Maagang nagising si Kali ngayon. Tatlong araw na lang kasi ay full moon na naman kaya’t naghahanda sila para ro’n.
Hawak ang isang walis ay bumaba si Kali sa underground, kasunod si Petra sa likod niya na naatasan din na maglinis.
“Nakakapanibago, hindi naka-tirintas ang buhok mo ngayon,” puna nito.
Natigilan siya at inayos ang kanyang hanggang bewang na buhok. “Nagmamadali kasi ako kanina kaya hindi ko na nagawa. .”
“Talaga? May pantali ako rito, gusto mo ipitan ko? Para hindi makasagabal sayo—”
“Hindi, ayos lang,” pagputol niya sa sinasabi nito.
Kaya lang naman niya hindi tinirintas ang kanyang buhok ay dahil kapag ginawa niya iyon ay makikita ang marka na ginawa ni Gaios sa kanya. Ayaw niyang makita ito ng iba, pero wala siyang nagawa dahil naiintindihan niya ang binata.
Dahil sa misyon na binigay sa kanya na kailangan niyang palapitin ang loob ni Alasdair.
Napabuntong-hininga siya at inis na hinawi ang buhok niya. Paano niya gagawin ‘yon?
“Bakit? Parang ang laki ng problema mo a?” Natatawang sabi ni Petra.
Pinagmasdan niya ang kaibigan saglit. Tapos ay nilibot niya ang tingin sa underground kung may ibang nandoon, nang makitang wala ay bumulong siya kay Petra.
“‘Wag mong ipagsasabi ito,” panimula niya. “May kailangan akong gawin na mahalaga. .”
Kumunot ang noo nito. “Ano naman iyon?”
“Petra, I need to get close to that beast,” aniya kaya’t nanlaki ang mata nito pero sinenyasan niya na ‘wag maingay. “We have a dagger that could be used against him, but he could only be killed if the one that pierced him with it is the one he loves.”
Napatakip sa bibig ang kaibigan. “At ikaw ang inatasan nila na gawin iyon?”
“Walang ibang makakagawa nito. Ako, kahit papaano ay kaya kong protektahan ang sarili ko. Mas maigi nang ako ang gumawa nito, kaysa ang iba na walang alam sa pakikipaglaban.”
“Pero. .” Pinagmasdan siyang maigi nito. “Paano si Gaios? Anong reaksyon niya? Pumayag din siya?”
“Petra. .”
“Kali, alam kong may relasyon kayo! Lagi kitang kasama kaya’t napapansin ko,” sabi nito at ngumiti. “Hindi lang ako nagsasalita.”
Napabuntong-hininga siya at sumusukong tumango. “He was against it, pero napapayag ko siya.”
“Hindi ako makapaniwala na— sh¡t!” Napatakip sa bibig si Petra nang ipakita niya ang leeg niya na may marka ni Gaios.
“He marked me,” sagot niya at huminga ng malalim. “Naiintindihan ko siya, alam kong masasaktan siya dahil kailangan kong lumapit kay Alasdair.”
“May. . nangyari ba sa inyo?”
Mabilis siyang umiling at nag init agad ang buong mukha. “Wala, hindi pa ako handa sa gano’n.”
“Ang ibig sabihin ay hindi pa permanente iyan at mawawala ulit sa loob ng isang buwan.”
A mark that Gaios did to her was not permanent, he must need to redo it every month because they didn’t mate right after. Ngunit kahit ganoon ay hindi pa rin ito matatanggal basta-basta ng iba. Another werewolf must need to bite over it and then mate with her right after. Kung walang mangyayari sa kanila ay hindi mapapalitan ang marka.
Tumango siya. “It’s not important right now, I just wanted Gaios to trust me.”
“Tama ka riyan.” Ngumiti ito. “Sigurado ka bang magiging ligtas ka sa misyon mo na ‘to?”
“I have to try,” sabi niya at kinapa ang kanyang bulsa. Nilabas ang maliit na bote na binigay sa kanya no’ng witch. “The witch said that this can slowly reduce his strength, I just need to put this on his drinks or food.”
“Kung gano’n, magkakaroon na tayo ng laban sa kanya!”
Determinado siyang tumango. “We can beat him, Petra. The beast must die.”
Pagkatapos nilang linisin ni Petra ang underground ay nagtungo sila sa training ground. Akala ni Kali ay nandoon si Alasdair ngunit wala ito, si Gaios at Nuqui ay nakatayo sa unahan. Sila ang nagtuturo.
“Pwede bang ‘wag muna ako sumama?” Sumimangot si Petra. “Napagod akong maglinis, wala naman si Alasdair e.”
Tumawa si Kali. “Sige, ako na lang ang magsasabi kay Gaios mamaya.”
“Yes!” Tuwang-tuwa na sabi nito at nilibot ang tingin sa mga nag-eensayo. “Maiinggit na naman sa’kin sina Winona niyan.”
Lumingon si Kali. “Galit ba sa’kin si Winona?”
Nawala ang ngiti ni Petra. Bumaling ito sa kanya at pagkatapos ay nag-iwas ng tingin, parang nag-iisip. Maya-maya ay nagbuntong-hininga ito.
“Kali, alam mo ba ang nangyari bago pinaglaban ni Alasdair sina Winona at Sonia?”
Kumunot ang noo niya. “Bakit?”
“Nandoon ako no’ng nangyari iyon. .” Tumingin pa ito sa langit na parang nag-iisip.
Noong araw na iyon ay tahimik na nakaupo lang si Petra sa gilid ng training ground, wala siyang makausap dahil wala si Kali. At pakiramdam niya’y lumalayo na ang loob sa kanya ni Winona.
“Kaninang umaga sila umalis.”
“Oo nga, at itong si Kali na akala mo’y angat sa lahat ay sumama pa. .”
Kumunot ang noo niya dahil sa narinig niya sa pag-uusap nina Winona at Sonia, pinasingkit niya ang mata niya at nakinig ng mas mabuti ngunit hindi siya lumingon.
“Naiinis na nga ako sa babaeng ‘yon e, akala niya yata ay interesado sa kanya si Alasdair,” ani Sonia.
“Alam mo naman, pakiramdam niya’y lahat may gusto sa kanya!” Inis ang boses ni Winona. “Nakakabwisit isipin! Sana nga ay hindi na ‘yon bumalik!”
Tumawa si Sonia. “Galit na galit ka sa kanya, no?”
“Bakit ikaw hindi ba?” balik na tanong ni Winona. “Kung ako si Alasdair, sigurado ay pinatay ko na siya una pa lang.”
Binalot ng inis ang dibdib niya. Nakakunot ang noo na nilingon niya ang dalawa para pagsabihan ngunit bigla niyang naramdaman ang pagbigat ng hangin sa paligid nila.
Their alpha’s here.
Umayos silang lahat sa training ground, hindi siya nag-aangat ng tingin dahil ayaw niya na makatinginan ito. Natatakot siya na baka siya ang mapagdiskitahan nito ngayong araw.
Tahimik silang nag-ensayo, si Nuqui ang nagtuturo. Samantalang si Alasdair ay nakaupo lang sa kanyang upuan sa taas ng bato.
Hindi niya maintindihan kung bakit pinapanood sila nito na mag-ensayo, wala naman itong ginagawa at nakaupo lamang habang nanonood. Siguro ay gusto lang talaga nitong siguraduhin na lahat ay sinusunod ang gusto niyang mangyari.
Napansin din ni Petra na mukhang naging kanang kamay na nito si Nuqui.
“Stop.”
Napatigil silang lahat nang marinig nila ang boses ni Nuqui, nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niya si Alasdair na nakaupo pa rin doon pero nakasenyas ang kamay na tumigil muna sila.
Halos manigas siya sa kinatatayuan niya nang tumingin ito sa gawi nila, napahigpit ang hawak niya sa kanyang damit.
“Nuqui Otsoko,” he said.
Hindi sumagot si Nuqui at tumingin lang, maya-maya ay may tinuro si Alasdair sa gawi nila.
“Bring those insolent women in the middle.”
Nanlaki ang mata ni Petra dahil akala niya ay isa siya sa tinutukoy nito ngunit nilagpasan lamang siya ni Nuqui. Hinawakan nito si Winona at Sonia sa braso at dinala sa gitna ng training ground, hindi naman pumalag ang dalawa dahil sa gulat.
“Fight,” Alasdair said, his voice cold.
Nagkatinginan si Winona at Sonia dahil sa pagtataka. Pero mabilis na umiling ang dalawa.
Alasdair’s eyes darkened but he did not move. “The loser will die today.”
Napatakip sa bibig ang dalawa, maya-maya ay umiyak ang mga ito habang umiiling ng walang tigil.
“H-hindi namin kayang gawin iyon sa isa’t isa,” ani Sonia.
“Well, then. .” he said, his eyes flashed. “Shall I kill you both?”
Hindi makapaniwalang napanganga si Petra. Ilang sandaling katahimikan ang dumaan bago sinuntok ni Winona sa mukha si Sonia kaya’t napaatras ito. Gumanti naman ang isa at tuluyan na nga silang naglaban.
“Siguro ay dalawang oras na silang naglalaban noong dumating kayo. .”
Hindi makapaniwalang napatitig si Kali sa kaibigan dahil sa kwento nito, hindi niya maintindihan kung bakit.
Imposibleng dahil iyon sa may masasamang sinabi tungkol sa kanya nina Winona. Siguro ay mainit lang ang ulo ni Alasdair no’ng araw na iyon at narindi sa pag-uusap no’ng dalawa.
“I don’t understand,” sambit niya.
“Kali, sa tingin ko ay interesado sayo si Alasdair.”
Tumawa siya at mabilis na umiling. “No way.”
“Hindi mo ba napapansin noong una pa lang?”
Hindi siya nakasagot. Naalala niya no’ng unang araw na nagpakilala ito sa Basileio, nagtataka siya kung bakit nalaman nito ang pangalan niya. Matagal na ba siyang kilala nito?
“Kaya rin siguro ikaw ang naatasan nila na lumapit kay Alasdair,” sabi pa ni Petra. “Ilang beses mo nang nagawa na iligtas sina Nuqui sa kanya, pero kahit isang beses ay hindi ka niya sinaktan.”
Umiling siya. “Sa tingin ko ay may kailangan lang siya sa’kin. .”
“Ano naman iyon?”
Naalala niya na naman ang nangyari sa batis, pumikit siya ng mariin at pinilit alisin sa utak niya iyon.
Siguro ay gusto lang nito ang katawan niya, gusto lang nito na gamitin siya tuwing kailangan nito ng magagamit.
She gritted her teeth. “Petra, I will do my best to kill him.”
Hindi niya alam kung posible iyon. How can she make that heartless beast fall in love with her? It’s practically impossible.
Pero gagawin niya ang lahat para maisalba ang Basileio, at mapaghigantihan ang pagkamatay ng mga magulang niya.
Buong araw nag-isip si Kali ng plano na kailangan niyang gawin para malapitan si Alasdair nang hindi ito naghihinala. Kailangan niyang mag-isip ng paraan para mapalapit ito sa kanya at mahulog.
Tumayo siya at pinagmasdan ang kanyang sarili sa salamin. She is aware that there were lots of werewolves there that are interested in her, she is fully aware of it. So, she thinks that her appearance is not that bad.
Ngunit, si Alasdair ba ang tipo na nagkakagusto lamang sa isang babae dahil lang sa maganda ito? Sa tingin niya’y hindi. Ni hindi niya nga alam kung may emosyon pa ba ito.
Naisip niya ang nangyari sa batis. That night, when he was staring at her bare body, his eyes were very intense. She could see the mixture of anger and lust on it, he was not even trying to hide it.
Her face heated up unconsciously. If he wouldn’t be attracted by her beauty, what about her body?
She wondered what would have happened if she did not run that night, if she let him do what he wanted to her. . she couldn’t help but think about it. Parang nararamdaman niya pa rin ang mga kamay nito sa katawan niya.
She felt something in the pit of her stomach, her body tingles. She reached for her neck and felt Gaios’ mark on her, then her eyes widened. Pakiramdam niya ay parang bigla siyang natauhan. Why would she think of that night?
She bit her lip. She felt disgusted with herself.
Kung may iba lang na pwedeng gumawa ng misyon niya ay hindi niya ito gagawin. Ngunit wala siyang naiisip sa buong Basileio kung sino ang pupwede.
Kaunti na lang ang natitira sa kanila, at ang karamihan na namatay ay ang mga kasamahan niya dati sa pag-eensayo.
Sina Winona, sina Sonia, they never trained. Alam niyang ang kailangan lang naman gawin ay paamuhin ang bago nilang alpha, ngunit sa kaso ni Alasdair, sobrang delikado nito.
Huminga siya ng malalim at determinadong tumango habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin.
“You can do it, Kalista,” sambit niya.
Kinabukasan, maagang-maaga ay natagpuan niya na lang ang sarili na nakatayo sa harap ng bahay kung saan tumutuloy si Alasdair.
Nakatayo lang siya ro’n, hindi alam ang gagawin. Kakatok ba siya o hihintayin itong lumabas? Pero mas nakakahiya kung maaabutan siya nito na nakatayo sa labas.
Suminghap siya at kinuyom ang kamao, handa nang kumatok sa pintuan.
“What are you doing here?”
She almost jumped when she heard a voice, then she turned to find Alasdair standing behind her. He was shirtless, sun-kissed and chiseled, sweat glistening over his defined back and biceps.
She panicked for a bit. Ngayong nandito na ito sa harap niya ay hindi na niya alam bigla ang sasabihin, ngunit pagkakataon niya na ito.
Matapang niyang sinalubong ang tingin nito. “Nandito ako para makita. . ka.”
Wala itong naging reaksyon, nanatili lang na nakatingin sa kanya. Napamura siya sa kanyang isip at hindi na niya nakayanan, nag-iwas siya ng tingin.
He took a step closer, and his voice was calm when he asked, “What for?”
“Uh. .”
How come she does not know how to please a man? Even with words. .
Pumikit siya ng mariin. “I couldn’t stop thinking about what happened that night. .”
He raised a dark brow. “What night?”
“Nang gabi na na nasa batis tayong. . dalawa.”
She managed to look at his face again, she stopped herself from gasping. Her eyes widened as he reached for her jaw, his hand was warm. Then she found him smirking, and she quickly averted her eyes.
“Darling,” his voice was a hoarse whisper. “Do not lie in front of me again.”
The word darling slid across her skin and she shivered.
“I am not lying,” giit niya.
Nawala ang kamay nito sa kanyang mukha, nilagpasan siya nito at binuksan ang pinto ng bahay saka pumasok sa loob. Kinagat niya ang kanyang labi at sinundan ito sa loob.
Nilibot niya ang tingin sa paligid, hindi niya ito makita. She stood in the dark as the door closed behind her, mabilis siyang napalingon doon ngunit imbis na pinto ay si Alasdair ang nakita niya.
The air was heavy, charged with an intensity she felt deep in her belly, and thick with his scent.
“Tell me,” he said. “Did you come here to kill me?”
Yes, she wanted to say that. Iyon naman talaga ang kailangan niyang gawin, ngunit hindi pa ngayon.
She did not even bother bringing the dagger with her.
When he lifted his head and stared down at her, she knew she was in trouble. He was beautiful—a work of art, carefully sculpted.
Umatras siya. “I should go.”
Lalagpasan na sana niya ito para magtungo sa pinto ngunit hinarang nito ang braso sa harap niya.
His right hand slid his way on her back, she was frozen for a second. She inhaled sharply and clenched her jaw.
Then he spoke against her ear, his lips brushing feather-light over her skin. “What’s the matter— afraid of temptation?”
Napapikit siya nang gumalaw ang isang kamay nito, akala niya ay hahawakan nito ang kanyang mukha. But he reached for her hair and she tingled when he carefully tucked them behind her ear. Then he pushed the others back.
Napadilat siya ng mata nang maramdaman niyang biglang natigilan ito. When she looked at him, his eyes were dark and angry.
He was staring at her neck, then his jaw clenched. Naramdaman niya na para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang maalala niya ang marka ni Gaios sa kanyang leeg.
Mabilis niyang naitulak si Alasdair at tinakpan iyon gamit ang kanyang kamay. His eyes followed her, there was an anger glint that clouded his eyes.
Nagmamadali siyang tumakbo palabas ng bahay at nagpapasalamat siya na hindi na siya pinigilan nito. At nang makalayo siya ay napatigil siya, hapo ang kanyang dibdib.
She felt, suddenly, that the center of that beast’s attention was a very bad place to be.