CHERRY'S POINT OF VIEW
Gaya nang sinabi ni Nick, ay hindi nga ako umalis. Hindi ako lumabas ng bahay ay ang ginawa ko nalang ay ang maglinis Ng bahay.
Hindi kumukuha ng katulong si Nick, ayaw niya dahil ano naman daw ang silbi ko kung kukuha pa ng katulong? Dagdag lang daw iyon sa gastos niya.
Inabutan na ako nang gabi sa paglilinis, kaya agad na akong nagluto ng makakain para sa dinner.
Pagkalipas nang ilang oras ay nakahain na sa mesa lahat ng niluto ko at saktong narinig kong tumunog ang doorbell ng bahay. Hinubad ko ang suot kong apron at kaagad na tumakbo para buksan ang pinto.
At gano'n na lamang ang gulat ko nang bumagsak sa mismong katawan ko si Nick, amoy alak at yosi ito.
“Nick,” mahinang pagtawag ko sa kanyang pangalan.
Nang akmang hahawakan ko ang balikat niya upang alalayan siya ay malakas niyang tinabig ang kamay ko, hindi pa siya nakuntento at itinulak niya pa ako.
“Back off!” galit niyang sigaw at nagsimulang humakbang.
Pagewang-gewang siyang naglalakad at muntik na siyang tumumba kung hindi ko siya kaagad nahawakan.
“Let go of me b*tch!” muling sigaw niya.
“Hayaan mo lang akong ihatid ka sa kwarto mo,” saad ko.
Ngunit ang tanging isinagot niya ang ang makulimlim niyang ekspresyon, and for the second time he pushed me away, kaya hinayaan ko na lang muna siya. At ang tanging ginawa ko ay ang palihim ktkng sundan, maya-maya lang ay nakapasok na siya sa loob ng kwarto.
Bago ako pumasok sa loob ay bumuntong-hininga muna ako at nang binuksan ako na ang pinto ay bumungad sa akin ang tulog na si Nickolas.
Hindi na niya nagawang hubarin ang kanyang sapatos ay damit, kaya nilapitan ko siya ay maingat na hinubad ang mga iyon na hindi siya nagigising.
Nakahinga ako nang maluwag ng matapos ko iyon na hindi siya nagigising, pero nagulat ako ng nahawakan niya ang pulsuhan ko. Muntik akong napasigaw nang malakas niya akong hinatak at pinahiga sa kama.
Kinubabawan niya ako at hindi ko inaasahan ang kasunod niyang ginawa.
Pinunit niya ang suot kong damit…
Mariin at mapusok niyang inatake ang mga labi ko na para bang gustong-gusto niya akong masaktan.
“N-Nick,” gumagaralgal na boses kong saad.
Ngunit hindi niya ako narinig, patuloy niyang hinahawakan ang katawan ko at wala siyang pakialam kahit na umiyak pa ako.
Akala ko ay hanggang doon na lamang iyon, pero mas lalong nawasak ang puso ko nang muli binigkas niyang binigkas ang pangalan na siyang kinamumuhian ko.
“Natasha…..”
Iyon ang sinasabi niya habang hinahalikan niya ako, sa t'wing nagse-s*x kami at lasing siya ay tinatawag niya ako sa pangalang iyon.
At kahit ilang beses na niya iyong ginawa ay pakiramdam mo ito pa din ang kauna-unahang beses. Paulit-ulit na nawawasak ang puso ko sa t'wing naririnig ko ang put*nginang pangalan na iyon sa kanyang bibig.
Nagsimulang lumabo ang aking paningin dahil sa nagbabadyang luha sa mga mata ko. Huminga ako nang malalim at buong lakas siyang itinulak. Bumagsak sa kama si Nick, tulog siya pero binibigkas niya pa din ang pangalan ng kapatid ko.
Sa mga sandaling iyon ay hindi ko na napigilan ang pagragasa ng aking luha. Niyakap ko ang sarili ko habang tumatakbo papasok sa loob ng banyo.
I'm trying my best to stopp myself from crying, but I just couldn't. I'm too broken hearted to be able to stop my emotions from coming out.
Sobrang panliliit ang nararamdaman ko para sa sarili ko.
Bakit hindi na lang silang dalawa ni Natasha, ang nagpakasal kung ganitong may nararamdaman naman pala siya sa kapatid ko?
Bakit kinailangan na ako pa ang mapasok sa sitwasyon, kailanman ay hindi ko pinangarap.
Nagpakawala ako nang isang malalim na paghinga at pagkatapos ay nag-angat ng tingin upang pagmasdan ang sarili ko sa salamin.
Mapait akong napangiti ng makita ko ang itsura ko, sobrang layo nito sa mukhang meron ako noon.
Noon ay puno ng saya, liwanag at pag-asa ang aking mukha. Pero ngayon? Kahit ang mga mata ko ay nagsasabing napakalungkot ko.
Hanggang kailan ba ako mananatili sa impy*rnong ‘to? At hanggang kailan ko pagbibigyan ang pamilya ko hanggang sa makuntento na sila at hayaan na akong sumaya.
******
KINABUKASAN…. maaga akong nagising na para bang walang nangyari kagabi, na parang hindi ako napuyat sa kakaiyak hang nag-iisip kung papaano ako makakatakas sa hawlang ito.
Eksaktong paglapag ko ng pagkain sa mesa ay siya namang pagbaba ni Nick. Ngunit natigilan ako dahil nakaayos ito at mukang may lakad.
“Kumain ka muna,” kalmadong salubong ko sa kanya.
Napa-atras ako nang salubungin niya ako nang isang masamang tingin, na para bang sinira ko ang magandang araw niya.
“Don't cross the line, Cherry,” aniya at nilagpasan niya ako.
Pero hindi ko namalayan ang biglaang paggalaw ko at nahawakan ko ang braso niya. At huli na nang napagtanto ko iyon, bumaling siya sa akin at kitang-kita ko ang pag-igting ng kanyang panga.
“JUST SHUT THE FVCK UP! STOP ACTING LIKE A PERFECT WIFE BECAUSE YOU'RE NOT!” sigaw niya ay umalingawngaw iyon sa buying dining area.
Sa gulat ko ay napa-atras ako papalayo sa kanya.
“Simula sa araw na ito ay wag na wag mo ng papakialam ang buhay ko. Gawin mo kung ano ang gusto mong gawin, pero wag mo akong papakialaman. I'm so sick of you, Cherry.” he said, he's voice was low and menaciy. “Hindi ko ba alam kung ano ang nakita ng lolo ko sa ‘yo at ikaw ang pinili niyang pakasalan ko, when I'm fact it was your sister, who I really wanted.” Dugtong niya dahilan upang mapayuko ako.
“Sobrang layo-layo mo sa kapatid mo. She's innocent, unlike you. Hindi ka marunong makuntento sa iisang lalaki, paano mo nasisikmura na magpak*ntot sa akin kahit na kakatapos mo lang sa ibang lalaki mo?” aniya na siyang ikina-gulat ko.
Mabilis akong nag-angat ng tingin upang maipaliwanag, pero bago ko pa man magawa iyon ay naunahan niya akong magsalita.
“You're such a wh*re. You married me, just because of my money. You let yourself get fvcked by just someone else. Bakit? Kulang ba ang perang binibigay ko sa ‘yo kung kaya ay ibinebenta mo ang sarili mo sa ibang lalaki?”
“Are that fvcking desperate for someone's attention and pity, because you couldn't get those from me?”
Bumigat ang paghinga ko…
“Ano ba ang sinasabi mo? I'm not seeing someone else. Hindi mo nga ako pinapayagang lumabas ng bahay, tapos pagbibintangan mo akong nanlalalaki?!” Singhal ko sa kanya.
Sa ilang taon ay ito ang kauna-unahang na tinaasan ko siya ng boses.
“Oh, you know how to talk back now, huh?” hindi makapaniwalang saad niya at gano'n na lang ang pagbilis nang t***k ng puso ko nang bigla siyang ngumisi..
Isang nakakakilabot na ngayon ko lang nakita sa kanya.
“SINO ANG PINAGMAMALAKI MO? ANG MGA LALAKI MONG PINAGPI-PYESTANAN ANG KATAWAN MO?!” malakas niyang sigaw sa akin.
Sa puntong iyon ay hindi ko na napigilan ang sarili ko, umangat ang kamay ko at malakas siyang sinampal.
“PUT*NGINA KA! KUNG MAY G*GO SA ATING DALAWA, IKAW ‘YUN! DAHUL WALA KANG KWENTA!!!” ganti ko.
Dahan-dahang muling bumaling sa akin ang nakatabinge niyang ulo. Akala ko ay wala siyang gagawin…
“HOW DARE YOU!” sigaw niya sa akin kasabay ng paglapat ng kanyang palad sa kaliwang pisnge ko.
Sa lakas niyon ay bumagsak ako sa malamig na simento. Hindi pa siya nakuntento at patuloy pa din akong pinagsasampal hanggang sa lumabo na ang paningin ko.
Nalasahan ko na lang ang dugo sa gilid ng labi ko.
“You had no rights to lay your filthy hands on me. Go to h*ll!” narinig ko pang sigaw niya at ilang sandali pa ay narinig ko ang mga yabag niya palabas ng bahay.
Nanatili akong nakahiga sa sahig, at ilang segundo pa ay tumunog ang cellphone ko. Wala akong balak sagutin iyon, pero nang makita ko ang pangalan ng kaibigan ko ay inabot ko ang cellphone.
“Hmm?” tanging bungad ko.
Hindi siya kaagad sumagot, at sa tingin ko ay naiintindihan na niya kung anong ibig sabihin ng sagot kong iyon.
“Did he hit you, again?” saad niya sa kabilang linya at bakas ang pag-aalala sa kanyang boses.
“Wala ng bago, Almier,” mapait kong tugon at dahan-dahang bumangon.
Napaigik ako nang nahawak ko ang sugat sa gilid ng labi ko.
“SINABI KO NA KASI SA IYO NA MAKIPAGHIWALAY KA NA SA GAG*NG YAN!” singhal niya sa ‘kin.
Kung gano'n lang sana kadali ay noon ko pa ginawa. Pero ang pamilya ko mismo ang humaharang roon, kina-kausap nila ang pamilya ni Nick, upang hindi Matulog ang pagpa-file ko ng divorce.
Gamit na gamit ang kanilang kapangyarihan, binabayan ang abugado ang iba ang tinatakot para lang tanggihan ang paga-apply ko.
“Alam mong hindi gano'n kadaling sinasabi mo, Almiera. Nakalimutan mo na ba kung papaano ako kinaladkad ni papa palabas mula sa attorney’s office last month?” saad ko pa at pinipilit ang sariling matawa.
Natahimik si Almiera sa kabilang linya at alam ko na sa mga sandaling ito ay nagpipigil din siyang umiyak. Dahil sa t'wing nakikita kami ay lagi niya iyong ginagawa lalo na kapag nagku-kwento ako tungkol sa mga nangyayari sa buhay ko simula nang maikasal ako kay Nickolas.
“Makakalaya lang ako sa impy*rnong ‘to kapag mismong si Nickolas, ang makikipaghiwalay sa akin. Siya lang ang tanging makakagawa niyon, at hanggang hindi pa nagaganap ay kakawawain ko muna ang sarili ko.”
“Pero kung ako ay malabo, dahil hindi nila ako hahayaang lumaya hangga't nagkakapera sila dahil sa ‘kin. Alam mo iyon, Almiera. Mas gugustuhin pa nilang mahirapan ako nang husto, kesa si Natasha ang maghirap,” nakayukong saad ko.
Isinandal ko ang ulo ko sa likod ng sofa, habang pinupunasan ang dugo na dumadaloy sa kaliwang hita ko. Nakalimutan ko pala na may babasaging vase sa tabi kung saan ako bumagsak kanina. Namalayan ko lang ang sugat na iyon habang nakikipag-usap ako kay Almiera.
“Cher—”
Hindi ko narinig ang kabuuan niyon Mang naramdaman ko na parang bumaliktad ang sikmura ko. Kaagad akong tumayo at kumaripas ng takbo patungo sa lababo ay doon nagsususuka.
“CHERRY!! ARE YOU OKAY?!”
Nang matapos ako sa pagsusuka ay binuksan ko ang gripo para maghilamos.
“Okay lang ako,” mahinang saad ko, habang pinupunasan ang aking mukha.
“Are you pregnant?” muling sambit ni Almiera, dahilan para matigilan ako.
Hindi ako kaagad nakasagot, malalim akong nag-isip at bigla kong naalala na delayed ako.
“Posible kaya na buntis ako?”
TO BE CONTINUED….