CHAPTER 06

1645 Words
CHEERY'S POINT OF VIEW “Anong ginagawa mo rito?” Iyon ang unang bungad sa akin ni papa, matapos niya akong pagbukas ng pinto. “P-pa,” mahinang sambit ko, pero nanlumo ako ng binigyan niya ako nang isang masamang tingin. “Wala akong anak na malandi! Akala mo ba ay kakampihan kita sa nangyari sa inyong dalawa ni Nickolas?!” Singhal niya. Napayuko lamang ako, at maya-maya ay narinig ko ang boses ni Mama. “M-may relasyon sila ni N-natash—” “Hindi ko kailangan ang paliwanag mo! Umalis ka sa pamamahay ko dahil ayaw ko sa salot na kagaya mo! Wala akong anak na katulad mo!” pagputol sa akin ni Papa. Hindi ko inaasahan na maririnig ko iyon sa kanya. Bumaling ako kay Mama, upang humingi ng tulong, pero nabigo ako dahil wala itong pinag-kaiba sa paraan kung paano ako tinitingnan ng mga taong nasa restaurant. Puno ng panghubusga ang kanyang mga mata. Bakas at pagkadisgustong makita ako ngayon sa kanyang harapan. “Pa… pakinggan niyo naman muna ako,” sambit ko na halos magmakaawa na sa kanila. Naikuyom ko ang kamao ko habang patuloy na bumubuntong-hininga. Pinipigilan ang sariling mapaluha para makapag-paliwanag ako nang maayos. “At ano ang sasabihin mo? Papaniwalain mo na naman kami na wala kang kasalanan at ang kapatid mo ang may kagagawan kung bakit huniwalayan ka ng asawa mo? At malalaman ko pa mula kay Nickolas, na buntis ka pero hindi kanya ang batang dinadala mo?” “Dahil anak naman talaga niya itong nasa sinapupunan ko! Siya lang ang lalaking hinayaan kong umangkin sa katawan ko, dahil siya ang asawa ko!” emosyonal kong sambit. Halos bumaon na ang ngipin ko sa aking labi dahil sa pagpipigil kong umiyak, pero wala talaga.. kahit anong gawin ko ay kusang pumapatak ang mga luha ko. Sobrang bigat na ng nararamdaman ko na para bang may sasabog sa kaloob-looban ko na hindi ko alam. “Nandito ako sa harapan niyo dahil umaasa akong kahit papaano ay kakampihan niyo ako. Kahit ngayon man lang ay pakinggan niyo ako, paniwalaan niyo ako. Ganun ba talaga kahirap na pakinggan ako? Kailangan ko pa bang bayaran ang bawat segundo, minuto at oras niyo para lang pakinggan niyo ako?!” “Sa araw pa lang ng kasal namin ni Nickolas, ay alam niyo ng may’rong namamagitan sa kanila ni Natasha! Ilang beses kong sinabi iyon sa inyo, pero bingi kayo pagdating sa mga pakiusap ko. Bulag kayo sa bawat iyak at sumbong ko, nagpapakasasa kayo sa pero ng pamilyang Saldivar, hindi niyo man lang naisip na nahihirapan ang anak niyo!” Singhal ko sa mismong harapan nila. Nanlaki ang mga mata ni papa, at halos mapasigaw ako nang mahigpit niyang hinawakan ang balikat ko at itinulak ako papalayo sa pintuan. “Lintek kang bata ka! Pagkatapos kitang binuhay, pinakain at inaruga ay babastusin mo ako nang ganito? Ang kapal-kapal ng pagmumukha mo!” mariing saad niya. Sinalubong ko ang tingin ni Papa. Kung noon ay naiiyak ako sa t'wing ginagawa niya ito sa akin, ngayon ay hindi na. Masyado nang maging manhid ang buong pagkatao ko dahil sa kanilang pagtrato sa akin. “Hindi ba? Mukha kayong pera kaya isinakripisyo niyo ang buhay ko kapalit ng malaking halag—” Bumaling sa kabilang direksyon ang paningin ko nang lumapat ang malakas na sampal ni papa sa aking pisnge. “Lumayas ka….. Ayaw ko nang makita pa ang pagmumukha mo kahit kailan.” Huling katagang binitawan niya bago niya ako tuluyang tinalikuran. Hindi ako kaagad nakakilos, lumikot ang aking mga mata at naramdaman ko na lang ang pagpatak ng mga luha ko. Ramdam ko ang titig ni mama sa akin, umaasa ako na sana lapitan niya ako at yakapin, pero lahat ng pag-asang pilit kong pinanghahawakan ay nawala nang narinig ko ang pagsara ng pinto. Makalipas ang ilang segundo ay nagsimulang sumikil ang d*bdib ko at tuluyan na akong napahikbi. Wala akong kakampi. Sarili kong Asawa ay tinalikuran ako at pinili ang kapatid. Ang pamilyang meron ako na patuloy kong kinakapitan at kinukuhanan nang lakas ay mas piniling wag akong pagkatiwalaan. Wala na… lahat sila ay tinalikuran na ako. Hindi nila magawang pakinggan ang paliwanag ko. Ganun ba talaga ako kahirap pagkatiwalaan? Pakiramdam ko ay pasan ko lahat ng problema sa mundo. Wala akong karapatang sumaya kahit sandali man lang. Inalisan nila ako ng karapatang mabuhay ng payapa sa paraan na gusto ko. Gusto ko lang naman sumaya, pero bakit parang ang hirap gawin niyon? Nanatili akong nakatayo sa labas ng bahay hanggang sa tuluyan ng bumagsak ang malakas na ulan. Nakatayo lang ako sa tabi ng gate, basa na ang buong katawan ko, pekd wala man lang kahit isang taong lumabas para payungan ako. Mapakla akong natawa, at patuloy pa ding sa pagpatak ang mga luha ko. At nang mapagtanto kong wala talagang lalapit sa akin ay nagsimula na akong humakbang paalis sa harap ng bahay. Naglakad ako na hindi alam kung saan ako tutungo. Sa bawat segundong lumilipas ay mas lalong lumalakas ang Ng ulan, pero hindi man lang ako nag-abalang sumilong. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa natagpuan ko ang aking sarili sa gitna ng napakataas na tulay. Nakatingin ako sa naglalakihang bato at malalim na tubig na nasa ilalim nito. Mariin akong napalunok ang hinawakan ang malaking simento na nasa gilid nito. Buo na ang desisyon ko… Pagod na pagod na ako at gusto ko na lang na mamahinga. Ayaw kong mabuhay sa mundong ito. Ayaw kong buhayin ang anak ko na walang ama. Ay akong mabuhay nang mag-isa dahil hindi ko kaya. Ayaw kong mabuhay ng malungkot kaya mas mabuti pang mam*tay na lang ako. Ipinikit ko ang mga mata ko, pinakawalan ko ang isang mabigat na paghinga at kasunod niyon ang unti-unti kong pagbitiw sa bakal na hinahawakan ko. “Hey!!!” Boses ng isang lalaki mula sa aking likuran, walang kahirap-hirap niya akong inangat at inalis sa pwestong iyon. “BITIWAN MO AKO!!!” sigaw ko at pilit na kumakawala sa kanyang pagkakahawak. Pero wala siyang balak na hayaan ako. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa akin na mas lalong nakakapag-painis sa akin nang husto. “BITIWAN MO AKO! ANO BA!!! BINGI KA BA? HINDI MO BA NARIRINIG ANG SINASABI KO?! ANG SABI KO AY BITIWAN MO AKO!!!” pagpupumiglas ko at patuloy na pinaghahampas ang kanyang balikat. “Shhhh, calm down,” dinig kong sambit niya at idinikit ang ulo ko sa kanyang dibdib. Lalo akong napahikbi nang naramdaman ko ang marahang paghaplos niya ng likuran ng aking ulo. Walang tigil niya akong pinapatakan at imbes na kumalma ako ay mas lalo lang akong naging emosyonal. Ang kaninang malakas kong paghampas sa kanya ay unti-unting humina hanggang sa tuluyan ng bumagsak ang mga braso ko. “Ilabas mo lang lahat ng bigat at sakit na nararamdaman mo ngayon. Hindi ako aalis, mananatili ako dito hanggang sa tuluyan ka ng tumahan,” pabulong niyang saad sa mismong tenga ko. At gawa nga ng sinabi niya ay nanatili siya sa harapan ko. Hindi siya humihiwalay sa pagkakayakap sa akin at patuloy lamang akong umiiyak sa bisig niya. Idiniin ko pa lalo ang aking mukha sa kanya, ang mga kamay kong kanina ay nakababa, ngayon ay nasa kanyang dibdib na rin. At sa unang pagkakataon ay naramdaman kong hindi ako nag-iisa. Sa unang pagkakataon ay may taong sinamahan ako sa madilim na sandali ng buhay ko. May bisig na yumakap sa akin habang humihikbi ako dahil sa mga bagay na hindi ko namang ginustong mangyari sa'kin. Hindi ko inasahan na ganito pala kaganda sa pakiramdam kapag may taong dumamay sa iyo sa mga sandaling hindi mo na alam kung ano ang dapat mong gawin. Unti-unti kong ipinikit ang mga mata ko, at naramdaman ko na lang ang matinding pagod at antok na yumakap sa buong katawan ko. Bumagsak ako sa bisig ng lalaking hindi ko kilala. “Hey, Miss!” Tipid akong napangiti habang tinitingnan ang mukha ng lalaki, hindi ko iyon gaanong maaninag dahil tuluyan na akong nawalan ng malay. ****** Nang imulat ko ang mga mata ko, ay unang bumungad sa akin ang puting kisame. Bahagya akong gumalaw upang ilipat sa ibang direksyon ang aking mga mata, pero puting kurtina ang nakita ko. Maya-maya pa ay nagbaba ako ng tingin nang naramdaman kong may nakahawak sa kamay ko. Tumambad sa akin ang nag-aalalang mga mata ni Almiera. Nakanguso ito at kumikislap ang kanyang mga mata na para bang maiiyak na siya pero pinipigilan niya lang. “Okay ka lang ba?” Tanong niya sa ‘kin. Tipid akong ngumiti at muling sinuyod ng tingin ang buong kwarto, pero bukod sa akin at kay Almiera ay wala ng ibang tao sa loob ng kwarto. Muli akong bumaling sa kanya muli akong bumaling kay Almiera, at bakas ang pagtataka sa mukha niya habang pinagmamasdan ako. “Nasaan ‘yung lalaki?” Bulalas ko, na siyang mas lalong ikinakunot ng kanyang noo. “Sinong lalaki tng tinutukoy mo, Cherry? Wika niya. Napamaang ako at muling sinuyod ng tingin ang buong kwarto, pero walang lalaki roon. “May lalaki akong kasama kanina bago ako nawalan ng malay,” mahinang sambit ko. Humigpit ang hawak ni Almiera sa aking palad. Ramdam ko ang panginginig ng kamay niya sa akin. “Wala kang kasama, Cherry. Mag-isa ka lang nang makita ko ng isang pulis sa tulay. Ikaw lang ang naroon at wala kang kasama.” Aniya. Bahagyang umawang ang bibig ko at sunod-sunod na umiling. Hindi e. May kasama ako kanina. Pinigilan niya akong tumalon doon sa tulay. “Cherry, please… Magpahinga ka na lang muna, baka stress ka lang at kahit ano-ano na ang nakikita mo.” Sambit ni Almiera. Bumuntong-hininga na lamang ako at gaya ng sabi niya at pumikit ako upang magpahinga. Dahil baka tama siya. Baka guni-guni ko lang lahat nang ‘yun. TO BE CONTINUED….
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD