CHERRY'S POINT OF VIEW Five years later…. “Ano ulit ‘yon, Almiera?!” pasigaw kong sambit sa telepono. Sobrang ingay kasi ng paligid kung kaya ay hindi ko marinig kung ano ang sinasabi niya. “Hey, Cherinah.” Sambit ng kung sino mula sa aking likuran. Binalingan ko ito habang nanatili pa ring nakadikit sa aking tenga ang telepono. “Is there a problem?” kyuryusong tanong ng isa sa mga ka-trabaho ko. Umiling lang ako at sinenyasan siyang okay lang ang lahat. Pagkatapos niyon ay tumango lang din siya at bumalik sa kanyang pwesto. “Hey, Almiera. Nandyan ka pa ba?” muling sambit ko dahil wala pa rin akong narinig na sagot mula sa kanya. Maya-maya lang ay natigilan ako ng umalingawngaw ang malakas na pag-iyak ng anak ko. Sandali akong naging blangko, gumapang ang matinding kaba

