Ang Pagsabak sa Malaking Operasyon

2908 Words
Isang nakapiring na lalaki na nakasuot pa ng business suit ang ipinasok ng dalawang tauhan ni Copper kinaumagahan sa detention room sa loob ng itinuturing nilang headquarters. Nakatali rin patalikod ang mga kamay nito na kahit pa hindi nagpupumiglas ay hawak pa rin ito sa magkabilang braso  ng mga tauhan ng binata habang ini-eskortan papasok sa kuwartong iyon.  Pinaupo ng mga ito sa isang upuan na nasa mismong harapan ng lamesa ang sinasabing kliyente na siyang tinutukoy nila kagabi sa kanilang pag-uusap sa telepono.  “Mr. Santiago!” isang malaking boses ang narinig mula kay Copper na nakaupo rin sa upuang nasa likuran ng lamesa. Nakataas ang mga paa nito at nakapatong doon habang hithit sa isang kamay ang sigarilyo.    Naiangat ng lalaking iyon ang mukha nito at tila bumaling sa kaliwang parte ng kuwarto kung saan narinig ang taong nagmamay-ari ng malaking boses na iyon. “Lord?” may panginginig ng boses ang narinig mula sa lalaking nakapiring ang mga mata. “Ako nga,” seryoso ang rumihistro sa mukha ni Copper. Ito ang tawag sa kanya ng mga tauhan pati na ang lahat ng nakakakilala sa kanya sa uri ng negosyo at samahang pinasok. “Mabuti naman at naaalala mo pa pala ang boses ko,” saad niya habang patuloy sa paghithit ng sigarilyo na naka-ipit sa pagitan ng hintuturo at palagitnaang daliri nito.  “Naku, siyempre naman. Ikaw pa ba makakalimutan ko,” sa kabila ng takot ay sinusubukan pa rin nitong maging kampante sa harapan ng isang kilalang taong madalas lapitan ng mga sugalerong kagaya nito.  “Mabuti naman. Pero mukhang yung pagkakautang mo sa akin ay kinalimutan mo na ah!” may sarkastikong sambit ng binata sa kaharap.  “Hindi naman sa ganon, Lord. Humingi lang naman ako ng ilang araw na palugit eh. Nagipit lang talaga ako.”  Humithit ulit si Copper mula sa hawak na sigarilyo at sinadyang ibinuga ang usok sa kaharap na kliyente. “Wala akong pakialam kung gipit ka, basta kung ano ang napagkasunduan nating petsa na kailangan mong bayaran ang inutang mong isang milyon, iyon ang dapat na masunod. Ever since naman ay alam mo na kung ano ang patakaran ko tungkol doon Mr. Santiago, hindi ba?”  Medyo naiurong ng lalaki ang mukha pailag sa usok na ibinuga ni Copper.   “Alam ko naman iyon Lord, humihingi lang ako ng konting palugit, gipit talaga ako ngayon eh,” pag-uulit nito sa inirason kanina. Nagpalabas ng sarkastikong pagkakangiti ang binita. Ito ang madalas na marinig niya sa lalaking iyon. Pumayag na nga siya sa una nitong paghingi ng palugit, ngayon ay ito na naman ang maririnig niya mula rito.  Ibinaba niya ang mga paa sa sahig, inilagay ang sigarilyo sa ashtray na nakapatong sa lamesa at tumayo.  Naramdaman naman ng lalaki ang paglakad ni Copper papunta sa harapan nito. Nagulat pa ito nang  ipalo ng binata ang kamay sa mismong lamesang nandoon.  “I know what you are doing Mr. Santiago. Marami kang pinagkakautangan kaya pagdating sa akin ay wala ka nang maibigay,” saad ulit ni Copper pagkatapos sindakin ang lalaking nasa early 40's lang. “Isn’t it unfair na ako ang last priority mo na sa totoo lang ay ako ang unang nagpautang sa iyo?” mariing tanong ng binata. Yumuko ito at itinapat ang bibig sa tenga ng lalaki. Aware ang binata na may iba pa itong pinuntahan nang matalo ito sa sugal noong nakaraan. Marami mata si Copper  sa loob ng mga casino na pinagmamaneobrahan. “Pero sinasabi ko ulit sa iyo, wala akong pakialam. Basta ibalik mo sa akin ang pera na inutang mo pati na rin ang tubo, tapos ang usapan!” may mga pagdiin sa mga binitawang salitang sambit ng binata sa kliyente.    “Ang totoo Lord, hindi ko pa talaga nababawi ang natalo sa akin. Promise kapag nakabawi na ako, ibabalik ko agad sa iyo ang lahat ng  inutang ko,” may panginginig na ng boses na sagot ng lalaki. Tila nagtitimpi na nagtagis ang bagang ni Copper na tinitigan lang ang kaharap. Pagkatapos ay umikot ulit papunta sa inuupuan kanina at bago pa ulit umupo ay may inaabot na folder sa gilid ng lamesa.  “Let’s just make it easy for the both of us Mr. Santiago,” binuklat nito ang hawak na folder na naglalaman ng ilang pirasong dokumento. “Tutal naman ay hindi ka tumupad sa usapan eh mas maganda na pirmahan mo na lang ito para quits na tayo,” iniurong nito ang mga iyon sa mismong tapat ng kliyente.  Tila natigilan naman ang lalaki. “Huh? Ano 'yan?” “That’s the document na pinirmahan mo noong umutang ka ng pera sa akin. Nandiyan nakalagay ang bagay na pwede naming makuha sa iyo once na hindi mo bayaran ang utang mo,” paliwanag ng binata. “Huh? Meron ba akong pinirmahan na ganyan?” Nagpakawala ng nakakalokong pagtawa si Copper. “Ano sa palagay mo, magpapautang ako ng isang milyon nang walang hinihinging collateral galing sa iyo? Ano ako, tanga?” “Wala akong natatandaan na may pinirmahan ako noong nakaraan,” napatayo ito ngunit mabilis naman din na pinaupo ng dalawang  tauhan ni Copper sa pamamagitan ng paghawak sa balikat nito.  “Paano mo matatandaan eh lango ka pa yata sa droga noong oras na iyon, Mr. Santiago. Hindi ko na kasalanan kung wala kang matandaan.” “Hindi ako pipirma hangga’t hindi ko nalalaman kung anong nakapaloob sa papel na iyan,” may paninindigang sagot din nito. Inis man ngunit tinawag rin ni Copper ang isang tauhan para basahin ang nakapaloob sa ginawa nilang kasunduan. Hindi niya pwedeng tanggalin ang piring sa mga mata ng lalaki  dahil isa sa pinakakaiingatan niyang mangyari ay ang makita siya nito at matandaan ang kanyang mukha. Sa mga transaksyong ginagawa niya sa mga kliyente, wala ni isa pa sa mga ito ang nakakakita sa kanya. Ni ang ibang mga tauhan ay wala pa ring idea kung sino ang kumakausap sa mga ito sa telepono at nagbibigay ng order para gawin ang isang bagay. Dalawang tao lang talaga ang nakakakilala sa kanya, iyon ay ang dalawang kanang kamay niya na nasa loob ng kuwartong iyon ngayon. Ang bagay na ito ay ginagawa niya hindi dahil sa takot siyang mahuli ng mga kinauukulan kung hindi dahil sa simula pa lang ay alam niyang labag sa batas ang isa sa mga negosyong pinasok, ngunit isa itong paraan para malaman rin ang matagal na niyang iniimbistigahang kaso ng mga magulang.  “Hindi pwede! Lampas sa tatlong milyon ang halaga ng sports car ko, hindi nyo pwedeng kunin sa akin iyon,” tanggi ulit nito hindi pa man tapos sa pagbabasa ang tauhan ng pinagkakautangan. Napabuntong hininga sa galit si Copper. Sa lahat ng kliyente niya na hindi nakapagbayad agad ng pagkakautang sa kanya ay ito lang ang tila nagmamatigas at panay tanggi sa pinirmahan nitong kasulatan na pinagkasunduan nila noong nagmamakaawa itong lumapit sa kanya para manghiram ng pera para sa bisyo nitong pagkalulong sa sugal sa Casino. Lumakad siya at pumwesto ulit sa harapan ng lalaking businessman. Dinibdiban ito at kinwelyuhan. Bahagya pang iniangat ito mula sa pagkakaupo sa kahoy na silya. “You were being polite and nice when you were asking for money from me last time. Ngayon  na bayaran na ay pinapahirapan mo akong mabawi ang pera ko?” nanggigigil na sambit ni Copper dito na inilapit pa ang mukha sa mukha ng kliyente. Nanginig sa takot si Mr. Santiago. “O s-sige na, p-pipirmahan ko na!” saad nito na nauutal-utal pa. Sa narinig ay agad na binitawan ni Copper ang lalaki dahilan ng pagbagsak ng pwetan nito sa upuan. Inutusan nito ang isang tauhan upang alisin ang pagkakatali sa mga kamay ng lalaki, pagkatapos ay inilapit ng binata ang ballpen at ang dokumento dito at ang isang tauhan naman ang nag-alalay sa kamay nito kung saan banda ito pipirma sa papel na nasa harapan.  “Pipirma ka rin pala ang dami mo pang satsat,” saad ni Copper habang pinagmamasdan ang lalaking kaharap. Siya lang naman ang tao sa likod ng malawakang money laundering na nangyayari sa loob ng limang malalaking Casino sa Baguio. Nagpapautang siya ng malalaking halaga sa mga manlalaro doon na karamihan rin ay mga negosyante, kapalit ng malaking interes. Bukod pa doon ay buwan buwan din na nagbibigay sa kanya ng suhol ang limang nasabing casino. They owed it to Lord kung bakit hanggang ngayon ay nagpa-function pa rin ang mga establisyementong iyon. Ilang minuto pa ay narinig niya ang pagtunog ng telepono na nakapatong lang din sa harapang lamesa. Tiningnan niya kung sino ang tumatawag. Nang makilala ang pangalan na rumirehistro sa telepono ay agad na dinampot iyon, pero bago pa sagutin ang tawag ay sinenyasan na ang mga tauhan na palabasin na mula sa kwartong iyon ang kliyente.  Paglabas ng mga ito ay tsaka na niya sinagot ang tawag ng nakakatandang kapatid na si Gold. Halata ang pagkabalisa sa boses nito sa kabilang linya. Ilang minuto pa ng pakikipag-usap dito ay napag-alaman niyang nakidnap pala ang anak nito. Nag-aalala rin ang kausap sa telepono na baka pati ang girlfriend nito ay nasa kamay na rin ng kidnaper.  Kahit pa may sama ng loob sa kapatid ay walang pag-dadalawang isip siyang iniwan ang mga tauhan para damayan ang nakakatandang kapatid sa kinakaharap nitong problema noong araw na iyon. Samantala, kinahapunan…. "Miss Torres, meron akong task for you today.”  Habang busy sa mga inaasikasong paperworks noong alas singko y medya ng hapon, sa kaparehas na araw ay pumasok sa opisina ni Deyanira ang kanyang superior upang kausapin siya sa importanteng tawag na natanggap nito mula sa kapulisan.  “I want you to go to this address. There will be a rescue operation sa lugar na iyan at kailangan ng tulong mo. Kasama ng ibang mga miyembro ng kapulisan, doon ka na bibigyan ng order kung ano ang gagawin n’yo. I heard maraming armadong tauhan ang mga nakapalibot sa establisyementong iyon kaya mag-iingat ka," bilin nito. Ayon pa dito ay malaki daw ang operasyon na iyon at kailangan ng mga mapagkakatiwalaang miyembro ng batas para tumulong sa pagbawi sa na-kidnap na kasintahan ng isang malaking businessman. Ang balita niya pa ay nauna nang nakidnap ang anak nito na ibinalik rin naman agad ng abductor kapalit ng isang kundisyon na makikipagpalit dito ang nanay ng bata. She had chills about it, she wondered bakit kaya iyon ni-request ng isang abductor? Ang weird lang. Pero ano't ano pa man iyon ay nilukuban na agad siya ng kaba sa dibdib. Ang totoo ay ito ang unang beses niya sa pagsabak sa ganitong kalaking operasyon tungkol sa kidnapping.  Bago siya umalis at tumungo sa rescue operation na pupuntahan ay binasa niya muna ang impormasyon ng babaeng nakidnap.  Pinasadahan niya rin ang impormasyon ng  matandang negosyante na dumukot dito na pinaghihinalaan din na mastermind sa maraming anumalyang nakawan sa iba’t ibang negosyo sa Baguio at may pakana ng pagsabog ng isang minahan na pag-aaari rin ng boyfriend ng babaeng dinukot. Pinagmasdan niya rin muna ang mga mukha ng mga ito mula sa litratong ibinigay sa kanya ng kanyang superior.  Sakay ng kanyang motorsiklo, kahit medyo may kadiliman na ay mabilis siyang nagmaneho patungo sa lugar ng operasyon. Halos isang milya pa bago ang sinasabing address ay natanaw na niya sa gilid ng kalsada ang pagtitipon tipon ng mga kasamahan na magsasagawa ng pagsagip sa babaeng nadukot. Pinaghalo halong mga sibilyan iyon at mga pulis na ang iba ay nakasama niya pa sa dating propesyon. Pagkarating niya ay binigyan lang siya ng simpleng instruction ng isang taong siyang nakakataas sa kapulisan at siyang leader sa operasyong iyon. Agad silang naglakad papunta sa vicinity ng building na pinagdalhan sa nakidnap na  babaeng nagngangalang Emerald Marquez.  Ingat na nilakad nila ang may kakahuyang parte ng lugar na iyon para hindi matimbrihan ng mga kalaban. Pagdating sa vicinity ng tila hindi pa tapos na buiding ay nagkanya kanya silang palibot doon. Sa operasyong iyon ay hindi sila pinayagan na mag-isa lang kumilos. May itinalaga sa kanilang isang kapareha para kung ano man ang mangyari sa isa ay may re-rescue kaagad.  Hawak ang baril sa kanang kamay habang nakakubli sa likod ng may kataasang nakatambak na mga hollow blocks ay pumaatras siya ng konti para makapagtago nang may makita siyang isang armadong lalaki na nakabantay sa may gilid ng pintuan. May tila armalite na nakasukbit sa balikat nito. Pumaatras pa siya ng kaonti nang biglang magulat ng may masangga sa kanyang likuran.  “Sir, nasaan na ho ang kapartner ninyo?” pabulong ang ginawa niyang pagtatanong sa lalaking nagulat din sa pagkabangga sa kanya.  “Tss, hindi ko kailangan ng ka-partner,” sagot ng lalaki na tila nainis pa sa pulis na nasangga. Pumihit ulit ito patalikod at itinuon pabalik ang atensyon sa pagtatago. Sa dilim ng paligid ay tahimik niyang sinundan ang lalaki. “That’s an order sir, hindi po kayo pwedeng kumilos kung wala ang kapartner ninyo!” may pagdidiin ang mga salita nitong sabi sa lalaking nakasumbrero at naka-leather na jacket.  Pumihit ulit ito paharap sa kanya para tanungin siya. “Eh, ikaw, nasaan ang kapartner mo?” Tsaka lang din siya napalingon sa kanyang likuran. Oo nga at ngayon niya lang din napansin na wala na rin ang kapareha niya. Pagkalingon ulit sa lalaki ay nakita niya itong nagsisimula ulit na maglakad papalayo, mabilis niya itong hinabol, hinablot ang suot nitong itim na leather jacket at pinapwesto sa kanyang likuran. “Stay behind me sir. Kapag may mangyari hong masama sa inyo, huwag n'yo ho kaming  sisisihin ha! Ang tigas ng ulo ninyo!” may pagkairita niyang sambit dito. Tila nagulat si Copper sa ginawa ng babaeng pulis. Sa laki ng katawan niya ay nagawa ng babaeng iyon na hatakin siya at papuntahin sa likuran nito. Kalaunan ay wala na rin siyang  nagawa kung hindi sumunod na lang rin sa babae. He thought na wala siya sa tamang lugar para makipagtalo sa isang simpleng bagay. Ilang saglit pa ay nagulat siya  nang  biglang ipinid siya ng babae pasandal sa pader.  “Shhh!” bulong pa ng dalaga  ng mailapat nito  ang katawan paharap sa katawan ni Copper. Kailangan nilang kumubli at manatili sa kinalalagyan nila kung hindi ay baka makita sila ng dalawa pang parating na mga armadong kalalakihan na siyang papalapit sa kanilang kinalalagyan. Hindi sinasadyang naglapit ang kanilang mga mukha sa pagkakaayos na iyon. May katangkaran si Copper sa 5’9 nitong height, at si Deyanira ay 5’6. May kataasan man ang isa ngunit tila nagpantay ang kanilang mga mukha noong mga oras na iyon. Pigil ang mga paghingang ginagawa ng bawat isa lalo na si Copper na nagkaroon agad ng malisya sa ginagawang paglapat ng katawan ng babae sa harapan nito. Ang dibdib nito na dumadantay sa dibdib niya at ang pang-ibabang bahagi ng katawan nito na ramdam niyang nakadagan sa kanyang p*********i.  Sa dilim ng paligid ay naaninag nila ang mukha ng bawat isa. Napako ang paningin nila sa isa’t isa. Ramdam nila ang t***k ng kanilang mga dibdib. Ngunit iisa lang ang reaksyong mababanaagan sa kanilang mukha, iyon ay hindi pagkatakot, kung hindi pagkalito at pagtatanong. Pagtatanong na tila nasilayan na nila ang isa’t isa noon pa. Kasalukuyang nasa ganoon silang posisyon nang isang putok ng baril ang narinig nilang umalingawngaw mula lang din sa labas ng building na iyon. Kapwa sila nagulat at sa pagkakataong iyon ay nagpalit ang kanilang pwesto. Kinabig si Deyanira ng lalaki pasandal sa dingding at ito naman ang tila nagharang sa katawan ng babae. “Stay here Miss, delikado doon,” anito na nagpatiuna ulit na sinimulang maglakad habang nakaabang ang baril sa kamay. Napakunot ang noo ni Deyanira. At siya pa talaga ang sinabihan ng lalaking ito ng ganoon? Agad niya ulit itong sinundan.  “Sir, ako ang pulis dito kaya ikaw dapat ang sumunod sa akin,” maawtoridad na utos niya dito. She lied sa propesyon na binanggit niya sa lalaki dahil isa iyon sa hindi pwedeng malaman ng ibang tao. Lalo na ang estrangherong lalaking nagtatapang tapangang ito ngayon. “I don't  care kung pulis ka, babae ka pa rin, so sa likuran kita,” ani Copper na naninindigan din sa sinabi. Naningkit ang mga mata niya na hinila ang braso nito, ngunit this time ay hinatak na iyon ng lalaki. Nagkabanggan ulit ang kanilang mga katawan.  “Isa pa, baka ano na ang magawa ko sa iyo!" banta nito sa babae sa maawtoridad din na tono ng boses . "Panay dantay ng katawan mo sa akin, nalilibugan na ako," isang beses pa ay bumaba ang mga matang iyon ni Copper sa katawan ni Yani. Natigilan siya. Sa ganoong delikadong sitwasyon ay naisipan pa talaga siya ng lalaki ng ganun? Naisalubong niya ang mga kilay. Tutol man ngunit hinayaan niya na lang na magpatiuna ang lalaki. Wala sila sa lugar upang makipagtalo. Nang ilang sandali pa ay ilang putok pa ulit ng baril ang naulinigan nila. Doon ay tuluyan na silang nagkahiwalay. Sa mga sumunod na mga minuto ay hindi na siya nakasama pa sa ginawang pagligtas sa nadukot na babae dahil kinailangan niyang pangunahan ang paghatid sa presinto ng ibang suspect na una nang nahuli ng mga kasamahan.  Habang inieskortan niya ang naunang sasakyan ng mga pulis na kinapapalooban ng mga masasamang loob ay hindi niya maalis sa isipan ang nangyaring eksena sa pagitan nila ng lalaking iyon kanina. Ang lalaking alam niya at sigurado siyang nakita na niya  ng ilang beses. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD