Inaantok pa ako, pero hindi pa ako pwedeng pumunta sa dorm para lang matulog.
Ikalawang araw pa lang ng hell week pero hirap na ako. I can barely get enough sleep. In college, you really have to choose its either you get good grades or get a good sleep.
“Av saan ka?” tanong ni Themarie.
“Library lang, study.” Sabi ko
“Sige we will head out para kumain, ikaw hindi ka ba kakain?” Tanong sa akin ni Them.
Morning kasi yung exam namin, 7 to 9. Some of them haven’t eaten their breakfast yet. I guess that is why they need to head out to eat.
“No busog pa ako.”
"Sige, ingat."
Nang nasa library na ako ay tinahak ko ang daan patungo sa mesa kung saan ako madalas mamalagi tuwing nag-aaral ako o kapag napagpapasyahan kong maidlip. Maganda kasi ang pwesto doon malayo sa mga tao, tago, at malamig.
Nang papalapit ako ay medyo nagulat ako kasi may nakaukupa sa kabilang mesa. Dalawa lang kasi ang mesa sa bandang ito at pang isahang upuan lang. Hindi naman kaliitan ang espasyo kaya medyo magkalayo naman ang distansya ng dalawang mesa kaya okay lang siguro na mag aral at maidlip mamaya, saka tulog naman yung tao na nasa kabilang mesa.
Umupo ako sa mesa at inilapag ang reviewer ko para sa susunod na exam na gaganapin mamayang ala una. Medyo mataas pa ang oras para mag –aral.
Sa katanganhan ko ay natabog ko ang gamit ko kaya nahulog pa ang ballpen ko sahig at napunta pa ito sa paanan ng lalaking natutulog.
Para hindi ko siya ma estorbo ay sa harap niya ako banda pumunta para kunin ito mas malapit kasi ang ballpenn doon at may espasyo naman sa pagitan ng lamesa at dingding, medyo malaki laki din kasya ang isa pang upuan. Mas safe kung doon ko kukunin ang ballpen sigurado na hindi siya masasagi at magigising. Yumuko naman ako para makuha ko ito. Nang makuha ko ito ay bumalik naman ako sa lemesa ko para mag aral. Na review ko na ito kagabi may mga highlight na ito nagdala lang ako ng ballpen dahil baka sakaling may mga points to remember pa akong madagdag.
Habang nag-aaral ako ay pa unti-unti akong hinihila ng antok kaya minabuti ko na maidlip saglit. Iniunan ko ang sarili kong braso para komportable.
Nang imulat ko ang mata ko nakita ko na nasa harap ko si sir Tristan naka pwesto ng katulad ko pero nakapikit siya, tulog. Nakapwesto ito sa kabilang dulo ng lamesa ko, sa pagkaka-akala ko ay wala namang upuan diyan kanina tanging itong upuan lang na kinauupuan ko.
May maliit na espasyo lang sa pagitan ng mga mukha namin. Hindi ko alam kung anong nangyari pero hindi ko man lang magawang lumayo sa kanya ang kaya ko lang gawin ay titigan siya. Napaka peaceful niyang tingnan kapag tulog.
Ilang sandali pa’y nagulat ako nang imulat niya ang kanyang mga mata at nang makita niya ako ay hindi ko man lang siya nakitaan ng pagkabigla. Samantalang ako ay aayos sana ako ng upo dahil sa gulat. Pero hindi ko nagawa dahil hawak niya pala ang balikat ko at hinila bahagya kaya napabalik ako sa pwesto ko.
Ang isang kamay niya ay ihinawak niya naman sa baba ko at iginiya ito ng paitaas ng konti. Gumalaw siya at ang sumunod na pangyayari ang siyang nagpawindang ng mundo ko. Ang labi ko at labi niya ay naglapat. Hinalikan niya ako… dampi lang iyon pero ramdam ko, hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko pero napapikit ako, pagmulat ko ay wala na siya.
Umayos ako ng upo at tumingin sa paligid. Walang upuan sa harapan ng mesa ko at lalong walang sir Tristan doon. Ako lang mag isa at ang reviewer ko. Wala na din ang lalaki sa kabilang lamesa kanina.
Ano yung nangyari? Resulta ba iyon ng exam?
Panaginip lang pala pero bakit dama ko? Yung dampi… bakit parang totoo?
Inihilamos ko ang mga kamay ko sa mukha ko, nababaliw na yata ako. Pinagnanasahan ko na yata ang guro namin hindi pwede ito. Pinakalma ko ang sarili ko, alam kong panaginip lang iyon pero nakakahiya parin kapag nagkataon na nakasalubong ko si sir. Malandi ka Av!
Bakit sa dami ng pwede mong mapanaginipan bakit iyon pa? Bakit hindi na lang sagot sa exam diba?
Ilang sandali din akong tulala ini-isip ang naging panaginip at parang baliw na i-iling iling. Nang tingnan ko ang relo ko naku malapit na palang magsimula ang next exam ko. Ang inakala ko na saglit na idlip lang ay hindi pala saglit, 12:53 na pala pahamak na panaginip iyon.
Tinakbo ko ang distansya ng library at examination room ni hindi man lang ako nakapagpananghalian. Pagkadating ko ay naghanap agad ako ng mauupuan nakakahiya at nauna pa talaga sa akin ang proctor. Pag patak ng ala una ay nagsimula na ang exam mabuti na lang at may naisagot naman ako.
Natapos din ang dalawang oras na exam. Papalabas na ako, nasa harap ko ang bag ko inaayos ang mga reviewer at ipinapasok sa bag ang ballpen nang bigla akoang may nabanga. Pag-angat ko ng tingin ay saktong nakita ko si sir Tristan sa harap ko. Parang nagbalik sa akin ang panaginip ko kanina alam kong hindi niya naman alam iyon pero nakakhiya pa rin.
“Sorry Sir.” Sabi ko sabay takbo pa-alis. Pinagtitinginan pa ako ng mga nadadaanan ko.
Nakakahiya ka Av, lamunin na sana ako ng lupa. Bumalik na ako sa paglalakad nang nakalayo na ako. Minabuti ko pa na dumeretso sa cafeteria magbabakasakali na may ulam at kanin pa.
Kung minamalas ka nga naman wala ng natira. Mabuti nalang at may sandwich pa, iyon na lang ang binili ko. Madali lang naman ako na nakahanap ng mauupuan, dahil walang masayadong tao. Inilagay ko ang bag ko sa gilid ko at nagsimula ng kumain.
Patapos na akong kumain ng may naglagay ng bote ng orange juice sa mesa ko. Tingnan ko kung sino ang pangahas na nakatayo sa tabi ko.
Si sir Tristan pala, kung kanina ay apektado ako masyado sa presesnya niya ngayon ay nagawa ko nang mas maging kalmado. Umupo siya upuan na katapat ko.
“Gutom na gutom ka ah.”
“Hindi ako nakapagpananghalian, sir.” Sagot ko naman sa kaniya
“Bakit?” Tinuko niya ang dalawang siko niya sa lamesa at inilagay niya ang baba niya sa likod ng mga palad niya.
“Nakatulog po ako sa library kanina hindi ko namalayan ang oras.”
Kinuha ko naman ang inilagay niyang orange juice at sinubukan itong buksan pero medyo hirap ako. Ano bang klaseng cap ito bakit hindi man lang mabuksan buksan ayaw yata ipa-inom ito eh.
Kinuha niya naman iyon bigla sa kamay ko at siya na mismo ang nagbukas, saka niya ibinalik sa akin. Nginitian ko naman siya.
“Salamat.” Sabay lagok sa ibinigay niyang juice.
“Bakit ka tumakbo kanina ng makita ako?” Ang dami naman nitong tanong.
Sinimangtan ko nga alam kong guro ko siya pero hindi ko talaga maiwasan na mag maldita.
“Kasi nagmamadali ako, gutom na gutom ako kanina.”
“Akala ko may iba kang rason.” Sabi niya pa, mahina lang pero rinig ko. Itinagilid ko naman ang ulo ko.
“Wala na syempre. Sige alis na ako salamat sa libre mo… Sir” Sabi ko sabay tayo kinuha ko pa ang bigay niyang juice at naglakad na paalis. Nang nasa labas na ako ng cafeteria ay nagunat-unat naman ako.
Pinagod ako ng exams ngayon ah, idagdag mo pa yung panaginip ko. Ayaw ko pang bumalik sa dorm kaya minarapat ko nalang na dumeretso sa labas, may nagbebenta kasi doon ng mga street foods medyo gutom pa din ako kaya bibili na din siguro ako.
“Kuya isaw yung akin.” Ini-abot ko kay kuya ang bayad, kinuha niya naman ito.
“Iha ikaw pala iyan, sige kain lang.” sabi pa ni kuya.
Kilala na ako dito. Madalas kasi dito ako bumibili. Kumuha ako ng isaw saka isinawsaw sa suka at kinain.
“Yuck Av, kumakain ka na naman niyang chicken intestine?” Tanong ng napadaan na Joy dala ang mga alipores niya na ang sama makatingin.
“Oo. Gusto mo ba? libre kita.” Paanyaya ko sa kanya kahit alam ko naman na ayaw niya.
“Yuck kadiri ka talaga.” Disgusto niyang sabi. Paki alam ko ba sa kanya sa masarap kumain neto eh. Tiningnan ko naman si kuya at nagmake face kami parehas. Sanay na kasi kami na kada aabutan niya ako na kumakain dito ay andiyan din si Joy para sawayin ako. Akala ko pa naman aalis na sila pero hindi pa pala.
“Ang gwapo talaga ni sir Tristan ano, ang ganda din ni ma’am Flor, bagay na bagay.” Sabi ni Gema habang nakatingin sa kung saan. Sinundan ko kung saansila nakatingin. Kay sir Tristan pala at kay ma’am Flor.
Hindi nga mapagkakaila ang gandang taglay ni ma’am Flor, fresh graduate iyan at nakapasok agad sa school na ito at habang nagtuturo ay naipasa niya ang licensure exam.
Papunta din sila sa mga naka helera na street food, bibili din yata.
“Kumakain din ng street food maganda na nga wala pang arte.” Narining kong sabi ni Joy.
What a clown inis na inis siya sa akin kasi kumakain ako ng street food tapos pinupuri niya si ma’am?
“Salamat Av.” Sabi ni kuya
“Salamat din kuya.” Sagot ko naman sa kanya.
Nang natapos na ako sa isaw ay doon naman ako sa nagtitinda ng kwek-kwek nilampasan ko pa sila Joy kasi nasa unahan pa yung binibilhan ko ng kwek-kwek.
“Ate pabili dalawang kwek-kwek.” Iniabot ko naman kay ate ang bayad ko. Agad niya naman akong pinagbalot.
Sa dorm ko nalang kakainin ito.
"Magkano ho lahat?" Mahinhin na sabi ni ma'am Flor. Natural na mahinhin talaga si ma'am.
Narinig ko si ma'am dahil malapit lang naman sila sa kung nasaan ako.
"Singkenta lang lahat ma'am." Sabi naman ni kuya na nag titinda ng Takoyaki.
"Hindi Tristan, ako na." Rinig kong sabi ni ma'am ng mapadaan ako sa likurang banda nila.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad minding my own business. Pero sa kalagitnaan ng lakad ko nakakita ako ng buko juice huminto muna ako para bumili. Para narin maitulak ng inumin ang kinain ko kaninang isaw.
“Ahhh.” Napadighay pa ako. Pinagtinginan naman ako ng mga nakarinig. Pero ano bang paki-alam nila, lahat naman tayo dumidighay.
Nasa loob na ako ng University pabalik na sa dorm nang napansin ko na nawawala ang panyo ko. Pang ilang panyo ko na ba ito na nawala? Tumatakbo ako papaunta sa examination room namin kanina pero may mga nag eexam na sinubukan ko naman na tingnan ang sahig pero puro paa lang ang nakikita ko.
Bahala na nga lang. Minabuti ko nalang na umalis baka may makakita pa sa akin.
I’m on my way na sa dorm nang nakasalubong ko si Sir Tristan at Ma’am Flor. Ang sweet nakahawak sa braso ni Sir Tristan si Ma’am Flor habang bitbit naman ni Sir Tristan ang pinamili nila kanina.
Tapos na din ang hell week. Finally unang beses ko na magkaroon ng mahabang tulog. Tumayo ako mula sa pagkakahiga nakita ko pa na tulog na tulog ang mga pusang nasa paanan ko.
“Good morning Av.” Bati sa akin ni Shen na nagkakape. Sabado ngayon kaya hindi kailangan na mag madali dahil walang pasok.
“Good morning.”
“Naks nagkakapanis na laway din naman ako pero hindi naman ako naging ganyan ka ganda.” Sabi niya pa sa akin pero hindi ko man lang pinaniwalaan at lumabas ako para makalanghap ng sariwnag hangin.
“GOOD MORNING.” Sigaw ko pa at may papikit pa dahil sa nag-unat unat
.
“Magandang umaga din.” Napadilat ako dahil sa nagsalita.
Sa harap ko ay si Sir Tristan na naka simpleng damit pantakbo. Sa gulat ko ay napatakip ako sa mukha ko hindi pa kasi ako nakakapaghilamos. Iniwan ko siya at tumakbo papunta sa CR. Nakakahiya!
“Anong nagyari sayo?” rinig kong tanong ni Shen.
Nang tingnan ko ang mukha ko sa harap ng salamin may kaunting panis na laway nga, ang gulo pa ng buhok, at wala pa talaga akong bra. Ang lakas ng loob ko na mag unat sa labas kanina na ganito ang hitsura ko.
Ano ba kasi ang ginagawa ni Sir Tristan sa labas ng cottage namin? Nag hilamos nalang ako at nagsuklay pero wla na talaga akaong plano na lumabas pa ulit.
Talagang buong araw akong hindi lumabas, ang ginawa ko lang ay mag update mahirap na at baka mawalan pa ako ng trabaho.
“Kain na tayo Av.” Sabi ni Gia galing sa labas
“Sige lalabas na ako.” Agad ko naman na iniligpit ang gamit ko saka lumabas na para maghapunan.
“Wow, ang sarap may pa letsong pasksiw tayo ngayon Shen ah?.” Sabi ko ng makita ang pagkaing nakahain sa hapag.
“Nakatanggap ng ayuda si mayora.” Sabi ni Gia habang hinihila ang upuan para maka-upo.
“Talaga? Ayuda? Saan yan?” Baka pwede din kami sumali.
“Hindi ah may kainan kina Dave kanina eh inimbita si Nash tapos sinama niya ako tapos nag bring home ako.” Si Nash ang Jowa ni Shen.
Hindi derektang inimbita ng host ng party pero may lakas ng loob na magdala ng pagkain. Ibang klase.
“Mukhang pangmayaman na kainan yun ah kasi si Dave ang nag imbita kaya paano ka nakapagdala niyan?” Tanong pa ni Gia na hawak na ang kubyertos niya handing handa na kumain.
“Inutosan ko si Nash na ipagbalot ako,” Natawa naman kami sa sagot niya.
Nauna pang tumusok si Gia pero tinampal ni Shen ang kamay niya.
“Mag dasal muna tayo.”
Pagkatapos mag dasal attack na agad masarap ang ulam eh.
Pagkatapos ng kumain ay ako na ang naghugas ng mga pinggan. Pinakain ko na din ang mga alaga ko, paubos na din pala ang cat food nila, kailangan ko nang bumili.
Hindi din naman ako agad na bumalik sa kuwarto nag laro muna kami ng girls. Ungoy-unoyan ang nilaro namin bawal talaga ang baraha sa dorm pero magaling magtago ang mga kasama ko. Ang matalo kailanagan lagyan ng lipstick sa mukha. Pagkatapos ng laro medyo madami dami din ang nalagay sa mukha ko pero mas grabe yung kay Gia.
“Pag hindi pa gumaling yung tigyawat ko dito ewan ko nalang.” Sabi niya habang nakatingin sa salamin.
“Anong kinalaman ng tigyawat mo dito?” Nagtataka ko namang tanong.
“Kasi sabi nila na kapag may malalaki kang tigyawat lagyan mo lang ng lipstick at mawawala daw.” Totoo ba yun?
“Talaga ba?” Tanong din ni Shen sa kanya.
“Baka mamaya mas lalo pang dumami yan.” Dagdag pa niya.
“Yun yung sabi sa akin eh.”
Pagtapos ng pag-uusap at paghihilamos ay nagpasya na kami na magpahinga. Nang maka pasok ako ay nakita ko na nauna nang matulog ang mga pusa ko. Tinangal ko sa pagkakasaksak ang phone ko at chineck muna kung may minsahe ba wala man lang mga text. Ilang sandali pa matapos kong komonekta sa wifi ay nag notify na may nag chat sa akin, si Dave pala.
Dave Clemente
Hi Av sayang at wala ka kanina may salo salo kasi na hinanda dahil sa tapos na ang exam.
Sana ol may pahanda na kahit hindi pa naman ina-anunsyo kung nakapasa ba o hindi. Ini-scrroll ko pa ito at napansin na may mensahe pa pala siya na hindi ko nababasa.
Dave Clemente
Av, may handaan sa bahay punta ka huh, it is my way of saying thank you kasi binigyan mo ako ng gawa mong reviewer.
Hindi ko na ito nireplyan pa nag check lang ako ng social media accounts ko, wala namang bago. Kaya nagpasaya na akong matulog.
Nagising ako kinabukasan dahil sa ingay sa labas. Nag tipon yata ang mga kababaihan sa labas.
“Anong meron?” Tanong ko habang kinukusot kusot ko pa ang mata ko.
“Good morning Av, may game na naman daw mamaya G ka ba?”
Yung game na sinasabi nila ay ang basketball game na kadalasan talagang nangyayari tuwing linggo. Ang mga boys ang maglalaro samantala ang gagawin lang naman ng mga babae ay mag-iingay kaya hindi na siguro ako sasama.
“Hindi na siguro muna, sa susunod na lang.” Sabi ko sabay pasok sa loob.
Maganda ang tulog ko pero hindi nga lang maganda ang gising ko.
Ang ginawa ko lang buong araw ay maglaba, magluto, maghugas ng pinggan, magpakain ng pusa, magsulat, at maglinis ni hindi ko talaga pinaglaanan ng oras na I check ang telepono ko.
“Ano Av hindi ka ba talaga sasama?” tanong ni Gia, na andirito pa. Nauna na nga ang ibang mga babae doon para manood.
“Hindi na muna, hindi ko feel pumunta.” Sabi ko sabay baling sa TV. Ilang sandali pa ay namatay ito nang lingunin ko si Shen nakangiti lang siya habang hawak ang saksakan tinangal niya pala.
“Anong mananatili ka dito? Mag-isa? Naku may multo dito halika na.” Umupo pa talaga siya tabi ko at isiniksik ang sarili niya sa akin at nginitian ako.
“Oo nga saka ano ka ba uuwi kami bukas one week din tayong hindi magkikita.” Tumabi na din si Gia sa akin habang nangkokonsesnya sa akin.
“Sige na nga.” Sabi ko sabay tayo.
“Yes.” Sabi nila parehas at nag apir pa. Hindi na ako nag-abala na mag bihis pa. Naka pajama lang ako at loose shirt itnali ko na lang din ang buhok sa isang messy bun.
Tahimik lang ako habang naglalakad kami patungog gym dahil doon gaganapin ang game. Malayo pa lang ay rinig na namin ang sigawan na nagagaling sa loob. Hinigit naman ako ni Gia at Shen at tumakbo. No choice ako kundi ang mapatakbo na rin kasi kung hindi ay baka kanina pa tumama ang mukha ko sa sahig.
“Sandali lang, mauna na kayo bibili muna ako ng tubig.” Pilit akong huminto at hingal na itinuro sa cafeteria.
“Sige basta doon pa rin kami uupo, alam mo na kung saan iyon.” Sabi ni Gia tatakbo na sana sila ng pigilan ko.
“Sandali lang pahingi akong pambili, wala paala akong dalang pera.” Anong klaseng mamimili pa yung bibili na walang pera? Buti na lang din at kahit linggo ay bukas pa rin ang cafeteria.
Nang makabili na ako ay chill kong nilakad ang cafeteria to gym. Rinig ko ang ingay, nagsisimula na yata.
Pagpasok ko ay tiningnan ko pa kung nasa nakasanayang pwesto ba naka upo sila Shen, agad ko naman sila na nakita.
Ingat na ingat akong naglalakad sa gilid patungo sa malapit na hagdan na siyang mag gigiya sa akin sa kung nasaan ang mga bleachers. Pa ikot na sana ako eh pero kung su-swertehen ka nga naman saktong pagtingin ko sa naglalaro ay sa akin din patungo ang bola. Ang tanging nagawa ko nalang ay pumikit at iharang ang mga braso ko upang hindi matamaan ang ulo ko. Rinig ko naman ang ingay ng mga nanoood pero bigla din ito na sabay sabay na tumahimik.
Ilang sandali ko pang inantay na tumama ang bola sa akin pero wala akong naramdaman na sakit. Napagpasyahan ko tingnan kung ano ang nangyari pero isang pulang jersey ang bumungad sa paningin ko. Yung kamay niya ay nasa dingding at nang ianagat ko ang tingin ko ay nakita ko ang mukha ni sir Tristan. Sa taas niya ay nagmistulang dinungaw niya lang ako.
“Ayos ka lang?” Tanong niya, umayos naman ako sa pagkakatayo kaya lumayo din siya.
“hahahah … Oo salamat.” Hindi naman ako tanga para hindi makuha ang nangyari. Ipinangsanga niya ang sarili niya para hindi ako matamaan ng bola.
“Mag-iingat ka na sa susunod.” Sabi niya sabay naman kaming naglakad papalayo. Narinig ko naman ang pagpito.
“Ano yun?” tanong sa akin ni Gia
“Muntikan na akong matamaan ng bola.” Simpleng sabi ko sa kaniya at upo sa bakanteng upuan.
Hindi naman na sila nag tanong pa kasi alam nila na masaama nga ang araw ko. Agad naman na bumalik sa dati ang lahat na parang hindi man lang ako muntikan na matamaan ng bola. Hindi man lang nag sorry sa akin kung sino man yung hinayupak na naghagis ng bola patungo sa kinaroroonan ko kanina.
Nanonood lang ako, literal na nanonood habang ang iba ay hindi magkamayaw sa kakasigaw.
“Naku naka shoot pa. Ayan nakahabol pa tuloy.” 79 ang score ng team nila sir Tristan habang ang kabilang Team naman ay 80 malapit na din na matapos ang oras.
Naipasa ng ka team ni sir ang bola kay sir Tristan ilang sigundo na lang at mauubosan na sila ng oras kaya kahit malayo ay itinapon niya ang bola, at nagbunyi ang lahat ng maishoot niya ito nauna lang siya ng segundo bago ma tapos ang oras. Buzzer beater.
May mga ibang babae na bumaba para batiin sila. Bumaba din si Gia at Shen kasi ang mga nobyo nila ay kasali sa mga naglalaro, habang ako naiwan dito sa itaas nag-aantay kelan sila matatapos. Sa pagkaka-alam ko tatagal pa ito ng ilang minuto.
Kung titingnan siguro sa malayo ay napakataray ko. Sa kabila naman ng tumpok na humahalo sa kanila nagawa pa talaga akong gawaran ng tingin ni sir.
Tingin tingiin mo diyan gusto mo sapak? Pero nabawi niya ang tingin niya sa akin ng lumapit si ma’am Flor sa kanya at punasan ang pawis niya. Tumayo naman na ako para maka balik na mag-isa sa dorm hindi ko kayang makita ang kalandian ng mga tao sa court.
“AVI CHARLOTTA.” Malayo pa lang ay rinig ko na ang sigaw ni Shen.
“AVI CHARLOTTA” mas malakas na sigaw na yun ng nasa pinto na siya. Nabitin naman ang pagkagat ko sa burger na kinakain ko dahil sa sigaw niya.
“Bakit?” Tanong ko sa kanya habang subo pa ang burger. Nasa couch ako naka indian sit habag nanonood ng tv at kumakain. Sunod naman na pumasok si Gia
“Iniwan mo kami.” Sabi ni Shen.
“Nagutom ako.” Sabay kagat ng burger at balik ng tingin sa pinapanood na pelikula.
“Burger ko yan!” sabi ni Gia. Nginitian ko naman siya at iniabot sa kanya ang burger na kalahati na. Sinimangutan niya ako, pero kalaunan ay ngumiti at tinabihan ako.
“Para sayo talaga yan ibibigay sana namin sayo kanina pero busy ka.”
“Salamat.” Sabay ngiti. Niyakap naman nila ako.
“Advance Happy Birthday pasenysa na at wala akami bukas dito para samahan ka.”
“Ayos lang uuwi din naman ako bukas.”
“Sana masaya ka bukas.” Dagdag pa ni Gia.
“Tanga, syempre masaya kasi HAPPY birthday yun." Sabi naman ni Shen at binatukan si Gia.
Magkakaroon kami ng midterm break kaya uuwi ako isang bagay na hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba o hindi. Napabuntong hininga nalang ako.