CHERRY'S POINT OF VIEW
CONTINUATION......
“I guess you're feeling better today?” Tanong niya.
Tumango ako, ilang sandali pa ay gumalaw siya. May kinuha siya sa kanyang attache case at nakita ko ang isang papel.
“Sign it.” Aniya at inilapag sa harapan ko ang papel.
Ang kaninang pag-asa ko ay kaagad na nabura nang mabasa ko kung anong nakasulat sa papel.
Divorce….
“Anong ibig sabihin nito?” aligagang wika ko, na halos hindi ko na maintindihan kung ano ang dapat kong gawin.
Sumandal siya sa kanyang kinauupuan, pinagkrus niya ang kanyang braso at nanlumo ako dahil hindi ko na makita ang ekspresyong meron siya kanina.
“I'm divorcing you, Cherry.” Sambit niya.
“W-why?” Utal-utal kong saad.
Tumaas ang sulok ng kanyang labi, muli siyang bumaling sa akin. “I just want to. And in the first place, both of us don't agree with this marriage. So right now, I'm giving you a chance to be free.” Wika niya.
Muli akong nagbaba ng tingin sa mga papel. Nagsimulang manlabo ang paningin ko, inabot ko iyon na nanginginig ang aking mga kamay.
“N-Nick… We can work this out, we just need to talk and fix all of the misunderstandin—”
“Walang dapat ayusin, Cherry. Ayaw ko lang na matali pa sa iyo nang matagal. I'm so sick of this marriage, I'm so sick of you and I wanted to be free from you.” Pagputol niya sa akin.
Sinasabi niya ang mga salitang iyon na walang kasing lamig. Wala man lang akong maramdaman, kahit na kaonting konsiderasyon man lang sa kanyang boses.
“But I thought we're here to start over again? To make our marriage work?” pagsusumamo ko.
Natigilan ako nang tumawa siya. Isang sarkastikong tawa habang hinihilot ang kanyang sentido.
“You think so? Sorry if I made you hope, it's my bad.” Saad niya.
Nang akmang muli akong magsasalita ay biglang tumambad sa aking harapan ang kapatid ko. Sandali siyang bumaling sa akin at nginisihan ako, pagkatapos ay inilipat niya kay Nickolas, ang kanyang paningin at halos nahulog ako sa kinauupuan ko ng makita kong dumukwang ito at hinalikan ang Asawa ko.
“Sorry, sobrang-traffic kase.” Aniya at naupo sa katabing silya ni Nickolas.
Pinanood ko kung papaanong tumapos ang braso ni Nickolas, sa kanyang bewang.
Pinanood ko kung papaanong halos kumandong na si Natasha sa hita ni Nickolas, pero hindi naman niya ito pinipigilan.
Hinayaan niyang gawin ni Natasha ang kanyang gusto at kahit isang pag-alma ay hindi niya man lang ginawa.
“Don't make this hard for both of us, Cherry. Just sign the papers and let's go our separate ways.” Pagputol ni Nick, sa matinding katahimikan.
Nanatili ang tingin ko kay Natasha, sa puntong ito ay gusto ko na lamang siyang kaladkarin palabas ng restaurant. She smiled at me mockingly, as if she's showing that she could get everything easily, that she could steal everything from me and make it hers.
“I'm giving you until tomorrow, sign the divorce papers, at kung hindi mo gagawin iyon ay may kalalagyan ka sa ‘kin, Cherry.”
Nang hindi ako nagsalita ay nagsimula na silang tumayo, hawak-hawak niya ang kamay ng kapatid ko at naglakad sila palabas ng Restaurant.
Naikuyom ko ang kamao ko, dali-dali akong tumayo upang sundan sila.
Nang maabutan ko si Nickolas at hinawakan ko ang laylayan ng kanyang damit dahilan para huminto siya sa paglalakad.
“You're not s-serious, right? Gusto mo lang akong m-masaktan kaya ginagawa mo ito? I know that you don't want this, Nickolas. J-just… just give me a chance and let me prove that I am a good wif—”
“C’mon, Cherry. Stop being so desperate,” sabat ni Natasha, pero hindi ko siya pinansin.
Nakatuon lamang kay Nick ang atensyon ko. Umaasa ako na sana ay nagbago ang isipan niya. Pero nang tiningnan ko ang mga mata niya ay tuluyan na akong nanghina, lalong-lalo na nang inalis niya ang kamay kong nakahawak sa kanyang damit.
“Wag mong ipahiya ang sarili mo. Maraming taong nakatingin sa atin,” banta niya.
“But we need you, o-our b-baby needs a father,” gumagaralgal ang boses ko.
Ramdam kong natigilan siya sa sinabi ko. Hindi niya inaasahang marinig ang mga iyon sa akin.
“C-Cherr—”
“I'm pregnant. We're having a baby, Nickolas. I don't want to sign the papers, ayaw kong hindi magkaroon ng ama ang anak ko. We need y-yo—”
“FVCK! THAT BABY IS YOURS NOT MINE. Sinong nakakaalam na baka nabuntis ka ng ibang lalaki? You're a sl*t, Cheery. Wag kong ipaako sa akin ang responsibilidad na hindi akin!” he hissed.
Parang nilakumos ang puso ko sa mga insultong iyon. Rinig ko ang mga bulungan sa paligid, at lahat ng iyon ay tungkol sa akin..
“The b-baby is yours… please believe me,” mahinang sambit ko.
At kasunod niyon ang panghihina ng tuhod ko at unti-unting lumuhod sa kanyang harapan.
That's it.
Sa kagustuhan kong paniwalaan niya ako at manatili siya sa akin ay lumuhod ako sa kanyang harapan.
Wala na akong pakialam, kahit na mapahiya pa ako lalo ay wala na akong pakialam.
I need him, my baby needs its father. I don't want my baby to grow without having a father.
Hindi ko na naisip ang dignidad ko, ang dangal ko. Desperada na kung desperada pero kailangan ko siya.
“Our baby needs you. So please let's talk, we can still fix this, Nickola—”
“Abort the child if you can't raise it alone! That's not mine, Cherry. Kailanman ay hindi ko gugustuhin magkaroon ng anak sa babaeng katulad mo!” Saad niya.
Nanatili akong nakaluhod sa gitna ng napakaraming taong nagbubulungan. Nagbibitaw ng mga masasakit na salita laban sa akin.
Pinanood ko sila hanggang sa tuluyan na silang nawala sa paningin ko. Habang ako ay hindi magawang i-angat ang sarili ko.
Sobrang baba ko na. Wala nang natirang kahit kaonting pride sa buong sistema ko.
Lumuhod ako para lamang kumbinsihin siyang kanya ang batang nasa sinapupunan ko. Lumuhod ako para hindi niya lang ako iwanan at para piliin ako kesa sa kapatid ko.
Pero…
Lahat nang iyon ay walang silbi. Dahil kahit buong magdamag pa akong lumuhod sa harapan niya ay wala na talaga.
He chose my sister over me and our baby.
TO BE CONTINUED…