Bago ko pa man pinihit ang doorknob ay naglagay na ako ng isang malaking ngiti sa labi.
"Good morning." Masiglang sabi ko.
"Good morning." Bati ni Shen at Gia pabalik sa akin.
"Kain na tayo."
"Wow, ang sarap naman niyan ah." Sabi ko sabay hilang upuan para maka-upo."
Nagdasal muna kami bago kumain.
".... salamat sa pagkain. Amen. "
Matapos kong mag dasal ay nagsimula na kami sa pagkain.
"Sabi ko na nga ba at may plano talaga si Kristoff na ligawan ka." Unang beses naming pag-usapan ang bagay na ito simula ng kumalat ang balita na nanliligaw si Kristoff sa akin. Busy kasi kami madalas kaya wala ng oras para pag-usapan ang ganitong bagay at madalas ko din na iwasan.
"Pero balita ko nilalayuan mo?" Pang eechos naman ni Shen.
Natawa naman ako ng bahagya.
"Totoo yun daii, ako mismo nakikita kung paano niya iwasan si Kristoff." Nakikita niya talaga kasi TLE din siya, kaya malapit lang siya may mga courses pa na magkaklase kami kaya masasaksihan niya talaga.
"Magaling ba umiwas?" Tanong ni Shen.
"Naku sinabi mo pa."
Buong kainan ay yun ang usapan.
"Ako na maghuhugas."
"Kailangan na natin mag grocery." Anunsyo ni Gia. Napatigil naman ako sa pagbabanlaw ng pinggan. Hindi ko mapigilan na problemahin ang bagay na iyon.
Ang dami pang responsibilities, ang daming bayarin. Ngumiti naman ako at binalingan sila. Hindi pinapahalata ang problemang dala dala.
"Kailan ba? Saka nga pala wala na yung sasakyan ko, kinailangan ni Troy kaya kinuha ni mama. Commute na lang muna tayo.
"Kaya pala hindi ko na nakikita sa parking."
"Ayos lang naman sa akin na mag commute masaya kaya yun."
Mamaya pa yung scheduled class ko pero nagmaaga ako kasi sasanguni ako sa scholarship office, baka sakaling pwede pa akong maipasok sa kahit anong bakanteng scholarship kahit half lang ng tuition okay na ako don.
"Academic scholarship pero kailangan mo i maintain ang mataas na grades mo, kasi kung hindi ay baka mawala ka sa listahan ng mga scholar. Kasi yung nakukuha mong pera every semester ay incentive lang yun ng pagiging Dean's Lister mo. Academic scholarship is offering half of your tuition fee so kalahati nun ikaw na ang magbabayad."
"Effective this semester po ba?"
"Hindi pa din naman nag iisang buwan simula ng magsimula ang klase kaya we can make exception naman."
Salamat naman.
"Salamat po."
So I have to pay 17, 500 per semester. Napa check naman ako agad ng laman ng bank account ko.
Luckily may natira pa naman sa mga kinita ko at sa ipinadala ni kuya.
Babayaran ko na siguro bukas para wala na akong alalahanin pa. I have to find another part time job para sa pangangailangan ko.
Malapit na magsimula ang klase ko kaya pumunta na ako sa classroom.
"Oh my gosh ang swerte mo naman Joy talaga bang nag date kayo?" Nadatnan kong sabi ng isa kong ka klase. Marami din ang tumpok ng mga kaklase ko na nakapaikot sa upuan ni Joy.
"Of course, mukha ba akong nag iimbento ng kwento?" Sagot naman niya. I felt relieved kasi mukhang maayos naman pala ang kinalabasan ng date nila. Kahit paano ay mababawasan na ang mga asungot sa buhay ko.
"So paano iyon, ikaw pala ang nililigawan? Hindi pala si Avi?" Tumikhim naman ako kaya napatutop siya ng bibig niya.
Nakita ko ang pagtingin sa akin ni Joy. Wala siyang ipinakitang emosyon. Mas better na yun kaysa sungitan at parati galit siya sa akin. Na ubos na ang buhok ko non pag nagkataon.
Agad naman ako na dumaan at umupo sa upuan ko. I scrolled my phone and check it's messages hindi ko pa pala nabubuksan ang lahat ng mensahe ni Kristoff. Wala ba din akong planong buksan pa kaya diretso ko na iyong binura.
Sa paraan ng pag ngiti ni Joy ay halata naman na maging maganda ang tagpo ng date nila.
Agad naman na nagsibalikan sa kani-kanilang upuan ang iba ng dumating na ang propesor.
"Ang loko ni Kristoff, ibinalandra niya na ikaw ang nililigawan niya pero sa iba nakipag date." Saad ni Darwin.
Na konsensya naman ako. Umiling naman ako agad para maiwakli ang pag-iisip na iyon.
Loko siya Av, kasi nga diba nanghahalik ng bigla bigla tapos hindi ka pa nilulubayan.
" Sugurado ka ba na sandwich lang yung sayo?" Tanong ni Themarie.
"Oo, saka hindi ako makakasabay may gagawin ako. Sige alis na ako."
Hindi na sila nakapagsalita pa ng umalis akong bigla.
Okay na ang sandwich pang lunch, mabubusog naman siguro ako. Kinakain ko iyon habang naghahanap ng part time job na mapapasukan. Madami naman sana naghahanap ng part timer maso nag co-conflict sa schedule ko. Napa buntong hininga na lang ako.
"So nandito ka lang pala." Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Kristoff na masama ang tingin sa akin.
Hindi ko siya pinansin at agad din naman na ibinalik ang tingin sa laptop ko. Hindi ko alam kung paano niya ako natunton at wala na din naman akong planong alamin pa. Hindi naman pwedeng habang buhay ko siyang iwasan. Nasa iisang University lang kami nag-aaral kaya magkakatagpo at magkakatagpo talaga.
"Care to explain bakit hindi ikaw ang dumating sa usapan natin kahapon?" Pagalit siyang na upo sa upuan na katapat ko.
Sa inis niya dahil sa hindi ko sinagot ang tanong niya ay isinarado niya ang laptop ko. Tinapunan ko naman siya ng kalmadong tingin.
"Kasi hindi ako interesado."
"Saan? Sa park?"
"Sayo." Deritsahan kong sagot.
"You'll be interested in time. Bigyan mo lang ako ng chance."
"I can't, I have lots of priorities. I-respeto mo nalang ang desisyon ko. Let's just stay friends."
"Pe-"
"If you don't want to be my friend then we're better off as strangers."
He did not say anything, kaya tahimik lang akong bumalik sa ginagawa ko and he was just there saying nothing.
"Alis na ako." Paalam ko sa kaniya ng papunta na ako sa klase ko. Hindi siya nagsalita kaya tumalikod na ako. Nakakailang hakbang pa man ako ay nagsalita siyang bigla.
"Akala ko ba hindi ka tumatalikod sa usapan?"
"Then I guess kaya ko naman palang talikuran ang napagkasunduan." Sagot ko lang at tuluyan ng umalis.
Kinahapunan ng nagkabakante ako ay lumabas ako para kumuha ng pera.
"Kailangan ko na talagang maghanap ng mapapasukan dahil kung hindi sa loob ng isang araw barya na lang ang matitira sa account mo."
Masakit man sa loob pero wala akong magagawa. Kung hindi ako magbabayad ay hindi din ako makakapag-aral.
"Sigurado ka bang hindi ka magpapasama?" Tanong sa akin ni Gia.
Kakatapos lang namin na mag grocery. I had to lie na makikipagkita ang kapatid ko sa akin kaya mauna na silang umuwi.
"Hindi na, kapatid ko naman ang kikitain ko."
Hinatid ko muna sila sa malapit na sakayan.
"Bye." Ng maka-alis sila ay binaybay ko ang mainit na daan.
Nag ikot-ikot ako at naghahanap ng establishments na naghahanap ng part-timers. Sa ilang oras kong paghahanap at paglalakad sa ilalim ng sikat ng araw ay wala pa rin akong nakikita.
Pinunasan ko ang tumulong pawis sa noo ko gamit ang panyong dala. "Wala sigurong naghahanap Av." Sabi ko sa sarili ko at bumuntong hininga.
Just when I was about to give-up lumabas ang isang babae mula sa café na nasa harap ko at nagpaskil ng poster na nagsasabing naghahanap sila ng part-timer. Hindi na ako nag dalawang isip pa at kinausap na agad ang babae.
"Excuse me ma'am."
"Yes?"
"You're looking for a part timer?" Tanong ko habang nakaturo sa poster napatingin naman siya dito at saka tumango sa akin.
"Yes." Lumaki naman ang ngisi ko.
"I was actually looking for a part-time job."
"Is that so?" Tumago naman ako. "If that is the case then you can come inside."
It is going to be an informal interview, nakaupo lang kami sa seat nang café na pag mamay-ari niya pala.
"Do you have a resume?"
"Yes." Inilabas ko naman kaagad ang folder na naglalaman ng papers ko. I came prepared.
"So you're a student?"
"Yes ma'am." Medyo kinabahan naman ako na sumagot.
"Will you be okay kung weekends lang ang work mo? Kasi pag weekdays ako talaga ang nagbabantay it just that I have to spend time with family so I wouldn't be able to look after the shop."
"Yes po." Masigla kong sagot. Weekend part time job actually talaga ang hanap ko, kasi kapag weekdays ay conflict kasi I work as a student assistant sa library.
She asked me a few questions.
"You can start next week." And that's it. I was hired.
Pinakilala naman siya ako sa iba pang magiging kasama ko sa shop.
"Benjo, assistant pastrier."
"Alma, the waitress."
"Truth is may part timer talaga kami but she decided to focus on her studies." Paliwanag ni ma'am.
This cafe ang naging sagot sa problema ko. Although I was paid just a above the minimum wage, maliit lang naman but it was also a great help for me.
Pag-uwi ko sa dorm, naisipan ko naman na buksan ang regalo ni Tristan.
"Ngayon lang talaga ako magkaroon ng oras na buksan ka."
"Oh oh" Natuwa naman ako ng makita ang isang planner, highlighter at iba pang magagamit ko nga sa eskwela.
"Ano to? Isa pang regalo sa loob ng regalo?" May isa pang box na naka gift wrap akong nakita.
"Oh my!" It's a color white smartwatch.
Kinuha ko naman ang isang letter.
It's my late present. I hope you like it. It'll help you in fulfilling your dream, future teacher.
With a small smiley.
This will indeed help me but isn't it too much?
Inilapag ko naman ang sulat sa mesa at tiningnan ang bigay niyang relo. I love the color, it's white, but I don't think I would be able to wear this.
"Yeah it's too much."
Nahulog naman ang letter dahil sa hangin. That is when I realize may nakasulat pa pala sa likod.
P. S. Please use it, huwag mo sayangin effort ko.
Natawa naman ako kung kanina ay an emoticon/smiley, ngayon ay drawing of an angry face.
"I guess, I'll use you nalang pala."
I started planning my whole week na.
Dapat everytime na may task ay matapos ko siya ng gabi para hindi na ako matambakan pa ng gawain. Madali man o hindi.
Bago ako matulog ay nakatanggap ako ng mensahe galing kay Kristoff.
Kristoff:
Good night.
For the past week, hindi niya na ako ginambala pa. Although he sends me a good morning and good night texts ng walang palya, hindi naman na ako ganon ka nabobother.
Dumating ang araw ng sabado, unang araw ng trabaho ko sa Café . Kaya maaga akong umalis.
"Saan lakad mo?" Tanong sa akin ni Gia.
Nakapag luto na ako ng agahan para sa kanila
.
"Somewhere, bye." Sagot ko lang.
"Good morning." Sabi ko sa mga kasamahan ko sa shop.
Agad akong nag punta sa locker section upang magpalit ng damit, magsuot ng apron, at ayusin ang buhok.
Madali lang naman ang trabaho. Ako ang magiging kahera at naatasan sa mga take-out. Kapag masyadong busy ay tumutulong din ako sa pagiging serbedora. Hanggang alas kwarto lang ang shift ko pero minsan kapag marami pang customer ay napipilitan akong mag tagal. Hindi na din naman masama kasi may dagdag sweldo naman. Kapag gabi ay tatapusin ko ang mga task na kailangang gawin at nag-uupdate din. Halos tatlo at kapag maswerte ay nakakalimag oras ako sa pagtulog.
"Alis na ako." Sigaw ko.
Ito na ang ika-apat na sabado ko simula mag trabaho ako bilang part-timer dito sa café.
"Nag-aaral ka na naman?"
"Pasensya na ho." Sagot ko kay ate Alma.
"Anong pasensya ka diyan." Pabiro naman niya akong sinapak. "Dapat nagsasabi ka na mag-aaral ka para ma palitan kita. May quiz ka ba sa lunes?"
Kapag kasi walang masyadong tao ay nagkakaroon ako ng oras para makapag-aral.
"Opo eh." Sagot ko habang magkakamot ng ulo.
"Hayaan mo na si Alma diyan at maupo ka na muna doon, para makapag-aral ka ng maayos." Sabi ni kuya Benjo.
Kahit na nahihiya ay sinunod ko naman ang nais nila. Matapos ang isang oras ay bumalik naman ako sa trabaho kasi marami na ang nagsisibilihan.
"Mukhang, ma eextend ka na naman ngayon."
"Oo nga ate Alma, pero ayos lang kasi dagdag kita din naman."
"Hayaan mo at sasahod na din naman bukas." Napangiti naman ako sa sinabi ni ate Alma.
"Isang Ice Am-..... Avi?"
"Welcome to The Grind sir Kristoff. What's your order?"