kabanata 33

1829 Words
"Ate, magkano ang isang oras?" "Bente." Sagot ko sa isang estudyante na nagtanong, uniporme ng ibang school ang suot nila kaya hindi ko mapagtanto kung college na sila o highschool. "Bente daw, pare." Aniya sa mga kasama niya. "Aabutin ba tayo ng tatlong oras?" "Ano? Bawal ako umagahin!" Apila nung isa sa dalawang babae na maiksi ang buhok. "Edi dapat hindi ka na lang sumama! Alas onse na ah.." "Dapat nga hindi na lang!" Huminga ako ng malalim. "Lalaro ba kayo o hindi?" Tanong ko. Umirap ang isang babae na mahaba ang buhok. "Maglalaro sila, masyado kang mainipin. Nakitang nag uusap.." "Maglalaro ka ba?" Tanong ko sa kanya. "Hindi." Ismid niya. Tumango ako. "Edi wag kang magsalita, wala pala kaming mapapala sayo." "Pfft." Tinakpan ng isang kasama niya ang bibig habang nakatuon ang mata sa'kin. "Ngayon ko lang napansin na maganda pala si ate." Pinalo siya nung babaeng nagtataray. "Magbayad na nga kayo! Nagsasayang tayo ng oras dito." Nagbayad ang limang lalake sa kanila para sa tatlong oras. Pinwesto ko sila sa magkakatabing bakante sa malapit sa pinto. Binaling ko ang tingin sa dalawang babae. "Yung mga tatambay lang, doon kayo sa mahabang upuan sa gilid." "Ay! Bawal kami tumabi sa kanila habang naglalaro sila?" Tanong nung maiksi ang buhok. "Makakasikip kayo para sa ibang tao kapag naglagay ng upuan doon." Nilingon ko ang isang babae na nakabusangot agad ang mukha. "Pwede naman tumayo kung hindi ka maarte.." "Sige! Tatayo na lang kami para mapanood namin sila.." Sagot nung maiksi ang buhok. Umismid ang isa na mahaba ang buhok at nagpunta sa mga kasama nila. Kumunot ang aking noo. Napaka-arte. Hindi naman kagandahan. Napailing na lang ako at ibinaling ang tingin sa monitor kung saan nakikita ang record ng CCTV. "Ate, pwedeng makuha number mo?" Nag-angat ako ng tingin nang makita ang isang phone sa harap ko. Kumunot ang noo ko nang makita na siya 'yung estudyante kanina na may kasamang mga barkada. "Wala akong phone." Sambit ko at bumalik sa pagbibilang ng pera. Alas-dos na ng madaling araw, kailangan ko ng maghanda dahil uuwi na ako mamayang alas tres. Narinig ko ang pagtawa niya. "Wala? Sinong tao ang walang phone sa panahon ngayon?" Tinignan ko siya sa gilid ng aking mata. "Ako." "Grabe naman! Imposibleng wala, number lang naman. Walang mawawala?" Magiliw na sabi niya. "Hay nako! Tigilan mo nga 'yan, ano bang ginagawa mo?" Narinig ko na naman ang iritadong boses nung mahaba ang buhok. Tinignan ko siya. "Umuwi ka na, walang nagmamahal sayo dito. Baka sa bahay niyo ay meron." "Aba't!" Nanlaki ang kanyang mata at nagtangkang lalapitan ako pero pinigilan siya ng mga kasama niya. Napailing na lang ako at ibinalik ang tingin sa binibilang kong pera, marami-rami akong binibilang ngayon. Sikat talaga ang internet cafe na ito. "Three thousand four hundred—" Natigilan ako nang biglang kumalat ang perang binibilang ko sa sahig dahil may kamay na biglang nagtaob nito. Kinuyom ko ang aking kamao at tinignan ang gumawa nito, lalo nag-init ang ulo ko nang makita na siya 'yung estudyante na nagbasag ng isang monitor dito. Kailan ba ako titigilan ng batang ito? At talagang bumalik pa siya. "Sorry, hindi ko sinasadya.." Pag hingi niya ng tawad at ngumiti. Pumikit ako at huminga ng malalim, konti pa Jack. Konting pasensya pa. Dinampot ko ang pera sa sahig at nararamdaman kong pinapanood niya ako. Nag-tiim ang aking bagang nang tapakan niya ang isang bente. Tumayo ako at nilingon siya. "Anong kailangan mo?" "Yung boyfriend mo, nasaan?" Tanong niya. Ngayon ko nakita ang dalawang malalaking tao na nasa likuran niya, hanggang dibdib lang ako at malalaki ang pangangatawan. Anong balak ng gago na ito? Si Jupiter ba ang tinutukoy niya? Akala niya ba ay uubra kay Jupiter ang dalawa na ito? Ngumiwi ako, kahit magsabay pa sila. "Wala akong panahon sa mga kalokohan mo, pwede bang wag mo na akong guluhin?" Pinilit ko na maging mahinahon ang aking boses kahit sa totoo lang ay gusto ko na siyang iuntog sa kahoy na lamesa rito. Tumaas ang kilay niya. "Hindi pwede, hindi ako makapayag na ginawa sa'kin 'yon. Nalaman ko na kasama siya nung tatlo na nang ano sa'min ng mga kaklase ko. Kahit ilabas mo pa ang apat na iyon, wala akong pakialam." "Gusto mo gumanti?" Tanong ko kaya tumango siya. "Kung gaganti ka, dapat ay mag isa ka lang." Tinuro ko 'yung mga kasama niya. "Pinagmamalaki mo itong mga kasama mo? Kahit ang pinakamahina sa kanilang apat ang ilaban sa dalawang ito ay mananalo pa rin." Totoo ang sinasabi ko. Masyado niya yatang minamaliit sila Tobias, kahit gano'n ang mga iyon ay hindi basta basta ang mga gunggong na iyon. Kahit kailan ay hindi sila umuwing nag susumbong kay Jupiter dahil kayang-kaya nila ang kanilang sarili, sila pa lang ay kinatatakutan na. "Ang dami mong sinasabi!" Galit na ang kanyang boses. "Ilabas mo ang isa sa kanila!" Napalingon na sa'min ang ibang naglalaro dito. Napamura ako sa isip, hindi ba talaga titigil ang isang 'to? Tanggap ko nang mayaman siya pero pucha naman.. "Kapag hindi ka tumigil ay tatawag na ako ng pulis dahil sa pang gugulo niyo." "Pulis? Hindi mo ba ako nakikilala?" Tinuro niya ang kanyang sarili. "Ako ang nag iisang anak ng boss ng Halibut!" Ah.. Halibut. Ang pangatlo sa kinatatakutan na gang sa lugar na 'to. Sa ranking pa lang ay halatang walang wala na ang mga ito kila Jupiter, ang Safari ang number one. Sa pagsasalita niya pa lang ay halatang hindi niya kilala sila Domino bilang miyembro ng Safari. "Wala akong pakialam." Sambit ko. "Makakaalis na kayo.." Kumunot ang kaniyang noo dahil sa inis, hinawakan niya ang braso ko na agad kong tinabig kaya natigilan siya. "Alis." "Tawagin mo ang mga gago na 'yon!" Tinulak niya ako kaya napasandal ako sa dingding, napangiwi ako dahil tumama ang likod ng aking ulo. "Hindi ka ba nakakaramdam? Pinapaalis kita para sa sarili mong kapakanan." Tiniim ko ang aking bagang habang diretso ang tingin sa galit na galit niyang mata. "Wag kang masyadong mayabang dahil lang sa anak ka ng boss ng gang, umasta ka ng ganyan kapag hindi ka na nangangatog sa harap—" Mabilis ko siyang sinapak bilang ganti nang sampalin niya ako ng malakas. Hindi ko na kayang pigilan, sinaktan na ako at hindi ako papayag na maganito lang. Bahala na kung mawalan ako ng trabaho. Humawak siya sa kanyang panga habang nakasandal sa isang upuan. Galit na lumapit siya sa'kin kaya sinipa ko agad ang kanyang sikmura kaya napamura siya ng maraming beses habang nakayuko. Huminga ako ng malalim. Napakayabang pero kahit sa'kin ay hindi masyadong makalaban, kapit lang sa tatay niyang kunsintidor. "Gulpihin niyo ang babaeng iyan!" Sigaw niya sa dalawang kasama niya habang nakahawak sa sikmura. Agad na lumapit sa'kin 'yung dalawa kaya natigilan ako, masyadong malaki ang dalawang ito. Hahawakan sana ako nung isa pero sinipa ko agad siya. Ngumiti siya ng parang walang nangyari, napangiwi ako. Hindi sila basta malaki lang. "Hoy! Walang tatawag ng pulis! Malalagot kayo sa'kin! Anak ako ng boss ng Halibut! Tumigil kayo kung ayaw niyong madamay!" Sigaw nung estudyante sa isang lalake dito na may hawak nang phone. Binalik ko ang tingin sa dalawang malaki na 'to nang hawakan ako ng isa sa braso. Tinignan ko sila ng masama pareho at tinuhod ang pagitan ng hita ng isa kaya nabitawan ako nito at namimilipit na tumalikod. Halos matumba ako nang sampalin ako nang malakas nung isa, nalasahan ko ang dugo sa bibig ko. Umiling-iling ako, nahilo ako dahil sa isang sampal lang? Sobrang lakas niya. Marahas niyang hinawakan ang baba ko gamit ang kaliwang kamay at lumipad sa ere ang kanang kamay niya para sampalin ulit ako. Sinalubong ko ng tingin ito kaya kitang-kita ko ang isa pang kamay na pumigil dito. Halos mapanganga ako nang makita kung sino iyon. "Tama na 'yan." Malamig na sabi nito at tinabig patagilid ang kamay nito. Lumingon siya sa'kin kaya nagtama ang mata namin, anong ginagawa niya dito? "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Sigaw nung estudyante at hinawakan siya sa braso pero tinulak niya lang iyon ng walang kahirap-hirap. Binitawan ako nitong isang malaki na may hawak sa'kin, sinugod niya ng isang suntok si Rigo na nakatayo lang na tinutupi hanggang siko ang manggas ng suot na kulay maroon na longsleeves. Yumuko siya para umilag sa suntok bago tumingin ulit sa'kin, huminga siya ng malalim at binalik ang tingin sa dalawang malaki na nanggugulo. "Doon tayo sa labas." Aniya sa mga ito bago tumalikod para lumabas. Agad na sumunod ang dalawa na galit na galit. Pumikit ako saglit, anong sa tingin niya ang ginagawa niya? Nagkagulo lalo ang mga tao at mabilis na sumunod sa labas, binaling ko ang tingin sa nakakalat na pera dito. Mabilis kong dinampot iyon lahat at pinasok lahat sa bulsa ko, mahirap na. Nagmamadali akong lumabas pagkatapos pero wala akong naabutan na nag aaway. Walang Rigo at dalawang malalaking tao. Tanging 'yung mga nanonood lang. "Nasaan na?" Tanong ko. "Lumayo sila ate, hindi namin alam kung saan nagpunta. Sabi kasi nung lalake na mag isa ay wala daw susunod." Ani isang estudyante na nanghihingi ng number ko kanina. "Tangina! Kakayanin niya ba 'yung dalawa na iyon?" Tanong nung isa pa. "Sa tingin ko ay kakayanin niya, nakita ko 'yung galaw niya. Halatang marunong siyang makipaglaban, nag aaral ng martial arts ang pinsan ko at halos pareho sila ng tindig.." Sabi ng maiksi ang buhok. Narinig ko ang pekeng pag ubo nung mahaba ang buhok habang nakatingin sa'kin. "Boyfriend mo ba 'yung dumating?" "Hindi." Walang ganang sagot ko. "Eh bakit ka pinagtanggol? Kaanu-ano mo?" Usisa niya. Interesado ba siya kay Rigo Ignacio? Hindi ko na siya pinansin. s**t! Hindi ako makaalis, walang magbabantay dito sa internet cafe kaya hindi ko mahanap kung saan nagpunta sila Rigo. Ang tanga ng isang 'yon, sa mga tambay nga lang ay hindi siya makalaban tapos sa dalawa pa na iyon? Hindi siya nag-iisip. "Jack! Ano na naman nangyari?" Nagtatakang tanong ni Bryan na tumakbo pa nang makita na maraming tao dito sa labas ng internet cafe. Hindi ako sumagot, kinuha ko na ang mga pera sa bulsa ko at inabot sa kanya. "Ikaw na magbilang, may pupuntahan ako." Hindi ko na siya hinintay na sumagot at iniwan agad siya. Sinukbit ko sa magkabilang balikat ko ang backpack ko habang lakad takbo na tumitingin sa paligid, bawat bakanteng lote o looban ay tinitignan ko. Tumigil ang paa ko nang makita ang isang katawan na nakahandusay sa kalsada, kalahati ng katawan lang ang naaaninag ko dahil ayun lang ang naiilawan ng ilaw sa poste. Si Rigo ba 'yon? Mabilis akong lumapit pero kumunot ang noo ko nang makita na isa 'to sa dalawang malaki kanina. Nilibot ko ang tingin sa paligid at nakita ang isa pang kasama nito na nakahandusay din sa madilim na parte ng daan. Ang dalawang ito ang nandito, ibig sabihin ay natalo sila ni Rigo? Napailing ako. Imposible. Baka may tumulong sa lalake na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD