I was in the middle of resting, when my phone ring. The name of my brother flashed on the screen.
"Gabi na you should have gone to sleep." Sabi ko habang nakasandal sa upuan at nakapikit.
"Ate I'm sorry." Napamulat maman ako.
"For what?"
"Ate hindi ko alam na kinuha pala nila mama sayo ang kotse mo para may magamit ako. Ate hindi ko talaga alam. I'm so sorry. "
"Okay lang madalang ko lang naman magamit kapag andirito 'yan. Mas maalagaan yan diyan. Basta gamitin mo ng maayos huwag mong ibabangga." Natatawa kong sabi sa kaniya. Napahawak naman ako sa ulo ko kasi parang nagpapalpitate siya at sobrang sakit.
"You should sleep, it's late. Kailangan ko na ding magpahinga. Take care of our parents. I love you."
Hindi siya sumagot sa kabilang linya. Kilala ko ang kapatid ko kaya alam kong nakokonsensya siya.
"Troy."
"Ate."
"Don't feel that way. It's really okay, my car is under your care alam kong aalagaan mo 'yan."
"Pero kasi ate-"
"Shh, wala ng pero pero it's really fine. Sige na let's sleep."
"I'll take good care of it. I promise." I know he will. "Bye, I love you." Then he hung up the call.
I badly want to finished what I am doing pero kailangan kong ipagpahinga ang masakit kong ulo.
Just before I drifted to sleep my phone beeped for another message.
Kristoff:
I'm sorry for what I did earlier. I still won't give up. Good night and see you in dreamland for I am about to sleep.
Gaya ng dati ay hindi ko na nireplyan pa at inilagay na ang telepono ko sa bedside table.
The next morning, nagulat na lang ako ng napakaraming prutas sa mesa. Did Shen and Gia bought this?
"You're awake. Good morning." Bati ni Gia.
"Good morning, namili kayo?" Turo ko sa mga prutas na nasa mesa. Umiling naman siya.
"Pinadala ni Kristoff."
"Didn't you notice? May bulaklak na kasama 'to inilagay namin sa bedside table mo." Sabi ni Shen na sumulpot na lang sa kung saan.
Agad ko namang sinilip ang kwarto and they were right, may bouquet of flowers nga. Naihilamos ko ang palad ko sa mukha ko.
Aksaya sa pera. Hinayaan ko lang iyon doon, alangan namang itapon ko.
"So it's true, he's courting you? Sabi ko na nga ba at may ulterior motive siya bukod sa pagkakaibigan." Hindi ko na sinagot pa si Gia.
It's useless, kalat na kahit na ano pang sabihin ko na hindi ko siya hinahayaan na manligaw no one would believe me.
Good thing hindi nangulit si Gia.
Naghanda ako para sa klase ko. Inilagay ko na rin ang bulaklak sa glass vase ko. Unang beses kong magagamit ito. Inilagay ito sa may bintana. Sayang naman kung hahayaan ko na lang iyong malanta. Ang gaganda pa naman ng tulips.
I also received a text from Rayven, Kristoff, and my brother this morning.
Rayven:
Good morning. Ginaganbala ka pa din ba ng lalaking iyon?
Troy:
Good morning ate. Gagamitin ko na yung sasakyan mo. I promise to take care of it. Ingat ka I love you.
Kristoff :
God morning. Have you received the flower and fruits? I hope you love it. Take care always and see you around.
Naiiling ko nalang naninilagay ang phone ko sa bag ko at umalis na.
I received stares and gossiping habang naglalakad ako papunta sa building namin. I hate this kind of attention. I even deactivated my social media because I received a lot of notifications coming from the students of LVU. Kahit na sa mga guro ay hindi ako nakatakas sa panunukso. Ang maganda lang siguto sa araw na ito ay walang Kristoff na umalialigid sa akin
"Asan na ba yun?" Tanong ko habang naglalakad ako at naghahalukay ng bag papasok ng University. Kagagaling ko lang kumain sa labas hinahanap ko yung glasses ko.
"Naiwan ko ba sa dorm?" Pag angat ko ng tingin sakto naman na nakabangga ako ng tao.
"Ohhh." I heard a bunch of students mutter "Ohh."
"Sorry, sorry hindi ko sinasadya." Agaran akoang yumuko at humingi ng tawad. Dapat kasi tinitingnan mo ang dinaraanan mo Avi.
"Ayos ka lang?" Napaanagat ako ngbtingin ng marinig ang boses niya. And so I thought hindi ko siya makakasalamuha ngayon.
"Oo, pasensya na." Matapos kong sabihin iyon ay agaran akong umalis sa harap niya at nilamapasan ang mga kaibigan niya.
"Ang tanga mo talaga." Kumain pa ako sa labas para masigurado na hindi kami magkakasalamuha sa Cafeteria tapos… "Ahh, sobrang tanga."
Tumunog ang Cellphone ko para sa panibagong mensahe.
Kristoff:
It's nice to see you. Mag-iingat ka sa paglalakad mo baka mabangga ka sa iba.
Hindi ko mapigilan na mapangiwi sa mensahe niya.
Isang lingo na din niya akong hindi binubwesit kaya medyo bumalik naman sa dati ang school life ko. Nagpapadala pa din siya ng bulaklak at kung ano ano pa. Walang mintis din ang paguupdate niya sa akin. Sa bawat umaga at bago ako matulog nakatanggap ako ng mensahe mula sa kaniya.
Ibinalik ko na din ang social media accounts ko kasi hindi na ganon ka tutok ang mga tao sa kaniya at sa akin. Finally, I can say that it's slowly going back to normal except yung friendship namin ni Kristoff.
I thought mananatiling ganon ng biglang isang umaga pagkalabas ko sa dorm naka antay siya may hawak na bulaklak.
"Good morning." Bati niya sa akin. Na conscious naman ako sa paligid kasi may dumadaan, hindi man ganon ka rami pero kahit na, mabilis pa din kumalat ang balita.
"Ano na naman bang pakulo ito?" Bulong ko sa kaniya.
"Nanliligaw ako." Isang buntong hininga ang pinakawalan ko.
"Nagsasayang ka lang ng pero mo, ng pera ng magulang mo. Tigilan mo na nga ang pagbibigay sa akin ng bulaklak hindi ka ba nahihiya na ang ipinaggagastos mo sa mga iyan ay pera ng magulang mo?"
"Allowance ko naman to."
"Kaya nga allowance mo, kaya gastosin mo para sa sarili mo." Hindi ko tinanggap ang bulaklak at lalampasan na sana siya nang magsalita siya
"Hindi kita maintindihan, ang ibang babae naman kinikilig pag inaalayan ng bulaklak."
"Hindi ako kagaya nila o sabihin na lang talaga natin na kaya hindi ko nagugustuhan ay dahil sa wala akong gusto sayo."
"May-usapan tayo Avi." Napahinto naman ako.
"Hindi kasama sa usapan na hindi ako tatangi sa mga ibinibigay mo o bawal kitang layuan. Ang gamay lang ng usapan natin ay lalabas ako kapag nag-aya ka at hanggang ika anim na beses lang. Kaya sa palagay ko wala pa naman akong nalalabag." Tinapunan ko siya ng isa pang tingin. "Hindi ako tumatakbo sa usapan nating dalawa, sabihin mo kung kailan para matapos na ang lahat ng ito at para matahimik na ang buhay ko." Isang irap ang binigay ko sa kanya bago ko siya iwanan na mag-isa.
Sa panghapong klase ay medyo inaantok na ako. Hindi ko mapigilan ang mapahikab. Dahil siguro sa hindi ako maagang nakatulog.
Napabaling naman ako sa hallway ng makarinig ako ng commotion.
"Hindi ba guro natin yan noon?"
"Magtuturo na ba siya ulit dito?"
Teacher? Probably one of their instructor na bumalik. Pinilit ko naman na itinoun ang pansin kon kay ma'am Jessa pero napapahikab talaga ako.
"Excuse me, I need to talk to you."
Nabitin ang paghikab ko ng makita si Tristan sa pintuan. Agad ko naman na tinakpan ang bibig ko na nakabuka pa dahil sa pagkabitin ng hikab ko kanina nang mapadpad sa gawi ko ang paningin ni Tristan.
Nakita ko naman ang pag guhit ng ngiti sa labi niya. Nakita niya ba ang nakabuka kong bibig kanina?
"Nakakahiya." Sabi ko sa sarili ko. Nawala naman bigla yung antok ko.
"Huh?" Tanong naman ni Themarie na katabi ko.
"Ah, wala wala." Awkward na sabi ko sa kaniya.
"Ang gwapo ni sir Tristan." Sabi niya sabay siko sa akin. Doon ko na napansin na halos lahat ng kababaihan sa classroom ay siya ang pinag-uusapan.
"Sa tingin mo babalik na siya sa pagtuturo?" Tanong ni Themarie.
"Hindi ko alam." Sagot ko sabay kibit ng balikat.
"Ilang buwan na din simula ng hindi ko siya nakikita. Nakakatuwa naman." Natawa naman ako sa itsura ni Themarie. She was so dreamy.
Sinulyapan ko naman si Tristan. Nakikipag-usap siya kay Ma'am. I wonder what he's doing here.
Natigil naman ang mga bulungan ng pumasok si ma'am, nasa labas pa din si Tristan.
"I have to end our class here, I have something urgent to do. Sana ay maintindihan ninyo ako. Okay lang ba?"
Isang malakas 'yes' naman ang isinigaw ng lahat.
Naghahanda na akong umalis nagliligpit na ako ng gamit. Ang ibang babae ay nauna na para makausap nila si sir kahit saglit lang.
Hindi madaanan ang isang pintuan dahil sa dami ng babae na nag punta doon para dumugin si sir, kaya minabuti ko na lang na sa kabilang pintuan na dumaan. Nasa ikalawang palapag na ako ng nakasalubong ko si Kristoff.
There should be a rule that state na kapag classes hours ay walang taga ibang department ang pumupunta sa building ng iba. I know it sounds selfish pero that would ease my feeling knowing na I wouldn't be able to run into him in our department building.
Lalagpasan ko sana siya pero bago pa man ako makalagpas ay hinarangan niya ako. Pinanlakihan ko siya ng mata. Anong kalokohan na naman ba ito?
"Did you do well?"
"Kanina oo, ngayon hindi na." Mataray na sagot ko sa kaniya.
Imbes na magalit din ay itinaas niya ang kamay niya at pinatong sa ulo ko. He petted me.
Padarang ko na tinangal ang kamay niya sa ulo ko. Anong akala niya sa akin pusa? Nilagpasan ko siya.
"Let's go out." Kamuntikan ko ng ibato sa kaniya ang dala kong libro. Hayop na 'to hindi ba uso sa kaniya ang mag inform ba tahimik lang? Bakit ang hilig niyang ipagkalat ang lahat ang galaw niya?
Hindi ko na siya nilingon pa at nagpatuloy na sa paglalakad. I acted as if hindi ako yung kinakausap niya.
Nasa ground na ako ng tumawag siya. Napatingala naman ako at nakita kong nakadungaw ang loko sa akin at talagang nakangiti pa.
Ang sarap tuloy bigyan ng black eye ulit.
"Akala ko ba hindi ka tumatalikod sa usapan?"
"Hindi naman talaga." Pagalit na sabi ko sa kaniya at bumalik sa paglalakad.
"Bakit mo ako tinalikuran?"
"Kasi nakakahiya ka. Text me the details and I'll come." Sabi ko at binabaan siya ng tawag. Paglingon ko sa building namin ay nag flying kiss pa talaga ang gago. Kadiri!
"Ang aga natin ngayon Avi ah." Sabi sa akin ng librarian ng makita akong pumasok.
"Mag-aaral ho ako ngayon, May susunod na subject pa po ako."
"Ah ganon ba?" Tumago naman ako. "Sige."
Nagpunta naman ako sa tagong pwesto yung madalas kong tambayan kapag ako lang mag-isa. Matagal na din simula nang tumambay ako dito, huli yata nong exam. Yun yung time na napanaginipan ko pa si sir na hinalikan ako. Ang landi landi ko. Imbis na mag-aral ako ay para akong tanga na nakatago ang mukha sa mga palad ko.
"Ayos ka lang?" Napatalon naman ako sa kinauupan ko dahil sa biglaang tanong na iyon.
Kanina iniisip ko lang, ngayon nasa harap ko na.
"Tristan." Napaayos naman ako ng upo.
Kinuha niya ang upuan sa kabilang mesa at inilagay sa mesa ko. So bale mag kaharap kami ngayon.
"Hindi ka na umiiyak o malungkot." Panimula niya.
Natawa naman ako. Naalala ko sabi niya nga pala na sana sa susunod namin na pagkikita ay hindi na niya ako nakikitamg umiiyak o malungkot.
"Hindi na." Isang nakakabinging katahimikan naman ang namayani sa pagitan naming dalawa.
"May nilagay nga pala ako sa bag mo. Magagamit mo yun."
"Huh?" Naguguluhan kong tanong.
"Tingnan mo nalang yung bag mo. Gusto ko pa sanang manatili ng kaunti pa pero may lakad pa ako." Tinanguan ko lang naman siya.
"Mauna na ako." Lumapit naman siya sa akin and he patted my head. Then he left.
Useless naman ang naging stay ko sa library dahIl wala akong nagawa Hindi ako nakapag-aral, ni hindi man lang ako na idlip.
"Bye Av." Sabi sa akin ng Librarian.
"Bye, ma'am."
Habang naglalakad ako ay hinahanap ko naman ang sinabi ni Tristan na nilagay niya sa sa bag ko.
Nakita ko ang isang box na naka gift wrap. Ibinalik ko naman mamaya ko na lang bubukasan.
Matapos ang panghapon kong klase ay nahuli pa ako sa paglabas, may ini-utos pa kasi ang propersor namin na ihatid sa opisina niya hindi ko naman ma hindian. Pagbalik ko sa classroom ay si Joy at si Gema na lang ang naroon naguusap, nang makuha ko ang gamit ko sa room ay nagmadali ako sa pag labas.
"Ahhh." Nasa hamba na ako ng pintuan ng mapasigaw ako dahil sa may humatak ng buhok ko.