"Ahhh! Aray ko bitawan mo yung buhok ko." Sigaw ko. Napakasakit, feeling ko matatanggal ang mga hibla ng buhok ko mula sa anit
" Sabi mo hindi mo siya nilalandi? Tapos malalaman ko nalang na mag de-date kayo?" Sa galit ni Joy alam ko na agad na si Kristoff ang ibig niyang sabihin." HUWAG MO AKONG GAWING TANGA!"
"Putik bitawan mo yung buhok ko? " Nakatalikod ako sa kaniya, kaya pinilit ko na humarap sa kaniya. Mahahawakan ko na sana ang buhok niya ay handa na akong makipag sabunutan pero pumasok sa isip ko ang sinabi ni mama.
Hinding hindi ako makakauwi kung wala kang dalang diploma.
"ARAY! Bitawan mo na please wala naman akong ginagawang masama sayo."
Hinawakan ko nalang ang kamay niya para maibsan kahit papaano ang sakit.
"Malandi ka kasi." Sabi naman ng kakalapit lang na Gema at tinggal niya ang pagkakahawak ko sa kamay ni Joy.
Sa liit ni Joy kayang kaya ko siyang itulak at patumbahin. Ang tanging pumipigil lang talaga sa akin sa pagpatol sa kaniya ay ang kagustohan ko na makuha ang diploma at ang makapagtapos na may malinis na record.
"Ni hindi ka na nakuntento, mas pinili mo nga na huwag umuwi at naki-usap ka pa sa kaibigan mo kasi alam mo na malapit sila, para makasama mo siya sa pasko at bagong taon." Gigil na sabi niya.
Wala siyang alam! Hindi ko alam kung kanino niya nakuha ang maling impormasyon na 'yun.
"Ahhhhh!" Mas lang akong napasigaw dahil sa mas hinila niya pa ang buhok ko.
"Sige Joy ubusin mo na ang buhok niya." Sabi ni Gema na pinipigilan ang kamay ko.
"Mga- ahhh, wala kayong alam. AHHHH" Napakasakit na talaga. Sana naman dumaan sa hallway para matulungan ako.
Naiiyak na ako sa sakit. Sisipain ko na sana si Gema na nasa likuran ko pero hindi ko pa man nagagawa ay tumilapon na siya sa sahig.
"Avi!"
"Si-sir." Takot na sabi ni Gema. Binitawan naman agad ni Joy ang buhok ko. Pagkabitaw na pagkabitaw niya ay nawalan ako ng lakas at napaluhod sa semento. Agad naman akong inalalayan ni Tristan patayo.
"Ayos ka lang?" Tanong niya sa isang malumanay at puno ng pag-aalala na boses.
"Anong ginawa niyo?" Pati ako ay nagulat sa tindi ng galit niya.
"Sir." Takot na sabi ni Joy. "Nauna ho siya lumaban lang ako, at tinulungan lang ako ng kaibigan ko." Paliwanag niya.
"Hindi halata sa itsura mo na naapi ka." Sarkastikong sabi ni sir. Bakas na bakas sa mukha ni Gema at Joy ang takot.
"I may not be one of your instructors anymore but I must say I'm so disappointed in the both of you. Halata naman na pinagtutulungan niyo siya."
"Bakit hindi mo man ipinagtanggol ang sarili mo?" Tanong niya sa akin. Pinipilit niya na huwag magtunog galit, pero may kumakawala talagang emosyon.
"Tss." Kumawala ako sa pagkakahawak niya sa braso ko at lumabas. Medyo masakit ang tuhod ko dahil sa pagkakabagsak ko kanina. Para naman akong tanga na inaayos ang buhok ko habang naglalakad. I was also trying not to cry so, I swallow the lump in my throat. May napa patingin naman sa banda ko. Nagtataka siguro kung bakit ganito ang itsura ko. Sa ngayon wala na akong paki alam sa kung ano man ang iisipin nila.
Pagpasok ko sa library ay nakita ko na nilagpasan ako ni Tristan. Nilapitan niya ang Librarian at may sinabi siya dito na hindi ko narinig. Nakita ko ang pagtango ng Librarian sa kaniya, with that ay naglakad siya papalapit sa akin at ng makalapit at hinila ako.
"Sandali may trabaho ako."
"Ipinagpaalam na kita." Sandali baka wala akong sahod kailangan ko iyon.
"Bayad ka pa rin huwag kang mag-alala."
Hindi na ako nagmatigas pa at nagpatianod na sa kaniya.
Dinala niya ako sa bench malapit sa b****a ng Dormitory ng girls.
"Ayos ka lang?" Tanong niya.
"No." Sagot ko naman.
"Bakit hindi ka lumaban?"
"I have a personal reason."
"Sapat ba ang rason na iyan para hayaan mo sila ba saktan ka?" Kung kanina ay nagtitimpi siya ngayon ay galit na talaga siya.
Natawa ako ng bahagya. Kumpara sa ibang tawa ang tawang iyon ay tawa ng sakit.
"Bakit kaya ganon?" Panimula ko.
"Bakit ang hirap?" Umirap ako, nagbabakasakali na mapipigilan nito ang pagpatak ng luha ko.
"Yung iwas na iwas ako sa gulo, pero yung gulo na talaga yung lumalapit sa akin." I smiled bitterly.
Tinapunan ko naman siya ng tingin. He was watching me intently.
"Do I look awful?" Nagawa ko pang matawa sa tanong ko. Umiling naman siya at siya na mismo ang nag-ayos ng buhok ko.
"Why life is so hard?" Naiiyak kong tanong sa kaniya. Halos hindi ko na siya makita dahil naninubig na yung mata ko.
"Life of hard because God is preparing something big for you. Hindi mo dapat hinahayaan na alipustahin ka ng iba. Always remember na kung meron mang mas mahalaga sa buhay mo yun ay ang sarili mo." Ibinaba niya yung kamay niya at nginitian ako.
"Isipin mo na lang na maswerte ka pa rin dahil sa may mga kaibigan ka."
Ma swerte nga ako dahil may mga kaibigan ako na kahit hindi alam ang detalye ng mga pangyayari sa buhay ko ay handang handang tulungan ako.
It was a long deafening silence.
"Buti na lang pala at bumalik ako."
"Hmm"
"You should report them."
If I would do that baka mas lumalala lang ang sitwasyon.
"I'll think about it." Taning sagot ko lang. "Thank you for your help." Tumayo para makauwi na sa malapit lang naman na dorm.
"Are you sure you don't want to visit the clinic?"
Tinapunan ko siya ng isa pang tingin at tumango para sagutin siya at naglakad na ako palayo.
Kristoff:
How was your day? Medyo exhausting yung sa akin, but it's fine kasi nakita naman kita kanina.
Halos gusto kong pumasok sa telepono para sabunutan siya. This man is the root cause of my sufferings.
Avi Charlotta:
Send me the details immediately ng matapos na 'to.
I should get rid of him immediately para matahimik na din ang ipinagkukulo ng butsi ni Joy.
I sleep early because my head is aching dahil sa pagkakasabunot ni Joy sa buhok ko.
The next day I woke up with my head still aching. Ma swerte na lang ako at hindi ko na nakasalamuha pa si Joy. I decided not to report her. Naisip ko lang na kaya niya nagawa iyon ay dahil sa mainit ang ulo niya.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-aaral ng tumunog ang telepono ko. I did not answer it because it was Kristoff. Then my phone beep for a new message.
Kristoff
You're not answering my call. I will tell you the details.
Avi Charlotta:
Just text it.
Kristoff:
Okay then, truth is I just want to hear your voice. Magkita na lang tayo sa parking lot magsabay na tayo.
Avi Charlotta:
No. Send me the address I don't want to be seen with you.
Medyo natagalan siya sa pagrereply. "Ano 'to park? Anong tingin niya sa akin bata?"
I called Joy.
"What?"
"Gusto mong magkaroon ng alone time with Kristoff?"
"I do not want to hear your stupid idea."
"Okay then, edi ako na lang ang susulpot sa DATE namin ni Kristoff. Bye."I said emphasizing the word date.
"Wait! Wait." Agad naman na gumuhit ang ngiti sa labi ko.
"Ano? Akala ko ba ayaw mo?" Mataray na sabi ko sa kaniya.
"I-i'll go."
"Okay I'll send you the address." Then I hung up the call.
For the next day hindi naman ako ginambala pa ni Joy. She did not ask for forgiveness but it's fine as long as hindi na siya naghahamon ng away.
Sunday came, maaga akong nag-ayos para umalis at mag simba.
"May date ka?" Tanong ni Shen.
Did Kristoff tell her? Regardless, I have to act in case they are up to the same thing.
"Yes, I got to go."
Unang beses kong mag commute sa lugar na ito. Medyo hirap pa ako sa paghahanap ng mga lugar kung saan pwedeng sumakay.
Kristoff:
I was on my way. Ayaw mo ba talaga na sumabay sa akin? Para libre na ang pamasahe mo."
I did not reply. Papunta ako ng simbahan, pero mukhang ma dadagdagan na naman ang kasalanan ko. Inilagay ko ang phone ko sa Airplane mode. Mamaya lang matatadtad na ito ng tawag.
Umuwi naman ako after ng mass.
"Ang aga mong na uwi? Tapos na ang date niyo ni Kristoff?" Gulat na tanong ni Shen.
"Hindi si Kristoff ang ka date ko, si God."
"Pero-" Pinutol ko ang sinabi niyan.
"I have a favor, huwag sana akong ma estorbo sa araw na ito. I have a lot of task to do." At saka iniwanan siya.
I lock the door incase na may mang bulabog ngayon araw na ito.
In the middle of doing my task an email popped-up.
"Wait what? May Scholarship ako, so how come na hindi pa bayad ang tuition fee ko?" It was an email from the school saying that I have to pay for my tuition fee.
It's probably a mistake. I emailed the company that offered me a full scholarship. I turned off the airplane mode to ask kuya on what had happened.
Bumaha agad ang Telepono ko ng mensahe galing ka Kristoff but I have no time to read that. What caught my attention was the message from my sister.
Ate:
How was school? Did you manage to pay your tuition fee yourself?
It was her.
I immediately dialed her number.
"You called a little bit late than I expected."
"What did you do?"
"So ngayon mo lang nalaman?"
"So ikaw nga ang may gawa?" I asked her while gritting my teeth, holding myself from shouting at her.
"Ang layo layo mo na sa buhay namin, pero hindi pa rin ma tahimik ang kaluluwa gusto kong pahirapan ka."
"WHY?" I couldn't help it napasigaw na talaga ako sa galit. Nanunubig na ang mata ko dahil sa luhang nagbabadya.
"Kalma, you've lost your class."
"Anong ginawa kong masama sayo, para gawin mo sa akin ito?"
"Your mere existence is something that make my blood boils and I couldn't bare it. Gusto ko mawala ka na ng tuluyan sa buhay ko, huwag ka nang makabalik sa bahay, at mas mabuti siguro kung mamatay ka na!" Her last statement made my tears flow.
May diin sa bawat salitang binibitawan niya. Ang laki ng galit niya sa akin na nagawa niyang hilingin na sana mamatay na lang ako.
"Bakit kasi naka survive ka pa sa aksidente? Sana kasi sumama ka na lang kay lola at lolo. NO ONE WANTS YOU HERE! Yung asawa ko at mga kaibigan mo tinutulungan ka lang naman nila kasi naaawa sila sayo. They don't really love you, awa lang yun Av. AWA!"
At ibinababa niya ang tawag.
Naupo ako sa gilid ng kama. Para akong nawalan ng lakas. Saan ako hahanap mg malaking perang pambayad sa tuition fee ko?
"Lord bakit naman ganito?" Alam kong masama ang kwestyunin ang kagustuhan ng panginoon pero hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang plano niya.
Kinuha ko ang unan na nasa kama at itinapat sa mukha ko.
"Ahhhhhhhhh!" Nalulunod ang bawat sigaw ko sa unan na itinakip ko sa mukha ko.
Sinabunutan ko na nag sarili ko dahil sa frustration. I was so hurt emotionally that I had to inflict myself physical pain. I was hoping that by doing that maibasan man lang ang nararamdaman kong sakit.
Feeling ko any moment mababaliw na ako. Bakit ba kasi hindi umaayon sa gusto ko ang mga pangyayari?
I shouted silently while punching my legs hoping na by that mawala ang galit na nararamdaman ko. I cried so much that it made my heart hurt. Now, I wasn't just hurting emotionally but also physically. I was also afraid that I may lose my faith. I was already in doubt of what he really wanted me to do.
I was already in doubt about sa kakayahan ko. The people who are dear and close to my heart were really good at making me feel this way.