Ilang araw na iniwasan ni Kalista si Alasdair. In the training ground, when he was there watching them, she would always feel his eyes on her.
After every training, she would instantly leave. When the air became thick, she could tell that he was near.
“Gaios,” wala sa sarili na sambit niya habang pinapanood ang ginagawa nitong pagkadena sa paa niya.
Isang oras bago ang full moon, lahat ng miyembro ng Basileio puwera kay Gaios ay ikukulong. Tulad ng nakasanayan noong buhay pa si Lionel.
Tumigil ang nobyo sa ginagawa at hinawakan siya sa mukha. “Are you afraid?”
“Yes,” sagot niya. “Natatakot ako na baka may mangyari na naman ngayong gabi.”
Nagbuntong-hininga ito. “I will be guarding this underground, I will not leave.”
“Pero, paano ka? Baka kung ano ang gawin sayo ni—”
“Walang mangyayari,” paninigurado nito. “I promise.”
“Gaios, do not try to fight him,” sabi niya. “Please, ayokong mangyari sayo ang nangyari kay Lionel.”
Tumango ito at tinuloy ang ginagawa. Ang damit niya na gagamitin niya pagkagising niya ay nandoon na rin.
Hinalikan siya ni Gaios sa labi bago ito nagpaalam sa kanya, pinanood niya itong ni-locked ang makapal na bakal na gate ng kulungan niya.
Huminga siya ng malalim. She felt nervous, it is not because of her transforming as a werewolf. It is because something might happen while they were unconscious.
Paano kung may mangyari kay Gaios? Mag-isa lang ito.
Kalista was nervous the whole time. And when the full moon rises over the Basileio, every single one of them transforms. After minutes of felt like hours, the werewolves of Basileio’s howl’s soared all night.
Only Gaios, who has his consciousness, was guarding the entrance of the underground the whole night.
Nagising si Kalista kinabukasan ng walang saplot, agad niyang dinampot ang kanyang mga damit para isuot. Kinapa niya ang susi na nakalagay sa bulsa nito, tinanggal niya ang kadena niya at binuksan ang gate.
Paglabas niya ay napansin niya na ang ibang gate ay nakabukas na, wala na rin ang mga damit. Ang iba naman ay natutulog pa at nakahubad.
Lahat ay normal, dahil doon ay nakahinga siya ng maluwang.
Inayos niya ang kanyang sarili at umakyat. Napatigil siya at mabilis namilog ang mata nang makita na may mga bangkay na nakahandusay, nanginginig na nilibot niya ang tingin sa paligid.
Hindi niya alam kung sino ang mga nakahiga, sa hindi kalayuan ay nakita niya si Gaios na nakatayo, kausap sina Jaime.
“G-gaios!” sigaw niya.
Mabilis na lumingon iyon sa kanya at agad siyang lumapit, hindi niya alam kung bakit sobra siyang nanginginig.
“A-anong nangyari?” tanong niya.
Hinawakan siya nito para pakalmahin. “Don’t worry, they are not from Basileio.”
“What do you mean?” Kumunot ang noo niya at pinagmasdan ang mga bangkay, hindi niya nga kilala ang mga iyon!
“They were from the other clan,” he said. “They learned that Lionel was dead, so they planned and attacked us last night.”
Napatakip siya sa bibig. “Are you okay? Wala bang nasaktan na isa sa’tin?”
“To be honest, I barely fought,” he smiled bitterly. “Alasdair was here, and he wiped all of them in seconds.”
Nilibot niya ang tingin sa paligid, kung hindi siya nagkakamali ay halos nasa trenta ang mga bangkay na nandito ngayon. And Alasdair wiped them in just seconds?
Was he also here last night to guard over the Basileio?
Huminga siya ng malalim at tumango, nilapitan niya ang bangkay na malapit sa kanya. Butas ang dibdib nito at putol ang kaliwang binti.
It was so brutal that she couldn’t stare at it for too long.
“Saan sila nanggaling?” tanong niya kay Gaios na nakatayo sa likod niya.
“Sa Okami.”
Mabilis siyang napalingon. “Diba’t kakilala ninyo ni Lionel ang alpha nila?”
Tumango ito. “He was a close friend. Pero wala siya rito kagabi, kaya hindi ako sigurado kung inutos niya ba talaga ito.”
“Pero paanong nangyari iyon? Ang lahat ng bangkay na nandito, alam nila ang lahat ng ginagawa nila kagabi? Bakit hindi sila mga nakakulong tulad namin?”
“I. . don’t know,” sagot nito at nag-iwas ng tingin.
Kumunot ang noo niya dahil sa ikinilos nito. Bakit parang may mali? Bakit pakiramdam niya’y may itinatago ito sa kanya?
Hindi na siya nagsalita. Iniisip niya kung bakit bigla na lang may sumugod sa Basileio. Siguro ay dahil alam ng mga ito kung gaano kalakas si Alasdair.
Nagtataka rin siya dahil kung pinlano ang pagsugod na iyon, ibig sabihin ay alam ng mga ito ang ginagawa nila kagabi, tulad na lang ni Gaios.
Is it possible for a whole pack? And what is their reason? Balak na ba silang pagkaisahan ng ibang pack dahil wala na si Lionel?
“Everyone,” said Gaios. “Let us throw these bodies somewhere, we would not bury an enemies’ body to the land of Basileio.”
Nagsimulang gumalaw ang lahat, si Nuqui ay nakita niya rin sa hindi kalayuan. Isa-isa nilang binuhat ang mga bangkay at dinala sa malayo.
“Kali.” Nilingon niya si Petra nang tawagin siya nito, kagagaling lang nito sa underground. Nagtataka ito sa nakikita. “Ano na naman ang nangyari?”
“Sinugod kagabi ang Basileio.”
Nanlaki ang mata nito. “Si Gaios ang tumalo sa mga ito?”
Umiling siya. “Lumaban si Gaios, pero sinabi niya na halos si Alasdair ang umubos ng lahat.”
“Sobrang lakas niya talaga,” sambit nito.
Hindi siya kumibo. Hindi niya rin naman maitatanggi iyon, unang-una pa lang ay alam niya na ‘yon. Kung babantayan sila ni Alasdair tuwing full moon ay hindi na nila kailangan matakot, pero hindi pa rin mawawala ang katotohanan na ito rin ang tumapos sa buhay ng iba nilang kasamahan.
“Kali, kamusta na ang misyon mo?” bulong nito.
Napayuko siya. Naalala niya ang nangyari nang magpunta siya sa bahay nito. Sa totoo lang, ang dahilan kung bakit niya nilalayuan ito ay dahil natatakot siya.
Ayaw niya man aminin sa sarili, ngunit mukhang tama ang sinasabi ng ilan sa kanila na interesado sa kanya si Alasdair. Nakita niya ang itsura nito nang makita ang marka ni Gaios sa leeg niya.
He wanted her body, and she’s scared of the fact that she might give in. He was right, she was afraid of temptation.
Gusto niyang sampalin ang sarili, hindi siya dapat magpadala sa mga sinasabi at ginagawa nito. He murdered her family, her friends.
Walang naganap na training ngayong araw. Lahat ay nagpapahinga dahil sa dumaan na full moon.
Nakaupo siya ngayon sa labas ng kanilang bahay, sa hindi kalayuan ay may bonfire. Nakapalibot doon ang ilan sa mga kasamahan nila, ang iba ay mga nasa kani-kanilang bahay.
Isa sa mga nandoon ay si Gaios, kausap nito sina Marcus. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila, maya-maya ay biglang lumingon sa kanya si Gaios.
Ngumiti siya ngunit nanatiling seryoso ang mukha nito, mukhang iritado ito sa pinag-uusapan nila. Hindi niya maiwasan magtaka kung ano iyon, kapag nakapag-usap sila ay hindi niya kakalimutan na itanong iyon.
Tumayo siya, balak niyang maligo sa batis. Siguro naman ay wala si Alasdair doon ngayon? Parang malabo naman na tuwing nandoon siya ay nandoon din ito, at saka kanina pa ito wala. Hindi ito nagpakita sa kanila.
Pagkarating niya sa batis ay agad niyang hinubad ang kanyang damit. Dati, tuwing natatapos ang full moon ay naliligo siya ro’n kasama ang kanyang ina. Minsan ay kasabay din nila ang nakababatang kambal na kapatid.
Bigla siyang nakaramdam ng lungkot nang maalala ang mga kapatid niya. Noong nakaraan ay ibinalita ni Jaime na maayos daw ang lagay ng mga ito sa siyudad.
Nagbuntong-hininga siya. Mas ligtas sila sa lugar na iyon, at hinding-hindi siya papayag na malaman ni Alasdair na may mga kasamahan sila na wala sa Basileio, naisip niya tuloy na dalawin ang mga ito kahit saglit.
Kinilabutan siya nang may dumaan na malamig na hangin, mas lalo siyang lumubog sa tubig. Umupo siya sa may bato sa ilalim kaya’t umabot ang tubig hanggang sa ilalim ng kanyang panga.
Pumikit siya at agad na napadilat ulit, bumaling siya sa pwesto kung saan nakita niya si Alasdair ng gabi na iyon.
She couldn’t help but imagine it, and she felt her whole body heated up.
“Sh¡t,” sambit niya. “I must be crazy.”
Umahon siya at kinuha ang kanyang mga damit, mabilis na nagbihis, ni hindi na niya pinatuyo ang katawan.
“Kali.” Lumapit agad sa kanya si Gaios pagkabalik niya, halatang hinihintay siya nito. “Saan ka nanggaling?”
“Bakit may nangyari ba?” Nagtataka niyang tanong.
“Saan ka nanggaling?” pag-uulit nito.
Kumunot ang noo niya. “Sa batis.”
Natigilan ito kaya bigla siyang nakaramdam ng kaba, pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa. Halatang may iniisip ito.
“B-bakit, Gaios?” tanong niya. “May problema ba?”
Ilang segundo pa itong hindi kumibo bago umiling. “Wala, magpalit ka muna ng damit. Mag-usap tayo pagkatapos mo.”
Tinalikuran na siya nito kaya hindi na siya nakasagot. Agad siyang pumasok sa loob ng bahay at nagpalit, nagmadali siya dahil kinakabahan siya sa sasabihin ni Gaios.
Lalabas na sana siya pero biglang may pumasok, si Gaios iyon. Agad siyang lumapit at hinawakan ito sa kamay.
“Ano ang sasabihin mo?” usisa niya. “Kinakabahan ako sa iyo.”
Nagbuntong-hininga ito. “Kali, ‘wag mo munang ituloy ang misyon mo kay Alasdair.”
“Bakit?”
“I am just worried,” he said, his jaw clenched. “Mating season is coming soon.”
Kumunot ang noo niya. “Mating season? What is that? Do werewolves have that?”
Tumango ito. “Mating season is a cycle of heat. Every werewolves will have a strong desire to mate, and this only occurs once a year, usually during the rainy season.”
Napasinghap siya. It’s almost the rainy season. Is this the reason why she kept on thinking about what happened that night?
“W-why don’t I know about this?”
“Naiintindihan ko na wala kang alam tungkol dito,” panimula nito. “Dahil pinakiusapan ko si Lionel na ‘wag sabihin sayo.”
Tumaas ang kilay niya. “Bakit?”
“Do you remember those times when Lionel had a lot of visitors coming?” tanong niya kaya tumango siya. Natatandaan niya iyon. “It is because of you.”
“Because of me? Why me?”
“They wanted to own you, Kali. Some were offering us lands, a lot of money, even underlings, just to buy you.”
Napatakip siya sa kanyang bibig dahil sa gulat. Wala siyang kaalam-alam doon, wala siyang ideya na ‘yung mga nakikita niya dati na bumibisita sa Basileio ay siya pala ang pakay.
Pero, hindi niya maintindihan. Sino ba siya para paglaanan ng oras ng mga ito?
“I don’t understand,” she uttered. “I am not special, why would they—”
“Do you really have no idea what power you hold over men?” he asked, reaching for her face then he kissed her. “Kali, I am mad at myself.”
“W-why?”
“If only I am stronger, you would not need to approach Alasdair,” his voice was low.
“Gaios, kailangan kong gawin iyon—”
“I know, I know,” he nodded. “But I want you to postpone it for a while, stay away from him for now.”
Hindi siya nakasagot kaya nagsalita ulit ito. “He, even I, will have a strong desire to mate some time around. Paano kung may gawin siya sayo, at paano kung pati ikaw ay—”
“Paano kung hindi ko rin mapigilan ang sarili ko?” tanong niya.
His eyes looked guilty when he nodded. “I trust you, Kali. I really do. That’s why I allowed you to do this fuçking mission, but it is mating season, we couldn’t prevent it.”
Hindi nagsalita si Kali at pinagmasdan lamang si Gaios. Naiintindihan niya ang gustong sabihin nito. Naiintindihan niya dahil nitong mga nakaraang araw ay palagi niya rin naiisip si Alasdair, ang nangyari sa batis, ang nangyari sa bahay nito.
She always remembers the moments of him touching her, and it always has an effect on her. She couldn’t help but think of what would happen if she didn’t resist? Would they really do it? How far would they go?
Even now, just thinking about it. She felt something inside her.
Napatayo siya at tinalikuran si Gaios. How could she imagine doing it with another man, just in front of her lover? Just what had she become?
Nanatili si Gaios sa bahay niya hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog siya. Nagising na lang siya kinabukasan, naririnig ang mga mahihinang pagpatak ng ulan. Malamig na nga talaga ang panahon.
Pagkalabas niya ay nakita niya ang lahat na inaayos ang mga sari-sariling bubong. Ngumiti siya nang makita niyang lumalapit sa kanya si Petra, sumilong ito sa tabi niya.
“Walang training dahil umuulan,” sabi nito.
Lumingon siya at nagdalawang isip kung magtatanong ba siya. “Nagpakita. . ba si Alasdair?”
“Ngayon?” tanong nito. “Hindi. Pero kagabi ay nagulat kami nang dumating siya.”
Nagulat siya, hindi sinabi sa kanya ni Gaios iyon. “Mga anong oras iyon?”
“Sa pagkakaalala ko ay kakalubog lang ng araw no’n.”
Iyon ang mga oras na nasa batis pa siya at naliligo, halos isang oras din kasi siyang lumubog doon.
“Did he say something important?”
Naningkit ang mata nito habang nag-iisip, maya-maya ay mabagal na umiling.
“Sinabi niya lang na simula ngayon ay wala nang pwedeng magpunta sa batis,” sabi nito at suminghap. “At alam mo pa ang sabi? He will kill anyone that would dare to step foot in there.”
“Ano raw ang dahilan?”
Nagkibit-balikat ito. “Hindi niya sinabi.”
Hindi maiwasang mapanguso ni Kalista. Siguro ay gusto na nitong angkinin ang batis, lalo na’t lagi siyang nagpupunta ro’n. Nagalit ba ito nang magkita sila ro’n?
Hindi niya alam ngunit naiinis siya.