Clash

2635 Words
“Saan ka galing? Anong oras na ah!” isang galit na galit na si Shane ang sumalubong kay Copper pagkauwi sa bahay nito ala-una na ng madaling araw.  “I’m sorry hindi na kita nasabihan,” habang inaalis ang sapatos ay saad ng lalaki. “Bakit hindi ka man lang tumawag? Madaling araw na ngayon ka lang umuwi! Aware ka pa ba na may naghihintay sa iyo dito?” bulyaw ng babae na sinalubong ang binata nang ilagay nito sa tamang lagayan ang susi ng sasakyan.  Matatandaang galing ito sa ospital at sinamahan ang kapatid na si Gold sa paghihintay hanggang ligtas na makapanganak ang asawa nitong si Emerald. Sa mga nagdaang buwan, kahit hindi pa nawawala ang tampuhan nilang magkapatid ay sinisigurado niyang nakasuporta pa rin siya lalo na sa mag-ina nito. Mabait sa kanya si Emerald at natutuwa siya sa anak ng mga itong si Amber na madalas magpabili ng ice cream sa tuwing bibisita siya para kamustahin ang bata. Napansin niya rin ang kakaibang hatid ng pagkakaroon ng sariling pamilya sa kanyang nakakatandang kapatid na si Gold. Malaki ang ipinagbago nito at naging responsable pa sa lahat ng bagay lalo na at may dumating pa ulit sa buhay nito na tatlong cute na cute na bagong supling. Kanina ay nasaksihan niya ang saya nito nang hindi magkandaugaga sa pagkarga sa tatlong bagong panganak na mga sanggol. Hindi niya tuloy maiwasan na mainggit sa tinatamasang saya nito ngayon. These past few months ay hindi niya alam kung bakit nasasagi na sa kanyang isipan na bumuo na rin ng pamilya. Sa kanilang magkakapatid siya ang pinakamalapit sa mga bata. Ngayon na nagkaroon pa ng panibagong pamangkin, he is really looking forward one day na magkaroon din ng maliliit na Copper na tumatakbo sa loob ng kanyang bahay at maririnig ang maliliit na halakhakan ng mga ito. Isa lang ang pumipigil sa kanya na gawin iyon ngayon, iyon ay ang kasintahang si Shane. Wala pa sa isip ng babae ang mga bagay na iyon. Hanggang ngayon kasi ay laman pa rin ito ng mga club house kasama ng mga kaibigan. Although mahal siya nito at siya lang ang lalaki nito sa buhay, ay malaya  pa rin itong gawin ang mga ginagawa ng pagiging isang single na babae  lalo na kapag wala siya sa tabi nito.  “Calm down okay, nakaligtaan ko lang talaga,” lumapit siya dito at hinalikan ang kasintahan sa bandang noo. Nagtitimpi lang na hinayaan ng babae  na hagkan ito ng binata. Pagkahiwalay dito ni Copper ay napakunot ang noo ng dalaga nang may maamoy na kakaiba sa t-shirt ng kasintahan.  “What’s that smell?” magkasalubong ang kilay na tanong nito. Hinila pa nito ang tshirt ng kasintahan  para amuyin ulit ang tila pang-babaeng amoy na dumikit sa damit nito. Napaatras ang lalaki na hindi nagustuhan ang ginawa ni Shane. “May babae ka ba, Copper?” naitaas ulit nito ang tono ng boses mula sa pagsasabing iyon. “What?” kumunot naman ang noo ni Copper sa narinig mula sa babae. Lumapit ulit si Shane sa binata at inilapit ulit ang ilong sa suot nitong pang-itaas.  “That’s a female perfume!” bulalas nito na itinulak pa ang kaharap.  “What are you talking about?” naguguluhang inamoy rin niya ang suot suot na t-shirt. Doon niya lang naalala ang nangyaring tagpo sa pagitan nila ng babaeng pulis kanina. Dumikit pala ang pabango nito sa kanyang damit. “This is a mistake okay. Hindi na kailangang palakihin pa,” dipensa niya sa sarili. “Anong mistake?” singhal ulit nito ng may mapansin na kung anong kulay pula na nasa leeg ng kasintahan. Pinahid nito iyon ng kamay at inamoy. Agad na naningkit pa ang mga mata nito sa galit na mapagtanto na isa iyong lipstick. Isang sampal ang mabilis na  dumapo sa mukha ni Copper. Napahawak naman ang naguguluhang lalaki sa nasampal na parte ng mukha.     “How dare you!” nanlilisik ang mga mata na dinuro ni Shane ang  kaharap. “Bakit hindi mo na lang ako prangkahin na may iba ka na, hindi yung pagmumukhain mo pa akong tanga!” galit na galit na dugtong pa nito. “I dont know what you are talking about Shane! Wala akong babae!” may diin din sa huling mga katagang binitawan ni Copper.  “And what's that lipstick on your neck? May ebidensya na at lahat lahat itinatanggi mo pa!”  Napatingala at naidiin ni Copper ang pagpikit ng mga mata sa pagpipigil din ng emosyon.  Kasabay noon ang pagtatagis ng bagang. Paano ba niya hindi napansin iyon? Pero malay niya ba na may naiwang mark ng lipstick sa leeg niya mula sa maikling pagmi-make out na ginawa niya with that girl? Ano, sasabihin ba niya sa kasintahan ang tungkol doon? Sigurado siyang hindi iyon magugustuhan ni Shane.  “Look, hindi ko alam kung paano napunta iyang lipstick na ‘yan sa leeg ko, okay. And about sa perfume, malay ko, baka galing lang iyan sa client ko,” tanggi niya sa akusasyon nito.  “So nakipag-lambutchingan ka sa client mo, ganun ba?” pinanlakihan ng mata nito ang binata. Naipukol niya ang matalim na tingin dito. Makikipagtalo pa sana siya sa kasintahan nang pinili niya na lang na manahimik. Pagod siya sa buong araw na pagtatrabaho. Baka kung tumahimik siya ay tatahimik na rin ang babae.  Mabibigat ang mga paa na nagsimula siyang lumakad at akyatin ang hagdanan papunta sa kanilang kwarto. Ngunit mali siya at nagpatuloy ang babae sa pagbubunganga sa kanya. “So tama nga ako? May iba ka pang babae?” sinundan ni Shane si Copper papaakyat.  “Shane, out of all the people i know, ikaw ang lubos na nakakakilala sa akin. You know that i can’t do that!” wika niya dito na nainsulto sa sinabi nito. As a mafia lord, isa sa panuntunan nila ay ang pagiging one woman man ng mga ito lalo na kapag may asawa na. Ngunit hindi dahil doon kaya hindi niya magagawang magtaksil sa kasintahan. It’s just, cheating is not his thing. At ang nangyari kanina between him and that policewoman, wala lang iyon for him. Although may kaunting kilig ulit siyang naramdaman sa babae kanina ay pinili niyang hindi na i-entertain sa utak ang naramdamang iyon. At isa pa, isang bagay iyon na hindi niya minsan naiiwasang mangyari lalo na sa trabaho niya na isa sa mga leader ng Mafia na madalas nakikisalamuha sa mga iba't ibang uri ng tao. Dahil kahit  nabisita sa mga casino at nagpapanggap na costumer para pagmasdan ang paglalaro ng mga kliyenteng nangutang sa kanya ng malaking pera, madalas ay may babae na lang na susulpot at lilingkis sa kanya at minsan ay bigla bigla na lang siyang hahalikan sa labi. Hindi niya siniseryoso ang mga ganoong bagay.  Especially when it comes to that policewoman na unang nagbigay ng heartbreak sa kanya.  “Yun na nga, akala ko rin hindi mo magagawa, but where did that f*cking lipstick came from?”  pangungulit na tanong ulit ng babae. Naikunot niya ulit ang noo sa narinig. “Shane pwede ba tumigil ka na. This is nonsense,” hinarap niya ulit ang babae at ipinakita dito ang reaksyon ng mukha mula sa pagtitimpi na ginagawa niya para lang hindi ito mapatulan. “Anong nonsense? This is not nonsense!” singhal ulit ng babae.  “Fine! Kung niloloko mo lang talaga ako mas mabuti pa maghiwalay na lang tayo!” padabog na naglakad ito papasok sa kanilang kuwarto. Natigilan si Copper at sinundan ng tingin ang babae.  May dilim din sa reaksyon ng mukha nito na hindi nagustuhan ang sinabi ng kapareha pero pinili niyang huwag nang umimik.   Sa totoo lang, ito ang palaging panakot ng babae sa kanya sa tuwing mag-aaway sila, ang hihiwalayan siya nito na hindi naman natutuloy palagi. Ito lang naman ang palaging gumagawa ng drama sa relasyon nila at laging pinapalaki ang isang issue lalo na ang mga bagay na hindi naman dapat pang palakihin.  “What’s wrong with you? Tungkol ba ito sa hindi ko pagpayag na huwag muna tayong mag-anak?” hinarap ulit ni Shane ang binata. Ngunit tila wala lang narinig si Copper. Hindi ito umimik bagkus ay  malalim lang na pinakatitigan ang babae.  “Eh paano ako papayag sa gusto mo kung ganyan ka naman! Wala man lang akong maramdaman na security galing sa iyo na ako lang talaga ang babae sa buhay mo!” dinuro nito si Copper. Tila nagpanting ang tenga niya sa narinig mula rito. “Really Shane! Ako pa talaga ang sinabihan mo ng ganyan? Sino ba sa atin ang panay pa rin ang labas? Baka nga ikaw pa ang may ibang lalaking kinakalantari everytime na nagka-clubbing kayo ng mga barkada mo!  And what kind of security ba ang hinahanap mo? You asked na maglive-in na tayo, pumayag ako. Niyaya kitang magpakasal dati since gusto mo nang magsama na tayo sa iisang bubong pero ayaw mo! Ngayon magrereklamo ka na wala kang security na nakukuha galing sa akin?” bulalas niya rin dito na pinagduduro din ang kaharap. Tila napaatras naman ang dalaga. “Alam mo naman kung bakit hindi ako pumapayag hindi ba? Hindi pa ako ready! And ayokong matali lang dito sa bahay at mag-alaga lang ng mga anak mo kapag nangyari iyon. Hindi pa ako ready i-give-up ang career ko,” anito. Isa itong manager sa isang hotel na pag-aari ng kaibigan ng binata.  Ang isa sa ikinaiinis ni Copper ay ang palaging pagsasabi nito ng mga salitang binitawan na as if hindi rin nito anak ang aalagaan. For her isang pasakit ang pag-aalaga sa magiging anak nila.  “And that's why hindi na kita pinilit ‘di ba? Napag-usapan na natin iyon and napagkasunduan na natin. Bakit ino-open mo na naman ang tungkol doon?"  “Hindi lang kasi  makatarungan na ganituhin mo ako. Halos hindi ako nag-eexist  sa bahay na ito kung tratuhin mo!” “You know that is not true Shane. Pinapalaki mo na naman ang isang bagay na hindi naman dapat palakihin!” “Eh ano sa tingin mong gagawin ko? Balewalain lang ang mga pagbabalewala mo sa akin? Mahigit one week na since hindi na tayo nagkakausap ng maayos. Late ka na nga umuwi palagi, wala ka pa lagi sa mood.” “Okay, sorry kung ganun ako palagi these past days, pero walang kahulugan iyon," inilayo niya ang paningin sa pagsasabing iyon. Alam niya sa sarili na nanlalamig na siya sa kasintahan kaya patuloy na ang pag-iwas niya dito. Pero para lang putulin na ang pagtatalong iyon ay nagsinungaling na lang siya. "Pagod lang ako sa trabaho. Marami akong trabaho na kailangan kong asikasuhin,” saad niya pa dito.  “You are the CEO of your company. Nakaupo ka lang naman sa office mo dahil ang mga empleyado mo ang gumagawa para sa iyo! Ano ba ang nakakapagod doon?” maliban sa nalalaman nitong trabaho ni Copper bilang nagmamay-ari ng isang real estate sa lugar ng Baguio ay wala na itong alam sa iba pang pinagkakakitaan nito.  “Huwag mong kukwestyunin ang trabaho ko, wala kang idea sa mga ginagawa ko,” malaki ang boses na sagot ni Copper.  Galit na pumasok sa loob ng malaking walk-in closet si Shane at kinuha ang luggage nito at mabilis na nag-impake ng mga damit. “And what are you doing?” mariing tanong ni Copper. “Ano sa palagay mo?” may pagkapilosopong sagot nito na seryoso sa ginagawang paglalagay ng mga damit sa bag. Ngunit sa totoo lang habang ginagawa ang pag-iimpake ay nakikiramdam rin  ito at tila may hinihintay na gawin ang lalaki. Sa loob ng dalawang taong  pagsasama ng mga ito, kapag nag-aaway sila at dumarating ito sa puntong gustong maglayas nito na sa tuwing mag-iimpake na ng mga damit ay palaging pinipigilan ito ni Copper at magmamakaawa na huwag na itong umalis. Sa ngayon ay tila walang balak ang lalaki na gawin iyon sa dalaga. “Shane I’m telling you, as soon as lumabas ka sa pamamahay ko hindi ka na makakabalik pa,” may pagbabantang saad lang ng binata.  Natigilan ito sa sinabi ng lalaki. Alam nito na lahat ng sinasabi ni Copper ay pinaninindigan nito. Agad itong nagdalawang isip sa gagawin. Ngunit umiral ang pride nito at pinagpatuloy ang pag-iimpake ng mga damit. Hindi ganun ang gusto nitong gawin ng lalaki. Gusto nito ay yung tipong aamuhin ulit ito ni Copper at lalambingin. Ngunit nanatiling nakatayo at pinapanood lang ito ng binata.  “Hindi mo man lang ba ako pipigilan?” galit na singhal na nito sa kasintahan. “Well, if that’s what you want, then go. Kung gusto mong makipaghiwalay, fine. Pagod na ako sa panunuyo sa iyo,” galit rin na naituro ni Copper ang pintuan ng kwarto palabas. Nagsulubong ang mga kilay ni Shane at tila tumaas ang dugo sa ulo. Sa galit ay minadali nito ang pag-iimpake upang makalabas na mula sa bahay na iyon. Ilang minuto pa ay hila na nito ang luggage palabas ng bahay ni Copper at dumiretso sa sasakyan na regalo ng lalaki dito noong kaarawan nito. Ilang sandali pa ay humarurot na ang sasakyan nito palayo doon nang makalabas ito mula sa garahe. Samantalang nakatanaw lang si Copper mula sa de-salaming dingding ng kuwarto nila overlooking ang kalsada. Wala na sa paningin niya ang sasakyan ng kasintahan ng magdesisyon na maligo na lang para mabawasan ang init ng ulo. Ilang minuto din siya nagtagal sa kanyang shower nang paglabas doon ay dinampot sa sahig ang t-shirt na sinuot kanina. Hindi sinasadya na maamoy nito ang pang-babaeng pabango na dumikit doon. Tila nagustuhan niya ang amoy nito kaya sinimsim pa iyon. Namutawi ang pilyong ngiti sa kanyang labi na agad ding binawi ng maalalang ilang minuto pa lang pala since makipaghiwalay siya sa kasintahan. Sinaway niya ang sarili mula sa pag-i-entertain agad nito ng ibang babae sa kanyang isipan. Inihagis niya ang t-shirt na iyon sa hamper na lalagyanan ng maruruming damit at pagkatapos ay hubo't hubad na na nahiga sa kanyang kama.  Ewan ba at sa nangyari ngayong gabi dapat ay nagluluksa siya sa panibagong pagkabigo ng puso mula sa isang failed relationship. Ngunit bakit wala man lang siyang nararamdamang lungkot at panghihinayang? Oo at inaamin niyang nanlalamig na siya sa kasintahang si Shane ngunit ilang beses na iyong nangyari at sa huli ay bumabalik ulit ang pagmamahal dito na akala niya ay mangyayari ulit ngayon, ngunit hindi. Kumilos siya at tumagilid ng pagkakahiga at humarap sa side ng bed na hinihigaan ng kasintahan. Though this is not the first time na matutulog siyang mag-isa dahil minsan ay inuumaga na si Shane kapag nawiwili itong gumimik kasama ng barkada, ngayong gabi itinanim niya sa isip na malabo nang bumalik pa ang babae. Seryoso siya sa binitawang salita kanina kahit pa may panghihinayang ng kaonti sa tatlong taong itinagal na rin ng relasyon nila.   Muli siyang pumaling paharap sa kabilang side ng kwarto niya. Agad na pumasok sa isip niya ang babaeng pulis na iyon kanina. Ang totoo ay hindi niya na talaga ini-expect na makikita ulit ito. Lalong hindi niya inaasahan ang nangyari kanina sa pagitan nilang dalawa.  Naipikit niya ang mga mata at agad na pumasok ulit sa kanyang isipan ang pagmi-make out nila ng babaeng iyon. Magaling pa rin itong humalik. At walang kasing ganda at sexy na kesa noong una niya itong nakita. Pinakiramdaman niya ang sarili. Kahit pa may galit pa rin siyang nararamdaman towards sa babae ay tila may tuwa rin sa kanyang puso sa pagkikita nilang muli. Pagkuwan ay ipinilig niya ang ulo upang alisin na sa isip ang babaeng iyon. Nakakasigurado siya na ang naramdaman niya towards dito ay simpleng tuwa lang dahil naalala pa rin siya ng babae pagkatapos ng mahabang panahon. Sigurado siya na wala nang iba pang pakahulugan iyon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD