“So, where have you been these past years?” tanong ni Yani habang matamang nakatitig sa mukha ng binata. Hawak nito sa kanang kamay ang may tatlong green olives na nakatusok sa toothpick at siyang paulit ulit na ipinanghahalo sa champagne na nasa loob ng mamahaling glass whine. “I haven't been anywhere. Hindi pa ako napadpad sa ibang lugar ever since last tayo nagkita,” sagot naman nito pagkatapos tunggain din ang huling likidong laman ng wine glass nito. “Wow. Ni hindi man lang nagkrus ang landas natin sa haba ng panahon na iyon!” bahagyang namilog ang kanyang mga mata sa pagsasabing iyon. “Oh yeah, nagkita pala tayo last year sa isang rescue operation. Ano nga pala ang ginagawa mo doon? Pulis ka rin ba? You weren't wearing your uniform that time,” tanong niya pagkatapos mabilis na in

