Ikadalawmpo't siyam na Kabanata

1341 Words
Nakapag-ayos na ako at lahat lahat pero hindi pa rin ako dinalaw ng antok. Napagpasyahan ko na magsusulat na lang ako ng panibagong kabanata. I decided na sa kusina na lang magsulat, may tao sa kwarto so I couldn't stay there. Sa salas naman ay naroon din si Rayven natutulog. Sa kalagitnaan ng pagsusulat ay nagutom naman ako kaya nanghalungakat ako sa food storage ni Andrea. Luckily I found a noodles so iyon na lang ang niluto ko. Sinasabayan ko naman ang kanta ni Mr. Capone gamit ang maliit na boses habang naglalagay ng seasoning sa kulumulong tubig na may noodles. Good thing na hindi naman ako nagkaroon ng headache. Naihi ko na yata lahat ng naimom ko kanina kaya hindi na ako lasing ngayon. Sa dami din ba naman ng tinulungan ko kanina mapipilitan ka talagang maging maayos. Habang nagsusulat ay panay naman ang kain ko. After hours of writing finally dinalaw na ako ng antok. Pagtingin ko sa phone ko 3 am na pala. Minarapat ko na maidlip muna. Nakaupo ako pero nakalean ako sa mesa at ini-unan ko ang ulo ko sa braso. Nagising na lang ako dahil sa mainit na tama ng araw sa mukha ko. Agad ko naman na inabot ang telepono ko para tingnan ang oras. "8:30 na" Tahimik pa rin ang buong condo kaya baka tulog pa rin sila. Ibinalik ko na muna ang gamit ko sa kwarto at bumalik ulit sa kusina para magluto ng hangover soup. Saktong paglabas ko ay nadatnan ko na magkaharap ang topless na Rayven at Andrea. Gising na pala si Andrea I did not hear the door kasi, kaya I thought tulog pa siya. "Ayos lang kayo?" Napaitlag naman sila parehas sa tanong ko. "Andrea are you okay? Your face is so red." Concern na tanong ko sa kaniya. "Epekto ba 'yan ng pag-inom natin kahapon?" Dagdag na tanong ko pa. Agad naman niyang hinawakan ang mukha niya. "I am fine." Sabi naman ni Andrea at bumalik sa kwarto. "Huwag ka ngang nangugulat." Napabaling naman ako sa nagsalitang si Rayven. His finger combing his messy hair na siyang naging dahilan para mas maibalandrana ang hubad niyang katawan. Nginiwian ko siya, tinalikuran, at naglakad na pabalik sa sa kusina. "Did you know kung nasaan ang damit ko?" Sumunod pala siya sa akin. "You should ask someone to buy you clothes. You slept next to your throw-up so inilagay ko muna sa laundry area or labhan mo na lang. " Sagot ko naman at hindi na nag abala pa na tapunan siya ng tingin. Nakarinig naman ako ng pagbukas at pagsara ng pinto. "Ang sakit ng ulo ko." Napalingon naman ako sa nagsalita. Si Bon pala. Nakatuko ang siko niya sa mesa at hapo hapo niya ang ulo niya. Kumuha naman ako ng bowl, nilagyan iyon ng soup, at nilagay iyon sa mesa. "Eat." Sabi ko lang sa kaniya. "Paano ako napunta sa kwarto?" Napabaling naman ako sa kadarating lang na John. Unlike Bon, he seemed fine but I still give him a bowl of hangover soup. "Oh my God Rayven, get dressed." My eyes drifted to Christine. Nagulat siya ng makita ang itsura ni Rayven. Nakahilig lang si Rayven sa Counter na malapit sa mesa. Naglagay naman ako ng soup sa panibagong bowl para kay Christine. "We know that you have a good body shape but at least wear clothes." Komento naman ni John matapos sumubo ng pagkain. Umupo si Christine sa upuan na katapat ni John. "Thank you." Sabi niya sa akin ng ilapag ko ang pagkain sa harap niya. "Suotin mo 'yan." Napalingon kaming apat kay Andrea at Rayven. Andrea handed Rayven a white sando na isinuot naman agad ni Rayven. "Bakit ka ba hubad kasi?" Tanong ni Bon kay Rayven. "Hinubadan ako ni Avi." Napakapangit ng paraan ng pagkakasabi niya. "Huh! I should have left you nalang sana. For your information I have to remove your polo kasi natulog ka kagabi katabi ang isinuka mo." At ibinagsak ang bowl na may soup sa harap niya. "That's gross." "Kumakain kami, Av." "Yuck." Komento ng iba pangbkaibigan ko. "Sorry."Sabi ko na lang. Marahan ko namang ibinababa sa harap ni Andrea ang soup na para sa kaniya. "Si Trish?" Tanong ni Andrea. "Ipinasundo ko na kay Brandon kagabi." Sabi ko at ibinaba ang pitsel ng tubig sa harap nila. "Sinong naghatid sa amin sa kwarto?" This time ang nagtatakang Bon naman ang nagtanong. Naupo ako sa natitirang bakanteng upuan matapos kong mabigyan sila ng tig iisan baso. Katapat ko si Andrea at sa gilid naman namin si Rayven. "I did. You are all so wasted ang bibigat niyo pang buhatin." Reklamo ko. "Hindi ka ba nalasing? Kasi naasikaso mo pa kami." Tanong ni Christine. "Sa pagkakaalala ko marami ka din naman na inom." Dagdag pa ni Rayven. Marami nga akong nainom pero mas marami pa din yung sa kanila. "Yun na nga eh ang hirap mag alaga ng lasing kung lasing ka din." "Sorry." sabi naman nila. "Bon, masakit ba katawan mo?" Naalala ko kagabi nahulog siya sa couch. "Masakit yung likod ko." "Nahulog ka sa couch kasi." Natawa naman ang iba ko pang mga kaibigan. "You all should know how to limit or stop kapag feeling niyo na lasing na kayo." Pangaral ko sa kanila matapos kong ikwento lahat ng nangyari kagabi. "Hindi ka ba kakain?" Takang tanong ni Rayven. Umiling lang ako. "Saan ka natulog?" Tanong naman ni Andrea. "Here." "Here?" Naguguluhan nantanong ni Andrea . "Dito sa kusina. Dinalaw ako ng antok bandang alas tres ng umaga habang gumagawa ako dito ng backlogs ko. So i decided na dito na lang and I woke up ng eight thirty." Mahabang explanation ko sa kanila. "Tumabi ka na lang sana sa amin malaki pa naman ang espasyo ng kama magkakasya tayong tatlo." "Hindi din kasi ako kaagad na dinalaw ng antok." "Naku pasensya ka na." Sabi naman ni John. "Ayos lang ano ka ba. Hindi niyo naman kasalanan kung bakit late ako na dinalaw ng antok." "Eto parating magiinom pero grabe ka kahapon. Akala ko sa ating pito ikaw ang hindi malalasing." Sabi pa ni Christine habang nakaturo kay Rayven. "Pero ang weird talaga ng panaginip ko." Napabaling naman kami sa nagsalita na si Bon. "Nakita ko na may kayakap si Rayven kagabi hindi ako sure kung sino sa inyong tatlo yun." Minsanan lang kung magsalita tung si Bon pero talagang sa bawat labas ng salita sa bibig niya ay magkakaissue talaga. "Hindi yun nakayakap. Isinandal ko lang si Rayven sa balikat ko para matangal ko yung damit niya at para hindi dumukit yung throw-up niya sa couch." Sagot ko naman agad. Hindi na din naman sila nagtanong at naliwanagan din. "Bye." Paalam ko sa kanila ng maisipan na nilang umuwi. Pareho kami ni Andrea na kumaway sa kanila. Hindi pa man nakakalayo ay nakita ko naman ang pag balik nila. "May naiwan ba kayo?" Taning ni Andrea. "Nakaligtaan lang namin itanong kailan uwi mo?" Tanong ni Rayven sa akin. "Bukas." Sagot ko naman. "Babalik kami bukas to see you off." Hindi na naman nila kailangang gawin iyon pero alam ko naman na hindi din sila magpapapigil. Itinapis ko ang puting tuwalya sa katawan ko. Ngayon na ang araw ng uwi ko and I am now getting ready. Humarap ako sa salamin para tingnan ang repleksyon ko. Basa pa ang aking buhok kaya kinuha ko blow dryer sa cabinet na nasa itaas ng salamin. "Tie me tie me down."Kanta ko habang nag bo-blow dry. Magsusuklay na sana ako ng matapos ako pero nakaligtaan ko nga pala ang suklay sa bedside table. "Stay hmmhmm" Kanta ko at hum habang nagsusuklay pabalik sa cr para manalamin. Hindi pa ako bihis, lumabas lang talaga ako ng banyo para kuhanin ang suklay. "Tie m-" Nahinto naman ako sa pagkanta ng biglang bumukas ang pinto. Kampante lang naman ako na nag hintay kay Andrea kasi dalawa lang naman kami sa condo na ito. Nanlaki nalang ang mata ko at nabitin ang pagsusuklay ko ng ang iniluwa ng sa pinto ay si Rayven. "Av-"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD