CHERRY'S POINT OF VIEW
Kasalukuyan akong nakatayo ngayon sa harapan ng building kung saan ako nagbabalak mag-apply. Habang pinagmamasdan ang napakatayog na gusali ay hindi ko mapigilang mamangha, nakakalula ang taas nito na halos hindi na maabot ng paningin ko ang pinakatuktok nito.
Napalunok ako at pagkatapos ay nagbaba ng tingin sa entrance, napangiti ako bigla dahil ngumiti ang security guard sa akin. Hindi ko tuloy mapigilang makaramdam ng pagkailang..
Nagsimula na akong humakbang papasok sa loob, bitbit ang brown envelope, kung saan nakapaloob ang iilang requirements ko, dahil naipasa ko naman na ang aking resume kahapon.
Dumiretsyo na kasi ako rito pagkatapos kong dumaan sa clubhouse, mabuti na nga lang din at pumayag ang boss ko sa pag-resign ko at mukang hindi naman masama ang loob niya sa akin.
“Pwede kang bumalik ulit dito upang magtrabaho kung magsawa ka na sa magiging bagong trabaho mo.”
Iyon ang sabi niya na siyang ikinatuwa ko din naman, sapagka't bihira lang ang gano'ng klaseng boss.
“Good morning, Ma'am. Isa po ba kayo sa may interview ngayon?” salubong na tanong sa akin ng isang staff.
Magiliw akong tumango at ipinakita ang appointment ko. Ngumiti ito at pagkatapos ay iginiya ako kung saan ang opisina ng CEO.
Pumasok kami sa loob ng elevator, napamaang ako ng makita kong pindutin niya ang 38th floor.
“Baka hindi pa ako umabot sa palapag na iyon ay mahimatay ako bigla.” Sa isip ko.
Makalipas ang ilang minuto ay huminto ang elevator, bumukas iyon pagkatapos ay bumaling muli sa akin ang lalaking staff na kasama ko. Inilahad nito ang kamay niya para sinyesan akong mauna ng lumabas .
Tumango ako at agad na ginawa ang kanyang sinabi, pero gano'n na lamang din ang pagkatigil ko ng makita ko ang nakapiling mga upuan sa palapag kung nasaan ako nakatapak. Gaya ko ay may hawak rin silang mga brown envelope.
“Ma'am, dito na lang po kayo maghintay. Mr Dela Vega’s secretary will come out to call for another name. At hintayin niyo na lang din na tawagin ang pangalan niyo.” Paliwanag niya.
Tipid akong ngumiti at umupo sa bakanteng silya, sunod-sunod na bumubuntong-hininga dahil sa kaba na nararamdaman ko ngayon.
Sobrang dami kasing naghihintay, at swerte ko na lang talaga kung ako anc matanggap bilang personal assistant ng CEO. Ang gagara pa naman ng suot ng iba, samantalang ako naka-pencil skirt at puting long sleeves na naka-insert sa skirt ko at isang itim na three inch sandals.
Ilang sandali pa ay nagulat ako nang biglang may sumulpot sa tabi ko, bumaling ako sa kanya at kaagad na sumalubong sa akin ang malawak nitong ngiti.
“Apply ka din para maging personal assistant?” masuyong tanong niya.
Tahimik akong tumango at bahagyang inangat ang hawak kong brown envelope.
“Ngayon pa lang masasabi kong may nanalo na,” mahinang saad niya.
Kumunot ang noo ko at hindi pa din inaalis ang tingin ko sa kanya.
“Kita mo yan…” aniya habang isa-isang tinuturo ang mga nasa unahan namin. “Isa lang sa atin ang matatanggap bilang personal assistant, pero kahit gano'n pa man ay walang uuwi ng luhaan,” dugtong niya na hindi ko maintindihan.
Muli siyang bumaling sa akin at ngumiti, “Ang ibig kong sabihin ay may trabaho pa rin ang mga hindi natanggap sa posisyon. Binibigyan pa din sila ng trabaho ng CEO. Marami siyang building kung kaya ay roon niya ipinapasok ang mga hindi qualified sa posisyon.” Wika niya.
Napatango-tango ako ng makuha ko kung ano ang ibig niyang sabihin.
At kumalma rin ako dahil posible pa rin palang magkaroon ako ng trabaho kahit hindi bilang isang personal assistant.
“Ms, Cherinah Alejandro?”
Mabilis kong tumayo ng marinig ko ang pangalan ko. Nahagip ng paningin ko ang lalaking nakatayo sa labas ng opisina, at nang nagtama ang paningin naming dalawa ay muli siyang nagsalita.
“Please come in.” Sambit nito at agad na din naman akong naglakad.
Dahan-dahan kong pinihit pabukas ang pintuan ng opisina at kahit hindi pa ako tuluyang nakapasok sa loob ay sumalubong na sa akin ang malamig na hanging nagmumula sa Aircon.
Wow…..
Palihim kong sambit dahil sa ganda ng interior design ng buong opisina. Wala kang makitang light colors, maliban na lamang sa liwanang na nanggagaling sa labas na pumapasok sa bintana.
“Sit down,” baritone boses na saad ng lalaki na sa tingin ko ay ang CEO.
Dahan-dahan akong gumalaw na halos pati paghinga ko ay pinigilan ko sa takot na baka ma-istorbo ko ito. At nang tuluyan na akong maupo sa harapan nito ay hindi ko napigilan ang bahagyang pag-asang ng bibig ko.
Nakayuko nga ito, pero kitang-kita ko pa rin ang angling kagwapuhan niya. He sat there like a shadow carved from midnight, tall, immovable, terrifyingly still. Nakaupo siya sa kanyang swivel chair na para bang trono iyon ay siya ang hari.
He hadn’t spoken a word, pero ramdam ko ang matinding presensya niya na siya ring bumabalot sa buong silid.
His hair was slicked back, every strand disciplined, exposing the sharp lines of his forehead and those dangerous, low-set eyes that barely blinked. One hand rested on the desk, habang ang isang kamay niya ang nasa kanyang bibig at kung minsan ay nilalaro niya ang kanyang labi gamit ang daliri niya.
Bumaba ang tingin ko sa patungo sa kanyang ilong, The faint light from the overhead lamp cast shadows over the ridge of his nose and jaw, na kahit ang anino niya ay gwapo ring tingnan.
Ilang sandali lang ay nakita ko ang bahagyang paggalaw ng papel na hawak niya, hindi dahil sa hangin kundi dahil sa biglang paggalaw na kanyang ginawa.
Then his eyes lifted.
Muntik akong nahulog sa kinauupuan ko ng magsalubong ang aming mga mata. Doon ay mas lalo akong namangha dahil sa kulay ng kanyang mata.
An amber gold, at mas lalong kumikinang iyon sa t'wing natatamaan ng liwanag ang kanyang mga mata.
“S-sorry,” mabilis kong pahinge ng paumanhin ng ma-realize kong kanina ko pa pala siyang tinititigan.
Nag-iwas ako ng tingin at halos mapunit ko na ang hawak-hawak kong brown envelope dahil sa sobrang hiya.
“Why did you apply for this job?” biglang sambit niya na siyang nakakuha ng atensyon ko.
“Because I needed the money, Sir,” walang paligoy-ligoy kong sagot.
Kitang-kita ko kung papaanong bahagyang tumaas ang sulok ng labi niya.
He leaned on his chair while keeping his gaze on mine. “I know everyone needs money, what I wanted to hear was your reason,” kalmadong aniya at nanatili pa ring nakatingin sa akin.
Humigpit ang hawak ko sa brown envelope, ramdam ang labis na panginginig ng labi ko at maging ang mga kamay ko ay nanginginig din.
I took a deep breath, before turning my gaze on him. “I have to pay hospital bills, Sir. Nagsu-sweldo ng malaking halaga ang kumpanya niya kung kaya ay naisipan kong mag-apply,” diretsyo kong tugon.
Ilang sandali ay natigilan ako nang bigla itong ngumiti. Hindi sarkastikong ngiti, kundi toto. He smiled genuinely and at that moment, I already feel calm.
“I like your answer. Masyadong praktikal at walang halong pagpapanggap.” Aniya at pagkatapos ay may pinindot na kung ano.
Napatingin naman ako sa aking likuran ng bumukas ang pintuan at pumasok ang lalaking tumawag sa akin kanina.
“Give her the advance salary, together with my schedules and everything. Also, give her the key of one of our cars.” Ani nito.
Hindi ko alam kung tama ba iyong narinig ko o guni-guni ko lang lahat.
Sasakyan?
Binigyan ako ng sasakyan at may advance payment pa?
“Tanggap na po ba ako?” paniniguro ko.
He clicked his tongue and a few seconds later, he pushed the paper in front of me.
At halos mapatalon ako sa tuwa ng makita kong pinirmahan na nito ang mga papeles ko pati na rin ang kontrata ko bilang Personal assistant niya.
“You can start tomorrow, Ms Alejandro.” Saad nito.
Uminit ang magkabilang sulok ng mata ko habang kinukuha ang mga papeles ko.
“Thank you very much, Sir. I promise that I will do my best so you won't be disappointed about choosing me.” Usal ko at kulang na lamang ay lumuhod ako sa harapan nito upang ipakita ang labis na pasasalamat ko.
Tipid lang itong ngumiti, at pagkatapos ay tinalikuran niya ako at pinagmasdan ang mga portrait na nasa harapan niya. Tumalikod na rin ako at sinundan ang sekretarya niya palabas ng opisina, muli ay pumasok kami sa elevator at pinindot nito ang ground floor.
Hindi nagtagal ay tumigil na ang elevator at pagbukas nito ay nasa parking lot na kami. Napatingin ako sa kaliwang direksyon ng tumunog ang isang sasakyan.
“Starting today, that car is yours. That's provided by the company and it has insurance so you don't have to worry about anything,” mahinang usal nito.
Lumingon ako sa sekretarya, inabot niya sa akin ang susi.
“Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?” kaswal kong usal.
Ngumiti ito at pagkatapos ay ipinakita niya ang kanyang ID. “Lanzi Chavez,” tipid niyang pagpapakilala.
Tumango lang ako at agad na din naman siyang tumalikod at nagsimula ng humakbang paalis.
Humarap ako sa kotse. At maya-maya pa ay nagsimula akong tumakbo upang laioitan ito ay hinalikan-halikan.
Napaka-swerte ko…..
******
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
“That's her, right? The woman you've been searching for years?” agad na tanong ni Lanzi, nang makabalik na siya sa opisina ni Kael.
Naka-krus ang mga braso nito habang nakatitig pa rin sa isang portrait na nakalagay sa kanyang opisina.
“Did she like the car?” tanong niya pabalik sa kanyang sekretarya.
“I think she does. She almost cried the moment she saw the car.” Tugon ni Lanzi na ikinangiti ni Kael.
Ini-imagine niya ang masayang mukha ng dalaga habang nakasakay ito sa sasakyang ibinigay niya sa kanya.
“Now that you finally saw her, what would you do next?” Lanzi, ask again.
Malalim na bumuntong-hininga ang binata habang unti-unting bumaling sa gawi ni Lanzi. Nakapamulsang humarap sa kanya si Kael, at ilang segundo pa ay nagbaba ito ng tingin sa resume ni Cherry.
“I will do everything to keep her beside me. I'm even willing to give her one of Dela Vega's Condo units just to make sure that she'll had reasons to leave this job.” Saad ni Kael.
Hindi makapaniwalang natawa si Lanzi, dahil sa sinabing iyon ng kaibigan niya. Hindi niya lubos maisip na magiging ganito ang binata dahil lamang sa isang babae.
“Don't you think it's too much?” nakataas kilay niya pang asik.
Kael smirked at him. He's showing that he doesn't give a fvck at all.
“Nandito na siya, Lanzi. And h*ll I'm wasting time just to let her disappear from my sight again.”
TO BE CONTINUED….