Ika-anim na Kabanata

3484 Words
Kinabukasan nagisig ako dahil sa ingay ng aking telepono, tumatawag ang ate ko. Inabot ko ito at sinagot. “Uuwi ka ngayon hindi ba?” Pambungad na tanong ni ate ng sagutin ko ang tawag niya. Ni wala man lang Hi o Hello. “Oo.” Pagkatapos kong sabihin iyon ay ibinaba niya na agad ang tawag. “Happy Birthday Av.” Sabi ko sa sarili ko saka bumangon sa aking higaan at nagligpit. Masyadong tahimik ang cottage, walang nag-iingay na Shen at Gia nakakalungkot tuloy lalo. Maaga silang umalis kanina. Samantala ako, mamaya pa siguro babayahe. Kumain muna ako at naglinis sa dorm para masguro na maiiwan ang dorm na malinis saka isang linggo din na walang titira dito. Pagkatapos kong makapaglinis ay naligo na at nagbihis. Naupo naman ako sa harap ng salamin upang mag-aayos. Naglagay ako ng face powder, nagkilay, naglipstick at nagsuklay. Naka itim na v-neck t-shirt, jeans, at sapatos. Napakahaba na pala ng buhok ko, hanggang pwetan na ito. Pinagmasdan ko naman ang mukha ko sabi nila pinaghalo daw ang features nila papa at mama. Nakuha ko ang mata ni mama, medyo may kalakihan pero hindi naman pangit tingnan maganda nga e, yung pilikmata ko may kahabaan pero hindi sing haba ng kay Trish, yung ilong ko naman narrow siya pero hindi ganon katangos, yung labi ko ay labi pa rin hindi ito pouty o kung ano, sakto lang, yung kilay ko madali lang na ayusan kasi pormado naman na siya kahit na hindi naayusan, may dimples din ako pero hindi nakikita ngayon kasi hindi naman ako nakangiti at maliit na mukha. Tumayo ako at isinuot ang maliit na bag ko, laman non ay mga toiletries, cellphone, wallet, susi at iilang mga damit. Nagdala na din ako ng pagkain ng mga pusa medyo mahaba haba din kasi ang byahe baka magutom sila. Kinuha ko ang mga pusa at inilagay sa malaking cage madali lang naman sila na ipasok, hindi naman sila nagpumiglas nasanay na. Tinangal ang mga nakasak, tiningnan ang mga gripo at ng masiguro na maayos na ang lahat ay saka ako lumabas dala ang mga pusa. Inilock ko na din ang pinto at lumabas na dala ang cage. Malayo layo yung lalakarin idagdag mo pa na hirap ako kasi may kalakihan ang dala ko pero laban lang, hanggang sa marating ako sa parking lot. Minaniobra ko ito palabas ng unibersidad at bumusina pa ako isang beses kay kuya guard. Binabaybay ko na ang daan patungo sa aming tahanan, ang mga pusa ay nakahiga lang sa higaan na nilagay ko sa loob ng kulungan. Ala una y’medya pa lang, darating siguro ako ng mga alas dos pero dahil sa mabagal ang patakbo ko baka mamayang alas tres y’medya na ako makarating. Sa mga ganitong pagkakataon kasi sinusulit ko yung mga tanawin, para lang akong nag long ride. Kahit na mainit yung rays ang araw dahil sa tanghali pa ay hindi iyon makikita sa dinadaanan ko. Maraming puno na nagbo-block ng sinag ng araw kaya yung kalye ay hindi gaanong mainit. Matapos ko naman ma daanan ang mga puno sunod ko naman na nakita ang tanawin ng malapad na palayan. Alas tres ay malapit na ako sa amin ang kaninag palayan na tanawin ay naging nagtatayugang gusali. Ilang minuto na lang ay mararating ko na ang aming tahanan. Imbis na dumeretso ako ay kinaliwa ko ang sasakyan ko. Makalipas ang ilang minuto ay nagbago ang tanawin ang kaninang nagtatayugang gusali ay naging maliliit na tahanan at asul na dagat. Nagbago ang amoy ng hangin naging maalat ito. Tulog ang mga pusa kaya maari namang iwan sa loob hindi naman ako magtatagal mga lima hanggang sampung minuto siguro. Pinarada ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada at saka ako bumaba. Pagbaba ko ay ay paunti-unti naman na binabati ng mga buhangin ang aking mga yapak. Sayang, maganda sana ito sa mga paa pero hindi ko naman maaring tanggalin ang aking sapatos. Nasa dalampasigan ako, rinig ko ang hampas ng mga alon at tawanan ng mga batang naghahabulan. May mga nakita naman ako na mga papadaong na bangka, medyo malayo ito sa aking kinaroroonan at mas malapit naman ang mga ito sa kabahayan. Ilang sandali pa ay nagsilabasan naman ang mga kababaihan para salubungin ang mga dumaong, siguro ay kaanak nila. Napangiti naman ako hindi man sila ganon ka rangya pero kita mo parin ang saya sa kanilang mga mata. “Nay! Nay! Aray masakit!” Rinig kng sigaw ng isang lalaki may kabataan pa ang itsura. Kung pagbabasehan ang tangakad at itsura siguro ay nasa mga labing-anim na taong gulang pa ito. Medyo malapit sila sa kinaroroonan ko kaya rinig ko ang pinaguusapan nila. Pinipingot ang kanyang tenga kaya nakakaladkad siya ng babaeng tinawag niyang "Nay" kanina. Ilang sandali pa ay binitawan ito ng babae, hinimas himas pa ng batang lalaki ang paniguradong masakit na tenga. “Hindi ba sabi ko sayo na layuan mo yung anak ng mga Alfonso.” “Nay naman!” Sagot ng anak sa ina. “Huwag mo akong ma nay naman, nay naman. Mahirap lang tayo ano ka ba, mapagmaliit ang pamilya Alfonso anak, baka idawit ka pa non sa isang kasalan na hindi mo gingawa. Ayaw na ayaw pa naman ng magulang ng batang Alfonso na makitang may mahirap na kagaya natin na nakikipag-usap sa anak nila.” Sabi ng ina ng bata. Samantala ang bata ay nakayuko lang. “Naiintndihan mo ba ako?” Pagalit na tanong ng babae sa anak niya. Hindi ko nakitang tumango o narining na om-oo ang bata. Napansin naman ng babae na nakatngin ako sa kanila. Nginitian ko naman pero agad-agad din niya na hinila ang anak papalapit sa mga nakahelerang kabahayan. Sumungaw naman ang isang batang babae sa likod ng isang malaking bato, nang makita niya na ako ay agad din siyang tumakbo. Wala namang pinipiling estado sa buhay ang pagkakaroon ng kaibigan or maybe that only applies to me and my friends. Ma swerte lang din siguro ako na hindi sila mapagmata kagaya ng iba. Ibinaling ko nalang ang paningin ko sa dagat na nasa harap ko. Gusto ko pa sana na mag tagal para masaksihan ko ang paglubog ng araw pero kailangan ko na din na umuwi. Tumalikod ako sa dagat at tinahak ang daan papunta sa aking sasakyan. Nang papalapit na ako ay nakarinig ako ng isang tinig. Umikot ako para tingnan ang kabilang bahagi ng sasakyan ko. “Ming, meowk.” Sabi ng isang bata habang nakadungaw sa bintana ng sasakyan. Hindi tinted ang sasakyan ko kaya kita ang nasa loob nito. Medyo matagal pa bago niya ako mapansin, ng makita niya ako ay nakita ko ang takot sa ekspresyon niya. Nginitian ko siya para ipahiwatig sa kanya na ayos lang naman ang ginagawa niya. “Ate, pasensya na po.” Sabi ng batang babae sabay takbo. Siya pala yung batang babae kanina. Hindi ko alam kung anong hinihingi niya ng tawad gayong wala naman siyang masamang ginawa. I drive my car pauwi sa tahanan namin. Nadaanan ko ang court. Maraming naglalaro yung iba kakilala ko yung iba naman ay hindi. Andoon yung kpatid ko at ng mapansin niya yung sasakyan ko ay nakita ko na huminto sya sa paglalaro. Ipinarada ko nag sasakyan sa labas ng bahay namin, paglabas ko ng kotse ay papalapit na yung kapatid ko. Niyakap niya ako, sweet talaga yung kapatid kong lalaki. “Welcome home ate.” Sabi niya pa ngnitian ko naman siya. “Salamat Troy.” Tinapik tapik ko naman nag likuran niya. Ilang sandali pa ay bumitaw na siya sa yakap at binuksan niya ang likurang pintuan para kunin ang mga pusa. Nauna na siyang dalhin iyon sa loob. Ramdam ko naman ang tinginan ng aming mga kapitbahay. May nakita pa nga akong nagbuBulongan habang nakatingin sa akin. Isinantabi ko lang iyon at tuluyan ng pumasok sa loob ng tahanan. Nauwi naman ako dito noong kinagabihan nga ng kasal ni Trish pero hindi ko na naabutan na gising si Troy at maaga din ako na umalis kinabukasa no’n . “Natagalan ka sa pag-uwi? ” Pambungad sa akin ni papa, nasa pintuan siya at naka-antay sa pagpasok ko. Nagmano naman ako sa kaniya. “Naglakwatsa pa siguro iyan bago dumiretso dito.” Sabi ni mama na nakaupo sa sofa habang hawak ang isang magazine. Lumapit ako sa kanya at nagmano. Pero iwinakli niya lang ang kamay ko. Well totoo naman ang sinabi ni mama hindi naman talaga ako dumiretso dito agad. “Hapon na po ng umalis ako sa university kasi naglinis pa ako ng dorm bago umalis.” Sabi ko nalang dahil alam kong papagalitan ako kapag sinabi kong nag stop pa ako sa dagat. “Andiyan ka na pala.” Sabi ni ate na kakalabas lang galing sa kusina. Nginitian ko lang siya at tinanguan. Nakita ko naman ang mga pusa ko nasa sahig na namin. Pinalabas na pala sila ni Troy. “Punta lang ako sa kwarto.” Pagpapa-alam ko bago ako umakyat. Pagbukas ko ng pintuan ganon pa din, puno pa rin ng gamit ang kwarto ko mistula pa rin itong bodega gaya nang huling tulog ko dito. Mabuti na lang at may mahihigaan pa. Pagbukas ko sa cabinet ko may mga damit pa naman na maisusuot. Malinis naman ang higaan talagang nagmukha lang talaga itong tambakan ng gamit. Makalipas ang ilang oras na pamamalagi sa kwarto ay kumatok ang kapatid ko sa pintuan. “Ate kakain na hindi kapa ba bababa?” “Susunod ako.” Sabi ko sa kanya. Ilang sandali pa ay bumaba na ako. “Ayan na pala asi ate.” Narinig kong sabi ni Troy habang pababa ako ng hagdan. Pagdating ko sa hapag ay nakasimula na pala silang kumain. Umupo ako sa upuan na katabi ni Troy, kaharap ko si ate. Kumuha naman ako ng kanin. Hindi pa ako nakakakuha ng ulam ay tinananong agad ako ni papa. “Kumusta ang pag-aaral?” “Ayos lang naman po.” “Ayos lang? Ni hindi ka man lang ba nag e-excel sa klase niyo. Kay simple – simple na nga lang ng kurso mo hindi mo pa kayang manguna sa klaae. Bakit hindi ka gumaya sa ate mo kay hirap ng kurso pero naka graduate ng cumlaude tingnan mo ngayon abogada na.” Singit naman ni mama. Ni hindi ko pa nagagawang sumubo ng pagkain. “Baka naman inuuna ang paglalandi.” Sabi naman ni ate. “Hindi naman siguro ate, ano ba.” Pagtatangol naman ni Troy sa akin. Tiningnan ko lang siya at nginitian. “Naku, naku bawal pa talaga. Saka ka na mag nobyo kapag nakapagtapos ka na pasasasan pa at kapag may narating ka na sa buhay ay sila na ang maghahabol sayo.” Sabi naman ni papa sabay subo ng pagkain. Its his motto. “Naku sa pagkaka-alam ko may tinatagong kalandian iyang babaeng iyan. Malay ba natin baka kung kani kanino na iyan nakikipaghalikan doon sa kanilang eskwelahan. Baka nga tama ang ate niya na kaya hindi iyan nage-excel sa klase ay dahil imbis na pag-aaral ang atupagin ay naglalandi ng lalaki.” Sabi naman ni mama. Nakakapanliit yung mga sinasabi nila sa akin. Parang hindi ako miyembro ng pamilya at hindi nila ako kilala kung magsalita sila. Nasalubong ko naman ang tingin ni ate, tinaasan nya lang ako ng kilay. Nawalan na tuloy ako ng ganang kumain. “Tigilan niyo nga iyan at pakainin niyo ng tahimik si ate. Kadarating lang nung tao.” Gumaan naman ang pakiramdam ko sa sinabi ni Troy. “Kain ka nakakahiya naman sayo wala ka pa namang ambag sa gastusin sa bahay na ito.” Napayuko ako sa sianbi ni mama. Tumayo naman siya dahil tapos na siya sa pagkain. Sunod naman na tumayo si papa dumaan siya sa likod jo at tinapik ng bahagya ang balikat ko. “Pagkatapos mo diyang kumain ligpitin mo itong mga pinagkainan at saka hugasan mo ang mga pinggan.” Nakatayong sabi ni ate. “Ate Cheska ano ba?” “Hindi ayos lang.” Hinawakan ko ang braso ni Troy para pigilan siya. “Gagawin ko ate.” Sabi ko kay Ate Cheska at nag angat ako ng tingin sa kaniya. Padabog naman siya na umalis. “Ako na lang gagawa kagagaling mo lang sa byahe magapahinga ka na muna." “Ano ka ba ayos lang.” nginitian ko naman ang kapatid ko. “Sige na tapos ka na din naman ako na magliligpit ng pinagkainin umakyat ka na at alam ko na may pasok ka pa bukas.” Labag man sa kanyang loob ay ginawa niya pa rin ang gusto ko. Alam ko din kasi an busy ang kapatid ko, nag-aaral din siya kagaya ko. Ni hindi na ako nagkaroon pa ng ganang kumain ibinalik ko nalang ang kanin at nag ligpit ng pinagkainan. Habang nag huhugas ako ng pinggan ay pumasok si mama sa kusina kumuha ng tubig. “Aba mabuti naman at naghugas ka, kahit iyan na lang ang ambag mo mahirap na sa tanda mong yan nakadepene ka pa rin sa amin.” Sabi niya sabay lakad palabas ng kusina. Napabuntong hininga ako. Kahit na galit sa akin si mama ay hindi niya pa rin naman nakakalimutan na padalhan ako ng allowance. Sa tingin ko ay ginagawa niya lang iyon dahil sa may responsibilidad siya sa akin bilang anak niya ako. Pagkatapos ko mag hugas ay ang mga pusa ko naman ang pinakain ko. “Tamang tama pakainin mo na din yung mga aso sa labas.” Utos sa akin ni papa. “Sige po.” Sinunod ko naman agad. Habang nagpapakain ako ng aso ay may humintong sasakyan sa harap ng aming tahanan. Agad ko namang nakilala kung sino ang may-ari ng sasakyan si kuya Henry, asawa ni ate Cheska. Ilang sandali pa ay nagpaunahan naman sa paglabas sila ate at mama habang si papa naman ay naksunod lang sa kanila. “Henry anak!” Ring ko pang sabi ni mama. Hindi ko mapigilang maingit. Pagdating ko kanina ay hindi man lang nag atubili si mama na i welcome ako. Pumasok nalang na ako sa loob para maghuagas ng kamay. “Sino yung dumating ate?” Tanong ng kapatid ko na nasa hagdan. “Si kuya Henry.” Sabi ko naman nag kibit lang siya ng balikat saka bumalik sa kwarto niya. “Pasok ka, pasok ka.” Sabi naman ni mama. “May sasakyan sa labas dumatng si Avi?” Tanong ni kuya. Lumabas naman ako sa kusina at nakita ang naka corporate attire na si kuya Henry. Nasa balikat niya ang natutulog na anak ibingay niya naman ito kay ate para malapitan ako. Nakita ko naman ang galit na mga tingin sa akin ni ate. “Naku kumusta na? matagal tayong hindi nagkita.” Sabi ni kuya sabay gulo ng buhok ko. “Ayos lang naman kuya.” “Kumusta ang pag-aaral? Malapit kana mag tapos congrats isang taon na lang.” “Naku matagal-tagal pa yun kuya Henry.” Sagot ko nalang sa kaniya. “Hon, kumain ka na ba?” Tanong ni ate sabay pulupot ng kamay niya sa barso ni kuya. Wala na sa kanya ang anak niya karga karga na ito ni mama. “Hindi pa nga eh.” Sagot naman ni kuya. “Naku may pagkain pa diyan ipagahain mo Cheska.” Utos ni mama. Iginaya naman ni ate si kuya sa hapag. Habang busy sila sa pag asikaso kay kuya ay umakyat ako para kunin ang susi ng kotse para maipasok ang sasaksayan sa garahe. Bunuksan ko ng malaki ang gate para maipasok ang sasakyan. Paglabas ko naman ay nakita ko si papa karga karga si Charlotta. Si Charlotta ay anak ni ate Cheska at kuya Henry nasa dalawa o tatlong taong gulang pa yata ito kung hindi ako nagkakamali. “SHH tahan na.” Sabi ni papa sa umiiyak na Charlotta ngunit mas pumunghalit pa ito ng iyak. Tiningnan naman ako ni papa as if asking some help. Nilapitan ko naman ito at sinubukan na patahanin. “Charlotta….” Sabi ko para makuha ko ang atensyon ng bata. “Oh bakit ikaw umiiyak?” Tanong ko sa kanya ng tinganan niya na ako. “tsatsa.” Sabi ng bata, hindi pa ito gaanong marunong marunong mag salita. Tata yung ibig niyang sabihin. “Oo Tata… Tata Avi.” Huminto naman sa pag-iayak ang bata. Inilahad ng pamangkin ko ang dalawang kamay niya kaya ibinigay ni papa sa akin si Charlotta sa akin. “Bakit umiiyak ang Gino namin kanina huh?” Tanong ko sa kanya as if masasagot niya iyon. Hinalik halikan ko pa ang pisnge niya. Natatawa naman ito sa ginagawa ko. Kita ko ang pamumula ng ilong niya dahil kagagaling lang sa iyak. “Pasensya ka na inaasikaso pa kasi ng ate mo ang asawa niya.” Sabi naman ni papa. “Ayos lang.” sagot ko naman. Umupo ako sa upuang gawa sa bakal at kinandong ko ang pamangkin ko. Si papa naman ay umupo din sa bakanteng upuan na nasa harapan namin “BA.. BA.. BA” Pag aalaiw ko sa bata. “Pumunta ka ba sa puntod ng lola’t lolo mo kanina kaya ka natagalan sa pag-uwi?” Biglaang tanong ni papa na siyang nagpahinto sa akin sa pag-aaliw sa bata. “Hindi po.” Ibinallik ko ang atensyon ko sa aking pamangkin na ngayon ay hinihila na ang aking buhok pinigilan ko naman ito dahil inilalagay niya sa bibig niya ang buhok ko. “Kailan mo balak pumunta?” napabalik naman ako ng tingin kay papa. “Hindi ko pa alam. Baka hindi na ako pupunta.” Sagot ko sa kaniya. Hindi na naman siya nagsalita pa. “Pa.” Rinig kong tawag ni ate. “Andito ako anak.” Sabi naman ni tatay. “Si Charl-” Hindi na niya natuloy ang sasabihin ng nakita niya na hawak ko ang anak niya. Agad niya naman na kinuha ito sa akin. Hindi nakakatuwa ang inasta ni ate, sa ginawa niya parang ayaw niyang ipahawak ang anak niya sa akin. Hindi ko na lang iyon pinuna pa. “Babye.” Sabi ko sa bata nakita ko naman ang pagngiti ni Charlotta. “Akyat na ako sa kwarto.” Paalam ko sa kanila. Pagpasok ko sa sala nakita ko na nasa hapag si kuya kausap si mama. Dumeretso na ako ng akyat sa kwarto. Binuksan ko naman ang bag ko para tingnan ang telepono ko. Nagulat ako kasi nakaraming missed calls ang natangap ko galing kay Rayven. Ilang sandali pa ay nag tumunog uli ang telepono ko,sinagot ko naman agad. “Napa-” Hindi ko pa man natatapos nag sasabihin ko ng bigla siyang magsalita sa kabilang linya. “ASAN KA BA? BAKIT HINDI MO SINASAGOT TAWAG KO.” Sabi niya gamit ang malakas na boses. “Teka lang naman mababasag eardrums ko sayo. Bakit ba?” Tanong ko. “Nag punta kami sa University na pinag-aaralan mo kanina para sana isorpresa ka.” Nagulat naman ako sa sinabi niya. “Anong ginagawa niyo doon midterm break namin, umiwi ako sa bahay. Hindi din naman kayo papapasukin sa school.” “Sabi sa inyo dapat ipinaalam muna natin sa kanya.” Sabi ni Rayven pero alam kong hindi para sa akin iyon. “Edi hindi na sorpresa iyon bobo.” Kung hindi ako nagkakamali boses iyon ni Andrea. “Puntahan ka namin sa inyo bukas gurl.” Boses ni Bon iyon. “May lakad ako bukas eh.” “Saan punta mo? Sama nalang kami.” Kung hindi ako nagkakami si Trish iyon. “Wala ba kayong pasok?” Nagtataka kong tanong sa kanila kasi estudyante din itong mga ito eh. “Oo nga may pasok ako bukas.” Narinig kong sabi sa kabilang linya at iyon na nga hindi sila magkandamayaw sa kung anong sasabihin. Hinintay ko namn na matapos sila sa kanilang diskusyon. “Kailan ka ba babalik sa University niyo?” Si Rayven ulit. “Sunday siguro pagkatapos kong mag simba dederetso ako. “Kita na lang tayo ng Sunday.” Boses ni Christine iyon. “Sige, sige.” Madali naman ako kausap. Bago ko pa man maibaba nag tawag ay narinig ko naman ang bati nila. “HAPPY BITHDAY AV.” Sabay sabay na sabi nila. “Salamat.” Sagot ko naman. “Napakatamlay ano ba 'yan.” Sa grabeng kabaklaan ng boses alam ko na agad na si John iyon. “Pagod lang sa byahe.” “Sige, Sige pahinga ka na.” sabi ni Rayven bago niya ibaba ang tawag. Ilang sandali pa ay nagpaalam na din sila ate Cheska at kuya Henry na uuwi na. Nagtapos naman ang araw ko na hindi man lang nakatangap ng pagbati galing sa sariling pamilya ko. Kinabukasan ay maaga ako na nagising. Nagluto na ako ng agahan para sa kanila. Matapos kong magluto ay naligo ako at nag-ayos ng sarili. Saka ako umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD