CHERINAH’S POINT OF VIEW “Taray. Nasa Camiguin highland resort kayo ngayon? Kayong dalawa lang ng boss mo?” pang-aasar ni Almiera. Kanina pa kami nag-uusap, pero gano'n pa rin ang banat niya sa akin. Paulit-ulit akong inaasar at sa t'wing may sasabihin ako ay hindi naman siya naniniwala. “Oo nga. Sa may Mambajao. At FYI, lang. Hindi kami magkasama sa iisang kwarto.” Saad ko. Kaagad na kumunot ang noo ko nang marinig ko ang malisyosa niyang halakhak. Kung hindi lang talaga siya ang nagbabantay sa anak ko ay aawayin ko talaga siya nang husto. “Whatever, Cherinah. Ang mahalaga ay nasa iisang lugar iyon. Sapat na dahilan na iyan para mag-loving loving kay—” “Bw*sit ka talaga!” Pagputol ko sa kanya at kaagad na ibinaba ang linya. Ilang segundo pa ay nag pop-up ang isang message gal

