CHAPTER 11 CHERRY'S POINT OF VIEW “You know what? We can just leave if you don't like this place.” Mula pa kanina ay iyon ang paulit-ulit na sinasabi niya sa akin. Ngunit, nakakahiyang gawin iyon dahil P.A niya lang ako tapos ako pa itong nag-iinarte. “Okay lang po, Sir. Dito na lang tayo.” Tugon ko at inabot ang tinidor na nasa tabi ng aking plato. Ramdam ko pa rin ang mata niyang nakatutok sa akin, pero pinagsawalang bahala ko na lamang iyon. Maya-maya ay narinig ko ang isang waiter, lumapit ito sa aming mesa at nagsalin ng inumin sa aking baso. Nag-angat ako ng tingin, ngunit kalaunan ay iniwas ko din iyon dahil namumukaan ko ang waiter na nasa harapan ko. Siya rin ang waiter na nagse-serve sa mesa namin noon ni Nick. Isa sa mga saksi kung ano ang nangyari sa araw na iyon.

