KAEL’S POINT OF VIEW “Oo! Dahil mas magiging maganda kung gano'n ang nangyari. Kasi dahil sa ginawa mo ngayon ay mas lalo niya lang akong guguluhin. You don't know my sister, ang babaeng ‘yon ay gagawin ang lahat para lang sirain ako at ipahiya ako sa harapan ng maraming tao.” “Kinuha niya lahat sa ‘kin. Ang mga magulang ko, ang mga bagay na pinaghirapan ko. Pati na ang asawa ko ay inagaw niya sa akin. Lahat ng meron ako ay nasa kanya na dahil inagaw niya!” Fvck that a*sh*le… Isinandal ko ang buong bigat ko sa sandalan ng couch, nakatitig pa rin sa labas ng bahay at patuloy na iniisip ang mga katagang binitawan ni Cherry kahapon. And I couldn't believe that a*sh*le treated her like that. He chose a trash over a treasure. “May mga tao pa rin talagang b*bo sa mundong ‘to,” umiiling

