Ika-tatlumpo't Siyam na Kabanata

2167 Words
"Av" Hindi niya makapaniwalang sabi. "Yes sir? What's your order?" "Ice-coffee and…" Tumingin tingin pa siya sa bread and pastries. "Ay huwag na pala yung Iced-coffee, black coffee na lang pala at Croissants." "Dine-in or take out?" "Dine-in" "uhum." Tumukihim naman si ate Alma ng makita na hindi pa umaalis si Kristoff sa harap. "You can stay at your table po sir." "Ah oo." Awkward na sagot naman ni Kristoff kay ate Alma. "What's your order ma'am?" Tanong ko naman sa sumunod na customer. Panay naman ang tingin ko sa relo ko. Kahit na lampas alas kwarto na ay marami pa din ang pumapasok sa Shop. "May gagawin ka?" "Wala naman ate Alma." Tanong sa akin ni ate ng makita na panay ang tingin ko sa relo ko. "Kung may gagawin ka naman talaga ay maari naman na kitang palitan." "Naku ate huwag na." Sa totoo lang ay marami talaga akong tambak na gawain. Pero maari ko naman sigurong mamayang gabi na lang gawin. Pumatak ang alas singko ng hapon ay hindi pa rin ako nakakauwi. "Kanina pa yang kaibigan mo diyan, hindi na ba uuwi yan?" Siya na lang kasi ang hinihintay para makapagsarado na. "Kakausapin ko na lang ate." Aalis na sana ako para lapitan si Kristoff ng hawakn niya ang braso ko. "Huwag na Avi, ikaw lang inaalala ko baka kasi marami kang gagawin. Umuwi ka na lang ako na dito." "Ayos lang ba?" "Oo." Tinanguan ko siya at agad na nag punta sa locker area para makapag bihis at para na rin mag log-out. "Salamat ate, pasensya ka na talaga." "Ayos lang. Tumayo na din naman yung kaibigan mo, magsasara na din ako pagkalabas niyo." Napabaling naman ako sa banda ni Kristoff. Agad kong mabawi ang tingin ko ng magkasalubong ang paningin namin. "Cge ate salamat." Pagtango niya ay nag madali naman ako sa paglabas. Bago ko pa mabuksan ang pintuan ay naunahan ako ni Kristoff sa pagbubukas na nasa likuran ko na pala. Hindi ko naman mapigilan na lingunin siya. "Mauna ka na." "Huh?" Tiningnan niya naman ang pintuang nakabukas. " Ah, oo salamat." Sabi ko naman ng makuha ang ibig niyang sabihin. Lumabas naman ako at naghanap ng masaskayang tricycle. "Gusto mong sumabay sa akin?" Napalingon naman ako sa banda niya. Nasa harap na siya ng motor niya at isinusuot na ang helmet. Ako ba ang kausap niya? Napalingon naman ako sa paligid ko, baka ako nga? Kasi dalawa lang naman kami dito. "Hindi na commute na lang ako." Sabi ko at pinara ang papalapit na tricycle. "Sige ikaw bahala." Sabi niya naman at sumakay na sa motor niya. "Saan ka iha?" "Sa sakayan ho sana." "Sige." Pagkasakay na pagkasakay ko sa tricycle ay ang siya namang pag-alis din ni Kristoff. Iniabot ko naman kaagad ang fifteen pesos na bayad ng makarating ako sa sakayan. "LVU po." "Diyan." Turo ng tricycle driver. Matapos ang ilang minutong paghihintay ay napuno na din ang tricycle. Habang nasa byahe ay todo aral naman ako. Tutok ako sa hand out to at napapa angat lang ang tingin sa tuwing humihinto ang tricycle at may ibinababa na pasahero. Was that Kristoff? May motorsiklo na nakasunod sa tricycle medyo madilim na kaya hindi ako sigurado kung siya ba talaga. Nakumpirma ko naman na siya talaga iyon ng mapadaan kami sa poste ng ilaw. Akala ko ba nauna na to kanina. "Salamat kuya." Sabi ko at saka bumaba na. Pagkababa ko sa tricycle ay sakto namang pagpasok din ni Kristoff sa gate ng University. "Hi" Bati niya sa akin ng magkasalubong kami. Ako pauwi sa dormitory and hindi ko alam kung saan siya papunta basta magkasalungat kami ng daan Kinagabihan ay nakatanggap naman ako ng mensahe galing sa kaniya. Kristoff: Goodnight. "Buti ka pa at matutulog na." Bumalik naman ako sa ginagawa ko. "Good morning, nakapagluto na ako. Alis na ako bye." Sigaw ko. Kalalabas lang na Shen sa kwarto. Nagkamot pa ng ulo. "Work?" Sigaw naman ni Gia galing sa banyo. "Oo." Sigaw ko pabalik at umalis na. Hindi ko naman itinago sa kanila na may trabaho ako sa weekends. Hindi lang nila alam kung saan at kung anong trabaho. Busy na din kasi no time for chika. "Off to work?" Napahinto ako sa paglalakad at tinapunan ng tingin ang nakahilig na Kristoff sa motor niya at hawak ang helmet. Nagulat na lang ako at itinapon niya sa akin ang helmet, sa gulat ay umiwas ako dahil baka tamaan ako ng helmet. "Bakit hindi mo sinalo?" Nag-aalalang sigaw niya at saka tumakbo sa helmet na gumulong sa simento. "Bakit ka nanapon?" Sigaw ko naman sa kaniya. Sinundan ko naman siya ng tingin. Agaran niyang pinulot ang helmet at tiningnan kung may gasgas ba o wala. Tiningnan niya ako na para bang hindi siya makapaniwala sa ginawa ko. "Ihahatid lang naman sana kita, para libre na yung pamasahe mo kasi doon din naman ang tungo ko." "Eh bakit ba kasi hindi mo na lang ini-abot sa akin diba?" pagalit kong sabi sa kaniya. Padabog niya naman na iniabot ito sa akin. "Suotin mo na 'yan." At saka bumalik sa nakaparada niyang motor at pinandar ito. Huminto siya sa harap ko. "Bilisan mo na male-late ka na." Habang nasa byahe at tahimik lang kami. Na realize ko na yung tagpo namin kanina ang pinakamahaba naming pag - uusap simula ng mangyari yung kinompronta niya ako kung bakit hindi ako sumipot sa usapan naming dalawa. "Thank you." Sabi ko sa kaniya at ini abot ang helmet niya sa kaniya. Matapos niyang tanggalin ang helmet niya ay saka niya tinanggap ang helmet. "Sabay na tayo papapsok magkakape din naman ako." Pinauna ko siyang maglakad pero ng pinagbukasan niya ako ng pinto at pina-una niya ako na pumasok sa loob. "Magandang umaga, ate Alma." "May costumer na agad tayo." Siniko niya ako at binigyan ng makahulugang tingin. Pinagkibitan ko lang siya ng balikat at saka pumasok na para makapagbihis. "What's your order sir?" Narinig kong Tanong niya kay Kristoff. "Magandang araw kuya Benjo." Bati ko kay kuya Benjo ng mapadaan ako sa kitchen. Tinanguan niya lang ako at saka bumalik sa ginagawa. Kapag weekends talaga busy siya kasi siya lang mag-isa ang gumagawa wala si ma'am Bianca. Pagpwesto ko sa kahera ay nakita ko si Kristoff na nakatingin sa labas habang sumisisim ng kape niya. "Kaibigan mo ba talaga?" Tanong ni ate Alma sa akin. Dala niya ang isang bimpo, tray, at spray. "Oo naman ate." "Hindi mo manliligaw 'yan?" "Hahaha, hindi ate." "Sigurado ka?" Tinanguan ko naman siya. "O sige, kasi kung ako sayo at may nararamdaman ka sa kaniya babakuran ko na siya." Pinagtawanan ko lang sinabi ni ate Alma sa akin. "Kasi nakikita mo ba yang dalawang babae sa kabilang table?" Napalingon naman ako dahil sa sinabi niya. Nakita ko ang nagpapacute na dalawang magagandang babae na nasa katapat na table lang ni Kristoff. "Oo ate bakit?" "May gusto sa kaniya yung dalawa." "Oo pansin ko nga at panay ang pagpapacute." Nakita ko naman ang bahagyang pag tango tango ni ate na para bang may nakumpirma siya. "Ay itong lalaking ito naman kaya hindi nalalapitan ng babae kasi nagsusuplado." Sabi ko naman at bumaling sa kakapasok na customer. "What's your order ma'am?" "Iced-coffee and muffin please." "How about you ma'am?" Tanong ko sa babaeng wala sa akin ang atensyon kundi nasa lalaking nakaputing T-shirt na sumisisim ng kape. Napailing na lang ako ng mawala na ang dalawang babae sa harap ko. "Table number 4 yan ate." "Mukhang madami tayong costumer ngayon dahil sa kaniya." "Mukha nga." Sagot ko naman. "Alis na ako Av." Paalam niya sa akin. Nasa dalawang oras siguro siyang nanatili sa shop, kaya dalawang oras din na marami kaming babaeng customer dahil sa kaniya. Masarap naman talaga ang benta namin, hakot atensyon lang talaga si Kristoff kaya mas dumarami ang mamimili. "Sayang naman, anatagal mo kasi, ayan naka alis na tuloy." Sabi ng babae sa kasamahan niya. Kasalukuyan silang nasa harapan ko. "What's your order ma'am?" Tanong ko sa mistisang may bangs. "Latte and Vanilla cake." Medyo mataray niyang sagot. Ibinalik naman niya ang tingin niya sa paalis na Kristoff. "How about you ma'am?" Tanong ko sa babaeng kulot ang buhok. "Honey tea and honey cake please." Hindi hamak na mas magalang ang isang ito kumpara sa kasama niyang babae. Inulit ko naman ang order nila. At ng okay na, ay tinotal ko na ang bill nila. "Miss..." Napabalik naman ang tingin ko sa babaeng kulot ang buhok. "Avi." Nakita ko naman ang pagtingin niya sa nameplate ko. "Yes?" Akala ko may dagdag na order siya. "Did you know that handsome guy earlier? I noticed he bid you goodbye before going out." Nginitian ko naman siya. "Yes." Natuon naman sa akin ang atensyon ng babaeng mestiza. "What's his name?" Agaran niyang sagot. I don't think pwede akong mag disclose ng important information ni Kristoff without his consent. "I know his face because we go at the same university but I forgot his name." Sagot ko and flashed an apologetic smile. "Walang kwenta naman." Sa kabila ng pagiging bastos niya ay binigayan ko pa rin siya ng isang ngiti at trinato ng tama. Today was hectic but it paid off tuwing naiisip ko na sasahod ako ngayon. "You should do that on the table, ako muna dito." "Thank you ate." I flashed ate Alma a big smile and saka umalis sa counter dala ang laptop. Ala una y medya pa lang kaya wala masyadong customer. Nasa alas dos y medya o alas tres dumadagsa ang mga customers. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ibig sabihin ay may costumer. Hindi ko na ito pinansin anag focus ba lang ako sa paggawa ng research paper. Kinuha ko ang telepono ko para magpaalala sa mga kasama na kailangan na nilang ipasa ang RRL nila. Napa buntong hininga lang ako ng makitang binasa nila ang mensahe pero nadismaya din agad ng hindi man lang sila nag abalang mag reply. "You should report them to your research adviser." Gulat akong lumingon dahil sa nagsalita sa likuran ko. "Nakakaawa naman baka kasi ako pa ang maging dahilan ng pagkabagsak nila." Sagot ko sa kaniya. Napataas ang kilay niya sa sagot ko at naupo siya sa katapat na upuan. "At bubuhatin mo lang sila? ganun ba yun?" "Siguro." Hindi na siya nakasagot pa ng dumating si ate Alma dala ang order niya. "Ate hindi ako nag oder." Sabi ko kay ate Alma ng maglapag siya ng Frappuccino sa tapat ko. Hindi siya sumagot at itinuro si Kristoff gamit ang nguso niya. "I ordered that for you. Don't worry, bayad na yan." Umalis naman agad si ate Alma sa tapat namin. "Salamat." Sabi ko naman sa kaniya at ibinalik ang atensyon sa paggawa ng research. Hindi naman ako inestorbo ni Kristoff. Ng tumunog ang relo ko isang hudyat na alas tres na ng hapon ay tumayo na ako at bumalik na sa pwesto ko. Isang mapaglarong ngiti ang ginawad sa akin ni ate Alma. "Mukhang mapapadalas na yan dito ah." "Hindi ko alam." Umayos naman kami ng dumating ang panibagong costumer. "Black coffee and…" Hindi naman siya nakapag desisyon kung ano ang i papares niya sa kape niya. "Croissants is best to pair with black coffee sir." Suggestion ko naman sa kaniya. "I'll get that then." "Dine-in or take out?" "Take-out" "Okay sir, one black coffee and Croissants for take out." Agad ko naman na sinabi ang babayaran niya. "You're cute." "Thank you sir." Sabi ko sabay ngiti. "You're a full-time employee here?" "Part timer lang sir." Sagot ko naman habang ginagawa ang order niyang kape. "Here's your order sir." Iniabot ko naman sa kaniya ang order niya. "I have to make an important call can I borrow yours? Nasa opisina kasi ang telepono ko, naiwan." I was about ti get the phone out of my pocket, ng maunang mag abot si Kristoff ng cellphone sa lalaking mga nasa tatlo o apat na taon lang siguro ang agwat sa edad namin. "You can use mine." Inabot naman agad ng lalaki ang telepono at nag dial ng numero. Palipat lipat lang ang paningin ko sa dalawa. "He's not answering, busy siguro. Salamat." At ibinalik niya ang telepono kay Kristoff. "Thank you, come again." Sabi ko naman sa lalaki. "Frappuccino please." Grabe naman ang caffeine intake ng lalaking ito. Nagbayad naman siya agad at kunuha agad ang order niya at bumalik sa upuan niya. Kagaya kanina ay nakatingin lang siya sa labas, ang naiba lang ay ang damit niya. "Good Afternoon Ma'am Bianca." Bati ko sa amo namin. "Maraming customers ah." "Kaya nga po." Isa-isa niya kaming pinatawag sa opisina niya para bigyan ng sweldo. "Salamat po ma'am." Sabi ko ng makuha na yung akin. "Thank you for the hard work. Uwi ka na, alas kwarto na" Ngumiti naman ako at tumango. "Salamat ho ulit." Dumiretso na ako sa locker room at nag bihis. "Hinihinatay ka ng KAIBIGAN mo." Sabi ni ate Alma. Nakita ko naman mula sa loob si Kristoff na naka hilig sa kaniyang motor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD