Ika-tatlumpo't apat na Kabanata

2272 Words
"I got you." He pinned me into the wall. Nakita ko siyang lumabas sa pintuan kanina kaya paanong andito siya sa harap ko? "Bitawan mo nga ako." Sabi ko habang nagpupumiglas. "I can't, kung bibitawan kita iiwasan mo naman ako and your so good at it. Damn, gusto ko lang naman bigyan mo ako ng pagkakataon." "Ayoko nga diba." Bwesit naman eh kung bakit ba kasi ang tahimik na ng alley. "Bakit ba?" "Bitawan mo na muna ako then I'll talk to you. Promise." Kita naman sa itsura niya na ayaw niyang gawin pero unti-unti niya namang lumuluwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Inayos ko naman ang sarili ko. Inilagay ko ang takas na buhok ko sa likod ng aking tainga, inayos ang laylayan ng damit ko, at ibinalik ko ang nahulog na strap ng bag sa balikat ko. Habang inaayos ko ang sarili ko ay nakatitig lang naman siya sa akin. Naging alerto naman siya sa galaw ko kaya ng naglakad ako ay agad niya akong hinarang gamit ang kamay niya. "Uupo lang ako okay?" Sabi ko sa kaniya habang nakaturo sa upuan. Nagsimula akong maglakad patungo sa upuan ng umayos na siya ng tayo. "Upo ka." Sabi ko sa kaniya ng makita siyang nakatayo lang sa harapan ko. Pinili ko talaga na maupo sa upuang madali lang akong makakatayo. Hindi ako makakalabas gamit ang pintuang nasa malapit kaya dapat sa likod ako dumaan. Tiningnan ko naman ang kakaupo na Kristoff nasa katabing upuan ko siya kaya di hamak na matatagalan siya sa pagtayo. Nang harapan ko siya and he is biting his lips. Napaiwas naman ako ng tingin ng maalala ko hinalikan na pala ako ng labing 'yan. Kumukulo pa rin yung dugo ko sa tuwing naiisip ko iyon. "So bakit b-" Hindi na niya na natuloy ang sasabihin niya ng biglaan akong tumayo sa kinauupuan ko at tumakbo. Narinig ko ang pagkatumba ng mga upuan, hindi na ako lumingon pa. Talagang tumakbo lang ako palayo sa kaniya. Malapit na akong makalabas sa pintuan ng mahuli niya ako sa bewang. The next thing I know ay naidikit na naman niya ako sa dingding. "Let me go." Galit na sigaw ko sa kaniya habang nagpupumiglas sa hawak niya. "Stay still or I'll kiss you." Pilit parin ako na kumawala sa hawak niya. "Gusto mo talagang mahalikan ah." Than he lowered his face. I was so desperate kaya sinubukan ko na tuhodin siya. Madali naman niya nasanga ang tuhod sa pamamagitan ng pagkakawala ng isa kong kamay para mapigilan ang tuhod ko na tumama sa private area niya. "Not to fast." Amoy at ramdam ko ang pagtama ng hininga niya sa mukha ko. Then he continued on lowering his face it was so close so I used my free hand at sinuntok ko siya sa mukha. "Ouch." Nakawala naman ako sa pagkakahawak niya. Kaya lumayo ako agad. "Oh my gosh. I'm so sorry okay ka lang ba?" Bobo Avi syempre hindi. Nakahawak siya sa parte ng mukha niya kung saan ko siya nasuntok. "Magkakablack eye pa yata ako." Sabi niya. "Let's go to the clinic, ikaw kasi." I'm so guilty. Paano kaya kapag nagsumbong to sa students discipline o sa dean patay ako, baka hindi na ako maka graduate pa. Agad ko na kinuha ang kamay niya at hinila siya patungong clinic, mabuti at hindi siya nagmatigas at nagpatianod sa hila ko. Sa tuwing may nadadaanan kami na estudyante ay napapabaling sila sa gawi namin. Bakit ang daming tao dito sa baba pero kanina sa itaas wala man lang ni isa? Agad naman siya nilapatan ng cold compress. "Ano bang nangyari dito?" Tanong ng nurse kay Kristoff. Ang lalaki na ng pawis ko, kahit malamig naman ang kwarto habang hinihintay ang isasagot niya. Huwag mong sabihin please lang. Gusto ko pang makauwi ng bahay. I was pleading to him inside my head hoping he'll hear it. "Sa katangahan ko lang ho ito. Hindi naman sinasadya." Na tanggalan naman ako ng tinik sa dibdib dahil sa isinagot niya. "You should be careful next time, sayang yung pagka gandang lalaki mo." Then the nurse left. "Sorry." I apologetically said. "Do you really have to punch me?" "Kasalanan mo din naman, hindi sana kita masusuntok kung hindi mo ako inambahan na hahalikan." "I was not supposed to kiss you okay. Panakot ko lang iyon sayo." "How was I supposed to know? Ang lapit mo na. Nagawa mo na noon kaya paano ako magtitiwala sayo? " Sandali naman siyang natahimik dahil sa sagot ko. "Regardless, ako yung nasaktan sa ating dalawa." Parang hindi ko magugustuhan ang tungo ng usapang ito. "Kasalanan mo din naman." "Isusumbong kita, what do you think will happen?" Natawa naman ako ng bahagya. "Sabi ko na nga ba." "Okay ipapamedical ko ito bukas na bukas, ibibigay ko sa dean. What do you think?" Nagbalik naman sa utak ko yung sinabi ni mama na hindi ako makakauwi kapag wala akong dalang diploma. Nahilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. "What do you want?" I helplessly asked. Nakita ko ang pag guhit ng ngiti sa labi niya. "Go out with me." That's easy. "Ten times." "What?" "Okay 8 times." Hindi ko mapigilan na pagkunotan siya ng noo. "I have a boyfriend." "I don't believe you. It's either you go out with me or you'll face the punishment." I gritted my teeth. "Okay six times." Palugit niya. "Four." "I'm fine with that basta ba hahayaan mo akong halikan ka whenever I wanted to." "Ano?" His idea is getting crazier. "I'm fine with six minus the kiss." "Okay then." Tumayo na ako par iwanan siya. "Wait." "Ano na naman?" Galit naman ako na bumaling sa kaniya. "After our six dates. I'll ask you again then you decide if you'll let me court you or not. By that time tatanggapin ko na yung decision mo." My decision will remain the same for sure. Matapos niyang sabihin iyon ay iniwan ko na siya doon na mag-isa. "Hindi na sako sasabay. Sige pasensya na." I called Themarie to inform her I wont be eating with them. I decided to sit in the benches na lang sa harap ng building ng department namin. I was watching my nails as if that would make my hunger go away nang biglang tumunog ang phone ko. Napa ayos naman ako sa pag-upo. "Hello, ma?" "Av." "Po?" This is the second time na tawagan ako ni mama simula ng umalis ako sa bahay. "Kukunin namin ang sasakyan mo bukas?" "Po?" Kukunin? Bakit? "Gagamitin ni Troy." Pero anong gagamitin ko kapag uuwi na ako? "Malapit lang naman si Troy si bahay ma, may saaakyan naman si papa." "You do not use that car naman, kasi nasa dorm ka nagkatira." I can now sense her anger. "Paano kapag uuwi ako?" "At sinong nagsabi na uuwi ka? Gagamitin mo lang din naman iyan sa paglalakwatsa mo, mas mabuti ng dito 'yan. Kukunin na namin yan bukas." Hindi naman ako naglalakwatsa. Isa pa, that car was a gift for me. "Okay." Sagot ko. Bago pa man ako makapagpaalam ay binabaan na niya ako. "Mabuti na din siguro iyon." Sabi ko sa sarili ko at bumuntong hininga. "Ang lalim." Napabaling naman ako sa biglaang nagsalita. Bakit ba ang daming umaaligid sa akin na problema. He handed me a plastic bag na mataray ko lang na tiningnan. "Kunin mo na o isusumbong kita." Naka shades na siya ngayon. Padarang ko naman na kinuha ito mula sa pagakakahawak niya at tumayo na dala ang gamit para makawala sa kaniya. "Sungit." Sigaw pa niya habang papalayo ako. I started and ended my afternoon class with an empty stomach. Ni hindi ko na nakita ang ang laman ng plastic bag na bigay niya. "Ano 'yan?" Tanong sa akin ni Gia magkaklase kami sa course na ito. "Iyo na." Agad ko namang ibinigay sa kaniya ang plastic bag at lumabas agad para makapag ayos sa library. Mabuti na lang at walang Kristoff na nanggambala sa akin sa library. "Did you see Kristoff?" "Yes, he was so handsome with shades on. Pero may chicka na kaya naka shades dahil may black eye." "Have you also heard that he and her girlfriend from the education department si Avi Charlotta yata ang pangalan, they hurried to the clinic, holding hands." Then they both shriek dahil sa kilig. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nila. Nasa likod lang ako ng shelf kaya rinig ko sila. Sabay naman sila na nagulat at umalis ng makita nila ako. "This is a place to study, read, and learn." Bulong ko sa sarili ko. This is not the place to gossip at magpakalat ng maling balita. "Single kaya ako." Then I proceed to the shelf na pagsasaulian ko ng libro. Nakauwi naman ako sa dorm na walang Kristoff na nakasunod o naka abang. Nasa kalagitnaan ako ng paghahanap ng RRL ng tumunog ang telepono ko para sa panibagong mensahe. Kristoff: Nakauwi na ako sa dorm ko. Medyo natagalan ako sa pag-uwi dahil matagal natapos ang klase ko. I was about to eat my dinner, kumain ka na rin huwag kang magpapalipas ng gutom. Natapaas naman ang kilay ko sa laman ng mensahe niya. "Anong paki-alam ko sa buhay mo?" Sabi ko at ibinaba na ang telepono ko at bumalik sa ginagawa ko. After I finished searching for a good RRL I logged in to my social media account to remind my group mates for their part. I waited for a few minutes for their reply pero seen lang ang natanggap ko mula sa kanila. Tumunog naman ang notification ng messaging app ko for another message. Nag pop-uo ang chat head na may mukha ni Kristoff. Kristoff: You should sleep, it's late. Don't spend too much time scrolling on your social media. Awtomatiko na napataas ang kilay ko sa kaniya. I don't use social media that much, nag log in lang ako today to inform my group. Pero syempre hindi ko na siya nireplyan pa at nag log-out na lang. After doing my night routine I decided to sleep. The next day maaga ang pasok ko. Habang naglalakad ako papunta sa room ay tumunog ang telepono ko para sa panibagong tawag. Agad ko iyong sinagot ng makita na si mama ang tumatawag. "Good morning ma." "Andito na kami sa bus station ihatid mo na ang sasakyan." "Ma may pasok ako." Magsisimula na iyon ilang minuto mula ngayon. "Wala akong paki-alam. Gusto kong ihatid mo na yung sasakyan ngayon din." "Can't it wait b-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa sinigawan na niya ako. "AVI! Ihatid mo na 'yan ngayon din." Then the line died. Napa buntong hininga na lang ako, tumalikod, at naglakad papuntang parking ng school. Nabigla na lang ako ng may humablot ng kamay ko. "Iniiwasan mo na naman ba ako?" Sabi ni Kristoff ng maiharap niya ako sa kaniya. May tono ng nagpipigil na galit ang boses niya pero hindi ko makita ang mga mata niya. Napansin ko naman ang mga tinginan ng mga nakapansin sa amin, may iba pang nagbulungan. Hinablot ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. "Tumigil ka nga, ni hindi nga kita nakita." Sabi ko at tinalikuran siya. "Tumalikod ka agad ng makita mo akong naglalakad papalapit sayo." At talagang sumunod pa talaga siya. Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. I was stopping my self from shouting kasi nakakahiya at nasa amin pa rin ang atensyon ng iilan. Magdudulot na naman iyon ng panibagong issue. "Hindi kita nakita okay? Tumalikod ako kasi pupunta akong parking lot at aalis ako. Kaya pwede ba? huwag kang masyadong feeling." "Wala ka bang pasok?" "Paki-alam mo ba?" Sabi ko saka ko siya iniwan. Madali lang naman ako na nakalabas. Makalipas ang halos kalahating oras ay nakarating din ako sa distinasyon. "Pa." Nagmano ako sa kaniya. "Ma." Tinanggap naman ni mama ang pagmamano ko pero bahagya niya din namang inilayo ang noo ko sa bandang huli. "Akin na agad yung susi ng makaalis na kami." Iniabot ko naman agad sa kaniya ito, nang makuha ang susi ay nilampasan na niya agad ako at pumunta sa nakaparadang kong sasakyan. "Tara na!" Sigaw ni mama kay papa. Tinapik lang ni papa ang balikat ko at sumunod naman kay mama. "Hindi niyo man lang ba ako kukumustahin?" Sabi ko sa kanila bago pa sila makapasok sa kotse. "Hindi. Hindi naman kami interesado sa kung aning nangyayari sa buhay mo kaya huwag kang mag inarte." Sagot ni mama at pumasok na siya sa passenger's seat. Si papa naman ay walang choice kundi ang bigyan ako ng nakakaawang tingin pero kalaunan ay pumasok din. Then they left. Wala akong choice kung hindi ang mag tanong tanong sa kung saan ba ang sakayan pa puntang University. Napaka dalang ko lang kasing lumabas kaya hindi ko alam. Pagpunta ko namang sakayan wala ng masasakyan, kailangan ko pang mag hintay. Absent na ako sa unang klase ko mukhang hindi ko pa mahahabol ang ikalawang klase ko sa araw na ito. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at naisipan na mag log in na lang sa aking social media account, pampalipas oras. Nakatanggap pa ako ng mensahe mula kay Themarie. Themarie Nasaan ka na? Absent ka ba? Andito na si ma'am magsisimula na bilisan mo na. May nakapagsabi na kaya wala ka dahil nag-away daw kaayo ni Kristoff kanina may nakakita daw. Totoo ba? Ang bilis kumalat mg mga maling balita. Ni replayan ko naman siya. Avi Charlotta Hindi ako nakapasok kasi nakipagkita si mama at papa sa akin. Kinailangan kong lumiban sa klase para mapuntahan sila.  Saktong pag sent ko ng mensahe ay may humintong motorsiklo sa harap ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD