Chapter Two

1022 Words
Kagaya ko ay nagmamadali rin ito kaya nang magkabanggaan kami ay malakas akong napaatras sa kaliwa at bumunggo sa pader. Naramdaman ko ang malakas na pagtama ng ulo ko sa semento bago ako tuluyang bumagsak sa sahig. Nabitiwan ko ang lahat ng dala ko at ilang segundo pang natigilan dahil sa panlalabo ng mga mata. "Sa susunod, tumingin ka sa dinadaan mo!" Hindi ako nakatingin sa lalaki, ngunit sa gilid ng mga mata ko, nakita kong dinuduro ako nito bago nagmamadali tumakbo palayo. Wala akong ibang nagawa kundi tahimik na lumuha habang nanginginig ang mga kamay na pinulot ang dala kong bag at mga pinamili. May ilang taong nakakita sa nangyari at dalawang babae ang lumapit sa akin upang tulungan akong makatayo. Nahirapan akong tumindig nang diretso dahil sa labis na panlalambot ng mga tuhod ko. "Diyos ko! Miss, ayos ka lang ba? Dumudugo na iyang noo mo!" Hindi ko na inintindi ang sinabi ng babae. Huminga ako nang malalim bago hinamig ang sarili ko. "S-salamat po... " Walang lakas akong nagpatuloy sa paghakbang at iniwan ang dalawang babaeng halata ang pag-aalalan sa mga mukha. Lakad-takbo ang ginawa ko hanggang sa tuluyan kong marating ang ER. Muling nangilid ang masaganang luha sa magkabila kong pisngi nang makita si Jaysia kasama si Ursula, ang bakla nitong assistant sa parlor na pag-aari niya, habang nakatayo ang mga ito sa labas ng pinto ng emergency room at umiiyak. Lalo akong nabahala nang makita ang maraming natuyong dugo sa kulay abong kamiseta na suot ni Jaysia. Hindi nakayanan ng puso ko ang isiping sa anak ko lahat nanggaling ang mga dugong iyon. "Theo!" napalingon sa akin si Jaysia nang malakas na tawagin ni Ursula ang pangalan ko. Agad nila akong nilapitang dalawa at hinawakan sa braso nang mapansin ang panghihina ko. "Theo, ano'ng nangyari sa iyo? Diyos ko! Bakit dumudugo iyang noo mo? Kailangan mong magamot!" Mabilis na inilabas ni Ursula ang isang bulaklaking panyo sa bulsa niya at agad na pinahiran ang dugong dumadaloy sa gilid ng noo ko. "Ang anak ko? Ano'ng nangyari sa anak ko?" Malalim ang bawat paghingang ginagawa ko. Pakiramdam ko ay papanawan ako ng malay tao sa sobrang emosiyon na nararamdaman. "I'm sorry! Kasalanan ko lahat! Nagkaroon ng away sa loob ng parlor, nawala siya sa paningin ko. Ilang sandali lang ang lumipas, narinig na namin ang pagkakagulo ng mga tao sa labas. Si Dasius, nabundol ng kotse." Tuluyan akong napaupo sa sahig nang marinig ang buong pangyayari. Hindi ko napigilan ang paglabas ng mga hikbi sa bibig ko. Ilang ulit akong umiling. "Kasalanan ko ito. Hindi ko siya nabantayan nang mabuti. Wala ako sa tabi ng anak ko... " Marahas akong umiling. Tila nakabukas na gripo ang pagbuhos ng luha mula sa mga mata ko. "Wala ako sa tabi niya sa oras na kailangan niya ako. Kasalanan ko itong lahat!" Mahigpit akong niyakap ni Jaysia habang umiiyak. Naramdaman ko naman ang pag-alo sa akin sa likod ni Ursula. Kasama ko silang umiyak nang mahigit ilang minuto bago nila ako nagawang pakalmahin nang tuluyan. Makaraan lang ang ilang sandali, bumukas ang pintuan ng emergency room at lumabas ang isang babaeng doctor mula sa loob. "Who's the mother of the child?" Mula sa pagkakaupo sa mahabang upuan, mabilis akong tumayo at lumapit dito. "Ako po! Ako ang ina. Anak ko po ang nasa loob." Paulit-ulit kong hinawakan ang tapat ng dibdib ko na parang sinasabi rito na ako ang hinahanap niya. "Maraming dugo ang nawala sa anak mo. Kailangan natin siyang masalinan agad ng dugo. Ang problema lang, A- ang blood type ng anak mo. At sa kasalukuyan, naghihintay rin ang hospital ng mga blood donations for that type of blood." Tuluyan akong natigilan nang marinig ang mga bagay na sinabi ng doktora. Pakiramdam ko, pinagsakluban ako ng langit at lupa. Bakit ngayon pa? "But we won't be having any problems when you have the same blood type as your child. Are you A-?" Natuon sa akin ang paningin ng lahat. Hindi ko napigilan ang mga luha ko na muling bumagsak. Noon ay napunta na rin kami sa ganitong sitwasiyon. Masuwerte ako dahil nang mga sandaling iyon, may A- blood ang ospital na napuntahan namin. Alam kong darating uli kami sa ganoong sitwasiyon, pero hindi ko nagawang ihanda ang sarili ko sa posibilidad na iyon. Ngayon ay nahihirapan ako nang husto. "Theo?" narinig ko ang mahinang tinig ni Jaysia kasabay nang paghagod nito sa likod ko. Lumuluha akong umiling sa doktora. Sandali itong natigilan at nag-isip, kapagkuwa'y muling tumitig sa akin. "Nasaan ang ama ng bata? Paniguradong A- siya. We need him here." Sa nasabi nito ay muli akong napapikit. Nanginginig ang mga tuhod kong napaupo akong muli sa mahabang upuan. Mariin kong pinikit ang mga mata ko. Anuman ang rason ko noon sa pag-alis, hindi ko na puwedeng isipin iyon ngayon dahil ang buhay na ng anak ko ang nasa piligro. Huminga ako nang malalim at pinalis ang mga luha sa pisngi ko. Nilunok ko ang bara sa lalamunan ko bago muling tumayo at ilang ulit na tumango sa babaeng doktor. Mabilis akong lumabas ng ospital at agad na sumakay sa unang taxing nakita ko. Nagpahatid ako sa branch ng Portugal bank sa Manila. Habang lulan ng sasakyan ay hindi ako mapakali. Gusto kong isipin ang mga salitang dapat sabihin sa kaniya, pero sa tingin ko ay walang tamang mga salita ang puwedeng gamitin. Anuman ang lumabas sa bibig ko, alam kong hindi magiging okay ang sitwasiyon namin. Pero wala akong pakialam, mas mahalaga ang buhay ng anak ko. Dahil sa lalim ng iniisip, kamuntikan pa akong mapaigtad nang biglang tumunog ang aking selpon. Sa isiping baka si Jaysia iyon at maaring may nangyaring hindi maganda, hindi ko na inisip tingnan ang pangalan ng caller at agad itong sinagot. "Hello, Jaysia? B-bakit? May nangyari ba?" mabilis akong napailing sa nasabi. Ilang ulit kong tinapik-tapik ang noo ko at mariing pumikit. "Babe, are you okay? What's the matter?" Bigla akong natigilan at kunot ang noong tinitigan ang pangalan ng caller. Doon ko napagtantong hindi si Jaysia ang tumatawag sa akin kundi si Jafar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD