CHERRY'S POINT OF VIEW
“Hindi mo sinasagot ang tawag ni Dad, dahil sabi mo ay may ginagawa ka.” Saad ni Natasha, at dumiretsyo ito sa sofa. Umupo siya roon na para bang kanya itong bahay.
Nakatayo lamang ako sa kanya harapan at pinag-aaralan ang bawat kilos na ginagawa niya. Hindi ko kasi malaman-laman kung bakit bumibigat ang pakiramdam ko sa t'wing nasa iisang lugar kami, para kasing may gagawin siyang hindi maganda.
Maya-maya pa ay bumaling siya sa akin at pagkatapos ay kumukumot ang kanyang noo.
“Ganito mo ba tratuhin ang bisita mo? Wala ka man lang mai-offer kahit simple kape lang?” nakataas kilay niyang usal.
Bumuntong-hininga ako at kaagad na nagtungo sa kusina. Tahimik akong nagti-timpla ng kape at nang natapos na ako at muli akong bumalik sa sala habang bitbit ang tasa ng kape.
Inilapag ko iyon sa kanya harapan at naupo sa silyang nakaharap din sa kanya.
“Kung wala ka naman gagawin dito ay umalis ka na lang pagkatapos mong maubos iyang kape,” walang ganang saad ko at muling bumalik sa pagnanasa ng mga magazine.
Tahimik lamang ako at hindi na siya binibigyang pansin. Hindi rin naman ako interesadong makipag-usap sa kanya kaya bakit ko siya bibigyan ng atensyon?
“You're acting superior, as if your husband cherish you for real,” bulong niya na siyang ikinahinto ko.
Ibinaba ko ang hawak kong magazine at dahan-dahang nag-angat ng tingin sa kanya. Bumungad sa akin ang sarkastikong ngiti niya, at maya-maya pa ay umismid siya at muling sumimsim ng kape.
“Kung pumunta ka dito para lang insultuhin ako ay umalis ka na lang. Wala akong panahon sa ‘yo at kung pwede lang ay wag mo na akong pagsayangan ng oras.” Usal ko at padaskol na tumayo.
Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalayo at tumama sa aking likuran ang isang matigas na bagay. Tumigil ako sa paghakbang, dahan-dahan akong umikot at nang magbaba ako ng tingin ay nakita ko ang basag na tasa.
“Ang lakas ng loob mo, Cherry. Tingin mo talaga ay kakampihan ka ng Asawa mo,” hindi makapaniwalang sambit niya, pagkatapos ay nagsimula siyang humakbang papalapit sa akin.
Hindi ko inalis ang aking tingin sa kanya hanggang sa tuluyan na niya akong malapitan. Parehong nakakuyom ang mga palad ko, nagpipigil ako nang husto na sampalin siya.
“You're so pathetic. He's married to you, pero ang totoo ay ako ang gusto niya.” Aniya.
At ganun na lamang ang pagsalubong ng kilay ko nang unti-unting umangat ang bawat sulok ng kanyang labi.
Muli siyang humakbang nang isang beses at napa-atras ako nang duruin niya ang balikat ko gamit ang daliri niya.
“Stop daydreaming, my dear sister. Alam mong ako ang gusto niya, kaya wala kang karapatang umakto na sa iyo umiikot ang mundo niya,” mapang-insultong saad niya.
Paulit-ulit akong nagpapakawala nang malalim na hininga upang pigilan ang sarili kong sumabog. Dahil kahit siya ang nagsimula ng gulo ako ay pa rin ang magiging masama sa mata ng mga magulang ko.
“Tumigil ka na, Natasha,” pakikiusap ko sa kanya.
Huminto nga siya, ang daliri niya ay nanatiling naka-angat sa ere at mapang-uyam niya akong tinitingnan.
“Oh, matapang ka na. Bakit may back-up ka na ngayon? Sino? Isa ba sa mga lalaki m—”
“Shvt up!” pagputol ko sa kanya.
Bahagyang tumabinge ang kanyang ulo, animo'y pinag-aaralan ang buong mukha ko.
“Alam mo naman pala na ikaw ang gusto niya, kaya bakit mo pa pinilit sila papa na ipakasal ako sa kanya?” Saad ko.
Ngumuso siya, at ilang segundo ang makalipas ay dumukwang siya papalapit sa aking tenga at bumulong…..
“Gustong-gusto ko kasing makita na nahihirapan ka. Gusto kong makita na unti-unting nasisira at nagiging marumi ang buong pagkatao mo, habang ako ay nagpapakasaya sa pera na pinaghihirapan mo at sa piling ng asawa mo.”
Sa mga sandaling iyon ay nagsimulang gumapang ang galit sa buong pagkatao ko. Huli na nang mapigilan ko ang sarili ko, dahil tuluyan na siyang bumagsak sa sahig dahil malakas kong pagtulak sa kanya.
“You b*tch!!!” Sigaw niya at dali-daling tumayo.
Lumapat sa kaliwang pisnge ko ang kanyang palad. Umangat ang kamay ko at akmang gagantihan siya, pero natigilan ako nang narinig ko ang malakas na sigaw ni Nick.
Nanlaki ang mga mata ko at kaagad na bumaling sa main door, at gano'n na lamang ang paglakas ng t***k ng puso ko dahil sa madilim na ekspresyon sa kanyang mukha.
“Nick!” Pagtawag sa kanya ni Natasha, bumaling ako sa kanya at mas lalong nagsalubong ang kilay ko nang nakita kong umiiyak na ito at nagkukunwaring aping-api.
Sinundan ko siya ng tingin, tumakbo siya papalapit kay Nickolas, at agad niya naman itong sinalubong.
“S-She hit me. I went here to check on her, but she get mad.” Sumbong niya.
“Hanep,” mahinang bulong ko sa kawalan.
Gusto kong matawa sa nakikita ko ngayon. Walangya, siya itong naunang mang-insulto tapos ngayon ay siya itong mukang inaapi nang husto.
Napasinghap ako nang marahas na hinawakan ni Nickolas, ang magkabilang braso ko. Hinatak niya ako na halos ay umangat na ako sa ere.
Galit na galit siya, kitang-kita ko iyon sa mga mata niya.
“Siya ang nauna Nickolas! She insulted me,” paliwag ko, pero alam kong hindi niya ako paniniwalaan.
“Really? And you hit her, because you can't accept it? You deserved those insults, Cherry. Tama lang ‘yon dahil nakakadiri ka!”
Nagsimulang uminit ang magkabilang sulok ng mata ko. I tried my best to explain, but no matter what I do. He won't believe me.
“Asawa mo ako, pero bakit siya ang kinakampihan mo?!” hindi ko na napigilang mag tanong.
Ang kanyang pagkakahawak sa aking braso ay may lalong dumiim at umabot sa puntong napapaigik na ako dahil masakit iyon.
“Asawa lang kita sa papel! Parausan ka lang para sa akin, Cheery. Kahit kailan ay hindi kita ikinonsiderang Asawa.”
Hindi ako nakakilos, tanging mga mata ko lang ang naglililikot habang diretsyong nakatingin sa kanya. Maya-maya lang ay napaupo ako sa malamig na simento nang pabato niya akong binitawan.
Sandali niya pa akong tinapunan ng tingin, bago ako tuluyang tinalikuran upang lapitan ang kapatid ko.
Tahimik akong naka-upo, tahimin na pinapanood ang asawa kong maingat na hinahawakan ang kapatid ko.
He carried her like she was the most precious thing he ever had.
Kitang-kita ko ang matinding pag-aalala sa mga mata nito, bagay na hindi ko kailanman naranasang ipinaramdam niya sa akin.
Nanatili akong naroon kahit na tuluyan na silang nawala sa paningin ko. Wala akong ibang nagawa kundi ang tawanan na lamang ang aking sarili.
Why do I had to experience all of this?
Bakit ako na lang palagi ang nasa ganitong sitwasyon, e wala naman akong ibang ginusti kundi ang maging masaya at mabuhay ng tahimik.
Ano bang nagawa ko para mangyari sa akin lahat nang ‘to?
Kung naririnig man ng Diyos ang dasal ko, sana ay dumating na ang araw na tuluyan na akong makawala sa paghihirap kong ito.
“Anyone… please save me.”
*****
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
“How was it?”
Iyon ang unang bungad ni Kael, nang makapasok siya sa kanyang opisina. Dumiretsyo siya sa kanyang mesa at tahimik na nagsalin ng alak habang naghihintay ng sagot mula sa kanyang Secretary.
“We don't have any leads, aside for these photos, Sir.” Sagot nito, at inilapag ang iilang stolen shots ng isang babae sa kanya mesa.
Inabot ni Kael, ang isa sa mga litrato. Isinandal niya ang kanyang likuran sa swivel chair, tahimik na pinagmamasdan ang mukha ng babae habang iniikot-ikot ang kanyang kinauupuan.
“She's really beautiful,” mahinang bulong nito, at lihim siyang napapangiti habang inaalala ang gabi kung saan niya unang nakita ang babae.
He attended a bidding event that night, and unexpectedly he met that woman.
She got his attention at the very moment she stepped inside on that place.
Nakasuot ng isang pulang dress ang babae, hapit na hapit ng kanyang suot ang katawan niya, the dress features a high slit on the left side, revealing the bare skin of her thigh with elegance. Her hair was long, wavy and black. She stand confidently, like she was the only person in that place.
But one thing that made her more stand out the most was her eyes. She had a serene, almond-shaped eyes.
Kael only had his eyes on her in the entire event. Hanggang sa natapos iyon ay hindi nawala ang tingin niya sa dalaga. Balak niya sana itong lapitan, pero hindi niya iyon nagawa dahil sa biglaang pagsulpot ng isang lalaki at hinila nito ang dalaga palabas ng lugar.
“Should we keep searching for her, Sir?” muling sambit ng sekretarya.
Bumuntong-hininga si Kael, marahan kayang inilapag ang litrato sa mesa at tiningnan ang kanyang sekretarya.
“We've been searching for about a year, Douglas. At ngayon ay tatanungin mo ako nang ganyan, naisip mo ba talagang hihinto ako sa paghahanap sa kanya?” Sambit niya, at muling sumimsim ng alak sa kanyang baso.
Napayuko ang sekretarya at paulit-ulit na himihingi ng paumanhin sa kanyang amo. Mahinang tumawa si Kael, pagkatapos ay tumayo siya at nilapitan ang sekretarya niya.
“I have to find that woman. I can feel that there's something wrong about her, I can feel that she needs my help that why we kept on searching. We won't stop, not until we find her.” Paliwanag ni Kael, agad namang nakuha ng sekretarya ang punto nito at sunod-sunod itong tumango.
Muling humakbang si Kael, humarap siya sa salaming bubong ng kanyang opisina. Parehong nakapaloob sa kanyang bulsa ang magkabila niyang kamay. At habang pinagmamasdan niya ang tanawin ay muling sumagi sa isipan niya ang dalaga. Sa t'wing naalala niya ito ay mas lalo siyang nagiging atat na mahanap ang dalaga.
Kulang na lamang ay haloghugin niya ang buong bansa, ang bawat sulok nito para lang matagpuan niya ang dalaga, pero masyadong magaling at matago ang kinaroroonan nito dahil kahit among gawin ng mga tauhan niya ay wala silang mahanap na bakas.
Kaya ang tanging magagawa niya ay umasa na lamang na isang araw ay susulpot ang dalaga sa kanyang harapan.
Na sana isang araw ay kusa itong lalapit sa kanya at kusang tadhana na ang mismong gumawa ng paraan para mapalapit sila sa isat isa.
Kaya habang hindi pa nangyayari iyon ay siya muna ang kikilos, siya na muna ang magsisikap hanggang sa tuluyan niya itong mahanap.
“Kung nasaan ka man ngayon, sana ay nararamdam mo, na may naghahanap sa 'yo."
TO BE CONTINUED...