kabanata 21

1239 Words
Kanina pa tumatawa si Cade. Bakit ba kapag nagkukwento ako sa kanya ay lagi siyang tumatawa?! Parang nang aasar lang! "Nabulunan talaga ako nang marinig ko 'yon, 'yung nasa bibig kong iced coffee ay bumalik ulit pababa sa straw!" Sabi ni Tori kaya humalakhak ng malakas si Cade. "Then he pretended like he didn't hear you, right?" Tanong pa niya kaya umirap ako at tumango. "That was so funny! Sana ay nandoon ako!" "Well, you're not because you were busy having a date." I tsked. Ngumuso siya. "So, babalik ka pa ba do'n matapos ng kahihiyan na ginawa mo?" "What are you talking about?" Ngumisi ako. "Of course i will come again, he's a challenge." She slapped her forehead. "Oh my goodness, Kari.." Hindi ako titigil hangga't siya na mismo ang magsabi na pumapayag na siyang maging bodyguard ko. Kinabukasan ay nagpunta ulit ako sa school. Tatlong araw na magkakasunod at lagi niya akong binabalewala lang. To be honest, nakakapikon na minsan. Nakikita ko naman siyang nakikipag usap ng maayos sa ibang tao, tatawa pa siya kila Domino tapos magkukwento siya. Pero sa'kin?! "Mommy, pupuntahan ko si Tobias later. Kailangan ko ng extra money.." Tumaas ang isang kilay niya. "Magpasama ka kay Mang Raul." "Magka-cab na lang ako." "No, you can't. Kaya pinapayagan kitang pumunta sa malayo para mapapayag si Tobias Ortega na maging bodyguard mo, sa tingin mo ay papayagan kita na bumyahe mag isa ng gano'n kalayo?" Huminga ako ng malalim. "Fine, just give me extra money for the food." "Here's five hundred." Aniya at inabot sa'kin ang five hundred pesos. Napanganga ako at hindi na nagsalita saka inis na nilagay sa bulsa ko ang pera saka sumakay sa kotse. "Hey, lend me some money." Sabi ko kay Tori na kasama kong maglakad. "Mapapagalitan ako ni tita—" "Oh, come on! Hindi niya naman malalaman! Babayaran kita kapag bumalik na ang allowance ko." Sabi ko at nilahad ang kamay ko. Nag buntong hininga siya at kumuha ng five hundred pesos sa wallet niya. "Pupunta ka ba do'n ngayon?" Tumango ako. "I have a plan." "What is it?" "It's a secret.." Kumindat ako kaya tumigil siya sa paglalakad. "Hey!" Sigaw niya. "Tell me it's not what i think!" Ngumiti ako. "See you tomorrow!" Maaga kaming nakarating sa school nila Tobias, hindi tulad ng dati na pinag uusapan ako. Ngayon ay parang sanay na silang nandito ako, may mga judgemental pa rin but who cares? "Nasa second building si Tobias." Napalingon ako kay Domino na mabilis na naglalakad na sinabi lang 'yon nang mapadaan siya sa'kin. "Thank you!" Sigaw ko kaya lumingon siya ng nakangisi at kumaway para magpaalam. Napailing na lang ako. Nagpunta agad ako sa second building para puntahan si Tobias. Bigla tuloy akong napaisip na memorize ko na pala ang school na 'to. Dumiretso agad ako sa third floor tapos inisa-isa ko 'yung mga rooms. Nakasalubong ko pa ang mga estudyante na lumabas sa isang room, kaya tinignan ko ang mukha ng bawat isa. "Nasa loob si Tobias." Sabi ng isang estudyante na hindi ko kilala. Tumango ako at naabutan ko si Tobias sa loob, nilalagay ang gamit sa loob ng kanyang bag. Here goes his hair pushed back, bakit ba ayaw niyang gawin lagi 'yan? Gusto kong nakikita na ganito ang buhok niya dahil nakikita ang buo niyang mukha. "Hey!" Bati ko at tumayo sa tabi niya. Hindi siya lumingon, sigurado naman ako na alam niya na agad na ako 'to. Pinanood ko lang siya sa ginagawa niya. Gumilid ako nung dadaan siya tapos sinundan ko siya agad nung lalabas na siya. "Tobias!" Sigaw ko kaya napatigil siya at lumingon. Huminga ako ng malalim, pinlano ko na 'tong nasa isip ko. At kapag pinlano ko ay wala nang atrasan. Tumingkayad ako at pinulupot ang kamay ko sa batok niya. I pressed my lips against his and his entire body suddenly stiffen. Ilang segundo kaming gano'n ang posisyon, narinig kong may dadaan kaya binitawan ko ang batok niya para kumalas pero bigla niyang pinulupot ang kamay niya sa bewang ko. Moving quickly, he pulled me to him—pushing his body into mine. He moved us around and closed the room's door using his other hand, nakita ko pa sa bintana ang dumaan na estudyante sa labas bago niya ako isandal sa likod ng pinto. Hindi ko namalayan na napapikit na ako. They way his lips move over mine is completely instinctual, it is very soft and tender. I felt his hand under my blouse, around my back and i suddenly went blank. A shiver ran down my spine and my hands felt cold, somehow i stopped kissing him back. His kisses moved to my jaw down to my neck, then he unhooked my bra with one hand without me even realizing. I froze and my eyes got widen. "Tobias.." My voice trembled. Parang naging hudyat ang boses ko dahil bigla na lang siyang tumigil sa ginagawa at nag angat ng tingin mula sa leeg ko papunta sa aking mata. He is staring straight into my eyes as he bit his lower lip and i felt his hands still moving around my back. "Sa susunod.." He said as he rehook my bra back, he removed his hand under my blouse and fixed it for me. "Wag kang gagawa ng mga bagay na hindi mo kayang panagutan." Hindi ako nakasagot. I can't even feel my face and my heart's throbbing very hard. Kinapa ko ang laylayan ng skirt ko at hinawakan ito ng mahigpit habang pinapanood siyang may kinukuha sa kanyang bulsa. Nilabas niya ang itim na panyo, tinupi niya ito ng maliit at binalik ang tingin sa'kin kaya lalong humigpit ang hawak ko sa skirt ko. He held my jaw. Nagulat ako nang punasan niya ng panyo ang gilid ng labi ko, probably removing the red lipstick that scattered while we're kissing. "I-i can do it on my own..." Mahinang sabi ko kaya saglit siyang napatigil pero itinuloy niya ulit ang ginagawa, pagtapos ay nilagay niya sa palad ko ang panyo. Tinuro niya ang labi niya. "Burahin mo rin 'yung sa'kin." "What?" Galit ang tono ng boses ko pero nanginginig ito. He tsked. Ginamit niya ang likod ng palad niya para punasan ang labi pero mas kumalat ang red lipstick ko na kumalat sa labi niya. Huminga ako ng malalim. "Ako na nga!" Pinunasan ko ang labi niya gamit ang panyo habang nakatingin siya ng diretso sa'kin, diniinan ko ang pag pupunas kaya kumunot ang noo niya. "Aray." Reklamo niya. Magsasalita na sana ako pero biglang bumukas 'yung pinto kaya muntik na ko maipit kung hindi lang pinigilan ni Tobias ang pinto. Sumilip ang isang estudyante at nagulat nang makita ang mukha ni Tobias. Hindi ko alam kung takot lang siya o nagulat lang siya sa nagkalat na red lipstick sa bibig ni Tobias. "A-ay, sorry!" Sambit nito at agad na umalis. Lumingon sa'kin saglit si Tobias saka pinunasan ang labi niya gamit ang kanyang thumb at lumabas na rin agad, hindi pa agad ako nakagalaw at humawak muna sa dibdib ko habang humihinga ng malalim. Inayos ko ang buhok ko at lumabas na rin, nakita ko na lang sa hallway ang likod niya. Kinagat ko ang aking labi. "Hey! I'll be back tomorrow!" Tumigil siya sa paglalakad at lumingon kaya ngumiti ako at kumaway. Napahinga ako ng malalim nang tumalikod ulit siya, pinagmasdan ko ang dalawa kong kamay. They're still trembling so damn hard.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD