kabanata 20

1104 Words
XI. Friday na, balak kong magpunta ngayon sa school nila Tobias pero pakiramdam ko ay tinatamad ako. Wala akong gagawin ngayong araw, kaya malapit na kong makumbinsi na magpunta na lang sa isang party. The party last time was a success, hindi nahuli ni mommy ang pagtakas ko. Kaya naman lumalakas ang loob ko na tumakas na naman tonight. "Tagal mo nang hindi nakakapunta, paano mo siya mapipilit niyan?" Tanong ni Cade. "I don't know, nakakatamad siyang makita ngayon.." Mahinang sagot ko. She chuckled. "Ano bang nangyari?" "What? Saan?" Umiling siya at tumawa. Bumulong siya kay Nigel na umiinom tapos sabay silang tumingin sa'kin. "What?!" Galit na tanong ko. "You're weird." Iiling-iling na sabi ni Cade kaya umirap ako. "Bakit tinatamad ka? Samahan kita gusto mo? I have my car.." Ani Tori kaya nagpangalumbaba ako at ngumuso. "But..." "But?" Umiling ako. "Fine, punta tayo pero saglit lang." So, nandito na nga kami sa parking lot. Nakasakay ako sa kotse ni Tori na ako ang magmamaneho, tulad ng nakasanayan ay dumaan kami sa isang drive thru para bumili ng kakainin. "Ang dami mong in-order.." Nagtatakang sabi ni Tori. "For the school guard, he's a friend." Tumawa siya. "Really?" "I'm a friendly woman you know!" "Yeah, you are." She said in a sarcastic tone. Traffic ngayon. Nakatulog si Tori sa byahe kaya boring na boring ako, at kapag naboboring ako ay napapaisip ako. Tapos naiisip ko pa na hihintayin ko pa si Tobias pagkarating namin doon kaya nag iinit na naman ang ulo ko. "Wala pa ba?" Inaantok na tanong ni Tori at inayos ang buhok. "Malapit na, don't worry." Dumating kami sa school na hapon na. Bago bumaba ay nag retouch muna ako at naglagay ng red lipstick. "Oh, the uniforms are cute!" Ani Tori na nakasilip sa bintana habang inaayos ang bun ng kanyang buhok. Kinuha ko ang food para roon sa school guard at bumaba ng kotse kaya sumunod agad si Tori. "Uy, ma'am. Ngayon na lang ulit kayo nagpunta!" Bati niya nang lumapit ako bago lingunin si Tori na nginitian siya. "For you, manong." Inabot ko sa kanya ang foods kaya gulat na tinanggap niya ito. "Salamat po, ma'am." "Nandyan na ba si Tobias?" "Wala pa, ma'am." Tumayo siya at nilabas ulit ang upuan niya. "Upo ka po muna dito.." "Thank you." Lumingon ako kay Tori at siya ang pinaupo. Nakatayo ako sa tabi niya at nakasandal sa dingding. "Hey! Hey! Hey!" Mabilis kong nilapitan si Domino at ang isa pang kaibigan ni Tobias na pumapasok na ng school. "Oh!" Bati ni Domino at nilingon si Tori na nakaupo pa rin habang umiinom sa iced coffee niya. "Nasaan si Tobias?" Tanong ko kaya ngumisi 'yung isa na hindi ko pa alam ang name. "Anong pangalan mo?" Tanong ko kaya tinuro niya ang sarili niya na parang nagtataka kaya tumango ako. He licked his lower lip. "Joaquin." "I'm Kari.." Pakilala ko at tinuro si Tori. "She's Tori, pinsan ko.." Nahihiyang kumaway si Tori. "Hi." Tinanguan siya no'ng dalawa at binalik ang tingin sa'kin. "Nasa loob na si Tobias, maaga ang pasok niya ngayon." Nanlaki ang mata ko. "Really?" "Sumama ka na sa'min kung gusto mo siyang makita." Tumango ako at hinila si Tori, sumama na kami doon sa dalawa at nararamdaman ko na naman kung paano kami pagtinginan. Bukod sa iba ang uniform namin ni Tori ay kasama pa namin sila Domino. I don't know, but i'm sure na kilala sila sa school na 'to. Pinanood ko si Joaquin at Tori na nag uusap sa harapan namin habang naglalakad kami, binaling ko ang tingin kay Domino na tumitingin sa kanyang wrist watch. "May girlfriend ba si Tobias?" Tanong ko. Napalingon siya sa'kin at natawa ng mahina bago umiling. "Wala." "Sigurado ka?" Paninigurado ko kaya tumango siya. So, wala lang pala ang babae na nakita ko nung gabi na iyon. Ngumiti ako. Okay, fine. Tumigil kami sa iba sa building na una kong pinuntahan noon, medyo nasa dulo na ng school ito. "Nandiyan siya ngayon, maliit lang naman ang building na 'yan kaya makikita niyo agad siya." Sabi ni Joaquin. Tumango ako. "Thank you." "Sige, mauna na kami." Paalam ni Domino. "Master!" Tawag ni Joaquin sa isang babaeng mag isang naglalakad at saka sila nag jog ni Domino para habulin iyon. Pumasok na kami ni Tori sa building na 'to. Hindi tulad ng iba ay halos walang tao dito, may naririnig lang kaming boses galing sa mga rooms. "Sabi ni Joaquin ay nasa second floor daw." Ani Tori at uminom ulit sa hawak niya. Hinila ko siya sa taas. Dito talaga ay wala akong naririnig, naglakad kami sa hallway habang sinisilip ko ang mga rooms. Meron pang isang room na may nagkaklase pero mukhang nagte-take sila ng exam kaya walang nagsasalita. Nakasilip ako sa bintana, inisa-isa ko ang mukha ng mga lalake sa loob samantalang si Tori ay nauuna na. "Uh, Kari..." Mahinang tawag ni Tori kaya napalingon ako sa kanya, nakangiwi na tinuro niya ang room sa tapat niya kaya nagmamadali akong lumapit. Nasa pinto pa lang ako ay nakita ko na si Tobias. May apat na iba pang estudyante na magkakahiwalay ang upuan na may mga kanya-kanyang ginagawa. Nakasandal siya sa white board at hawak ang makapal na papel, nahaharangan ng nakabagsak niyang buhok ang kanyang mata. Kumunot ang noo ko. Why does he wear his hair like that? His hair looks sexy pushed back. I cleared my throat. "Tobias..." Agad siyang napalingon nang tawagin ko siya, pati ang mga ibang nasa room ay napalingon din at salitan ang tingin sa'min. Hindi siya sumagot kaya pumasok ako sa loob. Nakadiretso lang ang tingin niya sa'kin habang palapit ako, nang nasa tapat niya na ako ay hinawakan ko siya sa kaliwang pisngi at ngumiti ng matamis. "Is it okay for you to be my boyfriend?" Narinig ko ang nabulunan na si Tori at ang sari-saring reaksyon ng mga nasa loob. Habang ako ay hindi mapakali, nakatingin lang si Tobias sa'kin at hindi nag bago ang reaksyon kahit na tinanong ko pa 'yon. Ang hirap niyang hingian ng reaksyon! Nag iwas siya ng tingin at nilingon ang mga kasama niya sa room habang tinataas ang hawak niyang papel. "Kapag tapos na kayo hanapin niyo na lang ako." Aniya at nilagpasan ako. Napanganga ako at hindi makagalaw. Sinundan ko siya ng tingin at binati pa siya ni Tori nang magkasalubong sila na tinanguan niya bago umalis. Hinila ako ni Tori palabas ng room kaya nagpadala na lang ako. "What just happened?" Wala sa sarili na tanong ko. Ngumiwi si Tori. "Nabasted ka, Kari..." Kinagat ko ang aking labi at pumikit dahil sa inis. Damn it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD