi ko. Ang kaninang nakabukas na telebisyon ay nawalan ng buhay. “Ano magsasayang ka ng kuryente? Wala ka na ngang ambag sa gastusin.” Sa kabila ng sinabi ni mama ay nakangiti pa rin ako sa kanya. “Naku ma pasensya na hindi ko naisip iyon.” “Wala ka naman talagang isip.” Saka siya lumabas ng bahay. Pagkawala niya sa paningin ko ay nawala din ang ngiti sa labi ko. Minabuti ko nalang na magbasa ng libro total ay may libro naman ako sa kwarto. Pinili ko na sa veranda na lang ito basahin. “Ang swerte mo nga sa mga anak mo may abogada ka na, si Avi malapit ng maging guro yung bunso mo mag kokolehiyo na sa susunod na pasukan.” Sisimulan ko na sana ang pagbabasa ng marinig ko ang pangalan ko. “Kay Cheska at Troy masuwerte ako pero kay Avi parang maling desisyon na binuhay ko siya. Puro siya sakit ng ulo kaya kapag umuuwi siya nasa kuwarto lang ako ayaw ko siya makita ewan ko ba. Magiging guro ba kamo ewan ko nalang kung maka graduate iyon, sa lahat ng anak ko siya lang ang bobo.” Masakit na marinig iyon na mula talaga sa bibig ni mama. Alam kung galit siya sa akin pero grabe naman yung pagsalitaan ka ng ganon sa ibang tao. Anong mukha ang ihaharap ko sa kanila pag nakataon? Pumasok nalang ako at umiyak ng tahimik sa kwarto. “Ate kain na tayo.” “Mamaya na ako busog pa ako bababa na lang ako kapag naugutom na.” Sabi ko nalang sa kapatid ko. Kumusta naman yung buong araw kang walang kain. Iniisip ko nalang na diet lang ito. Kung bababa ako insulto lang naman ang aabutin ko. Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng katok sa pinto. “Bakit?” Tanong ko. “Pasok ako.” Agad akong napaayos ng upo't mabilisan ko ding inabot ang glasses at libro ko. “Sige/" Pagkapasok ng kapatid ko ay nagpanggap ako na nagbabasa. “Ano ba yan nakakaiyak naman itong libro na binabasa ko.” Sabi ko agad bago pa mag isip ng kung ano ano ang kalatid ko. Ibinaling ko ang atensyon ko sa kapatid ko. Hawak niya ang tray ng pagkain. “Naku nag abala ka pa Troy, sabi ko naman na baba na lang ako.” Sabi ko sabay kuha ng tray mula sa kamay niya. “Naiyak ka dahil sa binabasa mo ‘te?” Tanong niya at kita ko sa ekspresyon niya na alam niya na nagsisinungaling ako. “Oo bakit?” natatwa kong tanong sa kaniya para hindi niya ako mahalata. “Eh diba horror iyan?” Turo niya sa librong hawak ko kanina na ngayon ay nasa higaan ko na. “Oo horror siya but may scences lang kasi nakakaiyak.” Pagpapaliwang ko sa kanya at buti nalang naniwla siya. “Sige ate labas na ako.” “Thank you.” Then he left. Bandang eleven bumaba ako dala ko yung tray at pinagkainan ko. Hinuhugasan ko na pinagkainan ko when suddenly may nagsalita sa likuran ko. “Av, gising ka pa?” Si papa pala. “Oh my God papa aatakihin ako sayo.” Natawa naman siya sa reaction ko. Buti nalang wala akong hawak na babasagin kasi kung hindi nako po baka nakabasag na ako. Tinuyo ko ang kamay ko at hinarap si papa. “Hinugasan ko lang yung pinagkain ko. Dinalhan kasi ako ni Troy ng pagakin kanina sa itaas.” Sabi ko while smiling. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing kaharap ko sila kailangan ko palaging ipakita na masaya ako. “Ganon ba? Tapos ka na diyan you should go get sleep.” “Okay papa.” Saka ako naglakad at nilampasan siya. “Avi.” Nasa hagdanan na ako ng tinawag ako ni papa. “Po?” “Sa graduation mo asahan mo na darating ako.” Sa simpleng sinabi ni papa natuwa naman ako. Isang malaking ngiti ang namutawi sa mga labi ko. At least sure na papa would be there. The next morning is ganon uli yung ginawa ko I wake up early para makapagluto ng agahan. Ako na din ang naghatid kay Troy. And when I am on my way home nakakita ako ng nagbebenta ng mga bulaklak and decided to buy kasi mama loves to rear flowers. “Ma bulaklak po para sa inyo. Ay hindi ang pangit pakinggan Av para kang umaakyat ng ligaw sa sarili mong mama.” Para akong tanga na kinakausap ang sarili ko sa loob ng sasakyan. Pagdating ko sa bahay tamang tama at nagdidilig si mama ng mga bulaklak niya. “Ma bulaklak po may nakita akong nagtitinda kanina at naisip kita mahilig ka po kasi sa bulaklak hindi ba?” she stared at me tapos I was positive na pagagalitan niya na ako hindi lang natuloy kasi may pumarada na sasakyan sa tapat namin. And the car is familiar. “Avi.” Maingay na sabi ni Rayven ng makita niya ako. “Tita Charlotta.” Mas naging malakas pa ang boses niya ng makita niya si mama. “Good morning tita.” Sabi nya ng makapalapit na at saka nagmano kay mama. Ngumiti naman si mama sa kaniya. “Nagkita na naman tayo Av, iyan ba yung pinili nating bulaklak para kay tita?” Naguluhan naman ako sa sinsaabi niya. “Ah kanina kasi tita nagkita kami ni Avi then sabay naming na binili yan.” Pagpapaliwang niya sabay kindat sa akin. “Ah oo mama, si Rayven pa nga yung pumili nito.” Segunda ko pa sa sinabi ni Rayen. Naka extend pa rin yung kamay ko hoping na kukunin na ni mama this time. Ang laki pa ng ngiti ko sa kaniya. “Ah ganon ba salamat dito iho at alagaan ko ito.” Kinuha ni mama ang bulaklak mula sa kamay ko, nakita kong sumilay ang mga ngiti sa labi niya pero hindi naman niya sa akin ito iginawad kay Rayven Natulala ko ng mga ilang sigundo kasi matagal ko ng hindi nakikita ang mga ngiting iyon. Napabalik lang ako sa katinuan ng akbayan ako ni Rayven. “Av.” “Uhm?” sabay hawi ng kamay niya. “Alis tayo.” Tinaasan ko nga ng kilay. “Tita hihiramin ko na muna ang anak niyo ibabalik ko naman ng buo.” Nakita ko naman ang pagtango ni mama. “Ano ba.” Suplada kong sabi habang nagmamatigas ako at ayaw sumama kay Rayven. Pero napapasok pa rin niya ako sa kotse niya. “Huwag kang maarte tinulungan na nga kita kanina.” Sabi pa niya ng nakapasok na siya sa driver’s seat. Sinapak ko naman yung balikat niya. “Salamat dun.” "Masakit kang magpasalamat huh."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD