May humintong motorsiklo sa harap ko. I am not really particular with motorcycles but this one is big, color black, with a big tank, and has cool noise coming form it.
The driver removed his helmet and to my surprise it was Kristoff.
"Hop in." Hindi naman ako gumalaw agad at ibinalik ang tingin sa telepono.
"Sumakay ka na para maka abot pa tayo sa sususnod mo na klase." Napaisip naman ako sa sinabi niya.
Kung mag hihintay ako dito hindi ko alam kung anong oras pa darating ang tricycle at mabagal din ang patakbo kaya hindi hamak na mas mapapadali ang pagpunta ko sa University kung sasama ako sa kaniya. Just when I'm about to say my decision nasa harap ko na siya holding a helmet.
"Stand-up." Tumayo naman ako mula sa kinauupuan ko.
"Ako na." Sinabi ko sabay agaw sa helmet pero madali lang niyang hinawi ang kamay ko at siya na mismo ang nagsuot sa akin nito.
"Let's go." Sabi niya sabay hila ng kamay ko. Nauna siyang sumakay.
"Sumakay ka na." Ginawaran ko muna siya ng isang tingin bago sumakay sa kanyang motor bike.
"Humawak ka."
"I can manage. Nakasakay naman na ako ng motor noon pa." Kahit na narinig niya naman ang sinabi ko ay kinuha niya pa rin ang kamay ko at siya na mismo ang naglagay sa katawan niya. Nakakahiya man na nakayapos ako sa kaniya hindi na ako nag reklamo kasi baka nagmamadali din siya kasi baka gaya ko ay may hinahabol din siyang klase.
Mabilis naman niya itong pinatakbo. Kagaya nga ng inaasahan ko ay madali lang kami na nakarating sa University. Papasok pa lang kami ay pinagtitinginan na kami. Paano ko mapapatay ang issue kung nakita nila ako na nakasakay sa motor ng lalaking ito?
"Salamat." Sabi ko sa kaniya habang naghuhubad siya ng kaniyang helmet. Matapos kong maiabot iyon sa kaniya ay tumakbo na ako para mahabol ang pangalawang klase ko at para matakasan siya at ang mapanghusgang mata ng mga taga University.
"Buenavista. Is Miss Buenavista around?"
"Ma'am Present po." I was a minute late but I managed na makahabol sa attendance. Naghanap agad ako ng mauupuan. Nakita ko ang pagkaway sa akin ni Darwin, tinuro niya ang bakanteng upuan sa tabi niya. Agadan naman akong nagtungo sa pwesto niya.
"Muntikan na 'yon." Sabi niya. Nginitian ko naman siya at saka umupo sa upuan sa tabi niya.
"Saan ka ba kasi galing?"
"May importante lang akong pinuntahan." Paliwanag ko sa kaniya at saka uminon ng tubig.
"Wala ka din sa unang klase."
"Kaya nga eh." Sagot ko nalang.
Natigil lang sa pagtatanong si Darwin ng magsimula ng mag lecture si Ma'am.
"Sasabay ka ba sa amin nila Themarie na mag lunch?" Tanong sa akin ni Darwin ng matapos ang lahat ng klase namin sa umaga.
"Oo."
"Hindi ka sasabay sa jowa mo?" Pinangliitan ko naman siya ng mata.
"Wala akong jowa." Sagot ko sa kaniya.
"Sus itatago mo pa eh, alam naman ng karamihan."
"Tatangalan ko talaga ng dila kung sino man yang nagpapakalat ng maling balita." Sabi ko naman at saka tumayo.
"Ang harsh naman niyan teh."
Nang makapasok kami sa Cafeteria all eyes are on us. Kelan ba matatapos ang ganitong pangyayari?
Kung hindi dahil sa Kristoff na iyon ay hindi ko mararanasan ang ganitong mga bagay. Pahamak talaga.
Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay napabaling naman kami sa nabilaukang si Darwin.
"Are you okay?" Concern na tanong ko sa kaniya.
"Magakasama kayo ni Kristoff kanina?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya.
"Huh?"
Ipinakita niya sa akin ang litrato na kuha kanina. Katatangal ko lang ng helmet at nakaharap ako kay Kristoff.
"Sabi mo importamteng gagawin? Bakit magkasama kayong dalawa?" Nasa akin ang tingin ni Themarie at Darwin nag aabang sa isasagot ko.
"Ka-" Naputol ang sasabihin ko at sabay kami na napabaling sa tumounog kong telepono na nakapatong sa mesa.
Nag Flash sa screen ang pangalan ni Kristoff. Agad ko namang pinatay ang tawag at ibinalik sa mga kaibigan ko ang atensyon ko.
"Pumunta ako sa bus station kanina para ihatid ang kotse kasi kakailanganin ng kapatid ko, yung mga magulang ko ang nagaantay sa akin doon" Nawawala naman ang atensyon ko sa kanila kasi tumatawag ulit si Kristoff "Sanadali nga lang."
"So na meet ng parents mo si Kristoff?" Tanong ni Themarie habang inilalagay ko sa silent ang cellphone ko.
"Hindi mo man lang ba sasagutin?" Gulat akong napabaling naman ako sa likuran ko.
Nakita ko ang nakatayong Kristoff na may shade habang ipinapakita sa akin ang cellphone niya. Ano na naman ba ang kailangan nito?
Hindi ko naman siya pinansin, pagtingin ko sa mga kasamahan ko napakatahimik lang nila. Parang kanina lang gustong gusto nilang makausap ako.
"Makikiupo ako." Paalam niya pa, nang makita ang pagtango ng mga kasama ko ay naupo siya sa kaharap naupuan ko, sa tabi ni Darwin. Kita ko ang pagkailang ni Darwin.
Pagupo niya ay tumayo naman ako.
"I'll get going, I have an important thing to do."
"Sandali."
Umalis na ako kahit hindi ko pa man tapos ang pagkain. Instead na dumiretso ng lakad lumiko ako at nagtago sa gilid dahil paniguradong susunod sa akin si Kristoff.
I was right ilang segundo bago ako makalabas ng cafeteria ay sumunod siya. Umilaw ang screen ng cellphone ko at nag flash ang pangalan niya.
Nang masigurado na wala na siya ay saka lang ako lumabas at humanap ng ibang daanan papunta sa nadiskubre kong tagong tambayan.
Sa loob ng ilang araw na pag-iwas ko kay Kristoff ay nadiskubre ko ang lugar na ito. Tago, mahangin, at mapuno. May dalawang set ng upuan at mesa wala ring nagtatayugang mga damo. Malinis naman tanging mga tuyong dahon lang kaya masisisguro naman na walang ahas. Madalang lang ang mga nagpupunta dito hindi ko alam kung bakit, marahil ay mas nais nilang mag aral doon sa harap para mas may makita silang ibang mag-aaral. Panay pa rin ang tawag sa akin ni Kristoff, napakarami namang load nito.
I spend my vacant time sa lugar na iyon lumabas lang ako ng malapit ng magsimula ang klase ko. Napabuntong hininga naman ako ng makita ko si Kristoff na naka abang sa hagdan. Nakatayo lang siya doon pero grabe pa rin siya kung makahatak nag atensyon. Wala bang pasok ang isang 'to at aali aligid lang?
I still have 10 minutes bago ang klase ko kaya napagpasyahan ko na sa kabilang hagdanan na lang dadaan.
"Av!" Hindi pa man ako tuluyang nakakababa ay napahinto na agad ako dahil sa sigaw niya. Napa irap nalang ako sa kalawakan. Mahirap na ba talagang makamit ang katahimikan na hinahanggad ko?
Ipinagpatuloy ko nalang anag pag-akyat ko. It's useless nakita na niya ako, lalagpasan ko na lang siya.
"I've been calling you like crazy. Hindi mo man lang sinasagot." Pambungad niya sa akin.
"Wala ka bang buhay? Hindi ka ba napapagod sa kakasunod sa akin?" Pabulong na tanong ko sa kaniya at nilampasan siya.
"Hindi." Napalingon naman ako dahil sa sagot niya.
"Bakit ako napapagod sayo? I never been this crazy like this para sa isang babae, ikaw lang, sayo lang Av."
Ang lalaking naka sunglass na 'to sarap bigyan ng isa pang black eye.
Nakakahiya. May mga tao. Lamunin na sana ako ng building.
"Ang swerte niya naman." Rinig kong sabi ng isang babae.
It's a curse ate! CURSE!
Napailing na lang ako at nagmadali sa pag akyat. Nakita ko ang pagsunod niya.
"Av." Sabi niya sa akin at hinawakan pa ang braso ko.
"May klase pa ako ano ba. Get a life." Sabi ko habang binabawi ang braso ko sa kaniya.
"You're my life."
"Kadiri ka." Nandidiring sabi ko at pumasok na sa classroom namin.
At ang loko hindi pa talaga umaalis at talagang pumasok at sumunod pang talaga. Napatingin naman sa kaniya ang mga kaklase ko. Bilib din ako sa kakapalan ng mukha niya.
"LQ kayo?" Binigyan ko naman ng isang masang tingin so Themarie.
"Walang LQ LQ dito." Sabi ko at saka padabog na umupo.
Umalis ka na. I mouted at him.
"Let's talk." Para siyang tanga na nakatayo sa gilid ni Themarie.
"Oh my gosh." Sabi ko na lang at saka nagsuot ng earphone. Hindi din nakawala sa akin ang masamang tingin sa akin ni Joy.
Bakit ba hindi umaayon ang mga pangyayari sa gusto ko. Mapapadasal ako ng wala sa oras dahil sa mga kaganapan lately sa buhay ko.
Ilang sandali ay pumasok na ang guro namin. Sa wakas at aalis na din ang isang ito.
"Good afternoon class. Oh andiyan ka pala Mr. Chen." Gulat na sabi ni Sir ng makita si Kristoff.
"Good afternoon sir." Sabi niya naman.
"Anong ginagawa ng isang nursing student dito sa Education department?" Ng magawi sa akin ang tingin ni sir ay nagsalita agad siya na parang alam niya na agad ang sagot. "Oh I see nasa klase ko pala si Avi, ang girlfriend mo."
"Huh? Sir hindi ho." Agaran kong sabi.
"Ah hindi pa ba? Nanliligaw ka pa rin ba Mr. Chen?." At ang loko nagkamot ng ulo at tumango pa talaga.
"Ang hina mo naman." Seriously?
"Mahirap ho talagang ligawan si Avi sir."
Narinig ko naman ang hiyawan ng mga lalaki. Kung nakakahiya siya kanina mas nakakahiya siya ngayon.
Sa huli ay nanahimik na lang ako kasi kahit ano pang sabihin ko ay hindi naman nila ako pinaniniwalaan.
Sa buong klase ko ay puro kahihiyan lang ang naramdaman ko.
"Huwag ngayon Joy puro kahihiyan na ang natanggap ko. Pagpahingahin mo muna ako." Sabi ko at saka nilampasan siya at ang alipores niya.
Nasa library na ako at nag-aayos ng libro.
"Bakit ang dami niyo ngayon?" Tanong ko sa mga libro na isasauli. Nami-miss ko tuloy ang pagtulong ni Kristoff.
"I'm off miss." Sabi ko sa librarian.
Gabi na ng natapos ako.
I was massaging my head habang papalabas na ako ng hallway.
"Ahh." Napatili naman ako dahil biglaang humablot sa akin.
Nalunod naman agad ito dahil sa kamay na nakatabon sa kamay ko. Kumalma naman ako ng makita kung sino iyon.
Ano bang problema ng lalaking ito at ang hiling mang hila at mangkulong?
Binigyan ko siya ng masamang tingin at iwinakli ang kamay niyang nasa bibig ko. This time he's not wearing his glasses.
"Tabi ka nga." Sabi ko sabay hawi sa kaniya para makadaan. But he did not allow me to pass, kinuha niya ang kanang braso ko but he pinned me to the wall.
Sinong nag sabi na pinning someone into the wall is sweet? Hindi kaya ang sakit kaya sa likod.
"Ano ba?" Sabi ko sabay tulak sa kaniya. Ni hindi man lang talaga siya nagalaw sa pwesto niya. "Ang hilig hilig mong manghablot kaya ka nasusuntok eh."
"Bakit ba kasi ayaw mo akong kausapin? Tandaan mo may atraso ka pa sa akin."
"At ikaw wala?" Natahmik naman siya sa tanong ko. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para maka alis.
Pero sumunod pa talaga siya at hinablot ang kamay ko.
"I'm-"
"Ano ba? Kung wala kang gagawin ako marami pa, kaya pwede ba tigilan mo na ako." Frustated na sabi ko sa kaniya.
"I'm sorry okay, naiintindihan ko kung bakit ka galit at dahil iyon sa hinalikan kita."
"Alam mo naman pala bakit nagpupumilit ka pa?"
"But it was just a kiss." Agarang kumulo ang dugo ko dahil sa sinabi niya.
"Just a kiss? Maaring maliit na bagay iyon para sa iyo, pero para saakin hindi! Ang maliit na bagay para sa iyo ay malaking bagay para sa iba."
"Ca-"
"Naiintindihan kong maramin kang karanasan sa mga ganiyang bagay, pero huwag mo akong igaya sayo." Nakita ko ang pagyuko niya.
"Huwag mong gawing basehan ang sarili mo kasi magkaiba tayong dalawa! Kung nakikipagkarera ka para sa pag-ibig, ako hindi. Iba kasi yung hinahabol ko, diploma! I want to succeed kasi I was a failure in the eys of my own family! Kaya please lang huwag ka ng dumagdag pa sa problema ko."
"Huwag mo naman akong pagtaguan."
"What do you expect me to do? Welcome you with open arms? After that night, you expect me to treat you better? Ilagay mo yung sarili mo sa sitwasyon ko, ninakawan kita, magiging mabuti ka pa sa akin?"
Hindi niya ako masagot kaya tinalikuran ko na siya.
"Kristoff is court-"
"Not now." Malamig na sabi ko kay Shen at nilampasan siya.
Nahiga agad ako sa bed ko. Napakasakit talaga ng ulo ko. I closed my eyes for a couple of minutes. Napagpasyahan ko na tumayo na para kumain at uminom ng gamot.