NATASHA'S POINT OF VIEW
“Kailan mo ba siya hihiwalayan? I'm so tired with our situation.” Sambit ko, at marahang pinaglalakbay ang aking mga daliri sa kanyang katawan.
Maya-maya pa ay umangat ang kamay ni Nickolas, inabot niya ang kamay ko at dinala iyon sa kanyang mga labi at pinatakan ng halik ang likuran ng kamay ko.
“Bigyan mo pa ako nang ilang araw. When everything is finally settled, I'll file for a divorce. And even if she's against it, I will force her to sign the papers,” nakangiting sambit niya at muling pinatakan ng halik ang aking palad.
Ngumiti ako at mas lalong hinigpitan ang pagkakayapos sa kanya.
This is what I meant when I say I can get everything I want.
“Shouldn't we go for another round?” Wika niya na siyang mas lalong nakapagpalawak ng aking ngisi.
Kaagad akong bumangon at pumatong sa kanyang ibabaw.
“We can do it until tomorrow, Nickolas,” bulong ko, at pilyang ngumiti sa kanya.
Bahagyang naningkit ang kanyang mga mata at kasunod niyon ang marahas niyang paghila sa aking batok upang atakihin ng halik ang labi ko.
“You're so fvcking hot, Natasha. This is why I like you more than, Cherry.” Aniya sa pagitan ng pagpapalitan namin ng halik.
Ngumisi ako. “Yeah, I can drive you cr*zy, Nickolas.” I said, and gave him a worried k*ss.
******
CHERRY'S POINT OF VIEW
( A few days later….)
“Congratulations, Mrs Saldivar. You're eight weeks pregnant.”
Pakiramdam ko ay parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko nang marinig ko iyon sa mismong doctor.
Hindi ko alam kung dapat ba akong masiyahan, ngayong nakumpirma ko ng buntis nga ako. Sobrang daming tumatakbo sa isipan ko, tungkol sa kung ano ang dapat kung gawin.
Kung dapat ko bang ipaalam kay Nick, ang tungkol sa anak namin? At kung gagawin ko iyon, tatanggapin niya bang magkakaroon na kami ng anak at posible bang magbago ang pakikitungo niya sa akin?
Hanggang sa nakaalis na ako ng ospital ay lutang pa rin ako. Naguguluhan ako, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.
He accused me of cheating, and to tell him that I was pregnant, I don't think it'll be a good thing for him.
Pumara ako ng taxi, nang may huminto sa tapat ko ay kaagad akong pumasok sa loob at ibinigay ang aking address.
Mahigit ang isang oras ay nakarating na ako sa tapat ng bahay. Kinuha ko ang susi sa aking bag at binuksan ang gate, tahimik akong pumasok sa loob ng bahay. Nagsisikap na hindi makagawa ng kahit konting ingay man lang dahil baka ma-istorbo ko si Nick, hindi ko rin naman alam kung nasa bahay siya pero mas mabuti nang makasiguro.
Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang aking tyan, napahawak ako roon. Nagbaba ako ng tingin at hindi ko napigilan ang sarili kong mapangiti habang iniisip na may buhay sa loob ng tyan ko.
“I don't think your father will be glad, knowing that we already have you,” mahinang saad ko.
Malalim akong bumuntong-hininga, kasunod niyon ang maingat at dahan-dahan kong paghakbang papasok sa loob ng kusina.
Ilang sandali ang nakalipas ay narinig ko ang tunog ng doorbell, sa pag-aakalang baka si Nickolas iyon ay dali-dali akong naglakad upang pagbuksan ito ng pinto.
“Nick—”
Hindi ko natapos ang dapat kong sahibin nang makita ko kung sino ang nasa labas. Secretary iyon ni Nickolas, nang nakita niya ako ay ngumiti siya maya-maya pa ay may inabot siyang maliit na box sa akin.
“Mr Saldivar, sent me to fetch you.” Ani nito.
Kumunot naman ang noo ko dahil sa pagtataka. Sa loob nang ilang taon ay ito ang pangalawang beses na ipinasundo niya ako sa kanyang sekretarya. Ang unang beses ay iyong pumunta kami sa isang bidding event.
“Sabi niya ay magsuot daw kayo ng magandang damit, dahil tutungo daw kayo sa isang restaurant.” Dugtong niya.
Sa hindi ko malamang dahilan ay nakaramdam ako ng tuwa. Naisip ko na baka ito na ang simula nang maganda naming samahan, kaya naging excited ako at halos tinakbo ko na ang kinaroroonan ng aking kwarto upang makapag-ayos na.
******
“Salamat,” mahinang sambit ko nang makarating na kami sa labas ng restaurant.
Ngumiti lamang sa aking ang sekretarya at pagkatapos ay bumalik na ito sa loob ng kanyang sasakyan.
Humarap ako sa restaurant, sunod-sunod na nagpakawala nang isang malalim na paghinga upang pakalmahin ang malakas na t***k ng aking puso.
Nagsimula akong lumakad papasok sa loob, iginala ko ang aking paningin sa buong lugar at hindi nagtagal ay natagpuan ko ang kinaroroonan ni Nick. Nakaupo ito sa pinaka-gitna, mas lalong lumaki ang ngiti ko at dumiretsyo sa kanyang mesa.
Dumiretsyo ako sa silyang nasa harapan niya, tahimik akong umupo roon habang nakatingin pa rin sa kanya nang diretsyo.
Nag-angat siya ng tingin sa akin, at halos tumigil ang pag-ikot ng mundo ko nang ngumiti siya. Sa mga sandaling iyon ay parang may kung anong humaplos sa puso ko, at biglang naging payapa ang pakiramdam ko.
“Eat. Baka lumamig na ang pagkain,” nakangiti pa ring saad niya.
Sunod-sunod akong tumango na parang isang inosenteng bata. Ang saya-saya ko sa mga sandaling ito. Hindi ko maipaliwanag ang tuwa na nararamdaman ko.
Pinagsalin niya pa ako ng wine. Nag-toast pa kaming dalawa na para bang nagce-celebrate kami ng anniversaries namin.
Lumipas ang mahigit dalawang oras ay natapos na rin kami. Muling naging tahimik ang sa pagitan naming dalawa.
TO BE CONTINUED....