When Love and Hate Collide

2211 Words
Mabilis na dumaan ang isang taon.  Deyanira was driving her motorcycle going back to her office after ng importanteng meeting sa head office ng kanilang senior director nang mapansin niya ang humaharurot na sasakyan sa kalsada. Napahinto siya sa gilid at nilingon ang mabilis na paglampas ng sasakyan mula sa kinaroroonan niya. Hindi na sana niya papansinin ito pero nang makitang bumilis pa ang pagpapatakbo ng sasakyan na iyon ay agad na siyang nag u-turn para sundan iyon at pahintuin.  Dahil hindi naman police vehicle ang kanyang gamit noong mga oras na iyon ay hindi siya agad napansin ng taong nagmamaneho ng sasakyang sinusundan, kaya nang makabwelo at walang nakitang sasakyan na paparating mula sa kabilang lane ng kalsada ay sinabayan niya na ang may kamahalang sasakyang iyon at binusinahan kasabay ng pagbi-blink ng headlights ng minamanehong motorsiklo.  Doon lang siya napansin ng driver nito nang magpatiuna siya ng kaonti sa sasakyang iyon at mabilis na  kinawayan ang nagmamaneho. May kadiliman na rin ang paligid kaya hindi niya masisi kung hindi siya agad nito nakita. Datapwat kailangan niyang hulihin ito dahil sa paglabag sa batas trapiko sa mabilis na pagpapatakbo ng sasakyan sa may kakiputang kalsadang iyon.   Pagkahinto ng hinahabol na sasakyang iyon  sa gilid ng kalsada ay siyang paghinto rin ng motorsiklo niya sa bandang likuran nito. Bumaba siya mula sa pagkakasakay doon at inalis ang suot na helmet na ipinatong lang sa upuan ng kanyang motorsiklo. Lumakad siya palapit sa itim na sasakyan at pagkatapat sa tinted na bintana ng driver ay kinatok iyon. Ibinaba naman agad iyon ng lalaking siyang nagmamaneho.  "Good evening ho sir! Hindi n'yo ho ba alam na speeding kayo?" iyon ang lumabas mula sa bibig niya bago natigilan nang makita ang mukha ng lalaki.  "Ikaw?" halos sabay ang pagkakabanggit nila sa katanungang binitawan  nang  mamukhaan ang isa't isa mula sa ginawang rescue operation noon. Ang nakakabilib pa ay isang taon na ang nakakalipas noong mangyari iyon. Ibig lang sabihin ay tumatak talaga sa isipan nila ang mukha ng bawat isa kahit pa may kadiliman noon gaya ngayong oras na ito.  Ilang segundo rin silang nagkatitigan nang una nang bawiin ng lalaki ang tingin. "Teka, sinusundan mo ba ako?" may pagkasupladong tanong nito sa babaeng hindi pa rin naaalis ang pagkakatitig sa mukha nito. Naisalubong ni Deyanira ang mga kilay. "Hindi ah," tanggi niya ngunit agad rin naman binawi ang sagot. "I mean of course susundan kita, speeding ka kaya!" pagtataray niya pang pagkokorek sa naunang sinabi. Paano niya ba na-misinterpret ang tanong nito? Subalit maliwanag pa sa ilaw ng headlights ng sasakyan nito ang gusto nitong ipahiwatig na tila inii-stalk niya ito.  "Well, I apologize at hindi ko napansin na napabilis ang pagpapatakbo ng sasakyan ko," paumanhin ng lalaki na sinamahan pa ng pagkunot ng noo. "But I need to go now dahil may emergency pa akong kailangang puntahan," dugtong pa nito patungkol sa nalamang balita na manganganak na ang asawa ng nakakatandang kapatid. Umakma pang paaandarin na ulit nito ang sasakyan ng pigilan ng babae.   "T-teka sir!" bulalas niya na as if kaya niyang pahintuin ang sasakyang iyon habang itinutulak pabalik ng mga kamay. "Hindi ho kayo pwedeng umalis, mas lalaki ang penalty n'yo kapag umalis kayo," aniya. "Penalty?” inapakan ulit nito ang break ng sasakyan upang ihinto iyon mula sa mahinang pagtakbo. “Wala pa akong nilalabag na batas trapiko! Aren't you just gonna give me a warning since this is my first time? Kahit tingnan mo pa sa records ninyo!" naitaas nito ng bahagya ang boses. Medyo natigilan ulit siya sa sinabi nito. Paano nga ba niya ma-chi-check ang records nila kung nagsasabi ito ng totoo eh hindi naman na siya isang pulis? Pupwedeng sundin niya na lang ang sinabi nito at bigyan ito ng warning pero dahil sa kakulitan nito at kasupladuhan ay parang tutol yata siya na pakawalan ito ng ganun ganun na lang.  "At kayo pa talaga ang may ganang magalit eh ikaw na nga ang lumabag sa batas!” pagtataray niya rin dito. “Sandali lang ho, diyan lang kayo at kailangan ko lang ho tumawag ng back-up," saad na lang niya na dinukot ang telepono sa bulsa para tawagan ang kilalang pulis na naka-duty sa lugar na iyon noong gabing iyon.  Sa pagiging isang special agent ay pinapayagan naman sila manghuli ng mga driver na lumalabag sa batas trapiko pero pagdating sa pagbibigay ng ticket sa mga ito ay hindi na iyon saklaw ng kanilang trabaho.  "Oh, c'mon!" banas na sambit ng lalaki na naipalo pa ang kamay sa manibela. Ngayon pa talaga nangyari ito ngayong may emergency itong pupuntahan? Sa huli ay wala na lang itong nagawa kung hindi maghintay at pagmasdan ang babae na nagpabalik balik ng paglakad sa harapan ng sasakyan nito habang may kinakausap sa telepono.  "Stay put lang ho kayo diyan sir. Parating na ho ang magti-ticket sa inyo," saad ni Deyanira pagkababa ng telepono. Napailing ang lalaki. "Bakit hindi na lang ikaw ang mag-ticket sa akin? Tutal pulis ka naman, hindi ba?" may pagkairita nang saad ulit nito sa dalaga.  Nai-roll niya ang mga mata. Paano niya ba maipaliliwanag sa supladong  lalaki na ito ang parte ng trabaho niya tungkol sa panghuhuli sa mga taong lumalabag sa batas trapiko without telling him na isa siyang secret  agent? "Wait! Wala ka sa duty noh, kaya hindi ka pwedeng magbigay ng ticket?” pinanlakihan nito ng mga mata ang babae. “So bakit ka nanghuhuli kung out of the clock ka pala? Bawal iyon, ‘di ba?” isinalubong ng mga kilay nito ang pagsasabing iyon. “You know what, you're just wasting my time!" sa pagkabanas ay dagling pinaandar ulit nito ang sariling sasakyan.  Tila nataranta naman si Deyanira at tumakbo papunta ulit sa harapan para pigilan ang pag-alis ng lalaki. Ikinagalit niya pa ng lubusan nang patuloy pa rin ang mahinang pagpapaandar ng lalaki sa sasakyan nito.  “Walang modo!” pagtatagis ng bagang niyang turan. Naka-isip siya ng paraan para hindi ito makatakas. Mabilis siyang lumipat  sa kabilang side ng car at binuksan ang pintuan ng passenger seat nito. Tamang tama naman na hindi iyon naka-lock kung kaya tuluyan siyang nakapasok sa loob no’n.  Dahil dito ay naihinto ulit ng lalaki ang sasakyan. Halos umusok ang ilong ni Yani sa galit nang harapin ang lalaki. Ngunit mabilis lang ding nag-iba ang reaksyon ng mukha nito nang harap harapang makita  ang binata. Parehas silang pagtataka ang namutawi sa mukha nang malapitang pakatitigan ang isa't isa. Tila  sinisino ng mga ito ang mukha ng bawat kaharap. Nagtagal ang ayos nilang iyon ng ilang minuto.  "Ikaw ‘yun noh!?" halos sabay ang pagkakasambit nila ng mga katagang iyon.  Binuksan ng lalaki ang ilaw sa loob ng sasakyan nito para maaninag pa ng mabuti ang kaharap kung ito nga at ang babae na nakaniig nito may pitong taon na ang nakakalipas ay iisa.  Nanlaki ang mga mata nila sa napagtanto.  "Ikaw nga!" sabay ulit na sambit nilang dalawa. Mukhang iisa lang din ang iniisip nila.  "Weh? Parang hindi naman!" pakli ni Deyanira ng pakatitigan ang kaharap mula ulo hanggang paa.  "Kaya nga, malayo!" sang-ayon din ng lalaki nang  hagurin din ng pagtingin ang kabuuan nito. "Ang baduy mo kaya noon," panglalait niyang ismid dito. "Ikaw kaya, para kang walking stick noon, kulang na lang liparin ka ng hangin," pangbawi nitong okray sa dalaga. "Nagsalita ang mukhang totoy!" ismid din ni Yani. Nagsalubong ang mga kilay ni Copper. He heard it once again coming from the same person before. "Eh ano kung mukhang totoy? Ang totoy lang naman na ito ang dahilan kung bakit nakapasa ka sa training dati. I bet kung hindi dahil sa akin, hindi ka naging pulis ngayon," panglilibak din ng isa. Sa haba ng panahon na kinimkim nito ang sama ng loob sa babae, ngayon ay tila nakaganti na ito.  Sabay silang natigilan pagkatapos ismiran ang isa’t isa. Nagpakiramdaman. Sa ilang minutong lumipas ay unti unti rin na nagbago ang reaksyon ng kanilang mga mukha.  Mula sa pagtataray at pagsusuplado ay napalitan iyon ng kimi at tila nagkahiyaan na napayuko ang mga ulo sa inasal ng bawat isa. Bakit nga ba nila ibinalik ang nakaraan eh mga bata pa sila noon? Sa mga sumunod pang mga minuto ay hinagod ulit ng kanilang paningin ang kabuuang ayos ng kaharap.  They really look totally different than before.  Kung ang lalaking ito ay mukhang totoy noon, at may baduy na pormahan, ibang iba na ang ayos nito ngayon. Hindi man aminin ni Deyanira ay nagsusumigaw na ang s*x appeal nito sa may pagka-long hair na tabas ng buhok na sadsad ang cut sa magkabilang side ng ulo. May konting pabalbas at pabigote pa ito na may suot na  maliit na hikaw sa magkabilaang tenga na bumagay sa dragon na tattoo nito sa kaliwang side ng leeg. Agaw pansin din ang mga tattoo nito na inokupa ang kaliwang bahagi ng braso.   'Astigin!' bulong pa ng dalaga sa sarili. Samantala, ang lalaki na iyon ay hindi maialis ang tingin kay Deyanira na  kahit nakaupo ang babae ay makikita ang pagka-flat ng tiyan nito at kurba ng bewang at balakang. Ibang iba iyon sa patpating katawan nito 7 years ago. Agaw pansin din ang malaman nitong dibdib na kahit pa natatakpan ng puting t-shirt ay mahahalata na malulusog ang mga iyon. Dinagdagan pa ng malaking improvement ng ganda ng mukha nito na lalong hindi nakakasawang pagmasdan na kahit nagsasalita lang ay sumisilay na ang malalim nitong biloy sa magkabilang pisngi.  Tila nag-usap ang mga mata nila at inalala ang nangyari sa pagitan nila pitong taon na ang nakakaraan. Ang pangyayaring tumatak sa kanilang isipan ay dala dala magpahanggang ngayon. Kasabay ang pag-alalang iyon ay ang pagbalik ng kung anong naramdaman nila noong pagsaluhan nila ang mapupusok na damdamin noong kabataan nila.  Sa mga isiping iyon ay halos sabay nilang iniwas ulit ang paningin sa isa’t isa na tila nakaramdam ulit ng hiya sa mga pagpapantasya na tumatakbo sa kanilang isipan.  “So? Ikaw rin ba ‘yong nakabangga ko sa isang party dati?” ang lalaki ulit ang nagbasag ng katahimikan. “I think so. Pwera na lang kung may nakabangga ka pang iba,” may pagkasarkastiko ang pagkakasabing iyon ng babae.   'I knew it!' bulong ni Copper sa sarili. Tama nga ang hinala niya all these time. Kaya naman biglang nasira ang mood niya noong gabing iyon. Malakas talaga ang pakiramdam niya na ito nga ang babaeng nanglait sa kanya dati na apparently nakaniig niya pa. Ewan niya ba at kahit anong pilit na pagwaksi niya sa naramdamang galit at inis towards this girl ay nagpabalik balik iyon. “So, are we just gonna stare at each other?” seryosong tanong ulit niya sa babae. “What do you mean?” tila iba ang pakahulugan ni Deyanira sa binanggit ng kausap. Ano pa ba ang gustong gawin ng lalaki?  Pinamulahan ito ng mukha sa kapilyahang naisip. Sarkastikong napangiti si Copper. “Why not just get my name and my licence number para matapos na ito?” Naitaas ni Deyanira ang isang kilay sa tinuran nito. Akala pa naman niya ay may iba itong gustong gawin nilang dalawa.  'Relax self,' bulong niya sa sarili. 7 taon ba naman na walang relasyon, walang kahalikan, walang ka-chukchakan. Hindi niya masisisi ang sarili na maging green minded sa unang itinanong nito. “Ibang iba ka na talaga, ang suplado mo na ngayon eh,” pakli niya dito. “Well, everything’s changed. At least I’m not the ‘totoy’ that you used to know before,” may pagdiin sa salitang totoy na sambit ni Copper.  “No, you are not… Not anymore,” may pag-iling niyang banggit kasabay ng paghagod niya ulit ng paningin sa katawan ng lalaki. 'Not anymore dahil pwera sa suplado ka na, ang hot mo pa!' bulong niya ulit sa sarili.  Sa pangatlong pagkakataon ay nagkatitigan ulit sila. This time may lagkit na iyon. This time may tila pag-uusap na ang mga mata sa mga kakaibang nararamdaman sa bawat isa noong mga oras na iyon.  Bahagyang nabasa ng dila ng lalaki ang mga labi nito samantalang napaawang naman ang mga labi ni Deyanira. Doon ay wala nang sabi sabi na sinalubong nila ng halik ang isa’t isa. Mapupusok ang mga iyon na tila sabik na sabik na matikman ulit ang labi ng bawat isa. Kumilos si Deyanira at mabilis na umupo sa kandungan ni Copper paharap dito. Agad rin na yumakap ang isang kamay ni Copper sa likuran ng babae at ang isa ay pumunta sa batok nito nang magsimulang maglapat ang kanilang mga labi. Mariin at may sabik ang paghahalikang ibinibigay nila sa bawat isa. Nang makawala ang labing iyon ni Yani ay tila excited na dumampi ang mga iyon sa leeg ng binata. Sinimsim ang mabango at mainit init na balat nito. Nasa kainitan sila ng sandaling iyon nang marinig nila ang tunog ng padating na pulis vehicle. Tila natauhan silang dalawa na mabilis rin na naghiwalay. Samantalang si Deyanira ay agad na lumabas ng sasakyan ng lalaki nang makitang pumahinto na ang back up na pulis sa likuran ng kanyang motorsiklo.  Nahawakan niya ang mga labi. Did she just kissed that guy without knowing his name again? Napakamot na lang siya ng ulo. Iba talaga ang hatid ng lalaking iyon sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD