THIRD PERSON'S POINT OF VIEW Matinding pagtataka ang naramdaman ng binatang si Kael, nang magising siya at napagtanto niyang nasa ibang kwarto siya. Napabalikwas ito nang bangon ng maamoy niya ang pamilyar na pabango ng dalaga sa kanyang unan. Iginala niya ang kanyang paningin sa paligid, ngunit wala siyang nakita kahit na isang tao. Pero kahit gano'n pa man ay nakahinga ito nang maluwag nang makumpirma niyang nasa kwarto siya ni Cherry. Bumaba ang tingin niya sa kanyang katawan at naging kampante ito nang makita niyang may suot siyang damit. Ilang sandali pa ay nag-angat siya ng tingin dahil sa mga yabag ng paa at papalapit iyon sa direksyon niya. Hindi nga siya nagkamali ng makita niya ang dalaga, nakasuot ito ng pajamas at may dalang baso na puno ng tubig at gamot. “May ginawa ba

